1
DAILY LESSON LOG
(Pang-araw-araw na
Tala sa Pagtuturo)
Paaralan Baitang/ Antas 10
Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Petsa/Oras Markahan Una
UNANG ARAW
I. Layunin
A. Pamantayang
Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga katangian ng pagpapakatao at pagkatao ng
tao upang makapagpasya at kumilos nang may preperensya sa kabutihan.
B. Pamantayan sa Pagganap
Nailalapat ng mga mag-aaral ang mga tiyak na hakbang upang paunlarin ang mga katangian ng
pagpapakatao.
C. Mga kasanayan sa
Pagkatuto. Isulat ang code
ng bawat kasanayan
1. Natutukoy ang mga katangian ng pagpapakatao. EsP10MP-Ia-1.1
2. Naibabahagi ang mga katangian ng pagpapakatao sa pamamagitan ng malikhaing
pamamaraan.
3. Nakasusulat ng Plano ng Personal na Misyon sa Buhay (PPMB).
II. Nilalaman Modyul 1: Ang Mga Katangian ng Pagpapakatao
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng
Guro
Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 TG p. 1-10
2. Mga Pahina sa
Kagamitang Pang-Mag-
aaral
Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 LM p. 1-20
3. Mga pahina sa Teksbuk
2
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng Learning
Resource
B. Iba pang Kagamitang
Panturo
Panturong Biswal: LCD projector, laptop
pnoytalks.com/2015/06/k-to-12-learning-materials-for-grade-10.html
III. Pamamaraan
A. Balik-Aral sa nakaraang
aralin at pagsisimula ng
bagong aralin.
1. Tumawag ng mag-aaral at pasagutan ang tanong sa ibaba.
Paano makatutulong sa tao ang mga katangian ng pagpapakatao upang magampanan niya
ang kanyang misyon sa buhay tungo sa kanyang kaligayahan?
2. Pasagutan ang Paunang Pagtataya para sa pagsisimula ng aralin. (Gawin sa loob
ng 10 minuto) (Reflective Approach)
Paunang Pagtataya
1. Alin ang hindi tinutukoy ng bahaging “mahirap magpakatao” sa kasabihang “Madaling maging
tao, mahirap magpakatao?
a. Ito ang nagpapabukod-tangi sa tao sa kanyang kapwa-tao
b. Ibang mag-isip o tumugon ang bawat isa sa magkapatid na kambal kung maharap sa
parehong sitwasyon.
c. Nililikha niya sa kanyang sarili ang mga katangiang nagpapabukod-tangi sa kanya habang siya
ay nagkakaedad
d. May kakayahan ang tao na itakda ang kanyang kilos para lamang sa katotohanan at
kabutihan.
2. Alin ang nagpapahayag sa katangian ng tao bilang isang indibidwal?
a. Ang tao ay may matibay na paninindigan, pagpapahalaga at paniniwalang bukod-tangi sa
lahat.
b. Hiwalay ang tao sa ibang tao dahil noong siya ay isinilang, nagsimula na siyang mag-okupa
3
ng espasyong hiwalay sa ibang sanggol.
c. Lahat ng tao ay pantay-pantay kahit magkakaiba ang mga katangian, pangarap at
pagpapahalaga ng bawat isa.
d. Bukod-tangi ang tao at naiiba sa kanyang kapwa dahil siya ang lumikha ng kanyang pagka-
sino.
3. Ano ang kahulugan ng pangungusap? “Ang tao bilang persona ay proseso ng pagpupunyagi
tungo sa pagiging ganap na siya.”
a. Nilikha ng tao ang kanyang pagka-sino sa pamamagitan ng pagsisikap
b. Lahat ng tao ay dumadaan sa proseso ng pag-unlad.
c. Dapat magsikap ang lahat ng tao.
d. Nagiging ganap ang tao dahil sa kanyang pagpupunyagi.
4. Aling yugto ng pagka-sino ng tao ang nagpapakita ng pagkamit ng kanyang kabuuan, kaya hindi
siya naiimpluwensiyahan ng pananaw ng nakararami dahil sa kanyang matibay na
paninindigan?
a. Persona c. Pagme-meron
b. Personalidad d. Indibidwal
5. Alin sa sumusunod ang nagpakita ng katangian ng hindi ganap na personalidad?
a. Nakibahagi si Kesz sa paglutas ng mga suliraning kinakaharap ng kabataan sa buong mundo.
b. Naitaas ni Kap Roger ang antas ng kabuhayan ng kanyang pamilya at kapwa magsasaka.
c. Naging instrument ang mga painting ni Joey Velasco upang imulat sa mga tao ang epekto ng
kahirapan at kawalan ng katarungan sa bansa.
d. Nagpasya si Raffy na magsumite ng proposal tungkol sa Career Guidance upang bigyang-
solusyon ang problema ng job-skills mismatch sa bansa.
6. Ano ang buod ng talata?
May kakayahan ang tao na gawing obheto ang kanyang sarili. Dahil sa kanyang
kakayahang magmuni-muni, alam ng tao na alam niya o hindi niya alam.Nagiging
mundo ang kanyang kapaligiran dahil sa kakayahan niyang pag-isipan ang kanyang
sarili.
4
a. Ang tao ay may kamalayan sa sarili.
b. Alam ng tao sa mundo ang anumang bagay na may kaugnayan sa kanyang sarili.
c. Maraming magagawa ang isip ng tao.
d. Gamit ang pagmumuni-muni, nalalaman ng tao ang mga bagay na hindi niya alam.
7. Anong katangian ng pagpapakatao ang ipinakita ni Buddha sa pangungusap?
a. May kamalayan sa sarili
b. Umiiral na nagmamahal
c. May kakayahang kumuha ng esensiya ng umiiral
d. Tumutugon sa tawag ng paglilingkod.
