I. aLAMIN A. PANIMULANG PAGTATAYA: Ibuod mo ang bahagi ng epiko ng Bicol na Handiong . Gumamit ng mga pang- abay na Pamaraan sa pagbubuod nito . (15 puntos )
Handiong Epiko ng BicoL Salin sa tagalog ni J. Arrogante VIII Ang kabikolan ay isang lupain Patagang mayaman sa mga baybayin Sa buong daigdig pinakamarikit Sagana sa butil , aming nakakamit .
IX Si Baltog ang lalaking kauna-unahang Naninirahan sa dakilang patagan Nagmulang Botavara , Lahing di- nakikita . X Nang ito’y kaniyang masukol , Sa sibat ito’y nasapol At sa brasong Herkules sa lakas Ang panga ng hayop ay nangagkapilas .
XI Bawat panga’y sukat Sa habang sandipa Dalawang katlo ang mga pangil Nang tanganan ng kaniyang sibat XII At siya’y umuwi sa kanilang lupain Ang dalawang panga’y kanyang binitin Sa puno ng isang talisay Sa Tondo , malapit sa bahay .
Buod : Buod :
b. Pagganyak
1. P agmasdan ang mga larawan sa itaas . Ano ang pagkakakilala mo sa kanila bilang mga tauhan ? 2. Ano ang mga katangian nila na di mo makikita sa isang pangkaraniwang tao ? 3. M aituturing ba silang mga bayani ? Bakit ?
c. Kaligirang pangkasaysan ng epiko Basahin at unawain . Ang epiko ay isang uri ng panitikan na nagsasalaysay tungkol sa kabayanihan at pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil ang mga tagpuan ay pawing kababalaghan at di- kapani - paniwala . Isang kuwento ito na punong-puno ng kagila-gilalas na mga pangyayari . Bawat pangkatin ng mga Pilipino ay may maipagmamalaking epiko .
Ang salitang epiko ay mula sa salitang Griyegong "epos" na nangangahulugang salawikain o awit . Isa itong mahabang salaysay na anyong patula na maaaring awitin o isatono . Hango ito sa pasalin-dilang tradisyon tungkol sa mga pangyayaring mahiwaga o kabayanihan ng mga tauhan . Layunin nitong pukawin ang isipan ng mga mambabasa sa pamamagitan ng nakapaloob na mga paniniwala , kaugalian at mithiin ng mga tauhan . Ang mga tao ay nagsasabing ang epiko daw ay hango sa pangalang Kur , isang lalaki na kinuhang manunulat ng mga espanyol sa kanilang kapanahunan dahil sa kaniyang likas na pagiging malikhain at matalino .
Lahat ng kaniyang isinulat ay tinawag niyang epikus , na di kalaunan ay tinawag ng mga espanyol na epiko na ang ibig sabihin ay dakilang likha . Ang epiko ay mahabang salaysay . Ito ay karaniwang inaawit o binibigkas nang patula . Kadalasan itong salaysay tungkol sa mahiwagang pangyayari o kabayanihang kinapapalooban ng mga paniniwala , mga kaugalian , at mga huwaran sa buhay ng mga sinaunang mamamayan ng isang bayan . Sa Pilipinas , popular ang tinatawag na epikong bayan o f olk epi c . Ayon sa mga mananaliksik ng katutubong panitikan , may kani - kaniyang matatanda at mahahabang salaysay na patula ang iba’t ibang pangkating etniko sa Pilipinas .
Sa labas ng katagalugan , mayroong mga popular na tulang pambayan , o mga tulang epiko , bago pa man dumating sa bansa ang mga banyaga . Kilala sa mga Iloko ang epikong Biag ni Lam- ang. Ito ay isinulat ng makatang si Pedro Bukaneg na sininop at pinagaaralan pa rin hanggang sa kasalukuyan . Sa Bicol naman ay tanyag ang epikong Ibalon na ang orihinal na sipi sa wikang Bicolano . Gayundin ang epikong Handiong ng mga Bicolano na batay naman sa mga bagong pananaliksik ay likhang isang paring espanyol at hindi sa bibig ng mga katutubo . Sa bisayas naman nagmula ang epikong aragtas , at sa Mindanao ang pinakamahabang epiko sa Pilipinas nalarangan .
