ESP 2-third-SUMmative test-Quarter 1.pptx

ManilynGiganto 4 views 12 slides Sep 18, 2025
Slide 1
Slide 1 of 12
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12

About This Presentation

Esp summative test


Slide Content

Unang Markahan Ikatlong Lagumang Pagsusulit ESP 2

Lagyan ng tsek (/) kung ang pahayag ay nagsasaad ng pagtulong sa gawain sa tahanan at ekis (x) kung hindi . _______1. Tinutulungan ni Ate Lea ang kaniyang nanay sa paghahanda ng kanilang pagkain .

_______2. Tinataguan ni Jun ang kaniyang tatay kapag ito ay may inuutos sa kaniya . _______3. Pagkagising ni Lisa ay nililigpit niya ang kaniyang pinaghigaan

_______4. Naglalampaso ng sahig si Dino upang hindi mahirapan ang kaniyang nanay sa paglilinis . _______5. Nagagalit si Ate Isabela dahil inuutusan siya ng kaniyang nanay na maglaba ng kanilang mga damit .

Tukuyin ang wastong gamit ng bawat kagamitan . Isulat sa patlang ang titik ng iyong sagot . ____ 6. Walis tambo a . pamunas sa mga kagamitan ____ 7. Basahan b . lalagyan / tapunan ng mga kalat ____ 8. Basurahan c . panlinis ng pinggan ____ 9. Dishwashing Liquid d . panlinis ng mga tuyong dahon ____ 10. Walis tingting e . panlinis ng alikabok

Panuto : Lagyan ng Tama ang patlang bago ang bilang kung tama ang pahayag at Mali kung mali ito . _____11. Magkalat sa loob ng tahanan . _____12. Tumulong kay nanay sa pagluluto ng pagkain .

_____13. Huwag gagawa sa tahanan kung hindi naman inuutusan . _____14. Magdabog kapag pinaglilinis ng tahanan . _____15. Makipagtulungan sa pamilya sa paglilinis upang maging malinis at maayos ang tahanan .

Panuto : Bilugan ang titik ng tamang sagot sa sumusunod na katanungan . 16. Gumising nang maaga si Roda at nakita niyang nakatambak ang hugasing pinggan . Ano ang dapat niyang gawin ? a. Hayaan ang nakatambak na pinggan b. Huhugasan ni Roda ang nakatambak na hugasin . c. Tawagin ang nakababatang kapatid at utusan na hugasan ito .

17. Nakita ni Benjo na nag- aayos ng mga sirang upuan ang kaniyang ama. Ano ang dapat niyang gawin ? a. Tulungan ang ama sa pag-aayos ng sirang upuan . b. Umalis ng bahay at makipaglaro sa mga kaibigan . c. Panoorin ang ama habang nag- aayos ito ng mga sirang upuan .

18. Naglalaba ang iyong nanay ng inyong mga damit . Nakita mo na pagod na ito . Ano ang iyong dapat gawin ? a. Hindi ito papansinin b. Sasabihin na bilisan niya ang paglalaba c. Tutulungan ang nanay sa paglalaba ng aking mga damit .

19. Nakita mo na hindi niligpit ng iyong bunsong kapatid ang kaniyang pinaghigaan . Ano ang dapat mong gawin ? a. Pagagalitan ang aking bunsong kapatid . b. Hayaan na hindi maayos ang kaniyang higaan . c. Pagtutulungan naming iligpit ang kaniyang pinaghigaan .

20. Ano ang mararamdaman mo kapag nagtutulong - tulong ang inyong pamilya sa paglilinis ng tahanan ? a. Maiinis b. Masaya c. Malungkot
Tags