8. Anong katangian ng pagpapakatao ang ipinamalas ni Mother Theresa sa talata?
Sa kanyang pagninilay, narinig niya ang tawag ng paglilingkod sa labas ng kumbento-
ang tulungan ang mga batang napabayaan, mga taong hindi minahal at may sakit na
hindi inalagaan. Ginamit niya ang kanyang kaalaman sa panggagamot at kakayahan
sa pagtuturo upang tugunan ang pangangailangang pisikal at espiritwal ng mahihirap.
a. May kamalayan sa sarili
b. Umiiral na nagmamahal
c. May kakayahang kumuha ng buod o esensiya ng mga umiiral
d. May pagtanggap sa kanyang mga talento
9. Alin ang dapat paunlarin ng tao upang maisagawa ang kanyang misyon sa buhay na siyang
magiging daan tungo sa kanyang kaligayahan?
a. Mga katangian ng pagpapakatao
b. Mga pangarap at mithiin
c. Mga talento at kakayahan
d. Kasipagan at katapatan
10. Alin ang dapat paunlarin ng tao upang maisagawa ang kanyang misyon sa buhay na siyang
magiging daan tungo sa kanyang kaligayahan?
5
a. Mga katangian ng pagpapakatao
b. Mga pangarap at mithiin
c. Mga talento at kakayahan
d. Kakayahan
B. Paghahabi sa layunin ng
aralin at pagganyak
A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
1. Natutukoy ang mga katangian ng pagpapakatao. EsP10MP-Ia-1.1
2. Naibabahagi ang mga katangian ng pagpapakatao sa pamamagitan ng malikhaing
pamamaraan.
3. Nakasusulat ng Plano ng Personal na Misyon sa Buhay (PPMB).
B. Ipasuri sa mag-aaral ang kasabihang: “Madaling maging tao, ngunit mahirap magpakatao” na
nakasulat sa Manila paper. Tumawag ng ilang mag-aaral upang pasagutan ito. (Gawin sa loob
ng 5 minuto) (Reflective Approach)
C. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong
aralin
1. Pangkatin ang klase sa tatlong grupo. Magkaroon ng brainstorming. Punan ng bawat pangkat
ang tsart sa ibaba. Isulat ng isang miyembro ng pangkat sa isang kartolina o i-encode sa laptop
ang matrix. Bawat kasapi ng pangkat ay magbibigay ng kanyang opinyon. Pumili ng mag-uulat.
(Gawin sa loob ng 5 minuto) (Collaborative Approach)
Mga Katangian ng Tao Mga Katangian ng Nagpapakatao
Hal. May isip at kilos-loob Ginagamit ang isip para sa paghahanap ng
katotohanan
6
D. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #1
Gamit ang mga tanong sa ibaba, bubuo ang bawat pangkat ng konsepto o buod mula sa mga
sagot na lumabas sa talakayan. Isulat sa graphic organizer ang kasagutan. Ibahagi ng lider ng
pangkat ang output sa klase. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Constructivist Approach)
Tanong
a. Batay sa mga sagot, ano-ano ang pagkakaiba ng pagiging tao sa pagpapakatao?
b. Bakit sinasabi sa kasabihang madaling maging tao? Bakit mahirap magpakatao? Ipaliwanag.
E. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #2
1. .
Isadula ng bawat pangkat sa loob ng tatlong minuto ang tungkol sa taong nagpapakatao.
Pasagutan ang tanong. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)
Pangkat 1- pagbisita sa mga bilanggo o maysakit
Pangkat 2- pagtulong sa mga nasalanta ng kalamidad
Pangkat 3- pagsagip sa mga batang lansangan
2. Ano-anong katangian ng pagpapakatao ang napansin mo sa mga dula-dulaan?
Katangian
Nagpapakatao Tao
7
F. Paglinang sa Kabihasahan
(Tungo sa Formative
Assessment)
3. Tumawag ng ilang mag-aaral at pasagutan ang sumusunod na katanungan.
4. 1. Kung isasabuhay mo ang mga katangian ng pagpapakatao, ano ang kabutihang idudulot nito?
2. Ano ang magsisilbing gabay ng lahat ng iyong mga pagpupunyagi na dapat mong buuin upang
makamit ang tagumpay at tunay na kaligayahan? Ipaliwanag.
G. Paglalapat sa aralin sa
pang-araw-araw na buhay
Balikan ang binuo mong Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay (PPMB) sa Baitang 9. May
gusto ka bang baguhin o paunlarin? Isulat sa iyong notbuk ang pinaunlad mong PPMB. Kung wala
ka pang PPMB, bumuo ka nito gabay ang halimbawa sa ibaba. (Gawin sa loob ng 10 minuto)
(Reflective/Constructivist Approach)
Halimbawa:
Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay (PPMB) ni Rita
Isang mapagkalingang lider na tagapagdaloy ng mga gawaing nagbibigay ng prayoridad
sa kabataan at mahihirap na tagalunsod tungo sa pag-unlad ng kanilang positibong pagtingin sa
sarili at ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng kaalaman at kakayahan sa musika at isports.
Ikaw naman, isulat ang binuo o pinaunlad mong PPMB:
_________________________________________________________
a. Ano ang gusto mong maging: ______________________________
b. Ano ang dapat mong gawin upang matupad mo ang “a”
______________________________________________________
1. Sagutin ang sumusunod:
a. Mahuhubog ba ang iyong pagkatao sa mga dapat mong gawin na binanggit mo sa iyong
PPMB? Ipaliwanag.
b. Kaya mo bang tuparin ang iyong PPMB? Pangatuwiranan.
8
H. Paglalahat sa aralin
Ang tao ay may isip at kilos-loob, may konsensiya, may kalayaan at dignidad. Naunawaan
mo rin na iba ang tao sa hayop dahil sa kanyang kakayahang mag -isip (pagkarasyonal) at
kakayahang itakda ang kanyang mga kilos para lamang sa katotohanan at ka butihan
(pagkamalaya). Bukod-tangi ang tao dahil sa kanyang isip at kilos-loob at may kamalayan siya sa
kanyang pagtungo sa sariling kaganapan.
I. Pagtataya ng Aralin
.
Sumulat ng isang maikling talata na binubuo ng limang pangungusap tungkol sa katangian ng
pagpapakatao na makatutulong upang maisakatuparan mo ang iyong PPMB.
(Gawin sa loob ng 10 minuto) (Constructivist Approach)
Kraytirya:
a. Angkop sa Paksa 50%
b. Paggamit ng Salita 30%
c. Orihinalidad 20%
J. Karagdagang gawain para
sa takdang-aralin at
remediation
Isagawa ang alinman sa sumusunod:
1. Magsaliksik sa internet, o sa Bibliya ng mga kasabihan o quotation hinggil sa misyon ng tao sa
buhay. Iugnay sa buhay mo ang nakuhang kasabihan sa pamamagitan ng pagsusulat ng
maikling reflection.
