Panimula: “No man is an island.” Nagpapatunay ito na sa buhay ay kailangan natin ng karamay o kasama. Ang konseptong ito ay hindi lamang akma sa tao kundi maging sa isang bansa . Sa larangan ng mga bansa, ang kasabihang ito ay makikita sa pampolitika, panlipunan, at sa pang- ekonomikong usaping na masasalamin sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan .
Kalakalang Panlabas Ito ay tumutukoy sa pakikipagkalakalan , pagpapalitan ng mga produkto at serbisyo ng mga bansa ( pagbili at pagbebenta ng kalakal ) ng isang bansa sa ibang bansa. Ito ay nagaganap sapagkat walang bansa ang maaring makatugon ng lahat kanyang pangangailangan ng walang tulong mula sa ibang bansa . Pinagkunan: https ://www.canstockphoto.com/import- export-international-trade-two--10370701.html
Pagbebenta ng produkto sa ibang bansa. Pagbili ng produkto mula sa ibang bansa. Pinagkunan: https ://www.freepik.com/premium-vector/import-export-taxes-flat-concept-illustration-man-with-tariff- stamp-2d-cartoon-character-web-design-international-trading-policy-taxation-prices-regulation- creative-idea_8782873.htm
Batayan ng Kalakalang Panlabas Pinagkunan: https ://www.educba.com/absolute-advantage-vs-comparative-advantage/
Absolute Advantage ( panukala ni Adam Smith) Ang isang bansa ay masasabing may absolute advantage sa pagprodyus sa isang kalakal kung nakakalikha ito ng mas maraming bilang ng produkto gamit ang mas kaunting salik ng produksyon kung ihahambing sa ibang bansa. Ang mga bansa ay dapat na mag- export ng mga kalakal kung saan siya may dalubhasa at mag- import na lamang ng mga kalakal na wala siyang kakayahan na magprodyus.
Aling bansa ang may absolute advantage sa produksyon ng wheat? Aling bansa ang may absolute advantage sa produksyon ng DVD? Pinagkunan: https ://www.youtube.com/watch?v=Vvfzaq72wd0
Comparative Advantage Ang isang bansa ay masasabing may comparative advantage sa pagprodyus ng isang kalakal kapag kaya niyang gawin ang kalakal sa mas mababang halaga kung ihahambing sa ibang bansa. Ang comparative advantage ay nakabatay sa konsepto ng opportunity cost . Ang comparative advantage ay tumutukoy sa kakayahan ng isang bansa na iprodyus ang produkto sa mas mababang opportunity cost kaysa ibang bansa.
Pinagkunan: https ://www.youtube.com/watch?v=Vvfzaq72wd0 Aling bansa ang may espesyalisasyon sa produksyon ng wheat? Aling bansa ang may espesyalisasyon sa produksyon ng DVD? Kahit na may espesyalisasyon, dapat pa bang mag- import ng DVD ang South Africa sa Japan?
Aling bansa ang may mas mababang opportunity cost sa paggawa ng DVD? Aling bansa ang may comparative advantage sa produksyon ng DVD? Dapat pa bang mag- import ng DVD ang South Africa sa Japan? Pinagkunan: https ://www.youtube.com/watch?v=Vvfzaq72wd0
Pagsukat sa Kalakalang Panlabas Pinagmulan: https ://www.wallstreetmojo.com/balance-of-trade-vs-balance-of-payments/
Ang kalagayan ng kalakalan ng ating bansa ay makikita sa balance of trade at balance of payments. Dito malalaman kung nakikinabang ang pakikipagkalakalan sa isang bansa. Ang Balance of payment (BOP) ang nagsisilbing sukatan ng pandaigdigang gawaing pang- ekonomiya ng isang bansa o ito ay isang summary statement tungkol sa transaksiyon ng isang bansa sa lahat ng iba pang mga bansa sa loob ng isang tiyak na panahon. Ang Balance of trade (BOT) ay makukuha sa pamamagitan ng pagbabawas ng halaga ng kalakalan na inaangkat sa halaga ng kalakal na iniluluwas.
