ANO ANG BATAS? Ayon kay St. Thomas Aquinas, ang batas ay ang kautusan ng katuwiran na ginawa upang makamit ang kabutihang panlahat . Kung wala ang mga batas , tiyak na walang kaayusan , kapayapaan , at maging katarungan sa ating lipunan .
ANO ANG KAHALAGAHAN NG BATAS? Ayon kay St. Thomas Aquinas, ang batas ay ang kautusan ng katuwiran na ginawa upang makamit ang kabutihang panlahat . Kung wala ang mga batas , tiyak na walang kaayusan , kapayapaan , at maging katarungan sa ating lipunan .
KATANGIAN NG BATAS 1. Ang batas ng tao ay kailangan naaayon sa Batas Moral. Nangangahulugan ito na ang lahat ng batas ay may matibay na batayang moral. Ito ay dahil sa maaring magkamali ang tao dulot ng kakulangan ng kaniyang pag-unawa sa tunay na etikal at moral na batayan ng pagkilos .
KATANGIAN NG BATAS 2. Ang batas ng tao ay kailangang mapanatili at may tunguhin para sa kabutihang panlahat . Mabuti ang batas kung ito ay para sa kaunlaran ng lahat at hindi ng iilan .
KATANGIAN NG BATAS 3. Ang batas ng tao ay kailangang makatarungan at walang kinikilingan . Nangangahulugan ito na pantay ang pagpapairal ng batas sa sinumang pangkat ng tao , mahirap man o mayaman , bata o matanda , may kapansanan o wala .
KATANGIAN NG BATAS 4. Ang batas ng tao ay kailangan napaiiral at sinusunod ng lahat . Nangangahulugan ito ng matibay na pagpapasunod sa batas . Ang batas na hindi naman nasusunod ay nagdadala rin ng suliranin sa kaayusang panlipunan .
ACTIVITY!
1. SA PAANONG PARAAN MAKATUTULONG ANG ISANG KABATAANG TULAD MO UPANG MASIGURO ANG PAGBUO NG TAMA AT MORAL NA ALITUNTUNIN O BATAS SA LIPUNAN? ISULAT ANG IYONG SAGOT.
2. Magtala ng mga paraan upang makatulong sa pagpapaunlad ng mga batas sa iyong paaralan , pamayanan , at bansa . Isulat ang iyong sagot sa loob ng mga kahon sa ibaba . PAARALAN PAMAYANAN BANSA