DULA SA PANAHON NG KASARINLAN LOREN BACATE PATIC-O
DULA Ang dula ay isang uri ng panitikan . Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo . Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado .
Ang Dula ang pinakatanyag na uri ng panitikan sa panahon ng kasarinlan . Ipinapakita rito ang paraan ng pamumuhay noon hanggang sa pag-unlad nito sa kasalukuyan .
MGA URI NG DULA Komedya – ito’y katawa -tawa, magaan sa loob dalhin ang tema at ang mga tauhan ay laging nagtatagumpay sa wakas. Trahedya – ang tema nito’y mabigat o nakakapagpasama ng loob kaya nakakaiyak , nakalulunos ang mga tauhan , karaniwan silang nasasadlak sa kamalasan , kabiguan , kawalan at maging sa kamatayan , kaya nagwawakas na malungkot .
Melodrama o Soap Opera– ito’y sadyang namimiga ng luha sa manonood na parang wala nang masayang bahagi sa buhay ng tauhan kundi pawing problema na lamang ang nagyayari sa araw-araw . Parsa– Ang dulang ito ay kaiba sa mga nabanggit na , sapagkat ang layunin ay magpatawa sa pamamagitan ng katawa-tawang kilos o pananalita ng mga tauhan .
Saynete – Ito’y katawa-tawang dula na karaniwang pinapaksa ang katawa-tawang ugali ng tauhan . Tragi- komedya – kung magkahalo ang katatawanan at kasawian gaya ng mga dula ni Shakespeare na laging may katawa -tawa tulad ng payaso (clown) para magsilbing tagapagpatawa , subalit sa bandang huli ay magiging malungkot na dahil masasawi o namamatay ang bida o mga bida . Halimbawa : The Merchant of Venice (1596–97), The Winter's Tale (1610–11), The Tempest (1611–12).
BAHAGI NG DULA Yugto =kung sa nobela ito ay kabanata . Tanghal (scenes)= bumubuo sa isang yugto . Tagpo = paglabas at pagpasok ng mga kung sinong gumaganap o gaganap sa eksena .
MGA SANGKAP NG DULA Simula a) Tauhan – Ang mga kumikilos at nagbibigay ng buhay sa dula . b) Tagpuan – Ang mga panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinasaad . c) Sulyap sa Suliranin – Pagpapakilala sa problema ng kuwento . Pagsasalungatan ng mga tauhan o kaya’y suliranin ng tauhan na sarili niyang likha o gawa .
Gitna a) Saglit na Kasiglahan - Ito ay ang saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning nararanasan . b) Tunggalian - Maaaring sa pagitan ng mga tauhan , laban sa kaniyang paligid , at tauhan laban sa kaniyang sarili ; maaaring magkaroon ng higit sa isa o patong-patong na tunggalian . c) Kasukdulan – Sa puntong ito nasusubok ang katatagan ng tauhan . Dito pinakamatindi at pinakamabugso ang damdamin o ang pinakakasukdulan ng tunggalian .
Wakas a) Kakalasan – Ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa mga tunggalian . b) Kalutasan – Dito nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at tunggalian sa dula .
MGA ELEMENTO NG DULA: BANGHAY- ang pagkakabuo ng dula . TATLONG BAHAGI 1. PAGLALAHAD= tauhan , tagpuan , suliranin 2. KAGULUHAN= pakikipagtunggali 3. KAKALASAN= pagkakaayos ng mga suliranin
TAUHAN- kung pagbabatayan ang pangakalahatang paghahati ng tauhan binubuo lamang ito ng dalawa : ang tauhang nagbabago habang umuunlad ang aksyon sa dula at ang tauhang hindi nagbabago mula simula hanggang sa huli . DIYALOGO- ito ay may dalawang katangian : una , ito ay ginagamit upang maipaalam sa mga manonood o mambabasa ang mga nangyayari at mga mangyayari pa lamang sa isip at damdamin ng tauhan , ikalawa , ang pagbibitiw ng dayalogo ay kinakailangang malakas kaysa normal na pananalita .