Balance of Trade (BOT) Tumutukoy sa kalagayan ng kabayaran ng pagluluwas ( export ) at kabayaran sa pag- aangkat ( import ). Mayroong trade deficit kung mas mataas ang import sa export samantalang trade surplus naman kung mas mataas ang export sa import. Pinagkunan: https://slideplayer.com/slide/8045566/
Programa ng Pamahalaan na may Layuning Mapaunlad ang Kalakalang Panlabas Kota (Quota) Ito ay tumutukoy sa bilang o dami ng kalakal o produktong inaangkat o iniluluwas upang mapangalagaan ang lokal na produkto sa pagdagsa ng maraming produktong dayuhan, sa ganitong paraan patuloy na natatangkilik ang sariling produkto. Halimbawa : Kung gusto ng gobyerno na pangalagaan ang lokal na industriya ng sapatos laban sa mga sapatos na mula sa Italy, maaaring iutos ito na huwag papasukin sa bansa ang sobra sa 10,000 pares ng sapatos mula sa Italy.
Sabsidi (Subsidy) Ito ang tulong na ibinibigay ng gobyerno upang bumaba ang halaga ng produksyon ng mga lokal na produkto Halimbawa: Kung nasusuportahan ng gobyerno ang isang produkto sa ating bansa, maaaring magbaba o magbawas ng buwis para dito.
Taripa (Tariff) Ito ay espesyal na buwis na ipinapataw lamang sa mga kalakal na inaangkat. Ang pagpataw ng buwis sa mga angkat na kalakal ay nagpapataas sa presyo nito. Kapag lubhang mataas ang taripang ipinataw sa isang kalakal, posibleng napipigil ang pag- aangkat o kaya tuluyang napahihinto ang operasyon sa kalakalang ito.
Kabutihan ng Pakikipagkalakalan Mas maraming produkto ang mapagpipilian sa pamilihan. Napapataas nito ang kalidad ng mga produkto na mabibili sa pamilihan. Nagkakaroon ng pagkakaunawaan ang mga mamamayan ng bansang nakikipagkalakalan. Lumalawak ang pamilihan ng mga produkto sa bansa.
Di- kabutihan ng Pakikipagkalakalan Nagiging palaasa ang mga mamamayan sa produktong imported. Hindi nalilinang ang pagkamalikhain ng mga mamamayan dahil umaasa na lamang sila sa mga produktong gawa sa ibang bansa. Pagkawala ng sariling pagkakakilanlan bunga ng pagpasok ng dayuhang kultura sa lipunan.
Pamprosesong Tanong: Anu- anong mga problema na dulot ng globalisasyon (malayang kalakalan) ang ipinapakita sa video? Ano ang epekto nito sa ating ekonomiya? Ano ang maaring gawin ng pamahalaan upang malutas ang mga suliraning ito. Globalization | Salam Panuorin ang video sa Youtube gamit ang link na https://www.youtube.com/watch?v=FIMjgA4DcEw Pinagkunan: https ://www.dreamstime.com/illustration/youtube-frame.html
Samahang Pandaigdigang Pang- ekonomiko
World Trade Organization Pormal na pinasinayaan at nabuo noong Enero 1, 1995. Ito ay kinikilala bilang samahang namamahala sa pandaigdigang patakaran ng sistema ng kalakalan o global trading system sa pagitan ng mga kasaping estado o member states. Sa kasalukuyan, ito ay binubuo ng 160 bansang kasapi. Pinagkunan: https ://www.oxebridge.com/emm a/why-iso-is-in-direct-violation- of-world-trade-organization- regulations/
Layunin ng World Trade Organization (WTO) Pagsusulong ng isang maayos at malayang kalakalan sa pamamagitan ng pagpapababa sa mga hadlang sa kalakalan (trade barriers) ; Pagkakaloob ng mga plataporma para sa negosasyon at nakahandang magbigay tulong- teknikal at pagsasanay para sa mga papaunlad na bansa ( developing countries) ; Mamagitan sa mga pagtatalo ng mga kasaping bansa kaugnay sa mga patakaran o magpataw ng trade sanction laban sa isang kasaping hindi umaayon sa desisyon o pasya ng samahan;
Asia- Pacific Economic Council (APEC) Ito ay isang samahang may layuning isulong ang kaunlarang pang- ekonomiya at katiwasayan sa rehiyong Asia- Pacific kaugnay na rin ng pagpapalakas sa mga bansa at pamayanan nito. Tinatag noong Nobyembre 1989 at ang punong himpilan nito ay matatagpuan sa Singapore. Pinagkunan: https ://www.logolynx.com/topic/apec
Layunin ng Asia- Pacific Economic Council (APEC) Liberalisasyon ng pakikipagkalakalan at pamumuhunan Pagpapabilis at pagpapadali ng pagnenegosyo Pagtutulungang pang- ekonomiya at teknikal
Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Itinatag noong August 8, 1967. Ang samahang ito ay naglalayong paunlarin ang ugnayan ng mga bansa sa Timog- Silangang Asya. Sa aspektong pang- ekonomiko, ang samahang ito ay naglalayong paunlarin at isulong ang malayang kalakalan sa bawat kasapi ng ASEAN pati ang mga bansang dialogue partner nito. Pinagkunan: https://asean.org/
Upang maging ganap ang pagnanais na ito, ay nagkaroon ng kasunduang tinawag na ASEAN Free Trade Area (AFTA) na nilagdaan noong January 28, 1992 sa Singapore. Ito ay nakabatay sa konsepto ng Common Effective Preferential Tariff (CEPT) o ang programang nagsusulong ng pag- aalis ng taripa at quota upang maging ganap ang pagdaloy ng produkto sa mga bansang kasapi ng ASEAN.
