Edukasyon Sa Pagpapakatao 9-Q2-SUMMATIVE TEST #1.pptx

AeronnJassSongalia 4 views 18 slides Sep 16, 2025
Slide 1
Slide 1 of 18
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18

About This Presentation

Edukasyon Sa Pagpapakatao 9-Q2-SUMMATIVE TEST #1


Slide Content

SUMMATIVE TEST #1 IKALAWANG MARKAHAN ESP 9

1. Alin ang batayan ng pagiging pantay ng tao sa kaniyang kapuwa ? a. Karapatan b. Isip at kilos- loob c. Kalayaan d. Dignidad

2. Ang mga karapatan ay: a. Ang mga bagay na dapat gampanan ng bawat nilalang . b. Ang mga bagay na nararapat sa bawat nilalang . c. Mga dapat gampanan na tungkulin . d. Mga pangangailangan ng iilan .

3. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tama tungkol sa pananagutan o tungkulin ? a. Maaaring magbigay ng kaligayahan kung maisasagawa mo nang maayos ang paggawa ng mabuti sa kapwa . b. Ang bawat karapatan na tinatamasa mo bilang tao sa lipunan ay may katumbas na tungkulin . c. Ito ay ang mga bagay na inaasahang magagawa o maisasakatuparan ng isang tao . d. Lahat ng nabanggit

4. Ang karapatan ay kapangyarihang moral. Alin sa sumusunod ang hindi ibig sabihin nito ? a. Hindi maaaring puwersahin ng tao ang kaniyang kapuwa na ibigay sa kaniya nang sapilitan ang mga bagay na kailangan niya sa buhay . b. Hindi nito maapektuhan ang buhay-pamayanan . c. Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kaniyang kapuwa na igalang ito . d. Pakikinabangan ito ng tao lamang dahil tao lamang ang makagagawa ng moral na kilos.

5. Ang tungkulin ay obligasyong moral ng tao na gawin o hindi gawin (o iwasan ) ang isang gawain . Alin sa sumusunod ang hindi ibig sabihin nito ? a. Nakasalalay ang tungkulin sa isip . b. Nakabatay ang tungkulin sa Likas na Batas Moral. c. Ang moral ang nagpapanatili ng buhay-pamayanan . d. May malaking epekto sa sarili at mga ugnayan ang hindi pagtupad ng mga tungkulin .

6. Anong karapatan ang ipinahahayag sa talata na kaakibat ng tungkulin na ipinakita ng tauhan ? a. Karapatan sa pribadong ari-arian b. Karapatan sa buhay c. Karapatang gumala sa ibang lugar d. Karapatang maghanapbuhay

7. Anong karapatan na batay sa encyclical na “ Kapayapaan sa Katotohanan ” ( Pacem in Terris ) ang ipinakita ng tauhan ? a. Karapatang mabuhay b. Karapatan sa mga batayang pangangailangan upang magkaroon ng maayos na pamumuhay c. Karapatan sa malayang paglipat sa ibang lugar upang manirahan ( migrasyon ) d. Karapatan sa patas na proteksiyon ng batas

8. Ano ang pinakamainam na gawin upang maipakita ang iyong karapatan? a. Mananahimik na lang ako parang walang gulo. b. Ipagtatanggol ko ang aking dignidad sa mga taong naninira c. Sisiraan ko rin ang mga taong naninira sa akin d. Kukomprontahin ko ang mga taong naninira .

9. Aling karapatan ang isinasaad sa bawat tungkulin na nasa kahon? a.Karapatan sa buhay b.Karapatang magpakasal c. Karapatang pumunta sa ibang lugar d.Karapatang maghanapbuhay

10. Alin ang hindi nagpapakita ng tungkulin na kaakibat ng karapatan sa buhay? a. Iniiwasan ni Mila na kumain ng karne at matatamis na pagkain . b. Nagpatayo ng bahay-ampunan si Gng . Roa para sa mga batang biktima ng pang- aabuso . c. Sumasali si Danilo sa mga isport na mapanganib tulad ng car racing. d. Nagsimula ng soup kitchen si Fr. Joseph Weljinski sa Peru para sa mga batang kalye .

