Edukasyon sa Pagpapahalaga Fourth Quarter Module 2

BogsEiman1 40 views 20 slides Feb 25, 2025
Slide 1
Slide 1 of 20
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20

About This Presentation

Module 2


Slide Content

8
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan – Modyul 2
Katapatan sa Salita at Gawa

Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Ikatlong Markahan – Modyul 2: Katapatan sa Salita at Gawa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon paman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng na sabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinag sumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailanganng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang ano mang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon




Inilimbag sa Pilipinas

Department of Education – Region XI Davao City Division

Office Address : DepEd Davao City Division, E. Quirino Ave.,
Davao City, Davao del Sur, Philippines
Telefax : (082) 224 0100
E-mail Address : [email protected]
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Helenita F. Caballero
Editor:
Tagasuri: Leilani C. Avila, Cora C. Amaro
Tagaguhit:
Tagalapat: Richard N. Escobido
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala:
Evelyn R. Fetalvero Reynaldo M. Guillena
Mary Jeanne B. Aldiguer Alma C. Cifra,
Analiza C. Almazan Aris B. Juanillo
Ma. Cielo D. Estrada Lydia V. Ampo

8
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan – Modyul 2
Katapatan sa Salita at Gawa

1

Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-
aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala
ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matugunan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang modyul:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang bawat pahina
nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan ng mga kasagutan mula sa
iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan ang Subukin Natin bago dumako sa susunod na
gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa,
pagsagot at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang hinihingi ng bawat bahagi bago pa dadako sa susunod na
gawain.
6. Isauli / Ipasa ang modyul sa iyong guro o tagapag daloy pagkatapos ng mga
gawain.

Kung mayroon kayong nahihirapan sa pagsagot sa mga inilaang gawain,
huwag mag-atubiling magtanong sa inyong guro o tagapagdaloy. Tandaan na hindi
ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan namin na sa pamamagitan ng modyul na ito,
ay mararanasan mo ang isang makabuluhan,masining at malalim na pagkatuto at pag-
unawa sa mga kasanayang pampagkatuto. Kaya mo yan!

2


Alamin Natin

Bawat tao ay nakaranas ng pagtatalo sa isip at kilos. May mga pagkakataon na
gusto ng isip ngunit hindi nagagawa. Ang nasa isip na ayaw mo ay nagawa mo pa rin.
Nangyayari ito sa buhay ng tao. Ganito rin ang madalas na sitwasyon ng ating
katapatan. Dapat ang tao ay matapat sa salita at gawa ngunit hindi sa lahat ng
pagkakataon sumusunod ang ating katawan at bibig.
Ang ating katapatan sa salita at sa gawa ay ang ating paraan sa pagbabahagi
ng buhay para sa kapuwa at ang ating paraan ng pagpapadama ng pagmamahal. Dito
nakasalalay ang lawak at lalim ng makahulugang pakikipag-ugnayan natin sa kapuwa.
Kinakailangang mapapalawak at mapapalalim ang iyong pag-uunawa sa katapatan sa
salita at gawa upang maipamalas mo ang mga inaasahang kasanayang
pampagkatuto sa modyul na ito.
Bilang isa sa mga kabataan, may nalabag ka ba sa katapatan sa salita at sa
gawa? Gaano ba kahalaga ang pagiging matapat? Ano ang mga patunay na may
pananagutan ka sa katotohanan at mabuti? Ano ang layunin ng katapatan sa salita at
gawa?
Sa modyul na ito, inaasahang maipamalas mo ang sumusunod na kaalaman,
kakayahanan at pag-unawa:

a. Naipaliliwanag na: Ang pagiging tapat sa salita at gawa ay pagpapatunay ng
pagkakaroon ng komitment sa katotohanan at ng mabuti/matatag na konsensya.
May layunin itong maibigay sa kapwa ang nararapat para sa kanya, gabay ang diwa
ng pagmamahal; ( EsP8PBIIIh-12.3 )

b. Naisasagawa ang mga angkop na kilos sa pagsasabuhay ng katapatan sa salita at
gawa; ( EsP8PBIIIh-12.4 )

Inaasahang masasagot mo ang mahalagang tanong na:
a. Bakit mahalaga ang katapatan sa salita at sa gawa?
b. Paano magiging ganap ang pagkatao sa pamamagitan ng katapatan sa salita
at sa gawa?

