Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR
PARANG NATIONAL HIGH SCHOOL
P15, PARANG, CANTILAN, SURIGAO DEL SUR
Summative Test I in ESP 10- Q1
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang mga sagot sa kuwaderno.
1.Alin ang hindi tinutukoy ng bahaging “madaling maging tao” sa kasabihang
“Madaling maging tao, mahirap magpakatao?”
A. May isip at kilos-loob ang tao.
B. May kamalayan siya sa kaniyang pagtungo sa kaniyang kaganapan.
C. Tapat ang tao sa kaniyang misyon.
D. May konsensiya ang tao.
2.Alin ang hindi tinutukoy ng bahaging “mahirap magpakatao” sa kasabihang
“Madaling maging tao, mahirap magpakatao?”
A. Ito ang nagpapabukod-tangi sa tao sa kaniyang kapuwa-tao.
B. Ibang mag-isip at tumugon ang bawat isa sa magkapatid na kambal kung maharap sa parehong
sitwasyon.
C. Nililikha niya sa kaniyang sarili ang mga katangiang nagpapabukod-tangi sa kaniya habang siya
ay nagkakaedad.
D. May kakayahan ang tao na itakda ang kaniyang kilos para lamang sa katotohanan at kabutihan.
3.Alin ang nagpapahayag sa katangian ng tao bilang indibidwal?
A. Ang tao ay may matibay na paninindigan, pagpapahalaga, at paniniwalang bukod-tangi sa lahat.
B. Hiwalay ang tao sa ibang tao dahil noong siya ay isinilang, nagsimula na siyang mag-okupa ng
espasyong hiwalay sa ibang sanggol.
C. Lahat ng tao ay pantay-pantay kahit magkakaiba ang mga katangian, pangarap at
pagpapahalaga ng bawat isa.
D. Bukod-tangi ang tao at naiiba sa kaniyang kapuwa dahil siya ang lumilikha ng kaniyang pagka-
sino.
4.Ano ang kahulugan ng pangungusap?
“Ang tao bilang persona ay isang proseso ng pagpupunyagi tungo sa pagiging ganap na siya.”
A. Nililikha ng tao ang kaniyang pagka-sino sa pamamagitan ng pagsisikap.
B. Lahat ng tao ay dumadaan sa proseso ng pag-unlad.
C. Dapat magsikap ang lahat ng tao.
D. Nagiging ganap ang tao dahil sa kaniyang pagpupunyagi.
5.Aling yugto ng pagka-sino ng tao ang nagpapakita ng pagkamit ng kaniyang kabuuan, kaya hindi siya
naiimpluwensiyahan ng pananaw ng nakararami dahil sa kaniyang matibay na paninindigan?
A. Persona B. Personalidad C. Pagme-meron D. Indibidwal
6.Alin sa sumusunod ang nagpakita ng katangian ng hindi pa ganap na personalidad?
A. Nakibahagi si Kesz sa paglutas ng mga suliraning kinakaharap ng kabataan sa buong mundo.
B. Naitaas ni Kap Roger ang antas ng kabuhayan ng kaniyang pamilya at kapuwa magsasaka.
Purok 15, Parang, Cantilan, Surigao del Sur 8317
(086) 213-4146
[email protected]