Nakapaloob sa larangan ang kilalang mga epikong Prinsipe Bantugan , Indarapatra at tulayman at Bidasari . Sa nakaraang ikadalawampung siglo , isa-isang naitala ng mga mananaliksik at dalubhasa ang marami pang epikong - bayan mula sa iba’t ibang dako ng bansa . Ayon sa kanila , nauuri ang epikong nasusulat ayon sa kasaysayan ng lugar na kinatagpuan nito . Halimbawa , nasapangkating kristiyanong epiko ang Lam- ang at Handiong , samantala , na sa pangkating muslim naman ang mga epikong Bantugan , Indarapatra at Hulayman , Parang Sabil at Silungan . Ibi nilang naman sapangkating Lumad (di- kristiyano at muslim ) ang ilalim ng Kalinga , Hudhud at Alim ng Ifugao , Labaw longgon ng Hiligaynon, Hinilawod at Agyu ng mindanao , tuwaang ng mga Bagobo , Alod , Bambila , at Guman ng Bukidnon , at marami pang iba .
Mahalaga sa mga sinaunang pamayanan ang epikong-bayan . Bukod sa nagiging aliwan ang epiko , ito ay nagsisilbing pagkakakilanlang panrehiyon at pangkultura . Ginagamit ito sa mga ritwal at pagdiriwang upang maitanim at mapanatili sa isipan ng mga mamamayan ang mga kinagisnang ugali at paniniwala , gayundin ang mga tuntunin sa buhay na pamanangating mga ninuno .
iii. paunlarin A. Pagbasa ng teksto . Si Tuwaang at ang Dalaga ng Buhong na Langit Sa Kaharian ng Kuaman , may isang lalaking nagngangalang Tuwaang . Tinawag niya ang kaniyang kapatid na si Bai . Lumapit si Bai , at ito ay nagdala ng nganga . Ang magkapatid ay ngumuya ng nganga . Sinabi ni Tuwaang na may dalang mensahe ang hangin na pinapapunta siya sa kaharian ni Batooy , isang bayani sapagkat may dalagang dumating sa kaharian ngunit hindi siya nakikipag-usap sa mga kalalakihan doon , kaya pinatawag ng isa sa mga kalalakihan ang hangin para ipatawag si Tuwaang . Hindi pumayag si Bai sa gagawing paglalakbay ni Tuwaang . Kinakabahan si Bai sa maaaring mangyayaring masama kay Tuwaang . Pero hindi nakinig si Tuwaang sa sinabi ni Bai . Agad-agad na naghanda si Tuwaang at isinuot ang kanyang mga armas . Kinuha niya ang kaniyang sibat at kalasag at tinawag ang kidlat upang dalhin siya sa lugar ng Pinanggayungan . Pagkarating doon ay bumisita siya sa bahay ng Binata ng Pangavukad . Sinamahan siya ng binata ng Pangavukad sa kaniyang paglalakbay .
Sila’y nakarating sa tahanan ni Batooy . Humiga si Tuwaang sa tabi ng dalagang nagbalita sa kaniya at kaagad na nakatulog . Bumunot ang dalaga ng isang buhok ni Tuwaang na nakalawit . Nagsalita ang dalaga at nakilala na nila ang isa’t isa. Ang dalaga ay ang Dalaga ng Buhong na Langit . Tumakas siya at nagtatago mula sa Binata ng Pangumanon , isang higante na may palamuti sa ulo na abot ang mga ulap . Gusto siyang pakasalan ng binata ngunit tinanggihan niya ang alok . Nagalit ang binata at sinunog ang bayan ng dalaga . Sinundan niya ang dalaga saan man siya mapadpad at sinunog niya ang mga bayan na pinagtataguan ng dalaga , kaya naghanap ang dalaga ng pagtataguan sa mundong ito .
