DR. JOSE RIZAL'S NOLI ME TANGERE (TOUCH ME NOT)
admission60
75 views
18 slides
Feb 25, 2025
Slide 1 of 18
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
About This Presentation
SURING BASA
Size: 2.53 MB
Language: none
Added: Feb 25, 2025
Slides: 18 pages
Slide Content
San Jose Del Monte National High School Brgy . Yakal Francisco Homes CSJDM, Bulacan Taong Panuruan 2019-2020 Noli Me Tangere “Touch Me Not” José Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda ISANG SURING BASA 1 Nikka Mae P. Salvago Jenny Mae Fernandez
Talaan ng Nilalaman 2 Panimula (Isang Sanaysay )------------ 3-4 Balangkas ( Pamagat , Akda , Genre)------ 5 Kasaysayan ------------------------ 6 Buod ----------------------------- 7 Tauhan --------------------------- 8 Banghay -------------------------- 9 Tagpuan -------------------------- 10 Tema ---------------------------- 11 Bisa sa Isip ----------------------- 12 Bisa sa Damdamin ------------------ 13 Teoryang Ginamit ------------------- 14 Mensahe -------------------------- 15 Repleksiyon ------------------------ 16 Simbolismo ------------------------ 17
Panimula Isang nobelang panlipunan ang Noli Me Tángere na isinulat ng ating pambansang bayani na si Dr. José P. Rizal. Naglalaman ng mga ugali, paniniwala,kahinaan , at katatagan ng mga Pilipino noong Panahon ng Español . Malikhainginilarawan ang bawat pakikipagtunggali ng mga Pilipino sa lipunang ginalawannila noon at maaaring hanggang sa kasalukuyan . Madarama ang suliraninat tagumpay lalo na ng mga pangunahing tauhan hanggang sa marating ang kasukdulan ng mga pangyayari . Nagsimula ang nobelang Noli Me Tangere sa isang piging kung saan pinakilala ang ilan sa mgatauhan ng nobela.Natuklasan ni Ibarra sa kaniyang pagbabalik ang inhustiyang naranasan ng kaniyangamang si Don Raael Ibarra.Nabatid ni Ibarra na nakabnagga ng kaniyang ama si Padre Damaso na humiyaat nagti!alag sa matanda ." indi lamang kapangyarihang pampulitika ang ha!ak ng nasabing prayle .# inamitdin niya ang kapangyarihan upang akitin ang ina ni Maria $ lara na kasintahan ni Ibarra.Sumiklab ang lahatnang ida!it si Ibarra sa isang pag-aaklas na ginatungan ni Padre Sal%i.Naipit si Ibarra ngunit iniligtas ni&lias na ang buhay ay iniligtas din ni Ibarra noong nakalipas na panahon.Sa !akas ng nobela , si Ibarra aynakadama ng madilim na hinaharap . Tunay na ang layunin ng nobela ay ipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng may- akda sakaniyang lipunan.Talagang ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tu!irang totoo sapagkatisinaalang-alang ng may- akda ang kasiningan at pagkaepektibo ng kaniyang isinulat.Totoo na atingmaihahalintulad si Dr.* ose P. Rizal sa kaniyang nobela na Noli Me Tangere dahil ang nobelang ito aynapabantog kaya ito ay nagpasalin-salin sa iba+t-ibang ! ika.Dito ay ibinuhos ng bayani ang kaniyangkalulu!a at di!a upang gisingin ang kanyang mga kababayan sa pamamagitan ng pagtatanggol sa kanilangmga karapatan at sa damdaming maka -Pilipino 3
Para sa akin ay talagang mas angat sa mga katangiang pampanitikan at panlipunan ang Noli MeTangere kaysa sa &l ilibusterismo.Tulad ng Noli Me Tangere ,ang &l ilibusterismo ay may layuning panlipunan .'ng dal!ang nobelang ito ay kap!a bunga ng isang uri ng pagbabago sa katauhan ng bayani nanoong panahoong iyon ay maituturing na isang matapang na hakbang sapagkat alipin ang mga Pilipino. Ngunit kakaiba sa Noli Me Tangere, kung ang paghahain ng katotohanan sa &l Filibusterismo aynaglalayong ang bayan ay magising at maghimagsik at hindi upang mangarap lamang