Ang dignidad ay salitang Latin na dignitas , mula sa dignus , na ang ibig sabihin ay “ karapat-dapat ”. DIGNIDAD
Ibig sabihin , dahil sa taglay niyang dignidad , karapat-dapat ang tao sa pagpapahalaga at paggalang ng kaniyang sarili at kapuwa . DIGNIDAD
Lahat ng tao , anuman ang kanilang gulang , anyo , antas ng kalinangan at kakayahan , ay may dignidad .
Tunghayan ang mga larawan . Suriin ang bawat isa sa pamamagitan ng pagsagot sa hinihinging impormasyon ng titik a, b, at c. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno . Madalas na katawagan sa kaniya ng mga tao . b. Ang iyong damdamin kapag nakakikita ka ng mga tulad niya . c. Paraan ng pakikitungo sa kaniya ng mga tao .
Madalas na katawagan sa kaniya ng mga tao B. Ang iyong damdamin kapag nakakikita ka ng mga tulad niya C. Paraan ng pakikitungo sa kaniya ng mga tao .
Madalas na katawagan sa kaniya ng mga tao B. Ang iyong damdamin kapag nakakikita ka ng mga tulad niya C. Paraan ng pakikitungo sa kaniya ng mga tao .
Madalas na katawagan sa kaniya ng mga tao B. Ang iyong damdamin kapag nakakikita ka ng mga tulad niya C. Paraan ng pakikitungo sa kaniya ng mga tao .
Madalas na katawagan sa kaniya ng mga tao B. Ang iyong damdamin kapag nakakikita ka ng mga tulad niya C. Paraan ng pakikitungo sa kaniya ng mga tao .
RUBRICS: Relevance of the topic (KONSENSIYA)- 30 Delivery and Characterization- 30 Preparedness- 20 Presentation & costumes (optional)-20 TOTAL- 100
Bawat tao ay may dignidad dahil sa kaniyang pagkatao . Ayon kay Sto . Tomas , nilikha ang tao na kawangis ng Diyos at pinagkalooban ng isip at kalayaan
Ayon naman kay Immanuel Kant , ang tao ay naiiba sa lahat ng nilalang . Ibig sabihin , mas mahalaga at mas magaling siya sa ibang nilalang .
Ayon kay Dr Manuel Dy , sa lahat ng kilos ng tao , pinakapangunahin ang pagmamahal . Ibig sabihin , ito ang pinagbabatayan ng lahat ng kilos ng tao dahil lahat ng iba’t ibang pagkilos niya ay sa kahuli-hulihan nauuwi sa pagmamahal .
Ayon kay Propesor Patrick Lee , ang sumusunod ay obligasyon ng bawat tao kung saan pinapakita ang dignidad :
Halimbawa , sa kabila ng kahirapan sa buhay , hindi gagawin ng isang tao ang magbenta ng sariling laman o magnakaw na nagpapababa ng sariling pagkatao . Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa .
Karaniwang naririnig mula sa matatanda na bago mo sabihin o gawin ang isang bagay ay makasampu mo muna itong isipin . Ano ang magiging epekto sa iba ang iyong gagawin ? Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos .
Ang prinsipyong ito ay nagpapatunay na anumang gawin mo sa iyong kapwa ay ginagawa mo rin sa iyong sarili . Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais gawin nilang pakikitungo saiyo
“Paano maiaangat ng isang kabataan ang dignidad niya at ng kaniyang kapwa lalo na sa mga mahihirap at mga indigenous groups o mga katutubo ?”
Prinsipyo ng Dignidad Pantao Ang tao ay ibinibilang na banal mula sa kanyang pagkalalang hanggang sa kanyang kamatayan . 2. Bawat tao ay dapat kinikilalang mahalagang kasapi ng pamayanan na may materyal at espirituwal na kalikasan , 3. Ang dignidad ng tao ay ipinagtatanggol sa pamamagitan ng paggalang , pagmamahal , at pag-aaruga ng buhay .
Suriin kung ang mga tao sa bawat sitwasyon ay nagpapakita ng paggalang o hindi paggalang sa dignidad ng sarili at kapuwa
Sitwasyon 1. Nagmula si Julius sa isang mayamang pamilya . Gayonpaman , inaatasan pa rin siya ng kaniyang magulang na tumulong sa gawaing-bahay kahit sila ay may mga kasambahay . Sa kaniyang libreng oras , tumutulong siya sa paglilinis ng kuwarto , pagluluto at pag-aalaga ng kanilang aso . Sa oras ng pagkain , inaanyayahan niyang sumabay sa kaniya ang mga kasambahay .
Sitwasyon 2. Habang namamasyal sa parke si Mark, isang lalaking may kapansanan ang hindi inaasahang natumba . Nahulog ang kaniyang mga dalang gamit . Agad na lumapit si Mark upang tulungang makatayo ang lalaki . Pinulot at nilinis din niya ang mga nalaglag na gamit . Inalalayan niya ito sa pinakamalapit na upuan at binilihan pa ng maiinom na tubig .