2. Humanda sa pagbabahagi sa klase.
IV. MgaTala
V. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
9
pang gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral
na magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong
nanang lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasang solusyunan sa
tulong ng aking
punongguro at superbisor?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuhong nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?
10
DAILY LESSON LOG
(Pang-araw-araw na
Tala sa Pagtuturo)
Paaralan Baitang/ Antas 10
Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Petsa/Oras Markahan Una
IKALAWANG ARAW
I. Layunin
A. Pamantayang
Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga katangian ng pagpapakatao.
B. Pamantayan sa
Pagganap
Nailalapat ng mga mag-aaral ang mga tiyak na hakbang upang paunlarin ang mga katangian ng
pagpapakatao.
C. Mga kasanayan sa
Pagkatuto. Isulat ang
code ng bawat
kasanayan
1. Nasusuri ang sarili kung anong katangian ng pagpapakatao ang makatutulong sa pagtupad ng
iba’t ibang papel sa buhay upang magampanan ang kanyang misyon sa buhay.
EsP10 MP-1a-1.2
2. Naiisa-isa ang mga mahahalagang papel na ginagampanan tungo sa pagtupad ng misyon sa
buhay.
3. Nakasusulat ng slogan tungkol sa mga pagpapahalagang dapat taglayin sa pagsasabuhay ng
Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay (PPMB)
II. Nilalaman Modyul 1 : Ang Mga Katangian ng Pagpapakatao
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng
Guro
Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 TG p. 1-10
2. Mga Pahina sa
Kagamitang Pang-Mag-
Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 LM p. 1-20
11
aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng
Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang
Panturo
Panturong Biswal: LCD projector, laptop
“The Mission” ni Jamie Rivera
(https://www.youtube.com/watch?v=nBcWfqNHhuI
pnoytalks.com/2015/06/k-to-12-learning-materials-for-grade-10.html
III. Pamamaraan
A. Balik-Aral sa nakaraang
aralin at pagsisimula ng
bagong aralin.
Tumawag ng ilang mag-aaral at ipabahagi sa klase ang sariling pagninilay hinggil sa nakuhang
kasabihan tungkol sa misyon ng tao sa buhay. (gawin ito sa loob ng 5 minuto) (Reflective
Approach)
B. Paghahabi sa layunin ng
aralin at pagganyak
A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
1. Nasusuri ang sarili kung anong katangian ng pagpapakatao ang makatutulong sa pagtupad ng
iba’t ibang papel sa buhay upang magampanan ang kanyang misyon sa buhay
2. Naiisa-isa ang mga gawaing ginagampanang nagpapakita ng pagpapakatao
3. Nakasusulat ng slogan tungkol sa mga pagpapahalagang dapat taglayin sa pagsasabuhay ng
Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay (PPMB)
B. Gamit ang word box, hanapin at bilugan ang sumusunod na salita. Pagkatapos tumawag ng ilang
mag-aaral at pasagutan ang tanong sa susunod na pahina. (gawin ito sa loob ng 5 minuto)
(Reflective Approach)
PERSONAL MISYON BUHAY GAMPANIN
KATANGIAN PAGPAPAKATAO PAGTUPAD PAGSASABUHAY
12
PAUNLARIN PAGPAPAHALAGA
Y E S S P A A D R E B A M L A
V P R R A O R O P M U L E M T
J A K E G N P M E L H A I V A
L G A A P V A R R A A S S R O
J T T U A G U E S A Y N D R A
M U A F P A N A 0 O V A R O R
Y P N E A M L S N S A A N D R
P A G P K P A H A L A G A R O
E D I A A A R M L L A V R R O
Y E A S T N I S A I M U L L A
S J N U A I N N T E A N D R E
L V A R O N O R M L E E J E N
Sa iyong palagay, sa anong paraan nagkakaroon ng ugnayan ang mga salita/konseptong ito?
C. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong
aralin
Isulat sa loob ng speech balloon ang mga bagay na pinapangarap mong makamit. Tumawag ng
ilang mag-aaral upang sagutan ang tanong sa ibaba. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective
Approach)
Ang katuparan ba ng pangarap mo ay maituturing na misyon sa buhay? Ipaliwanag.
____________________
____________________
________________
13
D. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad
ng bagong kasanayan #1
Gamit ang nakahandang pormat na nakasulat sa Manila paper, punan ang mga kahon ng gawaing
makatutulong sa pagtupad mo ng iba’t ibang papel sa buhay. Bumuo ng dyad sa bawat pangkat.
Pag-usapan ang naging kasagutan. Pumili ng isa sa bawat pangkat at ibahagi ang natapos na
gawain. Sagutan ang mga tanong sa ibaba. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Constructivist
Approach)
1. Ano ang damdamin mo habang ibinabahagi ang iyong mga papel sa buhay at mga gawaing
makatutulong sa pagtupad ng mga ito?
2. Ano-anong pagpapahalaga ang mahihinuha sa mga gawaing ibinahagi ng pangkat? Ipaliwanag
Personal na
Pahayag ng
Misyon sa
Buhay
(PPMB)
Bilang ANAK
Bilang
MAMAMAYAN
Bilang MAG-
AARAL
Bilang ANAK
NG DIYOS
Bilang
KAPATID
Bilang
PANGULO ng
Student
Council
14
E. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad
ng bagong kasanayan #2
Magkaroon ng talakayan, isulat ang kasagutan sa nakahandang Concept Web. Tumawag ng ilang
mag-aaral upang magbahagi ng mga katangian ng pagpapakatao na makatutulong sa pagtupad ng
iba’t ibang papel sa buhay. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective/Constructivist Approach)
.
F. Paglinang sa
Kabihasahan (Tungo sa
Formative Assessment)
Papiliin ang mag-aaral ng isang simbolong maihahalintulad sa kanilang misyon sa buhay. Tumawag
ng ilang mag-aaral na magbabahagi sa klase ng kanilang paliwanag. (Gawin sa loob ng 5 minuto)
(Reflective Approach)
G. Paglalapat sa aralin sa
pang-araw-araw na
buhay
Itala ang mga natatanging katangian at isulat kung paano ito ibabahagi at palalaguin tungo sa
pagkamit ng misyon sa buhay. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)
Mga Katangian Ko Gagawin Ko Mula Ngayon
(Mga katangian ng Nagpapakatao)
1. 1.