ng pagbabago.Sa Noli Me Tangere ay may pangarap,may ganda,may damdamin ng pag-ibig , at may a!a.Sa &l Filibusterismonaman ay ! alang madrama kundi ibayong poot,kapaitan na tumitigid sa ba!at munting bahagi ngaklat.Madaling mauna!aan kung bakit may malaking pagbabago at pagkakaiba ang dala!ang nobela.Ito ay dahil habang isinusulat ni Dr.Jose P. Rizal ang mga nobela , siya ay maraming malulungkot , mapapait at kabiguang dinanas . Tama na ang Teoryang Pampanitikan ang mayroon sa nobelang Noli Me Tangere ayRealismo.Ipinakita sa nobelang ito ang kalupitan at karangyaan ng mga nasa mataas na katungkulan namapasahanggang ngayon ay nangyayari.Naroon din ang hindi pagkapantay-pantay ng pagtingin sa mgakatutubo,maging sa isyung pangkasarian . # ayun din ang ! alang sa!ang pagnanais ng mga Pilipino namaging Malaya ang bansa sa kamay ng mga banyaga . 4
Balangkas ( Pamagat , Akda , Genre) A. PAMAGAT: Noli Me Tangere - ito ay isang nobelang isinulat ni Jose Rizal, at inilathala noong 1887, sa Europa. Hango sa Latin ang pamagat nito na may kahulugang " huwag mo akong salingin (o hawakan )". Sinipi ito mula sa San Juan 20:17 kung saan sinabi ni Hesus kay Maria Magdalena na " Huwag mo akong salingin sapagkat hindi pa ako nakaaakyat sa aking ama ." Ito ang napiling title nito Dr. Rizal upang maipahiwatig na iwanan o wag na silang hawakan o guluhin ng mga Espanyol. Gusto nya rin ipakita dito ang mga “ kanser ” sa lipunan gaya ng mga Espanyol na dahilan kung bakit di umuunlad ang mga Pilipino at ang Pilipinas naipinakita sa kanyang nobela . B. MAY AKDA: Si Jose Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda o kilala sa Jose Rizal ang sumulat ng Noli Me Tangere noong siya ang 26 taong gulang na sinimulan nya sa Madrid, Espanya at natapos sa Berlin, Alemanya . Nakuha nya ang kanyang inspirasyon na ipakita ang sakit ng lipunan natin ng mabasa nya ang “Uncle Tom’s Cabin” ni Harriet Beecher Stowe. Sya noon ay isang estudyante ng medisina sa Unibersidad ng Madrid. Noong nagkita-kita sina Rizal at mga kaibigan nya ay nangako ang mga ito na tutulungan syang magsulat sa nobela nya ngunit hindi ito natupad . Mas gusto pa nilang makihalubilo sa mga kababaihan sa Espanya kesa ilabas ang problema ng kanilang bansa . Kaya kahit mahirap para kay Rizal, ala ng lakas at pera , ay itinuloy nya parin ito . C. GENRE: Nobela , Piksyon o Kathang Isip , Kasaysayan 5
Kasaysayan Unang nobela ni Rizal ang El Filibusterismo . Inilathala ito noong 26 taong gulang siya . Makasaysayan ang aklat na ito at naging instrumento upang makabuo ang mga Pilipino ng pambansang pagkakakilanlan . Sa di- tuwirang paraan , nakaimpluwensiya ang aklat ni Rizal sa rebolusyon subalit si Rizal mismo ay isang nananalig sa isang mapayapang pagkilos at isang tuwirang representasyon sa pamahalaang Kastila . Sinulat sa wikang Kastila ang Noli , ang wika ng mga edukado noong panahong yaon . Sinimulang sulatin ni Dr. Jose P. Rizal ang mga unang bahagi ng " Noli Me Tangere" noong 1884 sa Madrid noong siya ay nag- aaral pa ng medisina . Nang makatapos ng pag-aaral , nagtungo siya sa Paris at doon ipinagpatuloy ang pagsusulat nito . At sa Berlin natapos ni Rizal ang huling bahagi ng nobela . Ang pagsusulat ng " Noli Me Tangere" ay bunga ng pagbasa ni Rizal sa "Uncle Tom's Cabin" ni Harriet Beacher Stowe, na pumapaksa sa kasaysayan ng mga aliping Negro sa kamay ng mga panginoong putting Amerikano . Inilarawan dito ang iba't ibang kalupitan at pagmamalabis ng mga Puti sa Itim . Inihambing niya ito sa kapalarang sinapit ng mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila . Bumuo ng kontrobersya ang nobelang ito kung kaya't pagkatapos lamang ng ilang araw na pagbalik ni Rizal sa Pilipinas , tinanggap ni Gobernador-Heneral Terrero sa Malacañang at inabisuhang puno ng subersibong ideya ang Noli . Pagkatapos ng usapan,napayapa ang liberal ng Gobernador Heneral ngunit nabanggit niya na wala siyang magagawa sa kapangyarihan ng simbahan na gumawa ng kilos laban sa nobela ni Rizal. Mahihinuha ang persekusyon sa kaniya sa liham ni Rizal sa Litoměřice : " Gumawa ng maraming ingay ang libro ko; kahit saan , tinatanong ako ukol rito . Gusto nila akong gawing excommunicado dahil doon . . . pinagbibintangan akong espiya ng mga Aleman, ahente ni Bismarck, sinasabi nila na Protestante ako , isang Mason, isang salamangkero , isang abang kaluluwa . May mga bulong na gusto ko raw gumawa ng plano , na mayroon akong dayuhang pasaporte at gumagala ako sa kalye pagkagat ng dilim ... " 6
Buod Isang binatang Pilipino ang umuwi sa Pilipinas matapos ang pag-aaral sa Europa ng pitong taon , ang binatang ito ay walang iba kundi si Juan Crisostomo Ibarra. Sa kanyang pagbabalik ay naghandog si kapitan Tiago ng isang hapunan . Habang nagaganap ang piging na ito ay makalawang hinamak siya ng isang prayleng pransiskano na dati nang naging kura ng San Diego at dating kaibigan ng kanyang ama . Siya ay walang iba kundi si Padre Damaso . Humingi ng paumanhin si Ibarra at lumisan sa kadahilanang siya ay may mahalaga pang pupuntahan . Si Maria Clara na katipan ni Crisostomo Ibarra ay isang kaakit-akit na binibini . Para kay Ibarra si Maria Clara ay sumasagisag sa Inang Pilipinas . Ang binibining ito ay anak sa turing ng isa sa mayayaman sa Binundok at makapangyarihan kung ituturing , si kapitan Tiago. Kinabukasan , matapos maidaos ang hapunang yaon ay dinalaw ni Crisostomo Ibarra ay kanyang iniibig na si Maria Clara. Sa kanilang pagkikita ay sinasariwa nila ang mga ala-ala ng kanilang kamusmusan at ang tunay na pagmamahalan nila kahit sila ay paslit pa lamang . Inilabas ni Ibarra ang tuyong dahon ng sambong na nababalot sa isang papel na may sentimental na halaga . Ang sulat naman na ibinigay ni Ibarra kay Maria Clara bago niya lisanin ang Pilipinas ay binasa ng dalaga . Bago umuwi si Crisostomo Ibarra ay nailahad ni Tenyente Guevara ang sinapit ng kanyang ama na isang taon nang namayapa . Sinabi niya na nangyari ang lahat ng ito matapos ipagtanggol ang isang bata sa isang kubrador na aksidenteng nabagok ang ulo kaya namatay . Umabot ang kaso sa hukuman at nagsilabasan ang kaaway ni Don Rafael Ibarra. Nang malulutas na ang kaso ay siya namang namatay si don Rafael sa loob ng hukuman . Hindi pa nagpaawat si Padre Damaso . Ipinahukay niya ang bangkay ni Don Rafael at ipapalipat sana sa libingan ng mga intsik ngunit dahil sa umuulan ng panahong iyon ay tinapon na lamang sa ilog ng bay. Kaysa maghiganti , si Crisostomo ay ipinagpatuloy ang nasimulan ng kanyang ama . Isinagawa niya ang panukala ng ama tungkol sa pagsusulong ng pagtuturo . Nagpatayo siya ng paaralan sa tulong ni Nol Juan. Noong babasbasan na ang paaralan ay may batong muntikan nang ikamatay ni Ibarra. Mabuti na lamang at siya ay iniligtas ni Elias. Sa halip na si Ibarra ang mamatay ay ang taong binayaran ng lihim na kaaway niya ang nasawi . Muli siyang hinamak ni Padre Damaso . Hindi na napigilan ni Ibarra ang sarili at sasaksakin na niya ang pari ng kutsilyo ngunit siya ay napigilan ni Maria Clara. Dahil sa pangyayaring iyon ay itiniwalag si Ibarra ng Arsobispo sa Simbahang Katoliko . Ang