Pagkatapos magkuwento ang dalaga kay Tuwaang , dumating bigla ang Binata ng Pangumanon , balot ng apoy , at pinagpapatay niya ang mga tao sa kaharian ni Batooy . Naglaban si Tuwaang at ang Binata ng Pangumanon gamit ang kanilang mga sandata . Ngunit magkasinlakas silang dalawa , at nasira ang kanilang mga sandata . Tinawag ng Binata ng Pangumanon ang kaniyang patung , isang mahabang bakal . Ito’y kaniyang ibinato at pumulupot kay Tuwaang . Lumiyab ito ngunit itinaas ni Tuwaang ang kaniyang kanang bisig at namatay ang apoy . Tinawag ni Tuwaang ang kaniyang patung at ibinato sa binata . Lumiyab ito at namatay ang binata . Pagkatapos ng labanan ay binuhay niya ang mga namatay na tauhan gamit ng kaniyang laway . Dinala niya ang dalaga sa kaniyang bayan sakay ng kidlat .
Ikinuwento ng Gungutan na nakita niya sa kaniyang panginip na darating si Tuwaang sa Kawkawangan . Inalok naman ni Tuwaang ang Gungutan na sumama sa paglalakbay niya ; tinanggap naman ito ng Gungutan . Tumuloy na sila sa paglalakbay . Nakarating si Tuwaang at ang Gungutan sa kasal . Dumating ang Binata ng Panayangan , na nakaupo sa gintong salumpuwit , ang Binata ng Liwanon , ang Binata ng Pagsikat ng Araw , at ang Binata ng Sakadna , ang ikakasal na lalaki , at kaniyang 100 pang tagasunod . Nakiusap ang Binata ng Sakadna na linisin ang mga kalat sa kasal (o mga hindi imbitado / kailangang bisita ) ngunit sinagot naman siya ni Tuwaang na may pulang dahon ( mga bayani ) sa okasyon . Nagsimula ang mga unang seremonya ng kasal . Binayaran ng mga kamag-anak ang mga savakan ( mga bagay para sa babaeng ikakasal at mga nakabalot na pagkain na inaalay ng mga kamag-anak ng lalaking ikakasal ) ng babaeng ikakasal , hanggang may naiwang dalawang hindi mabayaran . Umamin ang Binata ng Sakadna na hindi niya kayang bayaran ang dalawang bagay , pero tinulungan siya ni Tuwaang gamit ng paglikha ng isang sinaunang gong bilang kapalit sa unang bagay at gintong gitara at gintong bansi (o gintong plawta ) sa pangalawang bagay .
Lumabas ang Dalaga ng Monawon , ang dalagang ikakasal para magbigay ng nganga sa lahat ng bisita . Pagkatapos niyang bigyan ang lahat ng panauhin ng nganga , umupo siya sa tabi ni Tuwaang . Nagalit ang Binata ng Sakadna . Hinamon ng binata si Tuwaang sa labas ng bahay . Ang Gungutan , samantala ay nakapatay na ng mga kasama ng binata hanggang sa anim na lang ang natira . Nagkipaglaban ang dalawa sa anim na kalaban hanggang ang natira na lamang ay si Tuwaang at ang Binata ng Sakadna . Binato nang napakalakas ni Tuwaang ang binata at lumubog siya sa lupa at nakita niya ang isa sa mga tagapagbantay ng mundong ilalim . Bumalik agad sa mundo ang binata at itinapon naman si Tuwaang sa mundong ilalim , kung saan nakita rin ang tagapagbantay rito . Nalaman ni Tuwaang ang kahinaan ng binata , at pagkalabas niya roon , kinuha ang gintong plawta na nagtataglay ng buhay ng binata . Dahil mas ginusto ng binata na mamatay kaysa mapabilang sa kampon ni Tuwaang , sinira ni Tuwaang ang plawta at ang binata ay unti-unting namatay . Inuwi ni Tuwaang ang dalaga sa Kuaman kung saan siya ay naghari habambuhay .
b. Pagpapalawak ng talasalitaan Bigyan mo ng kahulugan ang mga salitang may salungguhit na ginamit sa akda upang higit mong maunawaan ang nilalaman nito . Maaaring sumangguni sa mga nakatatanda , silid-aklatan o internet. 1. Ang magkapatid ay ngumuya ng nganga . 2. kinuha niya ang kaniyang sibat at kalasag at tinawag si Kidlat . 3. Tinawag ng binata ng pangumanon ang kaniyangio patung .
