EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5 ESP-Q3-PPT-WEEK-5.pptx

DiannePerez20 0 views 30 slides Sep 19, 2025
Slide 1
Slide 1 of 30
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30

About This Presentation

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5 ESP-Q3-PPT-WEEK-5.pptx


Slide Content

Slide 1 DIANA M. PEREZ GURO EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5 IKATLONG MARKAHAN IKALIMANG LINGGO UNANG ARAW

Isulat kung Tama o Mali ang isinasaad sa bawat pangungusap . 1. Bilang isang mamamayan , tungkulin ko na alagaan ang kapaligiran sa lahat ng pagkakataon . 2.Gagamitin ko ang aking talento para sa kabutihan ng kapaligiran . 3.Wala akong pakialam sa mga ilegal na gawain na ikasisira ng kalikasan . 4. Magtatapon ako ng basura kung saan ko gusto. 5.Gagamitin ko ang aking cellphone para kuhanan ang mga taong gumagawa ng ikasisira ng kapaligiran at ipapadala sa kinauukulan . Slide 3

Respeto Ni: ma. Emilou E. Tiosan Ang pagbibigay ng respeto ay ating kailangan Upang maging matiwasay ang pagsasamahan Sa lahat ng sitwasyon ito’y sa atin ay inaasahan Sa gayon maging matagumpay ang ating hinaharap Tayong mga pilipino , likas na maka-diyos at makatao Pinahahalagan natin ang karapatang pantao Ating pinakikinggan ang opinyon at ideya ng iba Pagmamahalan sa ating mga kababayan dito maipakikita . Mga programang pampamahalaan itaguyod natin sa t’wina Bilang mamamayan , ating gawin ang pakikilahok at pakikiisa Programa sa mga karapatang pantao ating pagyamanin Buong pusong makiisa , ito ay ating tungkulin . Slide 4

Sagutin ang mga tanong . 1. Ang ang pamagat ng tulang binasa ? 2. Ano ang susi upang maging matagumpay ang pamumuhay ? 3. Ano-ano ang mga paraan ng pagpapakita ng respeto o paggalang sa kapwa na ipinahayag sa tula ? 4. Sang- ayon ka ba sa ipinahayag ng sumulat ng tula ? Ano ang mensaheng umantig sa iyong damdamin ? 5. Magbigay ng sitwasyon na nagpapakita ng paggalang at pagrespeto sa kapwa ? Slide 5

Ating isaisip Mahalaga na ang bawat mamamayan ay makiisa nang may kasiyahan sa mga programang ipinapatupad ng ating pamahalaan lalo na kung may kaugnayan ito sa paggalang sa karapatang pantao at paggalang sa ideya at opinyon ng iba upang mapanatili ang kapayapaan sa bansa . Ang pamahalaan ang nagtatakda ng mga gabay sa ating dapat ikilos ukol sa pakikisalamuha sa kapwa . Itinakda ng pamahalaan ang mga programa at alituntunin ng may pagsasaalang-alang sa kabutihang panlahat . Ang kawalan ng mga batas at patakaran ay magdudulot ng kalituhan at kawalan ng kapayapaan , dahil dito , maghahari ang mga masasamang loob at tuloy-tuloy na kalituhan ang mangyayari na maaaring magdulot ng hindi pagkakaintindihan at kaguluhan . Slide 6

Slide 7 Panuto : Isulat ang salitang WASTO sa sagutang papel kung nagpapahayag paggalang sa karapatang pantao at DI WASTO kung hindi . ____________1. Pagtanggap ng mungkahi ng iba sa mga pagpupulong . ____________2. Mamuhay nang matiwasay at tahimik sa isang komunidad . ____________3. Pagpapatutog nang malakas kahit alam na may online class ang mga kapitbahay . ____________4. Pagpapahayag ng saloobin o opinyon ng iba . ____________5. Hindi pagsusuot ng facemask at faceshield sa mga pampublikong lugar .

Slide 7 Panuto : Pag- aralan ang mga sitwasyon . Sagutin ang mga katanungan sa bawat bilang . 1. Napansin mong habang nagsasalita ang inyong lider tungkol sa pangkatang gawain ang ilan sa iyong mga ka grupo ay hindi nakikinig . 2.Nagpatawag ng pulong ang kapitan ng inyong barangay upang talakayin ang bagong ordinansa . Ano ang dapat gawin ng inyong pamilya ? 3. Hatinggabi na ngunit malakas pa ring nagpapatugtog ng radyo ang inyong kapitbahay . Ano ang maari mong gawin ukol dito ?