sitwasyon ay sinamantala ni Padre Damaso . Iniutos niya kay Kapitan Tiago na hindi ituloy ang kasal ni Maria Clara at Ibarra. Sa halip ay ipakasal si Maria Clara kay Linares na isang binatang kadadating pa lang sa Pilipinas . Napawalang-bisa ang pagiging eskomulgado ni Ibarra at tinanggap muli siya sa simbahan ngunit sa di- inaasahang pagkakataon ay hinuli at ikinulong dahil naparatangan siya na nanguna sa pagsalakay sa kuwartel . Sa naganap na paglilitis ay napawalang-bisa ang bintang kay Ibarra ngunit sinundan muli ito ng panganyaya dahil sa liham na sinulat niya kay Maria Clara. Kahit walang kaugnayan ito sa kaso ay ginamit ito ng may kapangyarihan upang hamakin ang binata . Habang ginaganap ang hapunan para sa kasal ni Linares at Maria Clara ay nakatakas si Ibarra sa tulong ni Elias. Bago tuluyang lumisan ay hiniling muna ni Ibarra na makausap si Maria Clara. Sinumbat niya ang sulat na ginamit sa hukuman ngunit mariin itong itinanggi ni Maria Clara. Sinabi niya na inagaw mula sa kanya ang liham . Kapalit nito ang liham mula sa kanyang ina na nagsasaad na ang tunay niyang ama ay si Padre Damaso . Sinabi pa niya na kaya siya magpapakasal kay Linares ay para sa dangal ng ina , ngunit ang pagmamahal niya para kay Ibarra ay di lilipas at mawawala magpakailanman . Tinulungan siya ni Elias sa pagtakas ngunit naabutan sila ng palwa ng sibil . Sa pamamagitan ni Elias ay nailigaw niya ang mga tumutugis at nakatakas si Ibarra. Nang makalundag si Elias sa tubig ay pinagbabaril siya . Sa pagkalat ng balita sa pahayagan na namatay si Ibarra, si Maria Clara ay lubos na namighati . Nakiusap siya na pumasok sa kumbento upang magmongha at walang magawa si padre Damaso dahil kung hindi ito papayag ay magpapatiwakal ang dalaga . Ang balitang kumalat ay walang katotohanan sapagkat si Crisostomo ay nakaligtas sa tulong ni Elias. Si Elias na sugatan at halos naghihingalo na ay nakarating sa gubat ng mga Ibarra. Bago siya tuluyang pumanaw ay humarap siya sa Silanganan at nagwika na kung hindi man niya makita ang bukang-liwayway sa sariling bayan, ang makakakita ay batiin ito at huwag kakalimutan ang mga nabulid sa dilim ng gabi at iyon ang huling mga salitang lumabas sa kanyang bibig . 7
I. Angkan ni Crisostomo Ibarra Crisostomo Ibarra – nag - iisang anak ni Don Rafael Ibarra at siya ang kasintahan ni Maria Clara Don Rafael Ibarra – ama ni Crisostomo Ibarra at isa mga mayayamang tao sa San Diego Don Saturnino – lolo ni Crisostomo Ibarra Don Pedro Eibarrimendia – ninuno ni Crisostomo Ibarra II. Angkan ni Maria Clara Maria Clara – kasintahan ni Crisostomo Ibarra at anak-anakan ni Kapitan Tiago Kapitan Tiago – kilala bilang Don Santiago De los Santos , ama-amahan ni Maria Clara at isa sa mga mayaman at maimpluwensya sa simbahan at gobyerno Pia Alba – ina ni Maria Clara Tiya Isabel – tiya ni Maria Clara at pinsan ni Kapitan Tiago III. Mga Pari Padre Damaso – ninong ni Maria Clara at isang Paring Franciscano Padre Salvi – kura sa San Diego na pumalit kay Padre Damaso Padre Hernando de la Sibyla – Kura ng tanawan Padre Manuel Martin – paring Agustinong mahusay sa pagsasalita IV. Mga Mag- asawa Donya Victorina – asawa ni Don Tiburcio Don Tiburcio de Espadaña – asawa ni D onya Victorina Donya Consolacion – asawa ng alperes at kaaway ni Donya Victorina Alperes – asawa ni Donya Consolacion at makapangyarihan sa San Diego V. Pamilya ni Sisa Sisa – inang nabaliw at asawa ni Pedro Pedro – asawa ni Sisa at iresponsableng ama sa kanyang mga anak Basilio – panganay na anak ni Sisa Crispin – bunsong anak ni Sisa at napagbintangang nagnakaw VI. Elias - Nagligtas kay Crisostomo at anak ng kaaway ng mga ninuno ni Ibarra VII. Pilosopong Tasyo - Antas ngunit baliw para sa ibang tao at pinakamatalino sa San Diego VIII.Iba pang tauhan Don Filipo – ama ni Sinang Nol Juan – namahala sa pagpapatayo ng paaralan Lucas – nagtangkang pumatay kay Crisostomo Ibarra Linares – napili ni Padre Damaso para kay Maria Clara Kapitan Basilio – isang kapitan sa San Diego 8 Mga Tauhan
