Sangay
Paaralan Baitang 10
Guro Asignatura ESP
Oras at Petsa Day 7 Markahan 3
rd
Quarter
I. OBJECTIVES
A.Content
Standards
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa paggalang sa buhay.
B.Performance
Standards
Nakagagawa ang mag-aaral ng angkop na kilos upang maipamalas ang
paggalang sa buhay (i.e., matuwid and “culture of death” na umiiral sa
lipunan)
C.Learning
Competencies/
Objectives (Write
the code for each
LC)
Napangangatwiranan na: Mahalaga ang buhay dahil kung wala ang
buhay, hindi mapahahalagahan ang mas mataas na pagpapahalaga
kaysa buhay; di makakamit ang higit na mahalaga kaysa buhay
(EsP10PB-IIId-10.3) Ikalawang Araw
II. CONTENT
A.Subject MatterPaggalang sa Buhay
III.LEARNING
RESOURCES
A.References
1.Teacher’s Guide
Pages
2.Learner’s
Material Pages
3.Textbook Pages
4.Additional
Materials from
LR Portal
B.Other Learning
Resources
Video: The Giving Tree. Downloaded from: http://bit.ly/2WvLbGQ on
June 12, 2019.
Photo: National Heroes. Retrieved from http://bit.ly/2XF8bEv on June
12, 2019.
IV. PROCEDURES Teacher’s Activity/ies
Learner’s Expected
Response/s
A.Reviewing
previous lesson or
presenting the new
lesson
Magandang araw sa lahat!
Sa araw na ito ay ipagpatuloy natin
ang ating aralin na nasimulan
kahapon.
Ngayon, sino ba sa inyo ang
makapagbibigay ng buod sa ating
aralin?
Tama. Minsan ang pagpapahalaga sa
buhay ay nangangahulugan na ibuwis
ito alang-alang sa kapakanan ng iba o
sa kabutihang panlahat na nais mong
makamit. Kaya lang dapat rin ninyong
isipin na ang pagbubuwis ng buhay na
tinutukoy ko ay hindi pagpapatiwakal.
Malaki ang kaibahan ng pagbubuwis
ng buhay sa pagpapatiwakal.
Sa nakaraang pagkikita natin
ay ating napag-usapan ang
tungkol sa pagsasakripisyo.
Dito natutunan ko na ang
pagsasakripisyo pala ay
magagawa lamang kung ang
isang bagay na iyong
isasakripisyo ay mahalaga sa
iyo.
Nalalaman ko rin na minsan
kinakailangan ang pagbubuwis
ng buhay tulad ng ginawa ni
Muelmar Magallanes kung
may mas mataas na
pagpapahalaga kaysa buhay
ang nais mong makamit,
mangyari o matagumpayan.
B.Establishing a
purpose for the
lesson
(Sa pamamagitan ng powerpoint
presentation ay ipapakita ang mga
larawan ng ating mga bayani tulad ng
mga larawan nasa ibaba.)
1.Sino ang ipinapakita sa mga
larawan?
1.Ang ipinakita sa mga
lawaran ay ang ating mga
magigiting na bayani.
2.Ano ang dahilan kung bakit
tinatawag natin silang mga
bayani?
3.Lahat ba na tinatawag nating
bayani ay nagbuwis ng kanilang
buhay? Ipaliwanag.
Tama. Samakatuwid, hindi lahat na
sinasabi nating pagbubuwis ng buhay
o pagsasakripisyo ay nag-uuwi sa
isang pisikal na kamatayan. Subalit
kung titingnan natin ang araw-araw na
paghihirap na ginawa ng ating mga
magulang upang tayo ay mabuhay, ay
para na ring sila’y nakararanas ng
kamatayan.
2.Tinatawag natin silang
bayani dahil ibinuwis nila
ang kanilang buhay alang-
alang sa bayan at sa ating
kalayaan.
3.Opo. Lahat po na
tinatawag nating bayani ay
nagbuwis ng kanilang
buhay. Kaya lang minsan
ang pagbubuwis na ito ay
hindi nangangahulugan ng
kamatayan. Para sa akin,
ang paghihirap ng aking
mga magulang upang
makahanap ng aming
makakain sa araw-araw ay
isa ng halimbawa sa
pagbubuwis ng kanilang
buhay.
C.Presenting
examples/
instances of the
new lesson
Kaya sa araw na ito ay mas
pagnilayan pa natin ang mga araw-
araw na pagpapakita ng
pagpapahalaga sa buhay ng mga
taong mahalaga sa atin sa
pamamagitan ng pagsasakripisyo o
pagpapakahirap makamit lamang ang
isang bagay na may mas mataas na
pagpapahalaga kaysa buhay.
Ang una nating gagawin ay ang
panonood ng isang video na
pinamagatang “The Giving Tree.”
Habang pinapanood ang video ay
dapat iisipin ninyo ang posibleng
maging kasagutan sa mga tanong na
nasa ibaba. Naiintindihan ba ninyo?
(Makikita ang video sa web address
na ito: http://bit.ly/2WvLbGQ)
Sige. Tara na.
Opo. Naiintindihan po namin.
D.Discussing new
concepts and
practicing new
Pagkatapos mapanood ang video ay
itanong sa mga bata ang mga
sumusunod:
skills #1
1.Paano ipinapakita ng isang
punong kahoy ang kanyang
pagsasakripisyo?