3


Subukin Natin

Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat lamang ang titik ng napiling
sagot sa iyong sagutang papel (answer sheet).

1. Ang sumusunod ay mga dahilan sa pagsasabi ng totoo maliban sa:
a. Mas magtitiwala sa iyo ang iyong kapuwa.
b. Ang pagsasabi ng totoo lamang ang magtutulak sa iyo upang makaramdam ng
seguridad at kapayapaan ng kalooban.
c. Ang pagsasabi ng totoo ang magsisilbing proteksiyon para sa isang tao hindi
upang masisi, maparusahan at masaktan.
d. Hindi mo na kinakailangang lumikha pa ng maraming kasinungalingan para
lamang mapanindigan ang iyong nilikhang kwento.

2. Si Manuel ay isa kinikilalang mag-aaral na magaling sa pasulat na pagsusulit.
Minsan nahuli siyang may kodigo sa pagsusulit at nalaman ito ng kaniyang mga
kamag-aral. Ano ang maaring ibunga nito kay Manuel kaugnay ng pagtingin sa
kaniya na isang magaling na mag-aaral?
a. Hindi na siya pagbibigyang makakuha ng pagsusulit.
b. Mas lalakas ang loob ng iba na mangodigo upang maging magaling na mag-
aaral.
c. Hindi na siya paniniwalaan at pagkakatiwalaan.
d. Hindi na siya kakaibiganin ng mga mag-aaral.

Para sa bilang 3-4. Tukuyin kung anong uri ng pagsisinungaling ang isinasabuhay ng
mga tao sa sumusunod na sitwasyon. Piliin ang pinakaangkop na sagot mula
sa sumusunod na pagpipilian. Isulat ang titik ng tamang sagot.

a. Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao.
b. Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na mapahiya, masisi
o maparusahan.
c. Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapuwa.
d. Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa makapinsala ng ibang
tao.

3. Kilala si Angelo sa kaniyang labis na pagiging madaldal sa klase. Madalas na
nahuhuli siya ng kaniyang guro na hindi nakikinig sa klase at sa halip ay kinakausap
at ginagambala ang kaniyang kaklase. Kapag siya ay nahuli ng guro sinasabi niya
na nadadamay lamang siya dahil palagi siyang kinakausap ng kaklase.

4. Pumunta kayo sa kaarawan ng isang kaklase kasama ang inyong mga kaibigan.
Hindi nakapagpaalam sa kaniyang mga magulang ang inyong matalik na kaibigan
dahil alam niya na hindi naman siya papayagan. Ngunit dahil napasarap sa
pakikipagkwentuhan, hindi na ninyo namalayan na gumagabi na pala. Alam mo na
pagagalitan siya ng kaniyang mahigpit na ama. Kung kaya kinausap ka niya upang
magsinungaling sa mga ito upang sabihin na ginabi kayo dahil sa paggawa ng
proyekto sa inyong bahay. Ginawa mo ito dahil ayaw mong mapahamak ang iyong
kaibigan.

4

Para sa bilang 5-6. Tukuyin kung anong pamamaraan ng pagtatago sa katotohanan
ang ipinakita sa sumusunod na sitwasyon. Piliin ang pinakaangkop na sagot
mula sa sumusunod na pagpipilian. Isulat ang titik ng tamang sagot.

a. Pag-iwas
b. Pananahimik
c. Pantitimping pandiwa (mental reservation)
d. Pagbibigay ng salitang may dalawang ibig sabihin o kahulugan

5. Sinabi ni Joy sa kaniyang ina na pupunta siya sa bahay ng kaniyang kaibigan ngunit
hindi niya sinabi rito na malayo ang tirahan ng mga ito dahil alam niyang hindi siya
papayagan ng mga ito.

