” Marami ka pang kailangang malaman at intindihin sa mundo .” May mga bagay sa iyong paligid noon na hindi mo maaaring pakialaman dahil bata ka pa; pero lumilipas ang panahon at nagbabago ang maraming bagay . Darating talaga ang pagkakataong mas mahalaga para sa isang kabataang katulad mo ang makialam .
Kung kaya , ang ating pagiging kasama-ng-kapuwa ay isang pagpapahalaga na nagbibigay ng tunay na kaganapan sa ating pagkatao ( Dy , M., 1994). At ang pagiging kasama-ng-kapuwa ay makakamit lamang kung makikilahok at makikipamuhay ka sa lipunan .
Nakikilala mo na hindi ka lamang nabubuhay para sa iyong sarili at para sa iyong pamilya , na mayroong mas malawak na mundong iyong kinabibilangan at ikaw ay isang mahalagang bahagi nito
Ano nga ba ang lipunan ? Ang salitang lipunan ay nagmula sa salitang ugat na “ lipon ” na nangangahulugang pangkat . Ang mga tao ay mayroong kinabibilangang pangkat na iisa ang tunguhin o layunin .
Ang salitang komunidad ay galing sa salitang Latin na communis na nangangahulugang common o nagkakapareho . Ano naman ang komunidad ?
Ang isang komunidad ay binubuo ng mga indibidwal na nagkakapareho ng mga interes , ugali o pagpapahalagang bahagi ng isang partikular na lugar . Sa isang komunidad , mas nabibigyang-halaga ang natatanging katangian ng mga kasapi o kabahagi .
Mga Institusyong Panlipunan 1.) Pamahalaan - nararapat na magkaroon ng mga batas at programa 2 .) Pamilya - simula at batayan ng lipunan - dapat na maging bahagi di lamang sa pagpaparami ng kasapi ng lipunan kundi , maging sa paghubog ng mga ito .
3.) Simbahan - tungkuling maghanda sa tao sa diyos sa pamamagitan ng paglalahad ng katotohanan 4 .) Paaralan - nararapat na humuhubog sa tao sa kanyang bahaging ginagampanansa lipunan .
Kabutihang Panlahat (Common Good) Ayon kay John Rawls, ang kabutihang panlahat ay ang pangkalahatang kondisyong pantay na ibinabahagi para sa kapakinabangan ng lahat ng kasapi ng isang lipunan .
Ano ang Kabutihang Panlahat ? Ito ay kabutihan para sa bawat isang indibidwal na nasa lipunan . Ito ay isang pagpapahalagang naiiba sa pansariling kapakanan . Ito ay naiiba sa kabutihan ng nakararami
Ang pag-iral ng kabutihan ng nakararami ay nananatiling nag- iiwan ng ilang kasaping hindi makatatanggap ng kabutihan .
Ang kabutihang panlahat ay hindi lamang nangyayari nang kusa . Upang makamit at mapanatili ang kabutihang panlahat , nangangailangan ng sama-samang pagkilos ng mga tao , hindi ng iilan lamang kundi ng lahat . ATING TANDAAN
Mga Elemento ng Kabutihang Panlahat 1. Ang paggalang sa indibidwal na tao . Dahil ang kabutihang panlahat ay nagpapahalaga sa kalikasan ng tao , hindi ito lubos na iiral kung hindi kikilalanin at pahahalagahan ang kaniyang dignidad . Sa dignidad nakakabit ang iba’t ibang karapatang kailangang igalang at hayaang gamitin ng tao sa lipunan
2. Ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat . Ang pag-unlad ang kabuuang pokus ng panlipunang tungkuling kailangang maibigay sa mga tao .
Karaniwang sinusukat ito halimbawa sa : mga pampublikong sistema ng pangangalaga sa kalusugan ; epektibong pampublikong pangkaligtasan at seguridad ; kapayapaang namamagitan sa bawat bansa sa mundo ; makatarungang sistemang legal at pampolitika ; malinis na kapaligiran at umuunlad na sistemang pang- ekonomiya .
3. Ang kapayapaan . Kalimitang sinasabi na ang kapayapaan ay ang pagkakaroon ng katahimikan , kapanatagan o kawalan ng kaguluhan sa lahat ng aspekto ng buhay tulad ng isip , kalooban , pamilya , lipunang ginagalawan at iba pa, subalit ang kapayapaan ay resulta ng pagkakaroon ng katahimikan , kapanatagan at kawalan ng kaguluhan . May kapayapaan kapag iginagalang ang bawat indibidwal at umiiral ang katarungan .
Mga Hadlang sa Pagkamit ng Kabutihang Panlahat 1. Nakikinabang lamang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat , subalit tinatanggihan ang bahaging dapat gampanan upang mag-ambag sa pagkamit nito .
Mga Hadlang sa Pagkamit ng Kabutihang Panlahat 2. Ang indibidwalismo o ang paggawa ng tao ng kaniyang personal na naisin 3. Ang pakiramdam na siya ay nalalamangan o mas malaki ang naiaambag niya kaysa sa nagagawa ng iba .
Mga Kondisyon sa Pagkamit ng Kabutihang Panlahat 1 Ang lahat ng tao ay dapat na mabigyan ng pagkakataong makakilos nang malaya gabay ang diyalogo , pagmamahal at katarungan .
Mga Kondisyon sa Pagkamit ng Kabutihang Panlahat 2. Ang pangunahing karapatang pantao ay nararapat na mapangalagaan . 3. Ang bawat indibidwal ay nararapat na mapaunlad patungo sa kaniyang kaganapan .