4. Dumating ang binata ng panayangan na nakaupo sa gintong salumpuwit . 5. T inulungan siya ni Tuwaang gamit ang paglikha ng isang sinaunang gong.
c. Pagpapaunlad ng kaisipan 1. I sa- isahin ang mga kababalaghang nakapaloob sa binasang teksto . Mga kababalaghang nakapaloob sa binasang teksto
2. Paano nakatulong ang mga nasabing kababalaghan upang makilala ang mga tauhan ? 3. B ilang isang Pilipino, naniniwala ka ba sa anting-anting, gayuma at pamahiin ? Bakit ?
4 . K ilalaning mabuti ang mga pangunahing tauhan na si Tuwaang . Punan ng hinihinging impormasyong mula sa epiko upang mabuo ang Character Profile sa ibaba . Pangalan : Edad : Tirahan : Hilig : Katangian : Kakayahan : Pangarap : Misyon :
5. B asahin at unawain ang epiko sa ibaba na Ibalon , epiko ng Bicol. Suriin ang katangian ng pangunahing tauhan at ihambing ito sa katangian ng pangunahin tauhan ng epikong Tuwaang . Ibalon ( buod ) epiko ng Bikol Noong 1895, si Prayle Jose Castaño ay may kinaibigang lagalag na mang-aawit na si Cadungdung . Sa kanya narinig ng pare ang epikong Ibalon . Itinala at isinalin ng pare sa Kastila ang isinalysay sa kanya ni Cadungdung .
Si Baltog , isang bantog na mandirigma , ay mula sa Batavara at naparaan sa Bikol . Napamahal sa kanya ang Bikol dail sa maganda nitong tanawin . Lumipas ang mga taon at siya ay naging hari ng Ibalondia . Siya ay napamahal sa mga tao roon dahil sa siya’y maunawain , matapang at makatarungan . Sa gitna ng kasaganaan ay sumipot ang isang dambuhalang baboy-ramo na pumuksa sa ani ng mamamayan at pumuti ng buhay ng maraming kawal . Si Baltog , ang bayaning katulad ni Beowolf , ay siyang pumatay sa higanteng baboy-ramo . Nagbalik na muli sa Ibalondia ang katahimikan . Nang tumanda si Baltog , sumipot naman sa Ibalondia ang mga higanteng kalabaw , mga pating na lumilipad at buwayang ganggabangka . Si Handiong na naparaan doon ang sumagip sa kahambal-hambal na katayuan ng kaharian . Pinagpapatay niya sa tulong ng kanyang mga kawal ang mga damulag .
May isang kaaway na hindi mapasuko ni Handiong . Ito’y si Oriol na minsa’y ulupong at minsa’y nakabibighaning binibining nais manlinglang . Siya’y hindi nagtagumpay kay Handiong . Hindi niya madaya ang bayani kaya kanyang tinulungan ito upang lipulin ang mga salimaw , ang mga malignong mapanligalig . Si Oriol ay naniniwala sa kasabihang “Kung hindi talunin , makiisa sa layunin .” Ang kilabot na si Rabot ay dumating sa Ibalondia . Kung kanyang maibigan , ang mga tao’y kanyang nagagawang pawang bato . Sapagkat na si Handiong , ang humalili sa kanya na bagong tagapagligtas ay si Bantong .
Ang dambuhala ay napatay ng makapangyarihang espads ng bagong manunubos . Dahil sa labanan , ang lupa ay yumanig at umalon ang karagatan . Nang matapos ang malagim na sagupaan , namalas na may maliliit na pulo sa dagat sa kalapit ng Ibalondia . Nagbago ng landas ang Ilog Inarinan . Ang bundok ng Bato ay lumubog at ito’y naging lawa . Namalas sa gitna ng mga sira-sirang paligid ang isang umuusok na bulkan . Iyan ang Bulkan ng Mayon ngayon .