6. Iniiba ni Leo ang usapan sa tuwing tatanungin siya sa tunay niyang damdamin
para sa kaniyang mga magulang na matagal na nawala at hindi niya nakasama.
Mas ipinararamdam na lamang niya rito na siya ay nasasaktan sa kaniyang tanong
sa halip na sabihin niya rito ang tunay niyang nararamdaman.


Aralin Natin

Katapatan sa Salita at sa Gawa
Naranasan mo na bang mag-imbento ng sariling kuwento sa harap ng iyong
mga kaibigan? Siguradong ang saya mo habang nakikita mong naniniwala sila sa
lahat ng mga sinasabi mo. Humahanga sila sa iyo. Masaya ka kaya mo ipinagpatuloy
na gawin ito ngunit hindi ito tama. Ang pagsisinungaling ay isang panloloko ng
kapuwa. Ito ay kagaya na rin sa isang bisyo. Habang paulit-ulit mong ginagawa ay
magiging bahagi na ng iyong sistema na mahirap nang itama. Ito ngayon ang
nakakaalarmang pag-uugali ng mga kabataan sa kasalukuyan.
Isa pang lumalalang suliranin sa pag-uugali ng mga kabataan ngayon, hindi
lamang sa bansa kundi maging sa buong mundo ay ang pangongopya sa klase sa
oras ng pagsusulit o ng mga takdang-aralin. Labis na nakagugulat at nakalulungkot
ang sobrang pagbigay-katwiran ng mga kabataan sa kanilang mga pagkakamali.
Ginawa nilang tama ang mali at ang mali ay ginawang tama.
Nakalulungkot isipin na sa kabila ng pagsisikap na itanim sa isipan ng mga bata
mula noon hanggang ngayon ang pagsasabuhay sa katotohanan ng “Honesty is the
best policy,” ay parami pa rin ng parami ang bilang ng kabataan na napakadaling
maglaro sa isip at damdamin ng kanilang kapuwa gamit ang kanilang mga
kasinungalingan. Bakit mahirap yakapin ang tama at totoo?

Katapatan sa Salita
Ang salita ng tao na tumutulong sa atin upang maging ganap ay ginagamit at
madalas na inaabuso; ang pagsisinungaling ay isang paraan ng pag-abuso rito. Ang
pagsisinungaling ay pagbaluktot sa katotohanan, isang panlilinlang. Ang
pagsisinungaling ay ang pagtatago ng isang bagay na totoo sa isang taong may
karapatan naman dito. Hindi kailanman binigyan ng karapatan ang sinumang ipagkait
ang katotohanan lalo na kung karapatan naman niya na ito ay malaman. Anumang uri

5

ng pagsisinungaling ay kalaban ng katotohanan at katapatan. Ayon sa isang artikulo
mula sa internet ang sumusunod ay ang iba’t ibang uri ng pagsisinungaling.
A. Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao (Prosocial Lying).
Madalas na nagagawa ito para sa isang taong mahalaga sa kaniyang buhay.
B. Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na mapahiya, masisi
o maparusahan (Self-enhancement Lying). Marahil naoobserbahan mo ang ilang
mga kaklase na nakagawa ng pagkakamali sa paaralan. May mga pagkakataon
na ipinatatawag sa paaralan ang kanilang mga magulang. Ngunit sa halip na
sabihin sa mga magulang ay makikiusap sa isang kakilala upang magpanggap
na kaanak. Sa ganitong paraan, hindi siya mapagagalitan ng kaniyang mga
magulang sa kaniyang pagkakasala na nagawa.
C. Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa makapinsala ng ibang
tao (Selfish Lying). May mga taong labis na makasarili. Ang tanging iniisip ay ang
pansariling kapakanan at hindi na iniisip kung makasasakit ng kaniyang kapwa.
D. Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapuwa (Antisocial Lying).
Minsan kapag may galit tayo sa isang tao, lumilikha tayo ng maraming kuwento
na makasisira sa kaniyang pagkatao. Ikakalat ito sa mga taong nakakikilala sa
kaniya na may hangarin na sirain ang pagtingin ng mga ito sa kaniya. Marami
pang ibang mga dahilan kung bakit nagsisinungaling ang isang tao. Ang
sumusunod ay ilan lamang sa mga ito.
a. Upang makaagaw ng atensyon o pansin
b. Upang mapasaya ang isang mahalagang tao
c. Upang hindi makasakit sa isang mahalagang tao
d. Upang makaiwas sa personal na pananagutan
e. Upang pagtakpan ang isang suliranin na sa kanilang palagay ay seryoso o
“malala”

