Edukasyon sa Pagpapakatao 8 MODYUL 5 PAKIKIPAGKAPWA.pptx
DrexellAmatong1
0 views
135 slides
Sep 29, 2025
Slide 1 of 135
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85
86
87
88
89
90
91
92
93
94
95
96
97
98
99
100
101
102
103
104
105
106
107
108
109
110
111
112
113
114
115
116
117
118
119
120
121
122
123
124
125
126
127
128
129
130
131
132
133
134
135
About This Presentation
tungkol sa pakikipagkapwa
Size: 2.39 MB
Language: none
Added: Sep 29, 2025
Slides: 135 pages
Slide Content
Efeso 4:26 Kung magagalit man kayo, iwasan ninyo ang kayo'y magkasala . Huwag ninyong hayaang lumubog ang araw na galit pa rin kayo. Ephesians 4:26 In your anger do not sin. Do not let the sun go down while you are still angry.
Panuto : Tukuyin kung ang sumusunod ay gampaning panlipunan o pampolitikal ng pamilya . Pangatwiran ang iyong sagot .
Pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo Pagboto ng tama Pakikiramay sa mga namatayan PANLIPUNAN PAMPOLITIKAL PANLIPUNAN
Panuto : Hanapin at tukuyin ang sampung tao na maituturing mong kapwa gamit ang puzzle. Gawain 1
Ang kapwa ay taong labas sa iyong sarili , maaaring iyong magulang , kamag-anak , kaibigan , kaklase , at pati na rin kaaway . ( Agapay , 1991 )
Panuto : Sino- sino ang mga taong nakakasalamuha mo sa araw-araw ? Isulat sa mga bilog ang mga pangalan ng lahat ng iyong itinuturing mong KAPWA. Ilarawan ang iyong pag-aalala at pag-aalaga sa bawat isa sa kanila . Gawain 2
Gabay na tanong : Bakit mahalaga ang pakikipagkapwa ? Bakit kailangan nating alagaan ang ating kapwa ? Anu-ano ang mga naidudulot ng ating pakikipagkapwa sa pag-unlad ng ating pagkatao ?
A. Panuto : Isulat ang pangalan ng mga taong natulungan o napaglingkuran mo. Isulat din kung sa anong paraan mo sila napaglingkuran . Tukuyin kung ito ay sa aspetong panlipunan , intelektwal , o pangkabuhayan . Gawain 3
Aling Nena Tumulong ako sa pagbuhat ng kanyang mga kagamitan upang hindi maanod sa baha . Panlipunan Nanay Elena Tumulong ako sa pagtitinda ng gulay . Pangkabuhayan Princess Turno Tinulungan ko siya na maintindihan ang aming takdang-aralin . Intelektwal
B. Panuto : Isulat ang pangalan ng mga taong nakatulong o nakapaglingkod sa iyo . Isulat din kung sa anong paraan ka nila natulungan . Tukuyin kung ito ay sa aspetong panlipunan , intelektwal , o pangkabuhayan . Gawain 3
Aling Nena Tinuruan ako sa kahalagahan ng pagsunod sa magulang Panlipunan Teacher Ana Tinuruan kami na mahasa ang aming kakayahan sa pamamagitan ng pagluluto upang magamit naming pagkakakitaan .. Pangkabuhayan Princess Turno Tinulungan ako na mahasa ang aking pagbasa sa English. Intelektwal
Kriterya 5 2 1 Kabuoan 15 pts Pagkagawa Mahusay na mahusay ang pagkagawa Hindi masyadong mahusay ang pagkagawa Hindi mahusay ang pagkagawa Pagkamalikhain Napakamalikhain Hindi masyadong malikhain Hindi malikhain Takdang oras Natapos ng takdang oras Natapos pero lagpas ng kunti sa oras Natapos ng lagpas na lagpas sa oras .
Kaya mo bang mabuhay nang walang kapwa ?
Ano ang kahalagahan sa iyong buhay ng mga taong isinulat mo sa Gawain 2 at Gawain 3?
Bakit kailangang makipagkapwa-tao ?
Paano nagiging ganap ang isang tao sa pamamagitan ng kapwa ?
