“Ang batang busog sa pangaral ay lalaking marangal malayo sa pagiging hangal dala ay magandang asal ”
KASAPI NG PAMILYA POSITIBONG KONTRIBUSYON EPEKTO/ IMPLUWENSIYA SA SARILI TAHANAN MAGULANG Responsable sa pamilya Responsable sa pag-aaral KAPATID Matulungin sa gawain Matulungin sa kapwa NAKAKATANDA Maunawain May paggalang sa matatanda
Dumanas nang matinding pighati si Mang Berto sa pagkamatay ng kanyang asawa kaya labis ang galit na kanyang naramdaman sa pumaslang nito . Hindi naging madali ang pagharap ni Mang Berto sa nagkasala . Sa kabila ng lahat nagawa pa rin nitong magpatawad dahil sa matibay na pananampalataya ng kanyang pamilya . Sa labis na karangyaan ay nawala sa tamang landas si Ernie. Naging magulo ang kanyang relasyon sa pamilya , nalugi ang negosyo at nabaon sa utang. Kung kanino lumapit at humingi ng tulong hanggang matulungan siya ng kaibigan at pinayuhang magbalik-loob sa Diyos . Simula noon, araw-araw nang nakiisa si Ernie sa pagbabahagi ng mabuting balita kasama ang kanyang asawang si Mely at mga anak . Tinuturuan din niya ang tatlong anak na palaging manalangin at huwag makalimot sa pagpapasalamat sa buhay at mga biyayang binigay ng dakilang maylikha . Sinisikap din ni Ernie na mailapit sa Diyos ang iba niyang kamag-anak at kaibigan .
IMPLUWENSYA SA SARILI MAY PUWANG ANG PAGPAPATAWAD MANALIG SA PANGINOON MAY PAGKAKATAONG MAGBAGO
GAWAIN 1 GROUPINGS
Tulong sa Bayan , Isulong
Pananagutan Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang ; Walang sinuman and namamatay para sa sarili lamang . Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't isa; Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling N’ya . Sa ating pagmamahalan at panglilingkod sa kanino man; Tayo ay magdadala ng balita na kaligtasan . 6 Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't isa; Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling N’ya . Sabay sabay mag aawitan ang mga bansa ; Tayo tinuring ng panginoon bilang mga anak . Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't isa Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling N’ya . Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling N’ya .
Mga Tanong : 1. Batay sa awitin , ano-ano ang pananagutan mo sa iyong kapwa ? 2. Tukuyin ang mga naiambag mo sa iyong kapwa lalo na sa panahon ng kagipitan na tayo ay nahaharap sa pandaigdigang epidemiya
“ Binubuo ng TAO ang LIPUNAN, Binubuo ng LIPUNAN ang TAO”
MGA ELEMENTO NG KABUTIHANG PANLAHAT
1 . Ang paggalang sa indibidwal na tao – Dahil ang kabutihang panlahat ay nagpapahalaga sa kalikasan ng tao , hindi ito lubos na iiral kung hindi kikilalanin at pahahalagahan ang kaniyang dignidad .
2. Ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan – Ang pag-unlad ang kabuuang pokus ng panlipunang tungkuling kailangan maibigay sa mga tao .
Kaligtasan Kalusugan Legal at pampulitika Malinis na kapaligiran Umuunlad na Ekonomiya
3 . Ang Kapayapaan – Ang pagkakaroon ng katahimikan , kapanatagan o kawalan ng kaguluhan sa lahat ng aspekto ng buhay tulad ng isip , kalooban , pamilya , lipunang ginagalawan at iba pa, subalit ang kapayapaan ay resulta ng pagkakaroon ng katahimikan , kapanatagan at kawalan ng kaguluhan .
Ayon kay John F. Kennedy – dating pangulo ng Amerika, “ Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng iyong bansa para sa iyo , kundi itanong mo kung ano ang magagawa mo para sa iyong bansa .”
1. Bilang isang mag-aaral, ano ang nagagawa mo para sa bayan lalo na sa panahon ngayong may pandemya?
1. Ang K _ _ A Y _ _ _ A _ ay kawalan ng kaguluhan sa lahat ng aspekto ng buhay .
2. Upang maging makatarungan ang isang lipunan , kailangang nasisiguro ng namumuno dito na ang karapatan ng bawat _ N _ _ B _ D_ _ L ay kinikilala .