9 Banghay Simula ng Nobela – Pag- Uulayaw sa Asotea ( kabanata 7) Hindi mapakali si Maria Clara dahil magkikita sila ni Ibarra. Nag- usap sina Maria Clara at Ibarra sa Asotea at nagpalitan ng mga alaala (dahoon ng sambong at ang lumang liham ) Madaling nagpaalam si Ibarra dahil siya ay pupunta sa San Diego. B. Tumitinding Galaw – Ang Pananghalian ( Kabanata 34) May dumating na telegrama mula sa Kapitan Heneral habang nasa bahay ni Kapitan Tiago at nanananghalian ang mga matataas na opisyal . Sinabi sa telegrama na darating siya at tutuloy ito sa bahay ni Kapitan Tiago. Ikinainis ng mga prayle na hindi sa kanila tutuloy ang Kapitan Heneral . Panay na naman ang pagpaparinig ni Padre Damaso kay Ibarra. Sumabog ang galit ni Ibarra at di napigilang saktan si Padre Damaso na muntik na niyang saksakin . Inawat sila ni Maria Clara. C. Kasukdulan Tungo sa Kakalasan - Quidquid Latet, Adparebit, Nil Inultum Rem (Kabanata 54) Inggit na inggit si Pari Salvi kay Crisostomo Ibarra dahil sa pakikipagkaibigan nito kay Maria Clara na labis niyang kinagigiliwan . Samantala dahil sa labis na kahihiyan at muntik nang kapahamakang sinapit , galit ang naghari kay Padre Damaso para kay Ibarra. Dahil dito ay isinangkot nila ang binata sa isang huwad na pag-aaklas na sila ang may gawa . Inatasan ni Elias ang binata na sunugin ang mga kasulatang maaaring makapanganyaya sa kanya . Ipinagtapat nito ang mangyayari sa gabing iyon at sinabing si Ibarra raw ang mamumuno sa pag-aalsa ayon sa kanyang nakuhang impormasyon . D. Wakas – Ikakasal si Maria Clara (Kabanata 63) Sapilitang ipakakasal si Maria Clara sa isang lalaking hindi niya iniibig . Ipinagtapat ni Maria Clara na hindi niya kagustuhan ang nangyari , subalit may malaking dahilan at iyon ay ang pagkakatuklas na ang tunay na ama nito ay si Padre Damaso , dahil na rin sa pagtatapat ni Pari Salvi. Nanggipuspos ang kalooban ni Ibarra nang malaman ang tunay na dahilan ni Maria Clara. Pinatawad niya ito subalit itinanong kung totoong ikakasal na si Maria Clara. Nagtapat ang dalaga na magpapakasal man siya ay di magbabago ang pagmamahal sa binata .
10 Tagpuan San Diego Kalye Anluwage Sa ilog Sa gubat Sa simbahan Sa tahanan Sa kombento Sa Europa Sa Kalsada Sa sabungan Sa Asotea
Tema Ang temang tinatalakay sa nobelang Noli Me Tangere ay ang mga hindi katanggap-tanggap na gawain ng mga kinauukulan sa pamahalaan at simbahan noong panahon ng mga Kastila sa Pilipinas . Ipinapakita ng nobela ang mga kanser ng lipunan na maaring kapulutan ng aral ng mga mambabasa . Dahil sa pagmumulat ng nobela hinggil sa mga kanser na ito , nagagawang palakasin ang inspirasyon ng mga kabataan na baguhin ang sistema sa lipunan.Tinatalakay din dito ang madiplomasyang paraan ng pagsugpo sa kawalang katarungan na nararanasan noon ng mga Pilipino. Itinataguyod nito ang mapayapang paraan ng pakikipaglaban sa mga mapang -aping prayle at pulitiko . 11
Bisa sa Isip Ang Noli me Tangere ay nag- iwan ng epekto sa mga mambabasa . Ilan sa bisa sa isip ng akdang ito ay nagbigay kaalaman sa mga mambabasa kung paano nagkaroon ng katiwalian at kalupitan ang mga Espanyol noon sa mga Pilipino. 12