Panuto : Isulat ang salitang TAMA sa sagutang papael kung nagpapahayag ng pakikilahok sa mga programang pampamahalaan at MALI kung hindi . __________1. Si Mang Jose ay nakikilahok sa mga pagpupulong sa barangay tungkol sa mga programa sa karapatang pantao . __________2. Sumali ang Pamilya Cruz sa “Clean Up Drive” ng kanilang lugar para sa paghahanda sa darating na tag- ulan __________3. Ang mga mamamayan sa barangay ay hindi dumadalo sa pulong na ipinatatawag ng kanilang kapitan . __________4. Isinasara ni Aling Jocelyn ang kanilang tahanan sa mga nanghihingi ng tulong . __________5. Si Kapitan lamang ang nagbibigay opinyon sa mga pagpupulong na nagaganap .

Slide 1 DIANA M. PEREZ GURO EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5 IKATLONG MARKAHAN IKALIMANG LINGGO IKALAWANG ARAW

Panuto : Isulat ang tsek / sa sagutang papel kung wasto ang ipinahahayag ng pangungusap at ekis X naman kung hindi . _________1. Kapag walang nakakakita bubuksan ko ang sulat na para sa aking kapatid . _________2. Hihiramin nang walang paalam ang personal na gamit ng iyong kasama sa bahay o paaralan man. _________3. Paghingi ng pahintulot sa kapwa bago gumalaw o kumuha ng kagamitan ng iba . _________4. Pakinggan ang opinyon ng iba bilang paggalang sa karapatang pantao . _________ 5. Sasalungatin mo ang mga opinyon ng iba upang ang opinyon ko ang masunod

Alam mo ba na kahit ikaw ay bata pa, importanteng makiisa ka nang may kasiyahan sa mga programang ipinapatupad ng pamahalaan kahit na sa simpleng paraan ? Pag- aralan ang mga larawan sa ibaba . Maglista ng alam mong programa , alituntunin o batas tungkol sa bawat larawan .

Magbigay ng mga pangyayari o programa ng pamahalaan na may kaugnayan sa pagpapanatili ng kapayapaan sa pamamagitan ng paggalang sa opinyon at ideya ng iba at karapatang pantao . Ipaliwanag kung paano ka nakiisa dito . Isulat ang sagot sa tsart sa ibaba

Lagyan ng angkop na salita ang patlang upang mabuo ang diwa ng pahayag . Piliin ang sagot sa kahon sa ibaba . Mahalaga ang _________________ ng bawat isa sa mga ______________ na ipinapatupad ng ating pamahalaan na may kaugnayan sa pagpapanatili ng ______________________.

Panuto : Isulat ang salitang TAMA sa sagutang papel kung ang pahayag ay wasto at MALI kung hindi wasto _______1. Kailangang makiisa sa pamahalaan sa pangangampanya at sa pagpapatupad ng mga batas. _______2. Makiisa at sumunod sa curfew na ibinigay ng punong barangay. _______3. Huwag sasama sa pagtatanim ng mga puno lalo na kung ito ay gaganapin sa mga bundok . _______ 4. Pagsuway sa alagad ng batas. _______ 5. Pakikipagtulungan sa mga lider ng Clean and Green Project na inilunsad sa inyong barangay

Slide 1 DIANA M. PEREZ GURO EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5 IKATLONG MARKAHAN IKALIMANG LINGGO IKATLONG ARAW

Halina at basahin mo ang tula na nasa ibaba . Kapayapaan , Ating Ihatid Ni: Jhanie R. Lapid Kaibigan , isa ka rin ba ? Sa pamayanan ika’y nakikiisa . Alituntuning ipinapatupad nila sinusunod at isinasabuhay pa. Iba’t ibang programa hatid ng pamahalaan Sa iyong pakikiisa , tiyak ang tagumpay Paggalang sa karapatang pantao , bigyang kahalagahan Maging sa opinyon ng iba o ideya man ‘ yan . Bilang isang bata, paggalang ay tupdin Sa pakikipagkapwa-tao isaisip man din Sa mahinahong pakikinig sa opinyon ng iba Pagkakasundo-sundo ay iyong makikita . Sa aking kababayan , aking mensahe Sa ating pamahalaan , tayo’y makiisa parati Ikaw at ako , tulong-tulong tayo Sa pagpapanatili ng kapayapaan , kayang -kaya natin ‘to.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong . 1. Tungkol saan ang iyong tulang binasa ? 2. Ano ang dapat nating gawin sa ating kapwa ? 3. Ano-ano ang dapat bigyan mo ng paggalang ? 4. Tulad ng unang linya sa unang saknong , isa ka rin ba ? Bakit? 5. Ano ang mensaheng nais iparating ng tula ?