3. Ayon kay Dr. Manuel Dy, Jr., binubuo ng lipunan ang tao at binubuo naman ng tao ang _ I _ U _ _ N.
4. Sa D _ G N _ D _ D nakakabit ang iba’t-ibang karapatang kailangang igalang at hayaang gamitin ng tao sa lipunan .
Modyul 2: Sektor ng Lipunan: Salamin ng Pagkatao at Kabutihan
Aralin 1 Sektor ng Lipunan: Salamin ng Pagkatao at Kabutihan
SCENARIO 1 Naglalarawan ng isang buong pamilya na kung saan ipinapakita ang paggabay ng mga magulang sa kanilang mga anak katulad ng pagtuturo ng mabubuting asal , pagtatama sa mga mali , pagpapaalala , at ang paghubog sa ating pagkatao .
SCENARIO 2 Tinutulungan ng guro ang isang mag- aaral . Ang paaralan ang pangalawang tahanan ng mga mag- aaral kung saan sila ay natututo at nagpapalago ng kaalaman .
SCENARIO 3 Kalakalan . Pagpapalago ng ekonomiya ng isang bansa . Ito ang dahilan sa pag-unlad ng ating komunidad sa tulong ng iba’t ibang mangangalakal na tumutugon sa bawat pangangailangan ng mamamayan .
SCENARIO 4 Pa g- ibig sa kapwa ang siyang dahilan kung bakit tayo ay hindi napapagod na magbigay at mag- alay ng kung anumang mayroon tayo. Dito natin naipapamalas ang malasakit sa mas higit na nangangailangan . Tumutugon tayo sa hinaing ng mga nangangailangan kahit sa gitna ng unos .
SCENARIO 5 Hinaing ng masa. Ang bawat indibidwal ay may kanya- kanyang prinsipyong pinapairal . Sa pagkakaibang ito , ang pagtawag ng pansin sa ating pamahalaan ay siyang daan upang marinig ang ating boses at matugunan ng naaayon upang mapanatili ang kapayapaan at pagkakaisa .
SCENARIO 6 Pananampalataya . Magkakaiba man tayo ng paniniwala , ang ating pananampalataya ang gumagabay sa atin upang igalang ang iba pang paniniwala .
LIPUNAN - nagmula sa salitang ugat na “ lipon ” na nangangahulugang pangkat .Ang mga tao ay may kinabibilangang pangkat na mayroong iisang tunguhin o layunin .
KOMUNIDAD - nagmula sa salitang Latin na communis, common o nagkakapareho binubuo ng mga indibidwal na nagkakapareho ng mga interes , ugali, o pagpapahalaga na bahagi ng isang partikular na lugar mas nabibigyang-halaga ang natatanging katangian ng mga kasapi o kabahagi
KOLEKTIBO Ang pagtingin sa bawat kasapi nito ngunit hindi binubura ang indibidwalidad ng mga kasapi .
Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat
Kabutihang Panlahat Ito ay ang kabutihan para sa bawat isang indibdwal na nasa lipunan . Ito ang pangkalahatang kondisyong pantay na ibinabahagi para sa kapakinabangan ng lahat ng kasapi ng isang lipunan . Ito ay tumutukoy sa kabutihang naaayon sa moralidad ng tao , sa Likas na Batas Moral.
Mga Elemento ng Kabutihang Panlahat 1. Ang paggalang sa indibidwalidad ng tao 2. Ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan 3. Ang Kapayapaan
Mga Hadlang sa Pagkamit ng Kabutihang Panlahat 1. Nakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit tinatanggihan ang bahaging dapat gampanan upang mag- ambag sa pagkamit nito . 2. Ang indibidwalismo o ang paggawa ng tao ng kaniyang personal na naisin . 3. Ang pakiramdam na siya ay nalalamangan o mas malaki ang naiaambag niya kaysa nagagawa ng iba .
Mga Kondisyon sa Pagkamit ng Kabutihang Panlahat (Social Morals – Joseph de Torre) 1. Ang lahat ng tao ay dapat na mabigyan ng pagkakataong makakilos nang malaya gabay ang diyalogo , pagmamahal at katarungan . 2. Ang pangunahing karapatang pantao ay nararapat na pahalagahan . 3. Ang bawat indibidwal ay nararapat na mapaunlad patungo sa kanyang kaganapan .
