LAYUNIN: Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1 .Naipaliliwanag ang mahahalagang tungkulin ng pamilya sa edukasyon ng bata. 2.Nakikilala ang epekto ng mabuting paggabay ng pamilya sa paghubog ng kaalaman, kasanayan, at pagpapahalaga ng isang bata. 3. Naipapakita ang paggalang at pagpapahalaga sa papel ng pamilya sa sariling pagkatuto at tagumpay.
KATANUNGAN: 1.Ano ang napapansin ninyo sa larawan? 2.Ano ang papel ng pamilya sa sitwasyong ito?
Paano tumutulong ang pamilya sa edukasyon ng isang bata at kung bakit ito mahalaga sa pagkamit ng tagumpay sa buhay.
1. Ang Pamilya bilang Unang Guro ng Bata Ang unang kaalaman sa wika, asal, at pananampalataya ay natutunan sa tahanan. 2.Gabay sa Pagpapahalaga at Kasanayan Tinuturuan ng pamilya ang bata kung paano maging responsable, magpakatao, at makipagkapwa.
3.Panghihikayat at Suporta sa Pag-aaral Ang pagtutok ng magulang sa aralin, pagdalo sa mga pulong, at pagbibigay ng inspirasyon ay nagpapalakas ng loob ng bata. 4.Pagpapalaganap ng Katotohanan at Kabutihan Sa tahanan unang natututuhan ang pagiging tapat, mabuti, at makatarungan.
ANG MABUTING PAGGABAY NG PAMILYA
SA KAALAMAN – Ang pamilya ang unang guro ng bata. Dito siya natututo ng mga pangunahing bagay tulad ng pagsasalita, pagbibilang, wastong asal, at pang-araw-araw na gawain. Sa tamang paggabay, nagiging matibay ang pundasyon ng kanyang kaalaman na nagagamit niya sa paaralan at sa kanyang paglaki .
2. SA KASANAYAN Sa pamilya natututo ang bata ng mga praktikal na gawain tulad ng paglilinis, pag-aalaga sa sarili, pakikipag-ugnayan sa iba, at pagbabahagi ng responsibilidad. Ang patuloy na paggabay ng magulang ay nakatutulong upang malinang ang kanyang talento, hilig, at kakayahan.
3. SA PAGPAPAHALAGA Sa pamamagitan ng mabuting halimbawa at paggabay ng pamilya, natututo ang bata ng tamang asal, respeto, pagmamahal, pananampalataya, at malasakit sa kapwa. Ang mga pagpapahalagang ito ang nagiging gabay niya sa pakikitungo sa lipunan at sa pagdedesisyon sa buhay.
ANG PAGGALANG AT PAGPAPAHALAGA SA PAPEL NG PAMILYA
PAGGALANG Naipapakita sa pamamagitan ng pakikinig at pagsunod sa payo ng magulang at nakatatanda. Ang respeto sa kanilang sakripisyo ay tanda ng pagkilala sa kanilang mahalagang papel sa ating buhay.
2. PAGPAPAHALAGA Makikita sa pagiging masipag sa pag-aaral at sa paggamit ng mga natutunan mula sa pamilya. Sa ganitong paraan, naipapakita na pinahahalagahan ang kanilang paggabay at suporta.
3. SA PAGKATUTO Ang pamilya ang unang nagtuturo ng kaalaman, tamang asal, at mga aral na nagiging pundasyon ng ating edukasyon.
4. SA TAGUMPAY Ang suporta, inspirasyon, at sakripisyo ng pamilya ang nagsisilbing lakas upang magsumikap at magtagumpay sa buhay.
KATANUNGAN: Bakit mahalaga ang papel ng pamilya sa edukasyon ng bata? Paano ito nakatutulong sa tagumpay at pagkatao ng isang mag-aaral?