Marahil dapat maunawaan ng bawat isa, gaano ba kahalaga ang mamuhay para
sa katotohanan? Sa ganitong paraan, mas magiging madaling ipaunawa sa mga bata
na mayroong kabuluhan ang pakikipaglaban para sa katotohanan, upang panindigan
ang katapatan sa kaniyang salita at higit sa lahat sa gawa. Bakit nga ba kailangang
magsabi ng totoo? Narito ang pitong pinakamahalagang dahilan sa pagsasabi ng
totoo.

1. Ang pagsasabi ng totoo ang natatanging paraan upang malaman ng lahat ang tunay
na mga pangyayari. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang hindi pagkakaunawaan,
kalituhan at hindi pagkakasundo.
2. Ang pagsasabi ng totoo ang magsisilbing proteksyon para sa mga inosenteng tao
upang masisi o maparusahan. Nangyayari ito sa mga pagkakataong ginagamit ang
ibang tao upang mailigtas ang sarili sa kaparusahan.
3. Ang pagsasabi ng totoo ang magtutulak sa tao upang matuto ng aral sa mga
pangyayari. Sabi nga nila, minsan masakit talaga malaman ang katotohanan ngunit
mas magiging masakit kung ito ay pagtatakpan ng kasinungalingan.

6

4. Mas magtitiwala sa iyo ang iyong kapuwa. Ang tiwala ay inaani mula sa patuloy na
pagpapakita ng magandang halimbawa ng katapatan sa kapuwa. Hindi ito hinihingi
dahil hindi naman din ito basta ibibigay sa hindi karapat-dapat. Ito ay itinatanim at
inaani sa tamang panahon. Isang pagkakataon lamang na masira ang tiwala ng
iyong kapuwa sa iyo ay napakahirap na itong mabawi o mabura. Ang isang saglit
ng pagsisinungaling, panloloko at pagnanakaw ay kapalit ng habang buhay na
pagkasira ng iyong pagkatao sa mata ng iyong kapuwa.
5. Hindi mo na kinakailangang lumikha pa ng maraming kasinungalingan para lamang
mapanindigan ang iyong nilikhang kuwento. Sa mahabang panahon gagawin mo
ito para lamang mapagdugtong-dugtong ang mga kasinungalingang iyong kinatha.
6. Inaani mo ang reputasyon bilang isang taong yumayakap sa katotohanan – isang
birtud na pinahahalagahan ng maraming tao.
7. Ang pagsasabi ng totoo lamang ang magtutulak sa iyo upang makaramdam ng
seguridad at kapayapaan ng kalooban. Ang pagsisinungaling ay nagdudulot ng
bigat ng kalooban, isang dikta ng konsensya na patuloy na babagabag sa iyong
kalooban. Ito ang magiging dahilan upang hindi ka magkaroon ng katahimikan.
Ngunit may mga pangyayari na nagbubunsod sa tao upang itago ang katotohanan.
Ito ay bunga ng isang seryosong dahilan o obligasyon na kapag nilabag ay mas lalong
