EsP-10-_-Quarter-1-_-Modyul-1-_-Week-1-Version-2.pdf

PaulineHipolito 319 views 18 slides Mar 17, 2025
Slide 1
Slide 1 of 18
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18

About This Presentation

VE10


Slide Content

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 1:
Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng
Isip at Kilos Loob
(Linggo: Una)



Pamagat
NegOr_Q1_EsP10_Modyul1_v2

Edukasyong Pagpapakatao – Ika-sampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos Loob

Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio



Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental
Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: [email protected]
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Amancio M. Gainsan Jr.
Editor: Amancio M. Gainsan Jr.
Tagasuri: Conchita T. Caballes Cita J. Bulangis
Tagaguhit: Edyl Kris B. Ragay
Tagalapat: Amancio M. Gainsan Jr.
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Adolf P. Aguilar Elmar L. Cabrera
Donre B. Mira Nilita L. Ragay

ii

Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Mataas na Gamit at
Tunguhin ng Isip at Kilos Loob
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag -aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag -aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang -alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:






Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag -aaral
kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.


Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

iii

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos Loob.
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa
pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong -aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang -akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawabilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung
ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik -aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip

Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o

iv

talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin

Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang ant as ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang
Gawain

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda
mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda
sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Sanggunian
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

1


Ang Mataas na Gamit At Tunguhin ng Isip at Kilos Loob




Natutukoy ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob. (ESP10MP-la-1.1)

Nakilala ang kanyang mga kahinaan sa pagpapasya at nakagagawa ng mga
konkretong hakbang upang malampasan ang mga ito. (ESP10MP-la-1.2)




Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman,
kakayahan, at pag-unawa:

1. Natutukoy ang gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob sa angkop na sitwasyon
2. Nasusuri kung ginagamit nang tama ang isip at kilos loob ayon sa tunguhin
ng mga ito
3. Naipaliliwanag ang Batayang Konsepto ng aralin
4. Naisabuhay ng mag-aaral ang tamang paggamit bg isip at kilos loob











Alamin


Mga Layunin

NegOr_Q1_EsP10_Modyul1_v2

2


Panuto:Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang mga sagot sa iyong
kuwaderno.

1. Maliban sa isip ano ang ginagamit ng tao upang itoy makaalam sa mga
pangyayari sa paligid nito?
A. Pagmamahal
B. Galit
C. Balita
D. Pandama
2. Alin sa mga sumusunod ang tamang gawin?
A. Huwag gumawa ng padaraya sa iyong kapwa
B. Maaring padaya kung kinakailangan.
C. Magiging ok lamang madayan kung ang ikay mahirap
D. Huwag alalahanin kung ano ang iniisip ng ibang tao ang importanti ay
natulungan moa ng iyong pamilya kahit galling sa pandaraya.
3. Bilang tao na nilikha ayon sa larawan at kawangis ng Diyos, at naiiba sa lahat
ng nilalang , ano ang pinakamahalagang mahubog natin?
A. Ang mga taglay nating katangian dahil ito ang bumubuo sa ating
pagkatao.
B. Ang ating kayaman dahil ato ang magagamit natin upang makatulong
sa iba.
C. Ang ating pananamit dahil ito ang tinitignan ng mga tao.
D. Ang ating kinakain dahil ito ang basihan kung tayo bay malusog.
4. Bakit mahalagang malaman ng tao na iba siya sa hayop?
A. Upang malaman niya na siyay maganda
B. Upang maging matatag ang pagkaunawa ng layunin mo sa buhay at
mabigyang direksyon ang inyong kilos at malinang ka bilang tao sa
paggawa nang mabuti.
C. Upang maging matatag ang iyong relasyon sa iyong kapwa at lalo na
sa iyong pamilya.
D. Upang alam mo na ang mga hayop ay mababang nilalang kay sa sa
iyo.