Mga Kondisyon sa Pagkamit ng Kabutihang Panlahat (Social Morals – Joseph de Torre) 1. Ang lahat ng tao ay dapat na mabigyan ng pagkakataong makakilos nang malaya gabay ang diyalogo , pagmamahal at katarungan . 2. Ang pangunahing karapatang pantao ay nararapat na pahalagahan . 3. Ang bawat indibidwal ay nararapat na mapaunlad patungo sa kanyang kaganapan .
Mga Kondisyon sa Pagkamit ng Kabutihang Panlahat (Social Morals – Joseph de Torre) 1. Ang lahat ng tao ay dapat na mabigyan ng pagkakataong makakilos nang malaya gabay ang diyalogo , pagmamahal at katarungan . 2. Ang pangunahing karapatang pantao ay nararapat na pahalagahan . 3. Ang bawat indibidwal ay nararapat na mapaunlad patungo sa kanyang kaganapan .
Mga Kondisyon sa Pagkamit ng Kabutihang Panlahat (Social Morals – Joseph de Torre) 1. Ang lahat ng tao ay dapat na mabigyan ng pagkakataong makakilos nang malaya gabay ang diyalogo , pagmamahal at katarungan . 2. Ang pangunahing karapatang pantao ay nararapat na pahalagahan . 3. Ang bawat indibidwal ay nararapat na mapaunlad patungo sa kanyang kaganapan .
Mga Kondisyon sa Pagkamit ng Kabutihang Panlahat (Social Morals – Joseph de Torre) 1. Ang lahat ng tao ay dapat na mabigyan ng pagkakataong makakilos nang malaya gabay ang diyalogo , pagmamahal at katarungan . 2. Ang pangunahing karapatang pantao ay nararapat na pahalagahan . 3. Ang bawat indibidwal ay nararapat na mapaunlad patungo sa kanyang kaganapan .
Modyul 4: Kasipagan , Pagpupunyagi , Pagtitipid at Wastong Pamamahala sa Naimpok
Marami ang nagtuturing mahirap daw itong buhay , Araw- araw ay paggawang tila din walang humpay ; Datapuwat isang pantas ang nagbadya at nagsaysay ; “ Tagumpay ay nakakamit kapag tao ay masikhay .” Ang sandali’y mahalaga hindi dapat na sayangin , Kasipagay isagawa at itanim sa damdamin ; Kapag ito’y inugali walang liwag na kakamtin Ang ginhawang inaasam at bungkos na pangarapin . Hindi dapat na mahiya itong palad ay kumapal Kung gawain ay mabuti at hangarin ay marangal ; Pagsisikap na may tiyaga , kasipagan ang kakambal Ay sandatang pananggalang … pamuksa sa kahirapan . Paalala’t pagunita sa diwa mo , kabataan … Sa tuwina’y isaisip , sana’y laging tandaan : “ Kasipaga’y ugaliin at gawin mong pamantayan Upang kamtin ang masaya at magandang kapalaran .”
Ano nga ba ang kahulugan ng kasipagan ? Ang kasipagan ay tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong kalidad . Ito ay tumutulong sa tao na malinang ang iba pang mabubuting katangian tulad ng tiwala sa sarili , mahabang pasensya , katapatan , integridad , disiplina at kahusayan na kung saan malaki ang maitutulong nito sa tao sa kaniyang relasyon sa kaniyang gawain , sa kaniyang kapwa at sa kaniyang lipunan .
Palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan .
1. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa .
2. Ginagawa ang gawain ng may pagmamahal .
3. Hindi umiiwas sa anumang gawain .
Ang kabaliktaran ng kasipagan ay katamaran . Ito ay hindi natin dapat taglayin sapagkat ito ang pumapatay sa isang gawain , hanapbuhay o trabaho . Ang katamaran ang pumipigil o humahadlang sa tao upang siya ay magtagumpay .
Ang isang taong tamad ay ayaw tumanggap ng gawain . Hindi pa niya ito nasisimulan ay umaayaw na siya . Palagi niyang nararamdaman ang kapaguran kahit kaunti pa lamang ang kaniyang nagagawa . At kadalasan ay hindi niya natatapos ng maayos ang isang gawain .
Ang pagpupunyagi ay pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang iyong layunin o mithiin sa buhay . Ito ay may kalakip na pagtitiyaga , pagtitiis , kasipagan at determinasyon . Ito ay pagtanggap sa mga hamon o pagsubok ng may kahinahunan at hindi nagrereklamo . Ito ay patuloy na pagsubok ng mga gawain hangga’t hindi nakakamit ang mithiin .