magdudulot ng pinsala hindi lamang para sa sarili kundi maging sa ibang tao. Ang
pagtatago ng totoo ay hindi maituturing na kasinungalingan. May apat na
pamamaraan ayon sa aklat ni Vitaliano Gorospe (1974) ng pagtatago ng katotohanan.
1. Pananahimik (silence). Ito ay nangangahulugang pagtanggi sa pagsagot sa
anumang tanong na maaaring magtulak sa kaniya upang ilabas ang katotohanan.
Sa kabila ng pamimilit ng ilang tao na ang nais ay makialam sa buhay ng iba ngunit
wala namang karapatan sa katotohanan ay mas pinipiling manahimik na lamang.
Ngunit sa mga taong hindi gaanong malawak ang pag-iisip, sasabihin lamang nila
ang kahulugan ng pananahimik ay pag-amin sa katotohanan.
2. Pag-iwas (evasion). Ito ay nangangahulugan ng pagliligaw sa sinumang humihingi
ng impormasyon sa pamamagitan ng hindi pagsagot sa kaniyang mga tanong. Ito
ay maaaring sa pamamagitan ng pag-iiba ng usapan, pagbibigay ng ibang tanong,
pagtrato sa tanong ng kausap bilang isang biro o kung minsan ay pagpapakita na
siya ay nasasaktan. Ang pag-iwas ay nangangailangan ng bilis at talas ng pag-iisip.
3. Pagbibigay ng salitang may dalawang ibig sabihin o kahulugan (equivocation). Ito
ay pagsasabi ng totoo ngunit ang katotohanan ay maaaring mayroong dalawang
kahulugan o interpretasyon. Upang maging lehitimo ang paraang ito, kailangan na
ang parehong kahulugan ay pawang magdadala sa kanila sa malalim na pag-iisip.
Dahil dito, maaaring matuon ang kaniyang pansin sa isang kahulugan na magliligaw
sa kaniya sa katotohanan lalo na kung hindi naging maingat sa kaniyang mga
paghuhusga.
4. Pagtitimping Pandiwa (Mental Reservation). Ito ay nangangahulugang paglalagay
ng limitasyon sa tunay na esensya ng impormasyon. Ito ay mag-aakay sa taong
humihingi ng impormasyon na isipin kung ano ang nais na ipaiisip ng nagbibigay ng
impormasyon. Ito ay nangangahulugang pagsasabi ng totoo ngunit hindi ang buong
katotohanan. Ang isang bahagi ng katotohanan ay nananatili sa isip ng taong
nagbibigay ng impormasyon upang ang bahaging sinabi ay magdulot ng kalituhan.

7

Mahalagang tandaan na ang ganitong mga pamamaraan sa pagtatakip o pagtatago
ng katotohanan ay hindi ginagamit sa lahat ng pagkakataon o sa kahit na anong
dahilan. Ang hindi mapanagutang paggamit nito ay maituturing na rin na
pagsisinungaling na maaaring makasira ng panlipunang kaayusan at ng tiwala ng
kapuwa.