Panuto : Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon . Piliin ang titik ng tamang sagot .
1. Sinu-sino ang iyong kapwa-tao ? Ang Pangulo ng Pilipinas , ang militar at manggagawang panlipunan o social worker. Ang mga pulubi , batang lansangan , at drug addict. Ang mga kapitbahay , mga taong may kapansanan , at mga batang espesyal ‖ o special children. Lahat ng nasa itaas .
2. Ang sumusunod ay pagpapakita ng pakikipagkapwa , maliban sa : Pagpapakita ng malasakit at unawa sa ating mga kapwa . Pagkakapit-bisig Pagsunod sa kagustuhan ng iisang tao lamang Pag-unawa sa kanilang mga paniniwala , damdamin , at kalagaya
3. Aling aspekto ang nalilinang kapag ang kapwa ay nagkakaroon kakayahang makibahagi sa pagbuo at pagtamo ng makatao at makatarungang lipunan ? A. Aspektong Pangkabuhayan B. Aspektong Politikal C. Aspektong Panlipunan D. Aspektong Intelektwal
4. Ang kakayahang magtipid ay isang halimbawa ng paghubog sa tao sa : A. Aspektong Politikal B. Aspektong Panlipunan C. Aspektong Intelektwal D. Aspektong Pangkabuhayan
5. Paano mo pakikitunguhan ang isang taong ayaw makipag-ugnayan nang maayos sa kapwa ? Pakikitunguhan ng isinasapuso ang kabutihang panlahat May pagmamalasakit Pagbabahagi ng sarili sa paglilingkod sa kapwa Lahat ng nabanggit
6. Ang mga taong may kapansanan , mga batang lansangan at mga pulubi ay nararapat na pakitunguhan ng maayos dahil . Ang pakikipagkapwa ay hindi nakabatay sa estado sa lipunan Ang pakikipagkapwa ay pagtrato nang may paggalang at dignidad Ang pakikipagkapwa ay isang pag-unawa sa damdamin Ang pakikipagkapwa ay isang tungkuling dapat gampanan
7. Ang sumusunod na pahayag ay totoo tungkol sa pagsasakatuparan ng isang makabuluhang pakikipagkapwa , maliban sa : Natutulungan ko ang pangangailangan ng aking kapwa Pantay ang aking pagtingin sa kapwa at tanggap ko ang pagkabukod-tangi ng bawat tao . Nagbabahagi ako ng aking mga pagpapahalaga at paniniwala upang mapalalim ang aking pakikipag-ugnayan Sa aking pakikipagkapwa naipapakita ko na mas angat ako sa k anila sa anumang aspekto .
8. Ang pahayag na ―No man is an island‖ ay totoo dahil Hindi kaya ng tao tugunan ang lahat ng kanyang pangagailangan kung wala ang kanyang kapwa Ang bawat tao ay may pananagutan sa isa’t-isa Kaligayahan ang hatid ng pakikipagkapwa Ang tao ay kaya pa ring mabuhay ng mag- isa
9. Ano ang nagagawa ng pakikipag-ugnayan sa kapwa ? Nagiging ganap ang pagkatao sa pakikipagkapwa Nalilinang ang apat na aspekto ng tao Nalilinang ang pagiging mapanagutan Naitataguyod ang mga karapatan
10. Ang buhay ng tao ay panlipunan . Ang pangungusap ay: Tama , dahil sa lipunan lamang siya nakapamumuhay Tama , dahil lahat ng ating ginagawa at ikinikilos ay nakatuon sa ating kapwa Mali , dahil may mga pagkakataong ang tao ang nagnanais namakapag-isa Mali , dahil may iba pang aspekto ang tao maliban sa pagiging Panlipunan
TAMA O MALI Panuto : Basahin at unawain ang sumusunod . Isulat ang titik T kung ang pahayag ay TAMA at titik M kung ang pahayag ay Mali .
