Mga karaniwang uri at lahi ng poultry animals na makikita sa pamayanan na maaaring alagaan tulad ng manok at pugo Prepared by: Sir JAMES A. SARABIA
Balik Aral PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan upang masuri ang iyong natutunan tungkol sa mga hakbang sa natural na pag-aalaga ng poultry animals. 1. Bakit mahalaga ang pagpapanatiling malinis ng kulungan ng mga manok? 2. Ano ang layunin ng pagbibigay ng sapat na tirahan at tamang bentilasyon ? 3. Anong paraan ng pag-aalaga ng manok ang tinatawag na Free Range? Ipaliwanag . 4. Ano ang pagkakaiba ng Intensive sa Kombinasyon na paraan ng pag-aalaga ?
Pagsagot sa KWL chart sa column ng Alam ko, at nais kong Malaman .
Panghawan ng Bokabularyo Broiler – uri ng manok na inaalagaan para sa masustansiyang karne . Layer – uri ng manok na inaalagaan para sa maraming itlog .
Mga Karaniwang Uri at Lahi ng Poultry Animals na Maaaring Alagaan (Pugo at Manok)
1. Pugo Lahi ng Poultry Animals na Maaari Pagpilian Ang pugo (quail) ay isang uri ng ibon na inaalagaan para sa kanilang itlog at karne . Bilugan ang katawan nito , maikli ang buntot at leeg , at mayroong matulis at maiksing pakpak kaya hindi ito nakalilipad ngunit mabilis itong tumakbo sa lupa .
Lahi ng Poultry Animals na Maaari Pagpilian Sa Pilipinas , ang itlog ng pugo ay ginagamit sa iba’t ibang pagkain , tulad ng kwek-kwek , at sangkap sa maraming uri ng ulam . Ang mga pugo ay mabilis lumaki at madaling alagaan , kaya naman maraming poultry farmers ang nag- aalaga nito dahil hindi ito nangangailangan ng malaking kulungan .
Mga Lahi ng Pugo A. Kastang Kano – sa edad na 30-35 araw , tumitimbang na humigit kumulang 200 gramo . B. Kastang Hapon – sa edad na 30-35 araw , tumitimbang na humigit kumulang 100 gramo .
Mga Lahi ng Pugo C. Lahing Tuxedo – maitim at may puting batik ito sa dibidb at ulo. D. Lahing Negro – kulay itim at abuhing itim ito .
Mga Lahi ng Pugo E. Lahing Silver – kulay puti at maitim ang mga mata . F. Lahing Katutubo – matatagpuan ito sa gubat at parang (meadow).
Mga Lahi ng Pugo G. Lahing Japanese Seattle – may lahing Amerikano ito na kulay kalawang (rust) at kulay kastansas (maroon) sa ibabang bahagi ng ulo. H. Lahing Japanese Taiwan – kilala ito bilang Chinese quil . Maitim ang tiyan at batik-batik ang balahibo ng babaing pugo . May mapupulang balahibo naman ang mga lalaking pugo .
2. Manok Lahi ng Poultry Animals na Maaari Pagpilian Ang manok ay isa sa mga pinakapopular na inaalagaang poultry animals dahil sa masarap at masustansiya nitong karne at itlog . Mayroong dalawang pangunahing uri ng manok ayon sa kanilang gamit : paitluging manok o layer chickens at pangkarne o broiler chickens. Ang lahi ng paitluging manok na karaniwang inaalagaan ng mga poultry farmer ay white leghorn .
Lahi ng Poultry Animals na Maaari Pagpilian Malaki ang ambag ng manok pagdating sa food production dahil maraming tao ang mahilig kumain ng karne at itlog nito .
Mga Uri ng Manok na Mainam para sa Karne (broiler) A. Arbor Acre – nakakapagbigay ng masustansiyang karne B. Hubbard – mainam alagaan dahil sa masustansiyang karne nito .
Mga Uri ng Manok na Mainam para sa Karne (broiler) C. Cobb – puti ang balahibo at kulay dilaw ang balat
Mga Uri ng Manok na Mainam sa Pangingitlog (layer) A. White Leghorn – kulay puti at may malalaking paa B. Minorca – nangingitlog ng 200 pirasong itlog sa isang taon at may katamtamang laki ng itlog . Kulay itim ito at galing Espanya .
Mga Uri ng Manok na Mainam sa Pangingitlog (layer) C. Mikawa – ito ay kulay puti at nangingitlog ng 200 pirasong itlog sa isang taon .
Mga Uri ng Manok na Mainam sa Pangingitlog at Kanilang Karne (dual) A. Plymouth Rock – ito ay manok na galing sa Amerika at nakapagbibigay ng masustansiyang karne at itlog . A. Rhode Island Red – Maganda ang klase ng itlog at ito ang madalas na inaalagaan ng mga magsasaka .
Pangkatang Gawain “ Round Robin” • Hatiin ang klase sa 4 na pangkat . • Bawat pangkat ay magsisimula sa isang Task Card Station (may larawan ng poultry animal at nakadikit ang task card). • May 3 minuto bawat station para sagutan ang mga tanong . • Pagkatapos ng oras , ipapasa ng bawat pangkat sa susunod na pangkat ( paikot , Round Robin). • Ulitin ang proseso hanggang masagutan ng lahat ng pangkat ang lahat ng 4 na task cards • Sa huli , magbahaginan ng sagot at ideya ang bawat pangkat .
Pangkatang Gawain: Ikatlong Araw Station 1 – Pugo ( Kastang Hapon ) Timbang: 0.125 kg Ano ang value ng digit 2 sa 0.125? Anong katangian ng pugo ang nabasa mo ? Station 2 – Broiler (Cobb) Timbang: 1.750 kg Ano ang digit sa tenths place ng 1.750? Bakit mainam alagaan ang broiler? Station 3 – Layer (Minorca) Itlog kada taon : 200 Presyo ng bawat itlog : ₱12.375 Ano ang value ng digit 3 sa ₱12.375? Ano ang katangian ng itlog ng Minorca? Station 4 – Pugo (Tuxedo) Timbang: 0.200 kg Ano ang digit sa hundredths place ng 0.200? Ano ang kakaibang itsura ng Tuxedo na pugo ?
Paglalapat Panuto : Isulat sa kwaderno ang dalawang paraan kung paano mo maiaangkop ang natutunan mo sa natural na pag-aalaga ng poultry animals sa inyong bahay o komunidad . Ang guro ay tatawag ng 3 mag- aaral na maaaring magbahagi ng kanyang saloobin .
Paglalahat ng Aralin Punan ang pangungusap upang mabuo ang buod ng aralin : 1. Ang maayos na kulungan ay _________________ 2. Ang Free Range na paraan ng pag-aalaga ay _________________ 3. Ang tamang nutrisyon para sa manok ay
Pagtataya Panuto : Ibigay ang hinihingi
Takdang Aralin Gumupit ng larawan isang uri ng manok o pugo . Isulat kung ano ang lahi nito at paano ito aalagaan . Gawin ito sa iyong kwaderno .