Katapatan sa Gawa
May kasabihan na “action speaks louder than words”. Patunay ito na mas
binibigyan ng halaga ang gawa kaysa sa salita. Sa usapin ng katapatan, minsan ay
natutuon lamang ang pansin ng marami sa kasinungalingan bilang paglabag sa
katotohanan. Nakaliligtaan na ang kilos din ng tao ay may kakayahang lumabag sa
katapatan. Halimbawa, ang korapsyon o ang pagnanakaw sa kaban ng bayan ay
isang malalang suliranin sa bansa. Isa ito sa pangunahing itinuturong dahilan kung
bakit patuloy na naghihirap ang maraming mamamayan. Ito ay sa dahilang sa halip
na napupunta ang pera ng pamahalaan para sa serbisyo para sa mamamayan ay
napupunta sa iilang tao na nasa kapangyarihan na hindi yata nauunawaan ang halaga
ng katapatan. Ang pera ang isa sa pangunahing kalaban ng katapatan sa gawa.
Marami ang nabubulag sa maaaring maibigay na ligaya ng pagkakaroon ng maraming
pera kung kaya binabalewala ang pangangalaga sa sariling integridad. Mas higit na
hindi napahahalagahan ang moralidad ng kanilang kilos. Mulat ang iyong mga mata
sa ganitong mga gawain. Ngunit kailangang maging malinaw sa iyo na isa ito sa
halimbawa ng pinakamasamang paglabag sa katapatan sa gawa. Ito ay lubos na hindi
katanggap-tanggap.
Tandaan mo na mas higit na nakamumuhi ang kawalan ng katapatan sa gawa
kaysa sa salita. Ipinagkakait ng taong gumagawa nito ang nararapat para sa mga
taong dapat na makinabang dito. Maraming tao ang nagtitiis ng hirap at namamatay
sa gutom dahil sa pagiging sakim sa pera ng iilan. Magiging ganap na matapat lamang
ang kilos ng tao kung tunay niyang isinasabuhay ang kaniyang mga sinasabi. Ang
matapat na tao ay hindi kailanman magsisinungaling, hindi kukuha ng bagay na hindi
niya pag-aari at hindi manlilinlang o manloloko ng kaniyang kapwa sa anumang
paraan. Ito ay ang pagkakaayon ng isip sa katotohanan. Parami nang parami ang
taong namumuhay sa kasinungalingan, sa panlilinlang, at sa pagiging makasarili.
Mahalaga na sa lahat ng ating iniisip, sinasabi, at ginagawa, malaking bagay man
ito o maliit, lagi nating sinisiguro na ito ay yumayakap sa katotohanan. Magagawa
natin ito sa pamamagitan ng pagsisimula sa maliliit na bagay. Katulad na lamang ng
tatlong maliliit na huwaran ng asal (behaviour patterns) na nagpapakita ng tatlong
malalaki at magkakaugnay na birtud:
Una, Gumagawa ka ba ng tama at mabuting mga pagpapasiya at naninindigan para
rito? (decisiveness)
Ikalawa, Ikaw ba ay bukas sa iyong kapwa? Sa pagbabahagi mo ba ng iyong sarili
sinisiguro mo na ito ay may kalakip na moral na awtoridad (moral authority). Ikaw ba
ay marunong tumanggap ng pagkakamali? (openness and humility)
Ikatlo, Ang lahat ba ng iyong iniisip at ginagawa ay sinisiguro mo na yumayakap sa
katotohanan? (sincerity or honesty)

8


Ang pagyakap sa lahat ng mga ito ang maglalayo sa iyo sa sitwasyon na
kakailanganin mong gumawa ng mga bagay na labag sa katotohanan para lamang
pagtakpan ang iyong mga pagkakamali. Kailangang sa simula pa lamang ay gabay
mo na ang mga ito upang makapamuhay ka nang puno ng katapatan. Laging tandaan
na ang katotohanan ay hindi nililikha ng tao, nag-iisa lamang ito at hindi kailanman
mababago ng panahon o ng lugar. Ito ay isang hamon na hindi madaling harapin kung
hindi taos sa iyong puso ang pagnanais na makamit ito. Ngunit ang pangako nito para
sa patuloy na paglago ng iyong pagkatao bilang tao ay hindi matutumbasan ng
anumang yaman o kasikatan. Ikaw, tinatanggap mo ba ang hamon na ito?


Gawin Natin

Panuto: Punan ng tamang salita ang bawat patlang upang mabuo ang konsepto ng
talata. Piliin ang iyong sagot mula sa loob ng kahon.

Pagsisinungaling Prosocial Lying Sincerity or Honesty
Self-enhancement Lying Selfish Lying Katapatan

___________1. Ang pagbaluktot sa katotohanan, isang panlilinlang. Ang pagtatago
ng isang bagay na totoo sa isang taong may karapatan naman dito.
Anumang uri nito ay kalaban ng katotohanan at katapatan.
___________2. Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao.
___________3. Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na
mapahiya, masisi o maparusahan.
___________4. Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa makapinsala
ng ibang tao.
___________5. Ang lahat ba ng iyong iniisip at ginagawa ay sinisiguro mo na
yumayakap sa katotohanan?

9


Sanayin Natin




Panuto: Basahin at unawain ang pangungusap at tukuyin kung ito ay tama o mali.
Isulat ang TAMA kung tama ang ipinahahayag ng pangungusap at MALI,
kung mali ang isinasaad.