11. Alin ang angkop na paglalarawan ng paglabag sa karapatang pantao? a. Hindi pahihintulutang mag-absent bukas ang isang tinedyer . b. mga karpinterong nagtatrabaho ng walang sumbrero c. isang Linggo ng hindi makapagtinda sa palengke dahil sa pandemya d. Pinagtatrabaho ang mga menor de edad sa isang minahan upang makatulong sa mga magulang

12. May nakita kang isang lalaking naka-kotse na pinapagalitan ang isang matandang drayber dahil sa hindi pagpaparada nang tama sa kanyang dyip. Habang pinagsasalitaan siya nang hindi maganda, naroon sa tabi niya ang kanyang paslit na apo. Ano ang gagawin mo? a. Panonoorin ko ang nangyayaring kaganapan . b. Tatawagin ko ang paslit na apo para lumayo kami sa kaganapan . c. Tatawag ako ng kinauukulan tulad ng barangay tanod o pulis para mamagitan sa kanila . d. Pupuntahan ko ang lalaki at ang matandang drayber at pagsasabihan ko sila na tumigil na.

13. Isang pulubi na maraming dumi sa katawan at may masangsang na amoy ang nais pumasok sa isang supermarket upang bumili ng kanyang pagkain. Subalit hindi siya pinatuloy ng gwardya. Tama ba ang naging pagtrato sa kanya? a. Opo , dahil pangingilagan siya ng ibang namimili kapag pumasok siya sa loob . b. Hindi, dahil may pambayad naman siya . c. Opo , dahil pwede naman siyang bumili sa mga maliliit na tindahan sa labas . d. Hindi, dahil hangad lamang niya na makabili ng pagkain at may karapatan at kalayaan din siya kagaya ng iba pang mamamayan .

14. Kapag nilabag ang karapatang pantao magkakaroon ng __________. a. pag-iisip ng pagsisisi b. pananagutan c. damdamin ng pagsisisi d. pagmumuni

15. Kayong magkaka-eskwela ay nasa paborito ninyong kainan. May pumasok na binatilyo na may kapansanan sa paglalakad. Napansin mong walang bakanteng lamesa at upuan para sa binatilyo na tila uhaw at gutom na. ano ang gagawin mo? a. Hahayaan ko siya at patuloy akong makikipagkwentuhan at tawanan sa aking mga kaeskwela . b. Tatawagin ko siya para umupo nang sandali sa aming grupo habang naghihintay siya ng may mabakante . c. Tatawagin ko ang pansin ng isa sa mga service crew para maglaan ng lugar para sa mga taong may kapansanan . d. Makikipagkilala at makikipagkwentuhan ako sa binatilyong may kapansanan habang hindi pa siya nakakahanap ng lugar sa kainan .

Panuto : Basahin at suriin ang bawat pangungusap . Isulat ang salitang ANGKOP kung ang pahayag ay nagpapakita ng tamang pagkilos upang maituwid ang nagawang paglabag sa karapatang pantao , at isulat naman ang HINDI ANGKOP kung ito’y nagpapahayag ng maling pagkilos 16. Pananahimik sa nakitang pambu -bully ng kaklase . 17. Pagsuplong sa may kapangyarihan ukol sa nakitang krimen . 18. Pagsasabi ng totoo sa magulang tungkol sa nagawang pagkakamali . 19. Pagbibigay ng libreng abogado upang maipagtanggol ang sarili sa hukuman . 20. Paglilihim sa nararamdang sintomas ng HIV upang hindi paghinalaan at iwasan ng nakararami .

Panuto : Isulat ang salitang MAKATARUNGAN kung ang pahayag ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa karapatan ng tao at isulat ang DI MAKATARUNGAN kung ito’y hindi . 21. Pagbibigay ng mas mataas na marka sa anak ng kakilala . 22. Pagbibigay sa mga empleyado ng overtime pay at sick leave. 23. Pagsali sa fraternity upang makaroon ng proteksyon sa kaaway . 24. Paggamit ng padrino system (KAPIT) upang makapasok sa trabaho . 25. Pagbabahagi sa kapuwa ng yaman sa pamamagitan ng pagtulong sa mga nangangailangan .
Tags