2. 2.
H. Paglalahat sa aralin
Hindi madali ang pagpapakatao. Kung patuloy ang pagsisikap na paglabanan ang tukso at
kahinaan, gabay ang pananampalataya sa Diyos, mararating ng bawat isa ang pagiging
Katangian ng
Pagpapakatao
15
personalidad. Kaya mahalaga ang pagtukoy natin ng ating misyon, gawin ang mga angkop na
hakbang sa pagtupad nito upang magkaroon tayo ng tawag ng pagmamahal.
I. Pagtataya ng Aralin
Sumulat ng slogan tungkol sa mga pagpapahalagang dapat taglayin sa pagsasabuhay ng PPMB
(Gawin sa loob ng 15 minuto) (Constructivist Approach)
Kraytirya:
a. Angkop sa Paksa 40%
b. Paggamit ng Salita 30%
c. Orihinalidad 20%
d. Kalinisan 10%
J. Karagdagang gawain para
sa takdang-aralin at
remediation
Isagawa ang alinman sa sumusunod:
1. Magsaliksik sa internet, magsagawa ng panayam/interbyu ng kuwento ng tagumpay ng isang
personalidad dahil isinabuhay niya ang katangian ng pagpapakatao.
2. Humanda sa pagbabahagi sa klase.
IV. MgaTala
V. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation
16
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral
na magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasang solusyunan
sa tulong ng aking
punongguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuhong nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?
17
DAILY LESSON LOG
(Pang-araw-araw na
Tala sa Pagtuturo)
Paaralan Baitang/ Antas 10
Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Petsa/Oras Markahan Una
IKATLONG ARAW
I. Layunin
A. Pamantayang
Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga katangian ng pagpapakatao.
B. Pamantayan sa
Pagganap
Nailalapat ng mga mag-aaral ang mga tiyak na hakbang upang paunlarin ang mga katangian ng
pagpapakatao.
C. Mga kasanayan sa
Pagkatuto. Isulat ang
code ng bawat kasanayan
1. Napatutunayan na ang pag-unlad sa mga katangian ng pagpapakatao ay instrumento sa
pagganap ng tao sa kanyang misyon sa buhay tungo sa kanyang kaligayahan.
EsP10 MP-1a-1.3
2. Nakapagbabahagi ng mga mahahalagang konsepto tungkol sa paksang iniatas.
3. Nahihinuha ang kahalagahan ng mga katangian ng pagpapakatao tungo sa pagkamit ng misyon
sa buhay.
II. Nilalaman Modyul 1: Ang Mga Katangian ng Pagpapakatao
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng
Guro
Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 TG p. 1-10
2. Mga Pahina sa
Kagamitang Pang-Mag-
aaral
Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 LM p. 1-20
18
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng
Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang
Panturo
“The Mission” ni Jamie Rivera
https://www.youtube.com/watch?v=qQbe2RM6P7A
Panturong Biswal: LCD projector, laptop, meta strips, graphic organizer
pnoytalks.com/2015/06/k-to-12-learning-materials-for-grade-10.html
III.Pamamaraan
A. Balik-Aral sa nakaraang
aralin at pagsisimula ng
bagong aralin.
Isagawa ang larongTreasure Hunt, magtulong-tulong na hanapin sa loob ng silid-aralan ang mga
salita o pahayag na tumutukoy sa mga katangian ng nagpapakatao at ipaliwanag ito sa klase.
(Gawin sa loob ng 5 minuto) (Inquiry-Based Approach)
Personalidad Kamalayan sa sarili Umiiral na nagmamahal
Persona Indibidwal
B. Paghahabi sa layunin ng
aralin at pagganyak
A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
1. Napatutunayan na ang pag-unlad sa mga katangian ng pagpapakatao ay instrumento sa
pagganap ng tao sa kanyang misyon sa buhay tungo sa kanyang kaligayahan.
2. Nakapagbabahagi ng mga mahahalagang konsepto tungkol sa paksang iniatas.
3. Nahihinuha ang kahalagahan ng mga katangian ng pagpapakatao tungo sa pagkamit ng misyon
sa buhay.
B. Pakinggan ang awiting “The Mission” (https://www.youtube.com/watch?v=nBcWfqNHhuI).
19
Tumawag ng ilang mag-aaral at sagutan ang katanungan. (Gawin sa loob ng 5 minuto)
(Reflective Approach)
1. Magbigay ng mga mahahalagang linya mula sa awit at ipaliwanag kung bakit mahalaga ito.
2. Bilang kabataan, ano ang ipinahihiwatig nito sa iyo?
The Mission
There’s a call going out across the land in every nation
A call to all who swear, allegiance to the cross of Christ
A call to true humility to live our lives responsibly
To deepen our devotion, To the cross at any price
Let us then be sober moving only in the spirit
As aliens and strangers in a hostile foreign land
The message were proclaiming is repentance and forgiveness
The offer of salvation to the dying race of man.
To love the Lord our God is th heartbeat of our mission
The spring from which our service overflows
Across the street or around the world
The mission is still the same
Proclaim and live the truth in Jesus name.
C. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong
aralin
Basahin ang maikling sanaysay “Ang mga Katangian ng Nagpapakatao” gamit ang powerpoint
presentation. Pagkatapos, tumawag ng ilang mag-aaral upang sagutan ang tanong. (Gawin sa
loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
Bakit kaya madali ang “maging tao” ngunit “mahirap magpakatao”?
20
Ang Mga Katangian ng Pagpapakatao
“Madaling maging tao, mahirap magpakatao.”
Ano ang pagkaunawa mo sa kasabihan? Bakit kaya madali ang “maging tao” ngunit “mahirap
magpakatao”?
May dalawang bahagi ang kasabihang ito. Ang una, “madaling maging tao,” ay sumasagot sa
pagka-“ano” ng tao at ang ikalawa naman ay nakatuon sa pagka-“sino” ng tao. Napag-aralan mo sa
Baitang 7 na ang tao ay may isip at kilos-loob, may konsensiya, may kalayaan at dignidad.