Mga Tanong Tama Mali
1. Ito ba ay mga uri ng pagsisinungaling?
→ Decisiveness, Moral Authority and Openness
and Humility, Sincerity

2. Ikaw ba ay bukas sa iyong kapuwa? Sa pagbabahagi mo
ba ng iyong sarili sinisiguro mo na ito ay may kalakip na
moral na awtoridad? Ikaw ba ay marunong tumanggap
ng pagkakamali?
→ Moral Authority and Openness and Humility

3. Ito ba ay pagsisinungaling upang pangalagaan o
tulungan ang ibang tao?
→ Prosocial Lying

10


Tandaan Natin

Panuto: Gamit ang graphic organizer ay buuin ang mahalagang konsepto na
nahinuha mula sa mga nagdaang gawain at babasahin na binasa. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.


Ang pagiging
matapat sa ay pagpapatunay
ng pagkakaroon ng






Ito ay
may layuning


Gabay ang








_________________
_________________

_________________
_________________

_________________
_________________

11


Suriin Natin

I. Panuto A: Batay sa mga napag-aralan, ang pagsisinungaling ay isang pag-
aabuso sa salita. Hindi ito naayon sa katotohanan at katapatan. Ito
ay isang panlilinlang kaya dapat natin iwasan sa lahat ng
pagkakataon. Magbigay ng limang dahilan ng pagkakasadlak ng tao
sa kasinungalingan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Mga Dahilan ng Pagsisinungaling:
1.
2.
3.
4.
5.

Panuto B: Mahalagang mamuhay para sa katotohanan kaya dapat na ipaglaban
ang katotohanan bilang paninnindigan sa katapatan sa salita at gawa.
Magbigay ng limang dahilan sa pagsasabi ng totoo.Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Mga Dahilan kung Bakit Kailangang Magsabi ng Totoo:
1.
2.
3.
4.
5.

12


II. Panuto: Balikan ang mga sariling karanasan ng kahinaang nalampasan mo na at
nabigyan ng akmang hakbang upang maitama ang mga ito. Magbigay ng
dalawang karanasan ng pagsisinungaling na nagawa mo na sa buhay at
ibigay ang paraan kung paano ang mga ito naisaayos. Sundan ang
halimbawa sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Mga Pagsubok o Nagawang Paglabag
sa Iyong Katapatan sa Salita at sa
Gawa:
Halimbawa: Pangongopya at
nagpapakopya sa aking mga kamag-aral.

Mga Paraan Kung Paano Nalampasan
ang mga Ito at Napatatag ang
Katapatan sa Salita at Gawa:
Halimbawa: Nagiging matapat sa
pagsusulit. Hindi na nagongopya at
nagpapakopya.
1.
2.
3.
4.
5.

13


Payabungin Natin

Panuto: Karagdagang pagpapaunlad ng kakayahang mag-isip nang mapanuri at
mangatwiran. Mahalaga ang mamuhay para sa katotohanan upang
magkaroon ng kabuluhan ang pakikipaglaban sa katapatan sa salita at
gawa. Unawain ang bawat pahayag na nasa loob ng kahon. Magbigay ng
isang sitwasyon kaugnay sa bawat pahayag at magbigay din ng tig-isang
dulot nito sa iyong pag-unlad bilang tinedyer. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.




Pahayag
Sitwasyon
kaugnay sa
pahayag na aking
naranasan
Dulot ng nagawa
ko sa aking sarili
Dulot ng nagawa
ko sa aking
pamilya, kaibigan
at sa mga taong
nasa aking
paligid
Hallimbawa:
Gumagawa ako ng
tama at mabuting
pagpapasya at
naninindigan para
rito.
Hallimbawa:
Kahit mababa ang
iskor ko sa
pagsusulit ay
iniwasan kong
nangopya.
Hallimbawa:
Nabuo ang aking
tiwala sa sarili.
Hallimbawa:
Humanga at nag
tiwala sila sa aking
kakayahan.
1.Gumagawa ako
ng tama at
mabuting
pagpapasya at
naninindigan
para rito.