5. Ano ang ating gagamitin upang tayo ay makakagawa nga tama, wasto at
nararapat na mga desisyon sa pang araw-araw nating pamumuhay.
A. Pandama
B. Katawan
C. Isip
D. Mata
6. Alin sa mga sumusunod ang tamang gawin?
A. Tumulong sa pamayanan upang malutas ang mga suliranin
B. Hayaan na lang ang mga namumuno na lumutas sa mga suliranin sa
pamayan
C. Isisi sa mga namumuno sa pamayanan ang mga suliranin
Subukin

3

D. Ilayo ang sarili sa mga suliranin at hahayaan sila sa kanilang suliranin
7. Kailan natin masasabi na nagagamit natin nang tama ang ating isip at kilos-
loob?
A. Kapag naging maganda ang iyong buhay
B. Kapag naging matagumpay ka sa iyong ginagawa
C. Kapag tayo ay marunong umunawa sa mga bagay-bagay para sa
katotohanan at tayo’y kumilos tungo sa kabutihang panlahat.
D. Kapag naabot mo ang iyong gusto sa buhay
8. Sa panahon ng Eleksyon ano ang tamang gawin?
A. Maging maingat sa pagpili ng mga kakandidato sa gobyerno na may
kayahang pamunuan ang ating pamahalaan
B. Huwag nalang bumuto kung wala ang mga gusto na maging pinuno
C. Ibubuto ang kandidato na nagbibigay ng pera.
D. Wala sa mga nabanggit
9. Ayon sa pilosopiya ni Santo Tomas de Aquinas, ano ang bumubuo sa tao?
A. Ispiritwal at materyal na kalikasan
B. Katawan at Isip
C. Pag-iisip
D. Lahat ng nabanggit
10. Sa mga katagang “ Ang tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos” ano ang ibig
sabihin?
A. Tayo’y kapantay ng Diyos.
B. Tayo ang may mas karapatan sa mundo kaysa mga hayop.
C. May katangiang taglay ang tao tulad ng katagiang taglay niya.
D. Walang makikialam kung ano man ang ating gagawin















NegOr_Q1_EsP10_Modyul1_v2

4


Tunghayan ang dalawang larawan sa ibabaw ng box at pagkatapos ay sagutin ang
mga sumusunod na tanong sa loob ng box.












Tanong Tao Aso
1. Ano ang mayroon
sa bawat isa upang
makita ang babala?



2. Ano ang mayroon
sa bawat isa upang
maunawaan ang
sinasabi ng
babala?




3. Ano ang
kakayahang taglay
ng bawat isa upang
sundin ang
sinasabi ng
babala?





4. Ano ang
inaasahang
magiging tugon ng
bawat isa sa
babala?





5. Saan binatay ang
pagtugon ng bawat
babala?
Ipaliwanag.








Balikan
NegOr_Q1_EsP10_Modyul1_v2

5





Punan ang loob ng kahon ng hinihinging sagot tungkol sa mataas na gamit at
tungkulin ng isip at kilos-loob at sagutin ang mga tanong sa ibaba ng kahon.
Pamatayan sa Pagmamarka
Katiyakan ng sagot 5
Organisasyon 3
Wika 2
10


Mahalagang gamit
ngayong panahon ng
pandemic
Kahalagahan nito


Isip

Kilos-loob


1. Ano ang nauunawaan mo sa isip at kilos loob?

2. Bakit mahalagang gamitin ang isip at kilos-loob sa mataas na uri na gamit nito?












Tuklasin
NegOr_Q1_EsP10_Modyul1_v2

6




Ang tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos na nangangahulugang ang tao ay
may katangiang katulad ng katangiang taglay Niya. Binigyan niya ang tao ng
kakayahang mag-isip, pumili at gumusto. May kakayahang alamin kung ano ang
mabuti at masama.
Ayon sa pilosopiya ni Santo Tomas de Aquinas, ang tao ay binubuo ng ispiritwal
at materyal na kalikasan. Kakabit ng kalikasang ito ay ang dalawang kakayahan ng
tao. (E.Esteban, 1990, ph.48)
1. Ang pangkaalamang pakultad (knowing faculty) dahil sa kanyang panlabas at
panloob na pandama at dahil sa isip kaya’t siya ay nakauunawa, nanghuhusga,
at nangangatwiran.
2. Ang pagkagustong pakultad (appetitive faculty) dahil sa mga emosyon at dahil
sa kilos-loob

Ipinakita ito ni Esteban gamit ang tsart sas ibaba:



Ang Kabuuang Kalikasan ng Tao
Kalikasan ng Tao Pangkaalamang Pakultad Pagkagustong Pakultan
Materyal
(Katawan)
Panlabas na Pandama
Panloob na Pandama
Emosyon
Ispiritwal
(Kaluluwa)
(Rasyonal)
Isip Kilos-loob



Ayon naman kay De Torre (1980) ang isip ay ang kaalaman o impormasyong
nakalap ng pandama ng tao ay pinalalawak at hinahatid sa isip upang magkaroon ito
Suriin
n
NegOr_Q1_EsP10_Modyul1_v2