Naunawaan mo rin na iba ang tao sa hayop dahil sa kanyang kakayahang mag-isip
(pagkarasyonal) at kakayahang itakda ang kanyang mga kilos para lamang sa katotohanan at
kabutihan (pagkamalaya). Bukod-tangi ang tao dahil sa kanyang isip at kilos-loob at may
kamalayan siya sa kanyang pagtungo sa sariling kaganapan. Ang ikalawang bahagi, “mahirap
magpakatao,” ay tumutukoy sa persona (person) ng tao. Binubuo ito ng mga katangiang
nagpapabukod-tangi sa kanya sa kapwa niya tao.
D. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #1
Hatiin ang klase sa 3 pangkat. Basahin at unawain ang paksang nakaatang. Isulat sa metastrips at
idikit sa nakahandang graphic organizer ang mga konseptong may kaugnayan sa paksa. Tumawag
ng isang mag-uulat sa bawat pangkat. Sagutan ang mga katanungan sa ibaba. (Gawin sa loob ng
15 minuto) (Collaborative/Constructivist Approach)
1. Naisasabuhay mo ba ang tatlong katangian ng pagpapakatao?
2. Paano makatutulong ang mga ito sa pagtupad mo ng iyong misyon sa buhay?
Pamantayan sa Pag-uulat
a. Kawastuhan ng ideya –30%
b. Organisadong paglalahad-40%
c. Kooperasyon ng bawat kasapi ng pangkat-30%
21
Pangkat 1- Ang Tao Bilang Isang Indibidwal, Ang Tao bilang Persona
Ang Tao Bilang Isang Indibidwal
Ang tao bilang indibidwal ay tumutukoy sa pagiging hiwalay niya sa ibang tao. Nang isinilang siya
3 Yugto ng Pagka-sino ng Tao
22
sa mundo, nagsimula na siyang mag-okupa ng espasyo ng hiwalay sa ibang sanggol. Dahil sa
kanyang kamalayan at kalayaan, nasa kanyang mga kamay ang pagbuo niya ng kanyang pagka-
“sino”. Ang kanyang pagka-indibidwal ay isang proyektong kanyang bubuuin habang buhay bilang
nilalang na hindi tapos (unfinished).
Ang Tao bilang Persona
Ang tao bilang persona ay isang proseso ng pagpupunyagi tungo sa pagiging ganap na “siya”.
Bilang persona, may halaga ang tao sa kanyang sarili mismo. Ito ay dahil bukod-tangi siya, hindi
siya mauulit (unrepeatable) at hindi siya mauuwi sa anuman (irreducible). Ibig sabihin, hindi siya
mababawasan at maibababa sa kanyang pagkatao dahil “buo” siya bilang tao (Dy, 2012, ph. 295).
Kaya napakahalaga ang pagtuklas at pagpapaunlad niya ng kanyang mga talento, hilig at
kakayahan upang mabuo niya ang kanyang pagiging “sino”. Ang persona ang tumutukoy sa
paglikha ng pagka-”sino” ng tao. Ang persona ang tumutukoy sa paglikha ng pagka-“sino” ng tao.
Pangkat 2- Ang Tao bilang Personalidad
Ang Tao bilang Personalidad
Ang tao bilang personalidad ay ang pagkamit ng tao ng kanyang kabuuan, ang resulta ng
pagpupunyagi sa pagbuo ng kanyang pagka-“sino”. Ang taong itinuturing na personalidad ay may
mga matibay na pagpapahalaga at paniniwala, totoo sa kanyang sarili at tapat sa kanyang misyon.
Kaya anuman ang mga nagtutunggaliang impluwensiya ng kapaligiran o teknolohiya, hindi siya
nagpapadala o naiimpluwensiyahan ng pananaw ng nakararami dahil sa kanyang matibay na
paninindigan. Mataas ang antas ng kanyang pagka-persona. Ang pagkamit ng kanyang pagka-
personalidad ay nangangailangan ng pagbuo (integration) ng kanyang pag-iisip, pagkagusto
(willingness), pananalita at pagkilos tungo sa isang pagpapahalagang magbibigkis sa lahat ng mga
ito. Mabubuo lamang ang kanyang sarili kung itatalaga niya ang kanyang pagka-“sino” sa
paglilingkod sa kanyang kapwa, lalo na ang mga nangangailangan. Ngunit hindi lahat ng tao ay
personalidad dahil hindi nila nakamit ang mataas na antas ng kanilang pagka-persona.
23
Pangkat 3- May Kamalayan sa Sarili, May Kakayahang kumuha ng Buod o Esensiya, Umiiral na
Nagmamahal (ens amans)
May Kamalayan sa Sarili
May kakayahan ang tao na magnilay o gawing obheto ng kanyang isip ang kanyang sarili. Dahil
dito, alam niya na alam niya o hindi niya alam. Nagiging mundo ang kanyang kapaligiran dahil sa
kanyang kakayahang pag-isipan ang kanyang sarili. Ang taong may kamalayan sa sarili ay may
pagtanggap sa kanyang mga talentong magagamit niya sa kanyang pakikibahagi sa mundo -
halimbawa, sa paaralan o sa lugar kung saan siya nakikisalamuha sa mga tao. Dito nanggagaling
ang positibong pagtingin niya sa sarili. Ito ang nagpapatibay ng kanyang kalooban sa pagtugon sa
kanyang bokasyon at tunguhin sa buhay (Moga, 2005).
Dahil sa kanyang kakayahan sa pag-iisip, napauunlad niya ang kanyang kamalayan sa sarili.
Malaki ang kakayahan niyang ilarawan at bigyang-kahulugan ang mga imahe at palatandaan ng
kalikasan, kilos at mga panaginip. Nakatutulong ang mga ito upang mabantayan at mapaghandaan
niya ang mga sitwasyon sa buhay lalo na ang mga hindi kanais-nais.
May Kakayahang Kumuha ng Buod o Esensiya
Ito ang kakayahang kumuha ng buod o esensiya ng mga partikular na umiiral. May kakayahan
siyang bumuo ng konklusiyon mula sa isang pangyayari. Nakikita ng tao ang esensiya ng mga
umiiral (essence of existence) kung humahanga at namamangha na siya sa kagandahan ng mga
bagay sa kanyang paligid, nauunawaan na niya ang layunin ng pag-iral ng mga ito at ang
kaugnayan ng mga ito sa kanyang pag -unlad. Ang paghanga o pagkamanghang ito ay
magbubunga ng kanyang pagkamalikhain, pag-unawa at pagiging mapanagutan sa mga bagay-
bagay sa kanyang buhay.