2. Nalabag ko ang
pagsasabi ng
katotohanan at
hindi ko
naipaglaban ang
katapatan sa
salita at gawa.

14



Pagnilayan Natin

Panuto: Inaanyayahan kitang gumawa ng isang pormal na pahayag ng iyong pangako
sa sarili upang makabuo ng tiyak na hakbang kung paano mo mas patatagin
ang sarili sa pakikipaglaban para sa katapatan sa salita at sa gawa. Isulat
ito sa sagutang papel.

Sa pagninilay, isaisip at isapuso ang sumusunod na gabay na tanong:

Anu-anong mga hakbang ang sa palagay mong magpapatatag sa iyong katapatan?
Ano ang layunin ng katapatan sa salita at sa gawa?
Paano makatutulong sa iyong pagiging ganap na tao ang katapatan sa salita at sa
gawa?
Paano ito nakapagpalapit sa iyong sarili sa Diyos na Tagapaglikha?










Pormal Na Pahayag Ng Aking Pangako Para Ipaglaban Ang
Aking Katapatan Sa Salita At Gawa Araw-Araw

15




Susi sa Pagwawasto

Sagot sa “Suriin Natin”:
Mga dahilan kung bakit kailangang
magsabi ng totoo:
1. Ito ay ang natatanging paraan
upang malaman ng lahat ang tunay
na pangyayari.
2. Ito ay magsisilbing proteksiyon
para sa mga inosenteng tao upang
masisi o maparusahan.
3. Ito ang magtutulak sa tao upang
matuto ng aral sa mga pangyayari.
4. Mas magtitiwala sa iyo ang iyong
kapuwa.
5. Hindi mo na kinakailangan
lumikha pa ng maraming
kasinungalingan para lamang
mapanindigan ang iyong nilikhang
kuwento.
6. Inaani mo ang reputasyon bilang
isang taong yumayakap sa
katotohanan.
7. Ito ay ang magtutulak sa iyo
upang makaramdam ng seguridad
at kapayapaan ng loob.

Sagot sa “Suriin Natin”:
Mga dahilan sa pagsisinungaling:
a.) Pagsisinungaling upang
pangalagaan o tulungan ang ibang
tao (Prosocial Lying)
b.) Pagsisinungaling upang isalba
ang sarili upang maiwasan na
mapahiya, masisi, o maparusahan
(Self Enhancement Lying)
c.) Pagsisinungaling upang
protektahan ang sarili kahit pa
makapinsala ng ibang tao (Selfish
Lying)
d.) Pagsisinungaling upang sadyang
makasakit ng kapuwa (Antisocial
Lying)
Iba pang mga dahilan:
- upang makaagaw ng atensyon
- upang mapasaya ang isang
mahalagang tao
- upang hindi makasakit sa isang
mahalagang tao
- upang makaiwas sa personal na
pananagutan
- upang pagtakpan ang isang
suliranin

Sagot sa “Subukin
Natin”:
1.C
2.D
3.A
4.C
5.A

Sagot sa “Gawin Natin”:
Pagsisinungaling
Prosocial Lying
Self-enhancement Lying
Selfish Lying
Sincerity or Honesty
Sagot sa “Sanayin Natin”:
1.Mali
2.Mali
3.Tama


Sagot sa “Tandaan
natin:”
1-2. Salita at Gawa
3-4 Pananagutan sa
katutuhanan at
mabuti at matatag
na konsensya
5. maibigay sa
kapuwa ang
nararapat sa kanya
6. Diwa ng
pagmamahal

16



Sanggunian


Edukasyon sa Pagpapakatao - Ikawalong Baitang, mga pahina 314-334
Modyul para sa Mag-aara Unang Edisyon, 2013 ISNB: 978-971-9990-80-2


MELCS

Para sa mga tanong o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Region XI

F. Torres St., Davao City

Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147

Email Address: [email protected]
Tags