7

ng mas malalim na kahulugan. Nangangahulugan lamang na magsisimulang gumana
ang isip kapag nalinang na ang pandama ng tao. Ang isip ay walang taglay na
kaalaman o ideya mula sa kapanganakan ng tao. Nakukuha niya ito sa ugnayan niya
sa reyalidad sa pamamagitan ng mga panlabas na pandama. Samakatuwid and
kakayahang ito na nakakabit sa materyal na katawan ang nagbibigay ng kaalaman sa
isip. Kung ang pandama ay depektibo, nagkakaroon ito ng epekto sa isip. Ang kilos-
loob ay umaasa sa isip. Ibinigay ng isip ang katwiran bilang isang kakayahan upang
maimpliwensiyahan ang kilos-loob.

Tayong mga ato ay nilalang ng Panginoon na may likas na kaalaman tungkol
sa mabuti at masama. Ang kakayahan na gumawa ng malayang pagpili ay isa pang
sumasalamin sa paglalang ng tao na kawangis ng Diyos. Mayroon din siyang tungkulin
upang sanayin, paunlarin at gawing ganap and isip at kilos-loob. Tayong mga tao ay
biniyayaan ng napakalaking handog at iyong ang kalaayang mag-isip at magdesisyon
sa kung ano ang ating gagawin at gugustohin sa ating sarili. Ang handog na ito ay
maaring magamit ng tao sa maling paraan ngunit kung gagamitin ang isip ng buong
igat, maaari tayong makaiwas sa maling kilos na magiging resulta nito. Kaya bago
gawin ang isang bagay dapat isiping mabuti kung nakakabuti ba ito sayo, sa kapwa,
sa pamilya at lalong lalo na hidi ba ito taliwas sa gusto ng Panginoong Maykapal.

Ayon kay Santo Tomas ang Kilos-Loob ay isang makatuwirang pagkagusto
(rational appentency) sapagkat ang tao na may kilos-loob ay naakit sa mabuti at
kusang lumalayo sa masama. Halimbawa ang galit na aso ay maaring mangagat gunit
ang tao na may Kilos-Loob gagamitin niya ang kanyang isip upang kumuha nag buod
o esensiya sa mga bagay na umiiral, maaring ang emosyon at ang kilos-loob na
magkaroon ng magkaibang pagkilos.

Mga gawain na ginagamit nang tama ang isip at kilos-loob, maaring magagamit mo
ang iyong isip at kilos-loob kung patuloy mong pinapanigan ang wasto at naayon sa
katwiran.

1. Huwag gumawa ng pandaraya sa iyong kapwa
2. Kahit na ikaw ay nasa gipit na kalagayan ay patuloy na tumulong sa
nangangailangan.
3. Tumulong sa pamayanan upang malutas ang mga suliranin
4. Maging maingat sa pagpili ng mga kakandidato sa gobyerno na may
kakayahang pamunuan ang ating pamahalaan.

Ipinanganak man tayo na magkaiba, ngunit wag kalimutan tayo ay nilikha na
kawangis ng Diyos may isip at kilos-loob upang tayo ay maging malaya na ukitin ang
ating magiging kapalaran. Nakasalalay ang magiging bukas sa kung papaano natin
gagamitin ang ating isip at kilos-loob. Sa panahon ngayon ng pandemiya nararapat
mas kailangan nating gamitin ang ating isip at kilos-loob kung ano ang tamang gawin.
Halimbawa sa ilalim GCQ (General Community Quarantine) bawal lumabas o gumala
ang may edad 20 pababa at 60 pataas ngunit si Pablito na 15 taong gulang ay patuloy
pa ring gumagala, at sa kanyang paggala nahawa siya ng COVID 19. Sa kanyang pag
uwi sa bahay nahawaan din niya ang kanyang pamilya. Sa iyong palagay nagamit ba
NegOr_Q1_EsP10_Modyul1_v2

8

ni Pablito ang isip at kilos-loob sa tamang paraan? Laging isipin kung ano ang
magiging kahinatnan ng iyong ginagawa, gamitin sa mabuti ang Isip at Kilos-loob.