24
May Umiiral na Nagmamahal (ens amans)
Ang umiiral na nagmamahal ang pinakamahalagang katangian ng tao bilang persona. Ang ens
amans ay salitang Latin na ang kahulugan ay umiiral na nagmamahal. Ang tao ay may kakayahang
magmahal dahil ang puso niya ay nakalaang magmahal. Lahat ng mabuting kilos ay kilos ng
pagmamahal. Kumikilos ang tao para sa kabutihan dahil siya ay umiiral na nagmamahal.
Ang pagmamahal ay isang galaw patungo sa “meron” (being) na may halaga at pagpapaunlad ng
halaga ng minamahal ayon sa kalikasan nito. Nakikita ng nagmamahal na may halaga ang isang
“meron” tulad ng tao, bagay at Diyos, at gumagalaw ang pagmamahal na ito tungo sa mas mataas
na pagpapahalaga na naaayon sa kalikasan ng minamahal. Ibinibigay ng nagmamahal ang sarili sa
minamahal nang walang kondisyon o kapalit. Nagmamahal ka hindi upang baguhin at gawing ibang
indibidwal ang iyong minamahal; bagkus, napadadaloy mo ang tunay na “siya”. Kaya mapaglikha
ang pagmamahal kahit hindi madali ang pag-unlad ng minamahal
E. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #2
Gamit ang PowerPoint Presentation, basahin ang tatlong halimbawa ng personalidad. Tumawag ng
ilang mag-aaral upang sagutan ang mga katanungan. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective
Approach)
Cris “Kesz” Valdez
Nahubog ang pagka-persona ni Kesz sa kanyang natuklasang misyon sa buhay - ang pagkalinga
sa mga batang lansangan. Binuo niya ang Championing Community Children pagkatapos siyang
sagipin bilang batang lansangan ni Harnin Manalaysay. Tinawag nilang Gifts of Hope ang
ipinamimigay nila na mga tsinelas, laruan, sipilyo, kendi at iba pa. Tinuruan nila ang mga kabataang
ito na maging malinis sa katawan, kumain ng masustansiyang pagkain at ipaglaban ang kanilang
mga karapatan. Ipinaunawa rin nila ang kahalagahan ng pagtutulungan at pagtuturo sa isa’t isa
upang lumawak ang kanilang kaalaman at kasanayan.
Dahil sa kanyang kakayahang impluwensiyahan at pamunuan ang mga bata ng lansangan,
nahubog ang pagka-persona ni Kesz. Gamit ang kakayahang kunin ang buod o esensiya ng
25
kahirapang kanyang kinamulatan, nakita ni Kesz ang kanyang misyong maging produktibo at
makibahagi sa lipunan - sa pamamagitan ng pagkalinga sa mga batang lansangan.
Joey Velasco
Sa larangan ng sining, naging tapat sa kanyang natuklasang misyon ang personalidad na si Joey
Velasco. Umani ng paghanga ang kanyang mga painting sa Pilipinas at sa buong mundo dahil sa
espiritwal na paraan ng pagpapahayag ng mga ito ng kawalan ng katarungan sa lipunan.
Nakaaantig ang mga larawan sa kanyang canvass - tila humihingi ng tugon at aksiyon para sa
panlipunang pagbabago. Ang “Hapag ng Pag-asa,” ang kanyang bersiyon ng Huling Hapunan, ay
naglalarawan kay Hesus na kasama ang mga batang lansangan, sa halip na mga Apostoles.
Tinanggap ni Joey ang misyong imulat ang mga tao sa kanilang kamalian at pagkukulang na sanhi
ng kahirapan at inhustisya sa bansa sa pamamgitan ng kanyang mga obra maestra. Ipinamalas
niya ang pagmamahal at pagkalinga sa mga batang lansangan lalo na sa mga may sakit sa pag-
iisip.
Mother Teresa ng Calcutta
Isa ring personalidad si Mother Teresa ng Calcutta, isang madre na nagpakita ng napakalalim na
antas ng pagmamalasakit sa mga mahihirap. Sobra siyang naapektuhan sa nakita niyang
kahirapan ng mga tao lalo na sa mga pulubi na namamatay dahil sa matinding gutom at
pagkakasakit sa lansangan. Sa kanyang pagninilay, narinig niya ang tawag ng paglingkod sa labas
ng kumbento – ang tulungan ang mga batang napabayaan, mga taong hindi minahal at mga
maysakit na hindi inalagaan. Ginamit niya ang kanyang kaalaman sa panggagamot at kakayahan
sa pagtuturo upang tugunan ang pangangailangang pisikal at espiritwal ng mga mahihirap.
Ipinadama niya sa kanila ang tunay na pagmamahal at pagpapahalaga na nararapat sa tao.
Nagtatag siya ng maraming kongregasyon ng mga misyonerong nakibahagi sa kanyang adhikaing
marating ng kalinga ang mga pinakamahirap na tao sa iba’t ibang sulok ng mundo. Nakabuo siya
ng 610 foundation sa 123 bansa sa buong mundo.
26
1. Paano naipakita ni Kesz Valdez ang kamalayan sa sarili? Ipaliwanag.
2. Naipahayag ba ni Joey Velasco ang kakayahang kumuha ng buod o esensiya ng mga umiiral?
Pangatuwiranan.
3. Patunayan: Ang buhay ni Mother Teresa ay ginugol sa pagmamahal.
F. Paglinang sa
Kabihasaha (Tungo sa
Formative Assessment)
Buuin ang mahahalagang konseptong nahinuha mula sa nagdaang gawain. (Gawin sa loob ng 5
minuto) (Integrative/Reflective Approach)
Ang ______________sa mga katangian ng __________________ay instrumento sa ___________
ng tao sa kanyang __________________sa buhay tungo sa kanyang ______________________.
G. Paglalapat sa aralin sa
pang-araw-araw na buhay
Pagnilayan ang sumusunod. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot. (Gawin sa loob ng 5
minuto) (Reflective Approach)
1. Paano makatutulong sa tao ang pag-unlad ng katangian ng pagpapakatao sa pagganap ng
misyon sa buhay tungo sa kaligayahan?