Situwasyon 3. Tunay na nangyari ang sitwasyong ito sa isang sikat na network ng telebisyon .: Isang tanyag at iginagalang na field news reporter si Alvin. Sa isang programang pantelebisyon , naatasan siyang magpanggap bilang pulubi o taong grasa . Gagawan niya ito ng dokyumentaryo at susubukan ang kakayahan ng mga tao na tumulong at magmalasakit sa kapuwa . Nang magpalit-anyo si Alvin, ang mga dating pagbati at papuri sa kaniya bilang kagalang-galang na news reporter ay napalitan ng pag-iwas at walang galang na pagtaboy .
Situwasyon 4. Isa sa mga pinakasikat na manlalaro ng basketball si Mikey sa kanilang paaralan . Isang araw habang siya ay naglalakad papunta sa locker sa kanilang gym, hindi sinasadyang nabangga siya ng isang lalaki . Napagtanto niya na ito ay isa sa mga manlalaro ng nakalaban nilang koponan ng basketball. Sa kasamaang-palad , natalo sila sa larong iyon . Sa inis niya , sinigawan at hinamon niya ng suntukan ang lalaki .
Situwasyon 5. Na-promote si Eric bilang department head sa kompanyang pinagtatrabahuhan niya . Dahil ito sa kaniyang sipag at tiyaga noong ordinaryong empleyado pa lamang siya . Naalala niya na noong siya’y nagsisimula pa lamang , madalas siyang mapagsabihan at mapagalitan ng kaniyang boss. Ito ang ginamit niyang motibasyon upang paunlarin ang sarili at higit na magsumikap . Tiniis niya ang paghihigpit ng kaniyang boss. Ngayon ay retired na ito at namumuhay na lamang nang simple. Nabalitaan nito ang kaniyang promotion at agad na nagpadala ito ng pagbati sa kaniya sa text message at e-mail. Pinili ni Eric na hindi ito sagutin o magpasalamat man lamang . Naisip niyang hindi na niya ito kailangan dahil nakuha na niya ang hinahangad na posisyon .
Situwasyon 6. Sa house blessing ng pamilyang Abuela, dumalo ang isang kamag-anak na lumaki , nagtagumpay at yumaman sa ibang bansa . Agad ipinakilala siya ng maybahay ng pamilya sa kaniyang mga kapatid na nakaaangat na rin sa buhay . Ngunit nang dumating si Enteng , ang kaniyang kapatid na nanatiling mahirap , binati lamang niya ito ngunit hindi ipinakilala sa mayamang kamag-anak .
TAKDANG-ARALIN: Mga kilos ng paggalang sa dignidad ng sarili : Sa Sarili Sa kapwa
1. Gumawa ng tsart ng paggalang sa dignidad . 2. Sumulat ng mga kilos na pagsisikapan mong gawin sa buong linggo upang masanay ka at mapatibay ang paggalang mo sa dignidad ng sarili at kapuwa . 3. Lagyan ng tsek ang araw kung saan nagtagumpay ka sa pasasagawa ng nasabing kilos at ekis naman kung hindi .
Edukasyon sa Pagpapakatao 10 QUARTER 2 Ms. Fayrah Alfeche
Second Quarter: Ang Pagkukusa ng Makataong Kilos (Voluntariness of Human Act)
Ang Makataong Kilos
Ayon kay Agapay , ang kilos ang nagbibigay patunay kung ang isang tao ay may kontrol at pananagutan sa sarili .
dalawang uri ng kilos ang tao : kilos ng tao (acts of man) makataong kilos (human act)
ay likas sa tao o ayon sa kanyang kalikasan at hindi ginagamitan ng isip at kilos- loob . Ang kilos na ito ay masasabing walang aspekto ng pagiging mabuti o masama – kaya walang pananagutan ang tao kung naisagawa ito . kilos ng tao (acts of man)
Halimbawa nito ay ang mga biyolohikal at pisyolohikal na kilos na nagaganap sa tao tulad ng paghinga , pagtibok ng puso , pagkurap ng mata , pagkaramdam ng sakit mula sa isang sugat , paghikab at iba pa. kilos ng tao (acts of man)
Ang Acts of Man ay mga kilos na natural lang na nangyayari sa tao , walang kusang-loob o pag-iisip . Hindi mo iniisip gawin . Wala kang kontrol dito . Wala kang pananagutan sa kilos na ito kilos ng tao (acts of man)
Halimbawa : Paghinga Pagkurap ng mata Pagkagutom Pagbahing kilos ng tao (acts of man)
ay kilos na isinagawa ng tao nang may kaalaman , malaya , at kusa. Ito ay ginamitan ng isip at kilos- loob kaya’t may kapanagutan ang tao sa pagsasagawa nito . makataong kilos (human act)
Pananagutan ng taong nagsagawa ng makataong kilos ang bunga ng kaniyang piniling kilos. Kung mabuti ang kilos, ito ay katanggap-tanggap . At kung masama ang kilos, ito naman ay kahiya -hiya at dapat pagsisihan makataong kilos (human act)
Ang Human Act ay isang kilos na ginagawa ng tao nang may kaalaman at kusa . Alam mo ang ginagawa mo. Ginusto mo ito o pumayag kang gawin ito . May pananagutan ka sa ginawa mo. makataong kilos (human act)
Halimbawa : Tumutulong sa kaibigan sa assignment Nagsasabi ng totoo o nagsisinungaling Pumapasok o hindi pumapasok sa klase makataong kilos (human act)
Maaari bang maging human act ang acts of man ?