______ 1. Ang tao ay panlipunang nilalang . ______ 2 . Sa pakikipagkapwa umuunlad ang pagkatao ng tao . ______ 3 . Hindi lahat ng tao sa paligid ay kapwa sapagkat ang iba ay masasama . ______ 4 . Nararapat na may kalakip na pagmamahal at paggalang ang pakikitungo sa kapwa . ______ 5 . Kaya pa rin mabuhay ng tao mag- isa dahil kaya tugunan ang kanyang pangangailangan ng di- umaasa sa iba .
1. Sinu-sino ang iyong kapwa-tao ? Ang Pangulo ng Pilipinas , ang militar at manggagawang panlipunan o social worker. Ang mga pulubi , batang lansangan , at drug addict. Ang mga kapitbahay , mga taong may kapansanan , at mga batang espesyal ‖ o special children. Lahat ng nasa itaas .
2. Ang sumusunod ay pagpapakita ng pakikipagkapwa , maliban sa : Pagpapakita ng malasakit at unawa sa ating mga kapwa . Pagkakapit-bisig Pagsunod sa kagustuhan ng iisang tao lamang Pag-unawa sa kanilang mga paniniwala , damdamin , at kalagaya
3. Aling aspekto ang nalilinang kapag ang kapwa ay nagkakaroon kakayahang makibahagi sa pagbuo at pagtamo ng makatao at makatarungang lipunan ? A. Aspektong Pangkabuhayan B. Aspektong Politikal C. Aspektong Panlipunan D. Aspektong Intelektwal
4. Ang kakayahang magtipid ay isang halimbawa ng paghubog sa tao sa : A. Aspektong Politikal B. Aspektong Panlipunan C. Aspektong Intelektwal D. Aspektong Pangkabuhayan
5. Paano mo pakikitunguhan ang isang taong ayaw makipag-ugnayan nang maayos sa kapwa ? Pakikitunguhan ng isinasapuso ang kabutihang panlahat May pagmamalasakit Pagbabahagi ng sarili sa paglilingkod sa kapwa Lahat ng nabanggit
6. Ang mga taong may kapansanan , mga batang lansangan at mga pulubi ay nararapat na pakitunguhan ng maayos dahil . Ang pakikipagkapwa ay hindi nakabatay sa estado sa lipunan Ang pakikipagkapwa ay pagtrato nang may paggalang at dignidad Ang pakikipagkapwa ay isang pag-unawa sa damdamin Ang pakikipagkapwa ay isang tungkuling dapat gampanan
7. Ang sumusunod na pahayag ay totoo tungkol sa pagsasakatuparan ng isang makabuluhang pakikipagkapwa , maliban sa : Natutulungan ko ang pangangailangan ng aking kapwa Pantay ang aking pagtingin sa kapwa at tanggap ko ang pagkabukod-tangi ng bawat tao . Nagbabahagi ako ng aking mga pagpapahalaga at paniniwala upang mapalalim ang aking pakikipag-ugnayan Sa aking pakikipagkapwa naipapakita ko na mas angat ako sa k anila sa anumang aspekto .
8. Ang pahayag na ― “No man is an island” ay totoo dahil Hindi kaya ng tao tugunan ang lahat ng kanyang pangagailangan kung wala ang kanyang kapwa Ang bawat tao ay may pananagutan sa isa’t-isa Kaligayahan ang hatid ng pakikipagkapwa Ang tao ay kaya pa ring mabuhay ng mag- isa
9. Ano ang nagagawa ng pakikipag-ugnayan sa kapwa ? Nagiging ganap ang pagkatao sa pakikipagkapwa Nalilinang ang apat na aspekto ng tao Nalilinang ang pagiging mapanagutan Naitataguyod ang mga karapatan
10. Ang buhay ng tao ay panlipunan . Ang pangungusap ay: Tama , dahil sa lipunan lamang siya nakapamumuhay Tama , dahil lahat ng ating ginagawa at ikinikilos ay nakatuon sa ating kapwa Mali , dahil may mga pagkakataong ang tao ang nagnanais namakapag-isa Mali , dahil may iba pang aspekto ang tao maliban sa pagiging Panlipunan
______ 1. Ang tao ay panlipunang nilalang . ______ 2 . Sa pakikipagkapwa umuunlad ang pagkatao ng tao . ______ 3 . Hindi lahat ng tao sa paligid ay kapwa sapagkat ang iba ay masasama . ______ 4 . Nararapat na may kalakip na pagmamahal at paggalang ang pakikitungo sa kapwa . ______ 5 . Kaya pa rin mabuhay ng tao mag- isa dahil kaya tugunan ang kanyang pangangailangan ng di- umaasa sa iba . T T M T M
Panuto : Sa isang malinis na papel ay sumulat ng isang sanaysay kung paano mo mapaglilingkuran ang sumusunod : ISAGAWA
Rubriks sa Pagsusulat ng Maikling Sanaysay Kriterya Nilalaman 35% Naipapakita at naipaliwanag ng maayos ang ugnayan ng konseptong isinulat sa pahayag Organisasyon 35% Mahusay ang pagkakasunudsunod ng mga ideya , malinaw at makabuluhan . Style ( Pagkamapanlik ha at Pagkamalikhain ) 20% Lubos na nagpapamalas ng pagkamalikhain sa pagsulat ng maikling sanaysay at Orihinal ang mga ideyang ginamit Mechaniks 10% Wasto ang mga ginamit na salita at pagbabantas Kabuuan = 100%
Ano ang iyong nararam -daman kapag tinutulungan ka ng iba sa iyong mga pangangailangan ?