2.Ano ang nangyari sa bandang huli
sa kuwento?
3.Ano ang ibig sabihin sa tinatawag
nating ultimate sacrifice?
4.Ang pagsasakripisyo ba ay
pagpapakita ng pagmamahal?
Ipaliwanag.
1.Ipinakita ng isang punong
kahoy ang kanyang
pagsasa-kripisyo sa
pamama-gitan ng
pagtugon sa mga
kahilingan ng bata.
2.Nasiyahan pa rin ang
punong kahoy para sa
“bata” kahit wala nang
natira pang “yaman” para
sa kanyang sarili.
3.Batay sa video, ang
ultimate sacrifice ay ang
pagsasakripisyo ng sariling
buhay para sa ikabubuti ng
iba o ng kanyang
minamahal.
4.Opo. Ang pagsasakripisyo
ay isang pagpapakita ng
pagmamahal. Sabi nga ni
Hesus, “Walang pag-ibig
na hihigit pa sa pag-ibig
ng isang taong nag-
aalay ng kan-yang buhay
para sa kanyang mga
kaibigan.”
E.Discussing new
concepts and
practicing new
skills #2
Magaling. Masaya ako at naihambing
ninyo ang paksa nating ito sa buhay
at mga aral ni Hesus.***
(***Sa halip ni Hesus maari ding
gamitin ang kuwento ng ating mga
bayani gaya ni Jose Rizal, lalong-lalo
na sa mga kababayan nating hindi
mga Kristiyano.)
Kung ang Panginoong Hesus ay nag-
aalay ng sarili niyang buhay alang-
alang sa kanyang mga kaibigan at sa
ating lahat, anong klaseng
pagsasakripisyo ang kaya mong
gawin para sa (1) pamilya; (2) kapwa;
(3) bayan; (4) kalikasan; (4) Diyos?
F.Developing
mastery
1.Sagutin ninyo nang malikhain ang
katanungan na ito sa
pamamagitan ng isang
pangkatang pagsasadula (role
play).
2.Pumunta kayo sa inyong pangkat
at planuhin ng maigi ang
gagawing role-play (duration: 2-3
mins). Ang unang grupo ay
magpapakita kung anong klaseng
pagsasakripisyo ang nararapat
gawin para sa pamilya; Ang
pangalawang grupo naman ay
tutugon para sa kapwa, lalong-lalo
na ang mga marginalized;
Gagawin ng pangatlong grupo ang
para sa bayan; Ang pang-apat ay
para sa kalikasan; At ang panghuli
ay magsasadula tungkol sa
sakripisyo na kaya nilang gawin
para sa Diyos.
3.Gamitin ang Rubrics na nasa
ibaba sa pagbuo at pagganap ng
isang pangkatang pagsasadula:
G.Finding practical
applications of Ang maaring kahihinatnan sa
Rubrics para sa Pagganap sa pamamagitan ng isang Role Play
concepts and skills
in daily living
Ano ang maaring mangyari sa isang
pamilya o bayan kung ang bawat
miyembro nito ay handang
magsasakripisyo alang-alang sa
kapakanan ng pamilya o bayan?
isang pamilya/bayan na kung
saan ang bawat miyembro nito
ay handang magsasakripisyo
para sa kapakanan ng
pamilya/ bayan ay: (1)
maitaguyod ang
pagmamahalan o
pagmamalasakit sa loob ng
pamilya/bansa; (2) walang ni
isang miyembro ang maiiwan
sa pag-unlad ng pamilya o
bayan; (3) madaling
matutugunan ang mga
pangangailangan ng tao na
walang hinihintay na anumang
kapalit.
H.Making
generalization and
abstractions about
the lesson
Ano ang kaugnayan ng
pagsasakripisyo sa pagpapahalaga
ng buhay?
Ang pagsasakripisyo ay
magaganap lamang kung
pinapahalagahan ng tao ang
buhay. Dahil sa
pagpapahalaga sa buhay,
nakakamit ng tao ang mga
bagay na may mas mataas na
pagpapahalaga kaysa buhay,
hal., ang pagma-mahal. Hindi
sana tayo masasangkot sa
isang “pagmamahalan o pag-
iibigan” kung hindi mahalaga
ang buhay para sa atin.
I.Evaluating learning
Sanaysay. Ipaliwanag ang sinabi ni
Hesus sa kanyang mga alagad:
“Ang naghahangad na magligtas
ng kanyang buhay ay mawawalan
nito; ngunit ang mawalan ng kanyang
buhay alang-alang sa akin ay
magkakamit nito.” (Mateo 16:24)
Rubrics para sa Pagganap sa pamamagitan ng isang Essay
J.Additional activities
for application or
Rubrics para sa Pagganap sa pamamagitan ng isang Essay
remediation Mag-lista ng limang (5) kilos na
nagpapakita ng paggalang sa buhay.
IV. REMARKS
V. REFLECTION
A. No. of learners
who earned 80%
on the formative
assessment
B. No. of learners who
require additional
activities for
remediation
C. Did the remedial
lessons work? No.
of learners who
have caught up
with the lesson.
D. No. of learners
who continue to
require
remediation
E. Which of my
teaching strategies
worked well? Why
did these work?
F. What difficulties did
I encounter which
my principal or
supervisor can
help me solve?
G. What innovation or
localized materials
did I use / discover
which I wish to
share with other
teachers?