Ang sagot ay oo .
Halimbawa : Si Jasmin ay isang mag- aaral sa Baitang 10. Hilig niya ang magpunta sa library at doon ay magbasa ng mga paborito niyang dyornal . Sa kaniyang paglalakad ay narinig niya ang kuwentuhan ng kaniyang mga kaklase tungkol sa maagang pag-aasawa ng isa nilang kamag-aral . Hindi sadyang marinig niya ito at magkaroon ng kaalaman tungkol dito . Kaya hindi niya ito inintindi at nagpatuloy siya sa paglalakad patungo sa library.
Explanation: Maliwanag na walang kamalayan si Jasmin sa tsismis sa loob ng mga ito sa kaniyang paglalakad patungo sa library, hindi ito tumimo sa kaniyang isip gayundin ang mga detalye ng kuwento . Kaya, ang kilos na pagkakarinig ay hindi sinadya . Ang kakayahan niyang tumugon sa mga narinig ay hindi niya pinili . Kaya, ang kilos na pagdinig sa usapan ay hindi malayang pinili .
Ang pananagutan ay nararapat na may kaalaman at kalayaan sa piniling kilos upang masabing ang kilos ay pagkukusang kilos (voluntary act). Ang bigat (degree) ng pananagutan sa kinakaharap na sitwasyon ng isang makataong kilos ay nakabatay sa bigat ng kagustuhan o may pagkukusa .
Tatlong uri ng Kilos ayon sa Kapanagutan (Accountability)
Ayon kay Aristoteles, may tatlong uri ng kilos ayon sa kapanagutan : kusang-loob , di kusang-loob , at walang kusang-loob .
Ito ang kilos na may kaalaman at pagsang-ayon . Ang gumagawa ng kilos ay may lubos na pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan nito . Kusang-loob
Halimbawa : Ang isang gurong nasa sekondarya na gumaganap ng kaniyang tungkulin bilang guro . Gumagamit siya ng iba’t ibang istratehiya sa pagtuturo para sa kaniyang klase . Nagbubuo rin siya ng banghay-aralin (lesson plan) bilang preparasyon sa kaniyang araw-araw na pagtuturo . Naghahanda siya ng mga angkop at kawili -wiling kagamitang panturo upang mapaunlad ang pagkatuto ng mga mag- aaral . Gumagawa rin siya ng mga angkop na pagsusulit upang matiyak ang mga minimithing pagkatuto ng mga mag- aaral . Kusang-loob
Ito ang kilos na may kaalaman ngunit kulang ang pagsang-ayon . Makikita ito sa kilos na hindi isinagawa bagaman may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan . Di- kusang - loob
Halimbawa : Si Arturo, isang barangay official ay naglingkod bilang COMELEC member para sa local at pambansang eleksiyon . Binulungan siya ng kaniyang chairman na tulungan ang isang kandidato sa pamamagitan ng “ dagdag-bawas ”. Alam niyang ito ay ilegal at labag sa kaniyang moral na tungkulin kaya hindi siya pumayag . Sa kabila nito , ginawa pa rin niya ang pabor na hinihingi dahil baka matanggal siya bilang miyembro kung hindi siya susunod bagaman labag ito sa kaniyang kalooban Di- kusang - loob
Ito ang kilos walang kaalaman kaya’t walang pagsang-ayon sa kilos. Ang kilos na ito ay hindi pananagutan ng tao dahil hindi niya alam kaya’t walang pagkukusa . Walang kusang-loob
Halimbawa : May kakaibang eskpresyon si Rain sa kaniyang mukha . Madalas ang pagkindat ng kaniyang kanang mata . Nakikita ang manerismong ito sa kaniyang pagbabasa , pakikipagkwentuhan sa kaibigan , at panonood ng telebisyon . Minsan sa kaniyang pamamasyal ay may lumapit na dalaga at nagalit sa kaniyang pangingindat . Nagulat siya dahil hindi niya alam na nabastos niya nang hindi sinasadya ang dalaga . Hindi humingi ng paumanhin si Rain dahil iyon ay isang manerismo niya . Walang kusang-loob