Ano ang iyong nararam -daman kapag nakatu-tulong ka sa iba ?
Ang pagtukoy at pagkilala sa mga tao na itinuturing mong kapwa ang simula ng paglinang sa intelektwal , panlipunan , pangkabuhayan , at politikal na aspekto ng iyong pagkatao .
Makakaya mo bang mapaunlad ang mga nabanggit na aspekto kung walang tutulong sa iyo ?
Gaano kahalaga ang pagtulong ng kapwa mo sa paghubog at pag-unlad ng iyong pagkatao ?
Ano ang maaari mong gawin upang makatulong o makapaglingkod ka sa mga taong tumulong sa iyo ?
Ano ang maaaring mangyari sa iyo kung hindi mo matututuhang makipagugnayan nang maayos sa iyong kapwa ?
Ano-anong aspekto ng pagkatao ang malilinang sa pakikipag-ugnayan sa kapwa ?
Ano ang kabutihang naidudulot ng pagiging bahagi ng mga samahan ?
Paano mo pakikitunguhan ang taong ayaw makiisa at makibahagi sa mga gawain ng pangkat ?
Ano ang maaaring gawin upang maipakita ang pagmamalasakit sa kapwa ?
Makakamtan ba natin ang kaganapan ng ating pagkatao sa pamamagitan ng pakikipagkapwa ?
PAKIKIPAGKAPWA
Ang resulta ng eksperimento ay isa lamang sa maraming pagpapatunay na ang tao ay isang PANLIPUNANG NILALANG .
Bakit kaya ang tao ay isang PANLIPUNANG NILALANG ?
May mga pangangailangan ka na maaari lamang na matugunan sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan mo sa iyong kapwa .
Nararapat na may lakip na paggalang at pagmamahal ang pakikipag ugnayan natin sa ating kapwa ( Agapay , 1991)
Ang Tao Bilang Panlipunang Nilalang
ang kakayahan ng tao na mamuhay sa lipunan at maging bahagi nito Anu-ano ang likas na mga katangian na ikinaiba ng tao sa ibang nilalang ?
Binigyan siya ng kapamahalaan sa ibang nilalang Nilikha ang tao ayon sa larawan at wangis ng Diyos
social being - mamuhay nang may kasama binigyan siya ng taong makakasama at makakatulong solitary being - mamuhay nang nag- iisa
Ang Pakikipagkapwa at ang Golden Rules
sa pamamagitan ng makabuluhan at mabuting pakikipagkapwa Paano makakamit ng tao ang kaniyang kaganapan ?
Marami sa mga relihiyon sa buong mundo ang naniniwala sa kahalagahan ng mabuting pagtrato at pakikitungo sa kapwa
Anu-ano ang mga GOLDEN RULES? Huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sa iyo Mahalin mo ang kapwa mo gaya ng pagmamahal mo sa iyong sarili
Makitungo sa kapwa sa paraang gusto mong ring pakitunguhan ka A ng makabuluhang pakikipagkapwa ay pagtugon sa pangangailangan ng iba nang may paggalang at pagmamahal .