Narito din ang ilan sa mga programa na nangangalaga sa karapatang pantao :  Bantay Bata 163 - may layuning protektahan ang mga bata laban sa anumang uri ng pang- aabuso .  Child Protection Policy – ipinapahayag nito na ang mga bata ay may Karapatan upang maprotektahan laban sa pang- aabuso at pananamantala . “Laban Kontra Droga ” - isang programa na pumupuksa sa paglaganap ng mga krimen sa ating bansa . Ang mga tao na sangkot dito ay binibigyan ng pagkakataon na maipagtanggol ang kanilang mga sarili bilang paggalang sa kanilang karapatang pantao .  Human Rights Education – katuwang ng Commission on Human Rights ang mga akademikong institusyon at mga civil society organizations sa pagtataguyod ng mga programa para sa edukasyong pangkarapatang pantao kagaya ng mga memorandum of agreement on human rights education, pagdevelop ng mga education curriculum at teaching exemplars para sa mas epektibong pagtuturo ng karapatang pantao sa kabataan .

Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay tumutukoy sa paggalang sa karapatang pantao , opinyon , at ideya ng iba at MALI naman kung hindi . 1. Binalewala ng tatay ni Sandie ang paanyaya ng kanilang kapitan na makiisa sa gagawing programa sa mga nakikipag -away sa kanilang lugar . 2. Sumama sa mga barangay tanod ang kuya ni Glenda na magbantay sa checkpoint para pigilan ang pagpasok ng ibang tao mula sa kalapit na lugar . 3. Nakita ni Jean na nagdodroga ang mga kaibigan ng kaniyang kapatid at hinayaan niya lamang ang mga ito dahil natakot siya sa mga pagbabanta sa kaniya . 4. Ipinahiya ni Nina ang kaniyang kamag-aral sapagkat hindi niya nagustuhan ang ideya nito patungkol sa binubuo nilang proyekto . 5. Hinikayat ni Gng . Santos ang mga mag- aaral na laging igalang ang ideya at opinyon ng kanilang kapwa .

Iguhit ang masayang mukha kung tama ang ipinapahayag ng pangungusap at malungkot naman na mukha kung hindi . __________1. Pagbibigay ng suhestiyon o ideya sa maayos na paraan . __________2. Pinapahiya ang kasama sa grupo kapag mali o hindi maganda ang o pinyong ibinigay . __________3. Sumusunod sa mga patakaran o batas na ipinatutupad ng barangay. __________4. Iginagalang ang kamag-aral habang nagpapahayag ng kanyang saloobin o pananaw tungkol sa isang paksang pinag-uusapan . _________5. Hindi tinatanggap ang mungkahi ng mga ka- grupo sa isang proyekto .

Ang paggalang sa karapatang pantao ay nagdudulot ng matiwasay na pamumuhay saan mang pamayanan . Sa pakikiisang ito , nabubuo ang kasiya-siyang samahan at magandang relasyon na nagpapanatili ng pagkakaunawaan . Narito naman ang ilang magagandang dulot ng paggalang sa opinyon at ideya ng iba : - May maayos at matatag na samahan . - Mapanatili ang pagkakaunawaan . - Matuto na makapagtimpi sa kapwa at maging mahinahon sa pakikinig . - Magkaroon ng pantay na pagtingin sa karapatan ng ibang tao . - Maiwasan ang makasakit sa damdamin ng iyong kapwa . - Makatulong sa tiyak na gawain na nangangailangan ng iyong ideya o opinyon .

Isulat kung Wasto o Di- wasto ang isinasaad sa bawat pangungusap . 1. Si Maya ay nagbakasakaling mapakinggan kaya siya ay nagtaas ng kamay at nagbigay ng kaniyang suhestiyon nitong nakaraang Barangay Assembly. 2. Mataimtim na nakikinig si Kapitan Leo sa mga opinyon ng kaniyang mga kagawad tungkol sa nalalapit na kapistahan . 3. Laging nakikipagdiskusyon si Aling Brenda sa kaniyang kapitbahay tungkol sa mga tuyong dahon sa kaniyang bakuran . 4. Si Bam ay nagalit dahil hindi siya pinayagan ng kaniyang Lolo Narding na umalis ng gabi. 5. Pinayuhan ni Telma ang kaniyang anak na laging igalang ang karapatan ng iba .