Tuwaang Bantong Pagkakatulad Pagkakaiba
6. Patunayang ang mga epikong binasa ay kasasalaminan ng mga tradisyon , kultura at pag-uugali ng mga taong napapabilang sa mga lahi mula rito . 7. Maituturing bang bayani ang mga pangunahing tauhan sa dalawang epikong nabasa ? Bakit ?
Tandaan : Epiko Ang epiko ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan siya'y buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa . Ang paksa ng mga epiko ay mga kabayanihan ng pangunahing tauhan sa kanyang paglalakbay at pakikidigma . Ang salitang epiko ay galing sa Griyego na epos na nangangahulugang ' awit ' ngunit ngayon ito'y tumutukoy sa pasalaysay na kabayanihan . Ang epiko ay kuwento ng kabayanihan . Punung-puno ito ng mga kagila-gilalas na mga pangyayari . Bawat pangkatin ng mga Pilipino ay may maipagmamalaking epiko . Halimbawa nito ay ang mga sumusunod . Mga Epiko ng iba't-ibang rehiyon : * Biag ni Lam- ang ( Iloko ) * Indarapatra at Sulayman (Muslim) * Bantugan * Bidasari * Tuwaang ( Bagobo ) * Tulalang (Manobo) * Ibalon ( Bicolano ) * Labaw Donggon ( Kabisayaan )
Ang Paulit-ulit na Paksa o Tema katapangan at pakikipagsapalaran ng bayani mga supernatural na gawa ng bayani pag-ibig at romansa panliligaw – pag-aasawa – pagbubuntis – mga yugto ng buhay kamatayan at pagkabuhay pakikipaglaban at kagitingan ng bayani kayamanan , kaharian at iba't ibang mga kasiyahan o piging mga ritwal at kaugalian ugnayan ng magkakapamilya
Pangwika : sanhi at bunga Ang sanhi ay isang ideya o pangyayari na maaaring humantong sa isang bunga . Halimbawa , nakuha mo ang pinakamataas na grado sa pagsusulit dahil nag- aral kang mabuti . Unang binanggit ang bunga at sumunod naman sanhi . Tandaan na hindi lahat ng pagkakatao’y nauuna ang sanhi sa bunga . Isiping lagi ang ganito : Anong ideya o pangyayari ang naunang naganap ( sanhi )? Ano ang kinalabasan ( bunga )? Sa komunikasyon , madalas tayong nagbibigay o naglalahad ng sanhi at bunga . Layunin nitong ipakita na kaya naganap ang isang pangyayari ay may dahilang nauna pa kaysa rito . Sa gawaing ito , kailangan nating pag-aralan at tingnang mabuti ang isang pangyayari . Dito’y kailangan ang likas na pagkukuro at matalinong paninindigan sa pagpapasya at pagpapakahulugan sa mga bagay na nakikita at nababasa natin . Mga panandang ginagamit sa hulwarang sanhi at bunga : dahil sa , sapagkat , nang , kasi , buhat , mangyari , palibhasa , kaya, resulta , sanhi , epekto , bunga nito , tuloy , atbp .
Ang SANHI ang siyang pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari . Sa salitang Ingles, ito ay ang "CAUSE". Ang BUNGA ang siyang kinalabasan o dulot ng natural ng pangyayari . Sa salitang Ingles, ito ay ang "EFFECT ". Nahulog si Juan sa kanal dahil hindi nya tinitignan ang kanyang dinaraanan . SANHI - Hindi nya tinitignan ang kanyang dinaraanan . BUNGA - Nahulog si Juan sa kanal . Pinag-aralan niya nang mabuti ang kanyang leksyon kagabi kaya nakakuha siya ng mataas na marka . SANHI = Pinag-aralan niya nang mabuti ang kanyang leksyon kagabi . BUNGA = Nakakuha siya ng mataas na marka .