Ano ang kailangan sa pagpapatatag ng pakikipagkapwa ? 2. pagmamahal (charity) katarungan (justice )
Subalit mayroong mga bagay na maaari nating ibigay nang higit pa sa itinatakda ng karapatan at katarungan , ito ay ang mga bagay na ayon sa ating pagmamalasakit at pagmamahal sa kapwa
kung ang isang bagay ay ibinigay mo nang walang hinihinging kapalit , tulad ng regalo ito ay pagpapakita ng pagmamalasakit o pagmamahal .
Dahil nais mong mapanatili ang kalinisan sa inyong lugar at makaiwas sa dengue , ikaw at ang iyong mga kaibigan ay nagkusang maglinis . Kahit may mga taga-linis ang barangay, hindi ninyo iniaasa lamang sa mga taga-linis ang responsibilidad na ito ang paglilingkod ay nagpapakita ng pagmamahal.
“Mag-usap tayo”: Ang Kahalagahan ng Diyalogo Ano ang iyong mararamdaman kung hindi mo maipahayag ang iyong mga ninanais at nararamdaman ?
Isang mahalagang patunay na ang tao ay panlipunang nilalang ay ang kaniyang kakayahan sa komunikasyon o diyalogo (dialogue) upang maipahayag ang kaniyang pangangailangan , ninanais at nararamdaman .
Sa pamamagitan ng diyalogo , nagkakaroon ang tao ng pagkakataon na makapagbahagi sa kaniyang kapwa ng mga bagay na kaniyang kailangan . Kung malilinang ang kakayahan ng taong makipag-diyalogo nang may kalakip na pagmamahal , makakamit ng tao ang kaniyang kaganapan .
Ang Kahalagahan ng Pagkakaisa, Komunikasyon, at Pagtutulungan Naranasan mo na bang magkaroon ng kasama na hindi mo makasundo? Paano mo siya pakikisamahan?
May mga pagkakataon na kahit likas sa tao ang makipag-ugnayan sa iba , humahantong ang ugnayan o samahan sa di pagkakasundo .
Dahil dito , sinisikap ng lipunan na sa pamamagitan ng iba't ibang samahan o organisasyon nito , na makamit ang kabutihang panlahat sa pamamagitan ng pagtataguyod ng ugnayang may pagkakaisa ( solidarity ) , komunikasyon o diyalogo , at kooperasyon o pagtutulungan .
Ang pagmamalasakit sa ikabubuti ng sarili at ng kapwa ang nagiging dahilan ng pagkakaisa upang makamit ang kabutihang panlahat .
Kung isasaalang-alang ang pagpapahalaga sa kabutihang panlahat , maaaring isakripisyo ang pansariling damdamin o pangangailangan , magkakaroon ng pagkakaisa at kapayapaan .
Ikaw handa ka ba na mag sakripisyo alang-alang sa kabutihan ng lahat ?
Ang Kahalagahan ng Pagbubuo at Pagsali sa mga Samahan Naipahahayag ng tao sa iba’t ibang paraan ang panlipunang aspekto ng kaniyang pagkatao.
Ang kabutihang panlahat ay nakasalalay sa pagkakaisa at pagkakasundo ng iba’t ibang yunit ng lipunan , na kung saan kayang pamahalaan at pag-ingatan ng bawat yunit ang sariling pagkakakilanlan at kasarinlan nito .
Ang mga yunit katulad ng: Pamilya samahan ng mga laiko at relihiyoso Sila ang dagling tumutugon sa pangangailangan ng tao .
Tumutugon naman ang ibang yunit sa pamamagitan ng bolunterismo katulad ng: Red Cross mga pribadong organisasyon ( NGOs).
Ang pagtataguyod ng mga boluntaryong samahan at institusyon sa loob at labas ng bansa ay kailangan upang mas maraming tao ang makibahagi at makiisa sa mga gawaing panlipunan na tutugon sa pagkamit ng mga layuning pangkabuhayan at panlipunan , pangkultural at panglibangan , pampalakasan o isports , panghanapbuhay , at pangpolitikal .