Bisa sa Damdamin Ang bisa sa damdamin ng akdang ito ay ang pagkakaroon ng ilang mga Pilipino ng paghihimagsik sa kanilang puso at pagtataguyod ng mga karapatan . Mas nanaig sa akin ang damdaming makabayan matapos kong mabasa ang Noli Me Tangere dahil sa hirap na dinanas ng ating mga ninuno noon sa kamay ng mga Kastila . Napagtanto ko din kung gaano kahalaga ang kalayaang tinatamasa natin sa ngayon na noon ay ang hirap makamtan . 13
Teoryang Ginamit TEORYANG REALISMO - ang layunin nito ay ipakita ang karanasan at nasaksihan ng may akda sa kanyang lipunan . Samakatuwid , ipakita kung paano ang pamumuhay ng mga Pilipino noong nasa ilalim pa tayo ng pamamalakad ng Kastila . 14
Mensahe Ang Noli Me Tangere ay lamang isang uri ng pagatake sa Espanya , ito ay tawag sa mga Pilipino na magkaroon ulit ng kompyansa , pahalagahan ang sarili , balikan ang mga ninuno at ipaglaban ang pagiging pantay sa mga Espanyol. Gusto nitong iparating ang kahalagahan ng eduksyon , dedikasyon sa bansa , at pagkatuto sa mga kaganapan sa ibang bansa para sa atin . 15
Repleksiyon 16 Ang pag-aaral ng Noli Me Tangere ay ginawa ng ating Pambansang Bayani na si Jose Rizal upang imulat sa ating mga Pilipino ang mga problema at suliranin ng ating bansang Pilipinas . Sa nagdaang sampung mahigit kumulang sampung buwan ay madami na akong natutunan sa pag-aaral ng Noli Me Tangere. Pinag-uusapan dito ang napakaramng suliranin ng bayan na hindi natutugunan ng mga mamamayang Pilipino sapagkat sila ay nabubulag mula sa katotohanan dahil kapag nalaman natin itong mga atotohanan ay mabubuwag na ang samahan ng mga makapangyarihan . Kapag lumaban ang tinaguriang “ mang-mang ” na mamamayang Pilipino, makakamit nila ang kinaaasam-asam nating Kalayaan Madami akong naunawan ukol sa ating bayan na ipinapaliwanag ng Noli Me Tangere. Totoo ngang makaiba ang bayan noon sa bayan ngayon ngunit dahil sa Noli Me Tangere ay natutununan ko na mayroon mga bagay na pronblema noon ay problema parin hanggang ngayon tulad ng diskriminasyon sa tao , korupsyon , pag-aalsa , mga hindi makatuwirang batas , mga umaayon sa makapangyarihan , mga lihim na gawain at iba pa.
Simbolismo 17 1. Ang Alperes . Ito ang mga tauhang nagpapakita ng unti-unting paglala ng kanser sa lipunan sa Nobela ni Rizal. 2. Ang karakter ni Maria Clara ay maihahalintulad sa kababatang kasintahan ni Jose Rizal na si Leonor Rivera. Tulad ni Leonor, si Maria ay nailalarawan bilang isang tapat na kasintahan , mabuting kaibigan , at masunuring anak . Siya ang ideal na kasintahan noong kanyang panahon . 3. Si Kapitan Tiago ang sumisimbulo sa mga mayayamang Pilipino na humahamak sa kanyang mga kababayan sa paghahangad na makamit ang impluwensiya at kayamanan . 4. Sinisimbolo ni Crispin ang mga inosenteng inakusahan sa mga kasalanang hindi nila ginawa . 5. Si Sisa na kumakata!an sa Pamilyang Pilipino at bansang Pilipinas dahil sa patuloy pa rin tayong sunod nang sunod sa mga inuutos ng mga banyaga at patuloy na pang- aalipin sa atin . 6. Si Crisostomo Ibarra ang nagsilbing halimbawa ng bisyon ni Jose Rizal para sa kanyang nais para sa mga Pilipinong kabataan noong kanyang panahon . 7. Bahay ni ( apitan Tiyago na sumisimbolo sa mababang moralidad ng mga & spanyol o maling pamamahala 8. Pagbabalik Ibarrsa pagkatapos ng pitong taon ay ang bayan ay !ala pa ring pagbabago . 9. Bayan ng San Diego na sumisimbolo naman sa ! alang kaunlaran dahil ang inaani ng mga magsasaka tulad ngasukat at bungang kahoy ay ibinibili ng mga Intsik sa murang halaga