Punan ang loob ng kahon ng hinihinging sagot tungkol sa mataas na gamit at
tungkulin ng isip at kilos-loob at sagutin ang mga tanong sa ibaba ng kahon.
Pamatayan sa Pagmamarka
Katiyakan ng sagot 5
Organisasyon 3
Wika 2
10

Mahalagang gamit
ngayong panahon ng
pandemic
Kahalagahan nito


Isip

Kilos-loob


3. Ano ang nauunawaan mo sa isip at kilos loob?

4. Bakit mahalagang gamitin ang isip at kilos-loob sa mataas na uri na gamit nito?












Pagyamanin
NegOr_Q1_EsP10_Modyul1_v2

9







Mag-isip ng pangyayari o senaryo na kung saan ay ginamit ng tama ang isip at kilos-
loob.

Pamatayan sa Pagmamarka
Nilalaman 5
Organisasyon 3
Wika 2
10

Mga senaryo Pangangatwiran Repleksyon sa iyong sarili
1.

2.

3.

4.

5.



Isaisip
Isagawa

Napag-alaman ko na ____________________________________.

Napagtanto ko na _______________________________________

Ang aking gagawin ay ___________________________________












NegOr_Q1_EsP10_Modyul1_v2

10



I. Tukuyin ang sumusunod na pahayag kung ang sitwasyon ay
nagpapakita ng tamang paggamit ng isip at kilos-loob. Isulat ang TP sa
patlang kapag tama ang paggamit ng ist at kilos-loob, HTP naman kapag
hindi.
__1. Patuloy na nagsisikap ni Sandra sa pag-aaral upang makamit niya
ang kaniyang pangarap sa buhay.
__ 2. Pinili ng magkaibigan na tatawid sa kalsada kaysa sa umakyat pa
sa overpass upang mas mabilis makarating sa pupuntahan.
__ 3. Gabi nang umuwi si Miko at hindi nagpaalam sa kanyang mga
magulang kung saan siya pupunta.
___ 4. Uminum si Justin ng Juice, nang maubos ito ay wala siyang
makitang basurahan kaya’t itinapon na lang iya ito sa
lansangan.
___ 5. Tumulong sa mga gawain sa bahay at sa paaralan si Maria na
hindi na naghihintay na pagsabihan pa siya.


II. Sagutin ang mga sumusunod.
Pamatayan sa Pagmamarka
Nilalaman 5
Organisasyon 3
Wika 2
10

1. Ano ang mga mahahalagang sangkap ng tao?

2. Bakit mahalagang sanayin ng tao ang kanyang kilos-loob?








Tayahin
NegOr_Q1_EsP10_Modyul1_v2

11





1. Magbigay ng limang sitwasyon kung saan ginagamit nang tama ang isip at kilos loob
ayon sa tunguhin ng mga ito.

























Karagdagang
Gawain

Susi sa
Pagwawasto
Panimulang pagtataya:
1. d
2. a
3. a
4. b
5. c
6. a
7. c
8. a
9. a
10. c

Gawain1.
1.Mata Mata
2.isip isip
3.rational na mag isip hindi rational na mag-isip
4.Ang sa sagot ay maaring magkaiba-iba. Ang sa
sagot ay maaring magkaiba-iba.
5.Ang sa sagot ay maaring magkaiba-iba. Ang sa
sagot ay maaring magkaiba-iba.
Pagsusuri:
1.Ang sa sagot ay maaring magkaiba-iba.
2.Ang sa sagot ay maaring magkaiba-iba.
3.Ang sa sagot ay maaring magkaiba-iba.
4.Ang sa sagot ay maaring magkaiba-iba.
5.Ang sa sagot ay maaring magkaiba-iba.
Gawain 2. Ang sa sagot ay maaring magkaiba-iba.
Gawain 3. Ang sa sagot ay maaring magkaiba-iba.
Pangwakas na pagtataya:
I.
1. TP
2.HTP
3.HTP
4.HTP
5.TP
II.
1.Ang sa sagot ay maaring magkaiba-iba
2.Ang sa sagot ay maaring magkaiba-iba

NegOr_Q1_EsP10_Modyul1_v2

12

Sanggunian

Mary Jean B. Brinzuela et.al, 2015, Edukasyon sa Pagpapakatao-Ikasampung
Baitang, Unang Edisyon, 5
th
Floor Mabini Bldg.,DepEd Complex Meralco Avenue,
Pasig City Philippines 1600

Division of Negros Oriental ESP DLP Initiated
























NegOr_Q1_EsP10_Modyul1_v2

13












Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental
Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
Email Address: [email protected]
Website: lrmds.depednodis.net
Tags