EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
Iprinisinta ni: Teacher Gen
PAKSA:KALIKASAN NG TAO:
ANG ATING KARANASAN BILANG
MGA TAO
Ano ang Ibigsabihin ng Maging Isang Tao
Likas na Batas; Deskripsyon at Kategorya
Natutukoy ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at
kilos-loob
Napatutunayan na ang isip at kilos-loob ay ginagamit
para lamang sa paghahanap ng katotohanan at sa
paglilingkod/pagmamahal.
Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita
ang kakayahang mahanap ang katotohanan at
maglingkod at magmahal.
LAYUNIN
May isang bagay na hindi pangkaraniwan sa pagkakalikha at pagpapala sa
atin ng Diyos. Malinaw na makikita sa ating pagtingin sa sarili at pakikipag-
ugnayan sa kapwa at sa Diyos ang kalikasan ng ating pagkakalikha
Tayo ay mga nilalang na may
kaluluwa
Tayo ay mga nilikhang may
kamalayan
Hindi katulad ng ibang mga nilalang, ang tao ay biniyayaan ng kaluluwa,
kaya naman tayo ay isinisilang nang may likas na talino at sariling
kalooban. Sa pamamagitan ng talino, nagagawa nating makita, matuklasan,
at maunawaan ang daigdig na ating tinitirhan
Ang mga tao ay may kakayahang impluwensiyahan ang
kasaysayan ng daigdig. Sa pamamagitan ng ating mga
pinag-isipang mga desisyon at pagkilos, tayo ang
nagbibigay n direksiyon sa ating mga buhay at
nagbibigay-anyo sa kinabukasan ng mga taong
nakapaligid sa atin, sa ating pamayanan, sa bansa bayan,
at sa daigdig. Ibig sabihin, magagawa nating mamili kun
gusto nating tayo ay mapabuti o mapahamak.
Tayo ay bahagi ng
kasaysayan
Ang mga tao ay isinilang bunga ng isang mahalagang ugnayan o
relasyon sa pagitan ng isang lalaki at babae. Ang salitang relasyon ay
tumutukoy sa mga pagtatagpo ng mga tao. Kaya naman tayo ay
isinilang din sa mga relasyon o pakikipag-ugnayan nang tayo ay
maging bahagi ng isang pamilya, isang pamayanan, at isang bansa. Isa
sa mga layunin ng ating buhay ay ang makipag-ugnayan sa ibang mga
tao, at higit na malalim, sa Diyos.
Tayo ay mga taong nakikipag-
ugnayan.
Kung susuriin ang mga relasyon o pakikipag-ugnayang
pinananatili ng isang tao, mapagtatanto na bawat isa ay
natatangi. Natatangi tayo dahil sa mga pakikipag-ugnayang
meron tayo. Ang ating impluwensiya sa iba at ang kanilang
impluwensiya sa atin ang magsasabi kung anong klaseng tao
tayo.
Bawat isa ay natatangi bagama't
tayo ay nilikhang pantay-pantay.
Mga Tao Kumpara sa Mga Hayop
Panuto:Punan ang tsart sa ibaba at sagutin
ang mga sumusunod na tanong.
HOMEWORK 1.1
1.Batay sa aking mga napagtagumpayan at mga kabiguan,
anong kurso ang dapat kong kunin sa kolehiyo?
2.Sa anong propesyon ko nakikitang magtatagumpay ang
aking sarili.
3.Bilang ganti sa lahat ng mga pagmamahal na
natatanggap ko mula sa mga taong nakapaligid sa akin,
paano akong makapaglilingkod at makapagpapakita ng
pagmamahal sa aking pamilya, pamayanan, at bansa
HOMEWORK 1.1
Panuto: Gumawa ng isang panalangin ng pasasalamat dahil isinilang ka
bilang tao. Isulat ang komposisyon sa isang buong papel.
Linya 1 & 2- Simulan sa pagtawag sa ngalan ng Diyos. Magbanggit ng
ilang mga katawagan bilang paglalarawan at pagpupuri sa Diyos.
Linya 3 & 6- Ano ang nagustuhan mo tungkol sa pagiging isang tao?
Magbigay ng dalawa o higit pang dahilan. Ihayag ang buong pusong
pasasalamat.
Linya 7 & 8- Paano makatutulong ang mga dahilang ito upang maging mas
mabuti kang tao? Suriin ang iyong mga pakikipag-ugnayan.
Linya 9 & 10- Ipahayag ang mga hangarin ng iyong puso. Iugnay ang mga
ito sa mga naunang linya