ASEAN Trade in Goods Agreement (ATIGA) Nakasentro sa pagbaba ng taripa sa mga produktong gawa ng mga miyembro ng ASEAN. European Free Trade Association (EFTA) Sumasakop sa mga patakaran tungkol sa kalakal , pamumuhunan , proteksiyon ng intellectual property rights at likas-kayang pag-unlad .
Kalakalang Panlabas at Pag-unlad ng Ekonomiya ng Pilipinas May mga mekanismo kung saan ang kalakalang panlabas ay nakakatulong sa pag-unlad ng bansa , lalo na sa mga ekonomiyang papaunlad . Para sa Pilipinas malaki ang kontribusyon ng kalakalang panlabas sa potensyal na paglago ng ekonomiya . Una , nakapagdadala ng maraming trabaho ; Ikalawa , napapahusay o pinaangat nito ang gawang lokal at lalong nagiging kompetitibo sa pandaigdigang pamilihan ;
Ikatlo , sa pagtuklas ng mga makabagong pamamaraan sa paggawa nagdudulot ito ng mataas na antas ng produksiyon at kita . Malaking tulong ito sa mabilis na pag-unlad ng ekonomiya ng bansa .
Mahalagang Patakarang Pang- ekonomiya ng Pilipinas - Sa kabila ng pagiging bukas ng Pilipinas pagdating sa ekonomiya sa kalakalang pandaigdig ipinatutupad pa rin nito ang paglilimita sa pagmamay-ari ng mga dayuhan sa mga lupain at ngosyo ng mula sa 25% hanggang 40% lamang sa iba’t-ibang industriya . Bilang pagtalima naman sa General Agreement on Tariffs and Trade (GATT ) na pinagkasunduan ng iba’t-ibang bansa , isa-isang ibinababa ang antas ng taripa o buwis sa pag-aangkat ng mga produktong pumapasok sa bansa .
- Upang makasabay sa kalidad ng mga produkto sa pandaigdigang merkado ang mga gawang lokal , itinatag ng pamahalaan ang Bureau of Products Standards ( BPS ) kung saan isinusulong nito ang estandardisasyon ng mga proseso at produkto upang mas maging katanggap-tanggap sa pandaigdigang pamilihan ang mga lokal na produkto kasama ang Philippine Accreditation Bureau ( PAB ).
Isaisip: Ang kalakalang panlabas ay isang gawaing nagdudulot ng iba’t ibang epekto sa ating bansa. Subalit sa kabilang banda hindi natin maikakaila na ang sistemang ito ay isang kaganapang hindi natin maiiwasan lalo na sa kasalukuyang panahon na isinusulong ang pagkakaroon ng ugnayan ng mga bansa sa daigdig sa pamamagitan ng globalisasyon . Ang Pilipinas ay isang aktibong kasapi ng pandaigdigang ekonomiya .
References: EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan – Modyul para sa Mag- aaral Unang Edisyon 2015 Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at Pag- unlad, VPHI Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI Lagunero G.B. et. al.(2020) Araling Panlipunan Ikaapat na Markahan – Modyul 8: Kalakalang Panlabas (Unpublished), DepEd Division of Iligan City Eko and Miya characters used with permission from the National Economic Development Authority (NEDA) retrieved March 20, 2020 from http://2040.neda.gov.ph/eko-and-miya-series