2. Ano-anong mga ugali o gawi ang kailangan mong pag-ibayuhin o baguhin? Ipaliwanag.
H. Paglalahat sa aralin
Mahalagang maunawaan ng tao ang mensahe ng mga pangyayari sa kanyang buhay at
kapaligiran (kakayahang kumuha ng buod o esensiya ng mga umiiral) upang makilala ang mga
hakbang sa pagtugon sa tawag ng pagmamahal (umiiral na nagmamahal) gamit ang kanyang mga
talento at kakayahan (kamalayan sa sarili). Ang pagsasabuhay sa mga katangian ng pagpapakatao
ay makatutulong sa pagtupad niya ng kanyang misyon sa buhay na magbibigay sa kanya ng tunay
na kaligayahan.
I.Pagtataya ng Aralin
Punan ang matrix sa ibaba. Ipaliwanag ang mga yugto ng pagpapakatao gamit ang halimbawa ng
isang tao na itinuturing mong isang personalidad. Gamitin ang nasaliksik sa internet/impormasyong
nakuha sa pagsagawa ng interbyu. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)
27
Yugto ng Pagpapakatao Personalidad Mga Hamong Kinaharap at
Kung Paano Ito Nalampasan.
J. Karagdagang gawain para
sa takdang-aralin at
remediation
Ihanda ang journal para sa gagawing personal na Plano ng Pagsasabuhay ng Misyon sa Buhay.
IV. MgaTala
V. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral
na magpapatuloy sa
28
remediation?
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasang solusyunan
sa tulong ng aking
punong-guro at
superbisor?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuhong nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?
29
DAILY LESSON LOG
(Pang-araw-araw na
Tala sa Pagtuturo)
Paaralan Baitang/ Antas 10
Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Petsa/Oras Markahan Una
IKAAPAT ARAW
I. Layunin
A. Pamantayang
Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga katangian ng pagpapakatao.
B. Pamantayan sa
Pagganap
Nailalapat ng mga mag-aaral ang mga tiyak na hakbang upang paunlarin ang mga katangian ng
pagpapakatao.
C. Mga kasanayan sa
Pagkatuto. Isulat ang
code ng bawat kasanayan
1. Nailalapat ang mga tiyak na hakbang upang paunlarin ang mga katangian ng pagpapakatao.
EsP10MP-1b-1.4
2. Nasasagutan ang matrix ng Plano ng Pagsasabuhay ng Aking Personal na Pahayag ng Misyon
sa Buhay (PPMB)
3. Nahihinuha ang kahalagahan ng mga posibleng kilos na magagawa upang mapaunlad sa sarili
ang mga katangian sa pagpapakatao
II. Nilalaman Modyul 1: Ang Mga Katangian ng Pagpapakatao
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng
Guro
Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 TG p. 104
2. Mga Pahina sa
Kagamitang Pang-Mag-
aaral
Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 LM p. 147-165
30
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng
Learning Resource
A. Balik-Aral sa nakaraang
aralin at pagsisimula ng
bagong aralin.
Piliin sa kahon ang angkop na salita upang mabuo ang pahayag. Tumawag ng ilang mag-aaral
upang sagutan ito. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
“mahirap magpakatao” personalidad pagtatagumpay
indibidwal “madaling maging tao”
1. Ang kasabihang __________ ay sumasagot sa pagka-“ano” ng tao..
2. Ang kasabihang ___________ ay tumutukoy sa “persona” ng tao.
3. Ang tao bilang ____________ ay tumutukoy sa pagiging hiwalay niya sa ibang tao.
4. Ang tao bilang ____________ay ang pagkamit ng tao ng kanyang kabuuan.
5. Ang tao bilang ____________ ay isang proseso ng pagpupunyagi tungo sa pagiging ganap na
siya.
B. Paghahabi sa layunin ng
aralin at pagganyak
A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
1. Nailalapat ang mga tiyak na hakbang upang paunlarin ang mga katangian ng pagpapakatao.
2. Nasasagutan ang matrix ng Plano ng Pagsasabuhay ng Aking Personal na Pahayag ng Misyon
sa Buhay (PPMB)
3. Nahihinuha ang kahalagahan ng mga posibleng kilos na magagawa upang mapaunlad sa sarili
31
ang mga katangian sa pagpapakatao
B. Pangkatin ang klase sa tatlong grupo. Gamit ang flash card, ayusin ang mga letra upang mabuo
ang mga salita. Ilahad ang mga natutuhang konsepto sa mga nakalipas na aralin gamit ang
bawat letra ng salitang nabuo. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Collaborative Approach)
S M Y I O N
C. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong
aralin
Gamit ang powerpoint presentation at speaker muling iparinig ang awiting “The Mission”.
Pagkatapos tumawag ng ilang mag-aaral at pasagutan ang tanong sa ibaba. (Gawin sa loob ng 5
minuto) (Reflective Approach)
Ano ang pangkalahatang mensahe ng awitin? Paano mo maiiugnay ito sa pagtatamo ng misyon
sa buhay?
The Mission
There’s a call going out across the land in every nation
A call to all who swear, allegiance to the cross of Christ
A call to true humility, to live our lives responsibly
To deepen our devotion, To the cross at any price
Let us then be sober moving only in the spirit
As aliens and strangers in a hostile foreign land
The message was proclaiming is repentance and forgiveness
The offer of salvation to the dying race of man.
To love the Lord our God is th heartbeat of our mission
The spring from which our service overflows
Across the street or around the world
32
The mission is still the same
Proclaim and live the truth in Jesus name.
D. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #1
Gabay ang rubric, isulat sa loob ng talahanayan ang mga katangian ng pagpapakatao sa iba’t
ibang papel na ginagampanan mo sa buhay. Isulat ang sagot sa iyong notbuk. Tumawag ng
dalawang mag-aaral na magbabahagi. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)
Plano ng Pagsasabuhay ng Aking Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay (PPMB)
Ang Aking mga Papel
sa Buhay
Mga Gawain sa Bawat
Papel
Panahon para sa Bawat Gawain
Rubric para sa Plano ng Pagsasabuhay ng Aking
Personal na Pahayagng Misyon sa Buhay (PPMB)
Kraytirya Antas ng Pagsasagawa
10 6-8 1-5
May PPMB sa
taas ng Plano
Natutukoy ang gusto
niyang maging o
larawan ng kanyang
minimithi bilang tao sa
maikling parirala;
Naipahayag g malinaw
ang larawan ng
Natukoy ang gusto
niyang maging o ng
larawan ng kanyang
minimithi bilang tao
sa isang
pangungusap;
Naipahayag ng
malinaw ang
Hindi malinaw ang
gusto niyang maging
o larawan ng kanyag
minimithi bilang tao
sa maikling parirala
Hindi malinaw ang
larawan ng kanyang
33
kanyang pagka-“sino”
na nasasalamin ang
kanyang iba’t ibang
papel sa buhay.
larawan ng kanyang
pagka-“sino” na
nasasalamin ang
kanyang iba’t ibang
papel sa buhay na
tinukoy.
pagka-“sino” na
nasasalamin ang
kanyang iba’t ibang
papel sa buhay .