Halimbawa : Overseas Filipino Workers Partylists Sa pamamagitan ng mga ganitong samahan , natutugunan ang ibang mahahalagang pangangailangan ng tao , na hindi niya makakamit kung siya ay nagiisa .
Kaya, bilang panlipunang nilalang , ang tao ay – kasapi ng isang pamilya at lipunan na kung saan inaasahan siyang makikibahagi sa pagtatakda ng mga layunin nito at sa pagkamit ng kabutihang panlahat ;
kabilang sa mga gawaing pangkabuhayan , produksyon , at pagkunsumo , na tumutugon sa aspektong pangkabuhayan ;
isang mamamayan na inaasahang makikibahagi sa pagkamit ng panlipunang pag-unlad (social progress), na tumutugon sa aspektong politikal .
Pakikipagkapwa-tao: Kalakasan at Kahinaan ng Pilipino Pakikipagkapwa-tao – ay isa sa mga kalakasan ng mga Pilipino ayon kay Licuanan (1992)
Naipakikita ito ng mga Pilipino sa pamamagitan ng: pagmamalasakit sa kapwa kakayahang umunawa sa damdamin ng iba ( empathy) Pagtulong pakikiramay bayanihan at pagiging mapagpatuloy ( hospitable).
May kakayahan ang mga Pilipino na makiramdam , magtiwala at tumanaw ng utang na loob .
Dahil nagdudulot ng pagkakalapit-lapit ang pakikipagkapwa-tao , ito ay nagiging saligan ng pagkakaisa at katarungang panlipunan .
Ngunit ang labis na pagpapahalaga sa personal na ugnayan ay nagdudulot ng kawalan ng malinaw na paghihiwalay sa obhektibong gawain at emosyonal na pakikisangkot .
Dahil dito , hindi nagiging madali ang pagsunod at pagpapasunod sa mga patakaran , dahil ang lahat ay nagiging impersonal.
Hindi rin maiiwasan ang pagtanggap ng pabor at ang pagtatanggi sa mga kamag-anak at kaibigan sa pagbibigay ng trabaho , paghahatid ng serbisyo , pati na sa pagboto .
Ang labis na PERSONALISMO ( extreme personalism ) o labis at di makatwirang pakikisama ay maaaring magdulot ng KATIWALIAN at KABULUKAN ( graft and corruption ) sa lipunan .
Mga Katangian ng Makabuluhan at Mabuting Pakikipag-ugnayan sa Kapwa
Ang isang makabuluhan at mabuting pakikipag-ugnayan sa kapwa ay nagbibigay ng kaligayahan at kapanatagan sa tao.
Napatunayan sa mga pag-aaral na ang isang taong may matatag na samahan ng magkakaibigan ay: m adalang magkasakit madaling gumaling mahaba ang buhay at may kaaya-ayang disposisyon sa buhay .
Kaya lahat ng pakikipag-ugnayan ay nangangailangan ng pagsisikap upang ito ay mabuo , mapatatag , at mapanatiling makabuluhan at mabuti .
Mga Prinsipyo sa Pagpapaunlad ng Pakikipag-ugnayan sa Kapwa
Paano mo malalaman kung ang pakikipag-ugnayan mo ay makabuluhan at mabuti? Paano mo ito mapapaunlad?
Paggalang sa pagiging indibidwal ng kapwa . Nararapat lamang sa isang tao na igalang ang kaniyang pagkatao at maging sensitibo sa kaniyang mga pangangailangan .
2. Pagpapahayag ng mga damdamin . Susi sa isang maayos na pakikipag-ugnayan ang pagkakaroon ng malaya at mapanagutang pagpapahayag ng damdamin , ideya at pangangailangan sa isa’t isa nang hindi nangangamba na huhusgahan .
Maraming ugnayan ang nasira dahil sa pagtatago at pagkimkim ng tunay na nararamdaman na nagiging sanhi ng pagkakaroon ng agwat sa ugnayan , na kapag tumagal ay kadalasang nauuwi sa paghihiwalay .