Ang pagtitipid ay kakambal ng pagbibigay . Ito ay isang birtud na nagtuturo sa tao na hindi lamang mamuhay ng masagana , kundi gamitin ang pagtitipid upang higit na makapagbigay sa iba . Ang pagtitipid ay hindi ubos-ubos sa pera o bagay na walang saysay . Sapagkat dapat mong mahalin ang bunga ng iyong ginawang pagsisikap at pagtitiyaga .
Narito ang ilang paraan na maaring gawin upang makatipid sa gastusin sa araw-araw .
1. Magbaon ng pagkain sa opisina o eskwela
2. Ugaliin na maglakad lalo na kung malapit lang ang paroroonan .
3. Piliing mamili sa pampublikong pamilihan sapagkat higit na mababa ang presyo ng mga bilihin sa mga lugar na ito .
4. Gamitin ang load ng cellphone sa mga importanteng bagay lamang tulad ng pagpapadala ng mga mensahe o text sa magulang , guro , kamag-aral at iba pa. Iwasan rin na lustayin ang iyong internet data load sa paglalaro ng online games.
5. Maglaan ng takdang oras para sa paggamit ng TV, Computer, at iba pa. Kung hindi naman ito ginagamit ay patayin mo ang mga ito .
6. Ugaliing gumamit ng baso para sa tubig sa tuwing nagsisipilyo . Mainam din na gumamit ng planggana sa tuwing maghuhugas ng mga plato at timba sa tuwing maliligo . Sa ganitong paraan maiiwasan mo na tumapon ang tubig mula sa gripo .
7. Piliin ang mga lokal na produktong gawa sa inyong komunidad kaysa sa mga gawa sa ibang lugar .
Ang pag-iimpok ay paraan ng pagtatabi kaunting halaga upang makapag-ipon ng salapi , na siyang magagamit sa ating pangangailangan sa takdang panahon .
1 . Para sa proteksyon sa buhay . Maraming mga hindi inaasahan na maaaring mangyari sa buhay ng tao tulad na lamang ng pagkakasakit , kalamidad , pagkawala ng trabaho o pagkabaldado . Kung sa hindi inaasahang pagkakataon ay mangyari ito , kailangan na ang tao ay nakahanda at mayroong magagamit na emergency fund sapagkat kung wala ay mahihirapan siyang makabangon mula dito .
2. Para sa mga hangarin sa buhay . Ito ang nagiging motibasyon ng iba . Ang mag impok para sa hangarin sa buhay na mabigyan ng magandang edukasyon ang mga anak , ang magkaroon ng sariling bahay at magkaroon ng maayos na pamumuhay . Mahalaga na matamo ang mga ito bilang bahagi ng ating kaganapan sa buhay .
3. Para sa pagreretiro . Hindi lamang kailangan na mag- impok para sa proteksyon sa buhay at sa mga hangarin sa buhay , mahalagang nag- iipon din para sa pagtanda sapagkat hindi sa lahat ng oras ay kakayanin pa ang magtrabaho . Darating din sa kasukdulan ang buhay ng tao na siya ay magiging matanda at mahina at hindi kakayanin pa na magbanat ng buto .
Ayon pa rin kay Francisco Colayco , kinakailangan na tratuhin ang pag-iimpok na isang obligasyon at hindi Optional.
Modyul 5: Tayo’y Sumunod at Makiisa
Aralin 1 Lipunang Pang- pulitikal
Ang salitang pulitika ay tumutukoy sa sistema ng pamamahala ng estado o bansa na nagmula sa salitang Greek politiká , isang derivation ng mga ” polis” na nagpapahiwatig ng parehong elemento ng pamahalaan at katulad ng pamayanang pang- estado sa lahat.
Ang lipunang pulitikal ay binubuo ng mga pinuno at lider ng gobyerno . Ang mga indibidwal na ito ay nagbubuo ng mga panukalang batas, nagmumungkahi ng mga patakaran at nagtataguyod ng kanilang mga pananaw sa kung paano mapahusay ang pagganap ng ekonomiya ng bansa .
Ang prinsipyo ng subsidiarity ay ang pakikipagtulungan ng pamahalaan sa mga mamamayan para sa ikauunlad nito . Maaaring pairalin ang prinsipyo ng subsidiarity sa pamilya kung ang lahat ng miyembro nito ay makikipagtulungan sa bawat isa
Ang prinsipyo ng solidarity ay tinatawag ding prinsipyo ng pagkakaisa . Sa prinsipyo na ito , kung ano ang gusto ng mga pinamumunuan o mamamayan ay siyang gagawin ng pinuno at ang pinamumunuan ay kailangan na sumusunod sa pasya ng kanilang pinuno .