Natukoy ang
kanyang papel sa
buhay. Kumpleto
ang mga papel na
tinukoy ayon sa
kanyang edad at
estado bilang
kabataan at mag-
aaral;
-May mga pang-
uri na
naglalarawan ng
bawat papel;
-Masasalamin sa
mga pang-uri ang
mga
pagpapahalaga
niya bilang
kabataan
-kumpleto ang mga
papel na tinukoy ayon
sa kanyang edad at
estado bilang kabataan
at mag-aaral;
-May mga pang-uri na
naglalarawan ng bawat
papel;
-Masasalamin sa mga
pang-uri ang mga
pagpapahalaga niya
bilang kabataan
-kumpleto ang mga
papel na tinukoy
ayon sa kanyang
edad at estado
bilang kabataan at
mag-aaral;
-May papel na
walang pang-uri
-Masasalamin sa
mga pang-uri ang
mga
pagpapahalaga niya
bilang kabataan
-May kulang sa mga
mga papel na tinukoy
ayon sa kanyang
edad at estado bilang
kabataan at mag-
aaral;
-May 2-3 papel na
walang mga pang-uri
-Masasalamin sa
mga pang-uri ang
mga pagpapahalaga
niya bilang kabataan
-Natukoy ang
kanyang mga
gagawin sa bawat
papel sa buhay at
-Angkop ang mga
gawain sa bawat papel;
-Makatotohanan ang
mga gawain ayon sa
-May mga gawain
na hindi angkop sa
bawat papel;
-Makatotohanan
-May mga gawain na
hindi angkop sa
bawat papel;
-Hindi makatotohanan
34
ang panahong
gugugulin sa sa
bawat gawain
kanyang edad at estado
bilang kabataan at
mag-aaral;
-Makatotohanan ang
panahong gugulin sa
bawat gawain
ang mga gawain
ayon sa kanyang
edad at estado
bilang kabataan at
mag-aaral;
-Hindi
makatotohanan ang
panahong gugugulin
sa 1-2 gawain
ang mga gawain ayon
sa kanyang edad at
estado bilang
kabataan at mag-
aaral;
-Hindi makatotohanan
ang karamihan sa
mga gawain.
E. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #2
Pangkatin ang klase sa tatlo. Ilahad at ipaliwanag ang kahalagahan ng mga tiyak na hakbang
upang mapaunlad ang katangian ng pagpapakatao sa pagkamit ng misyon sa buhay tungo sa
kaligayahan. Ipakita ito sa klase sa pamamagitan ng:
Role palying –para sa unang pangkat
Jingle –para sa ikawalang pangkat
Pantomime-para sa ikatlong pangkat.
(Gawin sa loob ng 20 minuto) (Collaborative Approach)
F. Paglinang sa
Kabihasaha (Tungo sa
Formative Assessment)
Gumawa ng isang talatang binubuo ng limang pangungusap kung papaano makatutulong sa tao
ang mga katangian ng pagpapakatao upang makamit ang kanyang misyon sa buhay tungo sa
kanyang kaligayahan. Ibahagi sa klase ang natapos na gawain.(Gawin sa loob ng 10 minuto)
(Reflective/Constructivist Approach)
G. Paglalapat sa aralin sa
pang-araw-araw na buhay
Gabay ang binuong Plano ng Pagsasabuhay ng Aking Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
(PPMB), gumawa ng konkretong plano gamit ang tsart sa ibaba. Markahan ng tsek () kung ang
isinulat na plano ay naisakatuparan at ekis (x) kung hindi. Ipagpatuloy ang gawaing ito sa loob ng
isang buwan. Palagdaan sa magulang at guro ang bawat tsart sa katapusan ng linggo bilang
katibayan ng katapatan ng ginawang pagtataya sa sarili. (Gawin sa loob ng 10 minuto)
(Constructivist/Reflective Approach)
35
Buwan: ______________
Bilang ng Linggo: ______
Araw
Oras Mga gawain Nagawa? Mga Puna
Lunes
Martes
Miyerkules
Huwebes
Biyernes
Sabado
Linggo
H. Paglalahat sa aralin
Hindi madali ang pagpapakatao. Kung patuloy ang pagsisikap na paglabanan ang mga tukso
at kahinaan, gabay ang pananampalataya sa Diyos, mararating ng bawat isa ang pagiging
personalidad. Kaya mahalaga ang pagtukoy natin ng ating misyon, gawin ang mga angkop na
hakbang sa pagtupad nito upang makatugon tayo sa tawag ng pagmamahal.
36
I. Pagtataya ng Aralin
Sagutin ang sumusunod na mga katanungan sa iyong journal at isulit sa guro. Limang puntos
bawat bilang. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
1. Ano-anong talento ko ang hindi ko pa lubos na nagagamit para sa paghahanda sa kolehiyo?
Para sa paglilingkod sa aking kapwa?
2. Ano-ano ang maaari kong gawin upang mapaunlad ang mga ito?
3. Nag-aalay ba ako ng regular na panahon para sa pagninilay para suriin ang sarili? Para sa
panalangin? Kung oo, ano-ano ang mga kabutihang naging resulta ng pagninilay na ito? Kung
hindi, ano-ano ang dapat kong simulang gawin upang umunlad ako sa tatlong katangian ng
pagpapakatao?
J. Karagdagang gawain para
sa takdang-aralin at
remediation
Alamin ang kahulugan ng isip at kilos-loob, isulat sa kuwaderno ang sagot.
IV. MgaTala
V. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral
na nangangailangan
ng iba pang gawain
para sa remediation
37
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral
na magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na solusyunan
sa tulong ng aking
punong-guro at
superbisor?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuhong nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?