Narito ang mga dapat tandaan . Ilahad ang problema sa paraang makahihikayat ng kooperasyon at solusyon . Halimbawa , sa halip na sabihing , “ Ang aksaya mo naman !” sabihin na , “ Paano kaya tayo makakatipid ?”
Gumamit ng “ I - statements” at iwasan ang mapagparatang na “YOU-statements .” Halimbawa , sa halip na sabihing , “ Lagi ka na lang late!” sabihin na , “30 minuto na akong naghihintay .”
Ang pag-uusap ay gawing may pokus , maikli , at malinaw . Iwasan ang magpaligoy-ligoy . Magtanong kung kailangan ng paglilinaw . Iwasang isipin na nababasa ng kausap mo ang iyong iniisip .
Laging isaalang-alang ang pagkakasundo sa mga bagay-bagay . Maghanap ng kalutasan sa mga suliraning kinakaharap . Pakitunguhan ang bawat isa nang may paggalang at kabutihan sa lahat ng pagkakataon .
3 . Pagtanggap sa kapwa . Bahagi ng paggalang sa dignidad ng tao ang pagtanggap sa kaniyang pagkatao – sa kaniyang kalakasan , pati na kahinaan .
Di dapat husgahan ang kapwa batay lamang sa pansariling pamantayan . Lalawak ang iyong pag-unawa kung iiwasan ang panghuhusga at ang pagpupumilit na ipasunod sa iba ang pansarili mong pamantayan at pananaw .
Saan ba nagsisimula ang mapanagutang pagtanggap sa kapwa ?
4 . Pag-iingat sa mga bagay na ibinahagi ng kapwa ( confidences). Isang napakalaking karangalan ang mapagkatiwalaan ka ng mga sensitibo at personal na impormasyon ng iyong kapwa .
Maraming tao na ang napahamak at mga ugnayang nasira dahil sa paglabag sa prinsipyong ito . Maging maingat sa pagbabahagi sa iba at iwasan ang tsismis .
Paano mapanatili ang isang makabuluhan at matatag na pakikipagkapwa ?
Upang mapanatili ang isang makabuluhan at matatag na pakikipagkapwa , kailangan ang pagsasabuhay ng paggalang , katarungan , at pagmamahal sa kapwa .
Kaya mo bang maipakita ang paggalang , katarungan , at pagmamahal sa kapwa ? Sa anong paraan ?
TAYAHIN ANG IYONG PAG-UNAWA
Ano ang mga indikasyon na ang tao ay likas na panlipunang nilalang ? Ipaliwanag .
ang kakayahan ng tao na mamuhay sa lipunan at maging bahagi nito Nilikha ang tao ayon sa larawan at wangis ng Diyos
Binigyan siya ng kapamahalaan sa ibang nilalang binigyan siya ng taong makakasama at makakatulong
Ano-ano ang pangangailangan ng tao ang natutugunan at nalilinang dahil sa kaniyang pakikipagkapwa ?
Bakit kailangan ng taong mapabilang sa mga samahan o organisasyon ?
Ipaliwanag kung bakit ang pakikipagkapwa ay kalakasan at kahinaan din ng mga Pilipino.
Ano-ano ang katangiang matatagpuan sa isang makabuluhan at mabuting pakikipag-ugnayan sa kapwa ? Ano ang mga maaaring gawin upang ito ay mapaunlad ?
Ang mga katangiang matatagpuan sa isang makabuluhan at mabuting pakikipag-ugnayan sa kapwa ay: m adalang magkasakit madaling gumaling mahaba ang buhay at may kaaya-ayang disposisyon sa buhay .
Ang maaring gawin upang ang pakikipag-ugnayan ay mapaunlad ay kailangan ang pagsisikap upang ito ay mabuo , mapatatag , at mapanatiling makabuluhan at mabuti .
Gaano kahalaga ang pakikipagkapwa ? Paano ito mapatatatag ? Paano nalilinang ang mga pagpapahalaga sa pamamagitan ng pakikipagkapwa ?
Upang mapanatili ang isang makabuluhan at matatag na pakikipagkapwa , kailangan ang pagsasabuhay ng paggalang , katarungan , at pagmamahal sa kapwa .