Lipunang Politikal - isang pagsisikap na abutin at tuparin ang makabubuti sa nakararami ang pagpapatakbo ng lipunan . Pampolitika - ang tawag sa paraan ng pagsasaayos ng lipunan upang masiguro na ang bawat isa ay malayang magkaroon ng maayos na pamumuhay , makamit ang pansariling mithiin sabay ang kabutihang panlahat .
Ang lipunan ay hindi pinatatakbo ng iilan . Kailangan pa ring makilahok ang taumbayan , gawin ang kayang gawin ng bawat isa, at ibahagi ang bunga ng paggawa sa bayan. Ang proyekto ng pinuno ay hindi proyektong para sa kaniyang sarili . Ito ay proyekto para sa kaniyang pinamumunuan .
na
Prinsipyo ng SOLIDARITY/PAGKAKAISA
May isang bus na bumibiyahe galing Cagayan de Oro patungong Davao. Ito ay naglalaman ng humigit kumulang na apatnapung pasahero . Mayroon silang iisang tunguhin : ang makarating sa Davao. May iisa silang paraan upang makarating sa paroroonan – ang bus. Sila ay may ugnayang ginagawa tulad ng simpleng kuwentuhan tuwing hihinto ang bus para sa pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan ng bawat pasahero . May mga batas silang sinusunod upang huwag mapahamak habang naglalakbay at alituntunin katulad ng: dapat ay may tiket ka upang makasakay,magbabayad ang lahat para sa gastusin ng sasakyan at suweldo ng driver at konduktor .
Ano- ano ang mga katangiang nakita sa situwasyon na hawig sa isang lipunan ? Mula sa katangiang ito , maaaari bang ituring na isang lipunang pampolitika ang sitwasyong ito ? Pangatwiranan . Bakit mahalagang mayroong samahan at mayroong namumuno ?
Isulat ang SU kung ang pahayag ay ukol sa Prinsipyo ng Subsidiarity at SO kung ito ay patungkol sa Prinsipyo ng Solidarity. Isulat ang sagot sa inyong kuwaderno . 1. Pagtatanggol sa karapatang pantao o karapatan ng mga minorya . Pagkakaroon ng pagpupulong sa barangay para sa kaayusan ng lahat. 3. Pagbibigay ng tulong tulad ng 4Ps sa mga pamilyang nangangailangan . 4. Pagbabahagi sa mga yaman ng bansa / mamamayan sa mga naapektuhan ng pandemic. 5. Pagsisingil ng buwis sa mga manggagawa .
6. Paglulunsad at pagbibigay ng trabaho sa mga nawalan nito sa panahon ng pandemic. 7. Pagsama-samang paglilinis sa maruming lugar sa barangay. 8. Pagbibigay ayuda sa na apektuhan ng pandemic mula sa gobyerno . 9. Pagkokolekta ng abuloy para sa namatayan na kapitbahay . 10. Pagpapahiram ng libreng modyul sa mga estudyante sa pampublikong paaralan .
Paggawa bilang tagapagtaguyod ng dignidad ng tao at paglilingkod Bakit nga ba mahalaga ang paggawa sa tao ? Anu ang mabuting maidudulot nito sa ating pagkatao ?