Slide 1 DIANA M. PEREZ GURO EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5 IKATLONG MARKAHAN IKALIMANG LINGGO IKAAPAT NA ARAW

Isulat ang salitang WASTO kung ang sitwasyon ay tumutukoy sa pakikiisa sa kapwa at HINDI WASTO naman kung hindi . ____________1. Mahina lamang ang ginagawang pagpapatugtog ng pamilya Cruz dahil alam nila na may pandemya ngayon . _____________2. Nais ni Ace na siya ang masunod sa kanilang proyekto dahil siya ang lider ng kanilang grupo . ______________3. Mahinahong pinakinggan ni Amy ang paliwanag ng kaniyang miyembro tungkol sa ideya niya sa kanilang gagawing duladulaan . ______________5. Pinagtawanan ni Tonyo ang kakaibang ideya ni Ivan tungkol sa tinanong ng kanilang guro . ______________4. Matiyagang pinakikinggan ni Kapitan Juanito ang opinyon ng bawat isa hinggil sa gagawing pamimigay ng ayuda .

Makinig sa kwentong babasahin ng guro at sagutin ang mga sumusunod na katanungan . 1. Tungkol saan ang maikling usapan ? 2. Anong uri ng barangay ang inilalarawan sa naganap na pagtitipon ? 3. Ano-anong uri ng suliranin ang tinutukoy sa usapan ? 4. Kung ikaw ay isa sa kasapi ng barangay, magbibigay ka rin ba ng mungkahi para mabigyang solusyon ang suliraning kanilang hinaharap ? Bakit? 5. Paano mo maipakikita ang iyong pakikiisa nang may kasiyahan sa mga programa ng pamahalaan na may kaugnayan sa pagpapanatili ng kapayapaan ?

Sa iyong sagutang papel , lagyan ng (✓) sa patlang kung ang pangungusap ay nagpapakita pakikiisa nang buong tapat sa mga gawaing nakatutulong sa bansa at daigdig at (X) naman kung hindi . _____1. Ang pakikiisa nang buong tapat sa mga programa at gawain ng pamahalaan ay nakakatulong sa pag - unlad ng bayan. _____2. Hindi dapat nakikiisa sa mga gawain ng pamahalaan ang mga mag- aaral sapagkat hindi nila ito responsibilidad . _____3. Tungkulin natin ang tumulong at makiisa sa mga gawain sapagkat ito ay may malaking maitutulong sa bansa natin. _____4. Hindi magiging maganda ang resulta ng ating pagtulong sa mga gawain ng ating pamayanan . _____5. Maging responsible tayo sa mga gawain na may malaking epekto sa ating kinabibilangang pamayanan .

Tandaan Mahalaga na ang bawat mamamayan ay makiisa nang may kasiyahan sa mga programang ipinapatupad ng ating pamahalaan lalo na kung may kaugnayan ito sa paggalang sa karapatang pantao at paggalang sa ideya at opinyon ng iba upang mapanatili ang kapayapaan sa bansa . Ang pamahalaan ang nagtatakda ng mga gabay sa ating dapat ikilos ukol sa pakikisalamuha sa kapwa . Itinakda ng pamahalaan ang mga programa at alituntunin ng may pagsasaalang-alang sa kabutihang panlahat . Ang kawalan ng mga batas at patakaran ay magdudulot ng kalituhan at kawalan ng kapayapaan , dahil dito , maghahari ang mga masasamang loob at tuloy-tuloy na kalituhan ang mangyayari na maaaring magdulot ng hindi pagkakaintindihan at kaguluhan .

Panuto : Basahin ang mga programa , alituntunin , o kampanya na nagsusulong ng kapayapaan . Alamin kung ito ay: paggalang sa karapatang pantao o paggalang sa opinyon ng iba . ______1. Universal Declaration of Human Rights ______2. Child Protection Program ______3. Pagsunod sa kagustuhan ng nakararami lalo na kung ito ay nakabubuti para sa lahat ______4. Malayang pagpili ng nais ibotong opisyales ng Supreme Pupil Government o SPG ______5. Pag- unawa at pagtanggap sa ideya ng iba
Tags