Ang lipunang pulitikal ay binubuo ng mga pinuno at lider ng gobyerno . Ang mga indibidwal na ito ay nagbubuo ng mga panukalang batas, nagmumungkahi ng mga patakaran at nagtataguyod ng kanilang mga pananaw sa kung paano mapahusay ang pagganap ng ekonomiya ng bansa .
Modyul 6: Salamin ng Lipunan
Aralin 1 Lipinang Pampulitika , Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa
“Ang tanging kailangan upang mapagtagumpayan ang kasamaan ay ang di- pagkilos ng mga mabubuting tao .”
PAMILYA Pangunahing yunit ng lipunan Lipon ng dalawa o higit pa sa dalawang tao na magkaugnay sa dugo , sa bisa ng sakramento ng kasal o sa pamamagitan ng pag-aampon o paninirahan sa isang tirahan .
PAARALAN Isang organisasyon , institusyon o lugar kung saan hinuhubog at nililinang ang kaisipang moral, pisikal at spirituwal ng mga mag- aaral .
LIPUNAN Isang pangkat ng mga tao na binibigyan ng katangian o paglalarawan sa mga huwaran ng mga pagkakaugnay ng bawat isa na binabahagi ang naiibang kultura at/o mga institusyon . Ang Lipunan din ay isang pangkat ng mga taong nagtutulungan at nagkakaisa .
PAMAYANAN/KOMUNIDAD Ito ay maaaring isang pangkat ng nag- uugnayang mga tao , na nabubuhay na magkakalapit , na ang kalapitan ay ayon sa puwang , oras , o ugnayan . Ang pamayanan ay pangkaraniwang tumutukoy sa isang yunit na panlipunan o pakikipagkapwa na mas malaki kaysa sa isang tahanan , mag- anak , pamamahay may pinagsasaluhang karaniwang mga pagpapahalaga at may matibay na samahang panlipunan
BANSA ( mula sa Sanskrito : [ vanśa ]) ay isang pagkakahating pampulitika ng isang entidad pang- heograpiya , isang soberanyang sakop , na mas karaniwang iniuugnay sa mga kaisipang estado o nasyon at pamahalaan .
Modyul 7: Tulong Mo, Tulong Ko: Ang Sasagip sa Mundo
Isang malaking barkada Hawig sa barkadahan ang isang pamayanan . Pinagsama-sama sila ng kanilang kinatatayuang lugar .
Kultura ang tawag sa mga nabuong gawi ng pamayanan .
Lipunang Pampolitika Habang lumalaki ang mga grupo , nagiging mas mahirap na pakinggan ang lahat at panatilihin ang dating nakukuha lamang sa bigayan at pasensiyahan . Kung ang magkakabarkada ay nagkakaunawaan na sa kindatan at ang magkakapit-bahay sa pakiramdaman at delikadesa , sa isang lipunan , nangangailangan na ng isang mas malinaw na sistema ng pagpapasya at pagpapatakbo .
Tayo Ang lipunan ay hindi pinapatakbo ng iilan . Kailangan pa ring makilahok ng taumbayan , gawin ang kayang gawin ng bawat isa, at ibahagi ang bunga ng paggawa sa bayan.
Dagdag na Komplikasyon "Hindi rin naman mahalagang magsalita pa. Nag- iisa lang naman ako . Ang masusunod naman ay ang marami ."
Si Ninoy ay isang tinig lamang na nagpasimula ng pagsasalita ng marami pang ibang sinisikil ng diktadurang Marcos.
Si Martin Luther King ay isang tinig lamang ng mga African-American na sumigaw ng pagkilala sa tao lagpas sa kulay ng balat .
Si Malala Yousafzai ay isang tinig ng musmos na naninindigan para sa karapatan ng mga kababaihan na makapag-aral sa Pakistan sa kabila ng pagtatangka sa kaniyang buhay .
" Matagal na akong tumutulong sa pamahalaan . Tapat ako sapagbabayad ng buwis . Naglilingkod ako nang wagas sa bayan. Ang lahat ng paghihirap ko ay inuubos lamang ng mga kurap sa pamahalaan ."