Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaapat na Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Katapatan sa Salita at Gawa
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Komite sa Pagsulat ng Modyul
Manunulat: Eleonor F. Matabang
Editor: Minerva D. Magtaan, Nida A. Leaño
Tagasuri: Perlita M. Ignacio, RGC, PhD, Josephine Macawile
Tagaguhit: Rema A. Domingo
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta, EdD
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division
Education Program Supervisors
Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)
Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 1
Katapatan: Pahalagahan ko
8
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Modyul
para sa araling Pasasalamat sa Ginawang Kabutihan ng Kapwa!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay inaasahan na masusundan ng mga mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto sa pamamagitan ng iba’t ibang mga gawain
ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras na igugol sa pag-aaral. Naglalayon din
itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pang ika-
21 siglo habang isinasaalang alang ang kanilang mga pangangailangan at sitwasyon
sa buhay.
Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng modyul
sa loob kahong ito:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang
mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao- Grade 8 Modyul
ukol sa Katapatan sa Salita at Gawa !
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong mak umpleto ang modyul.
PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.
BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.
ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.
MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.
PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.
PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
Nakikilala ang kahalagahan ng katapatan at m ga paraan ng pagpapakita ng
katapatan.
Sa pagtatapos ng modyul, inaasahan ang mag-aaral ay:
A. natatalakay ang kahalagahan ng katapatan;
B. napahahalagahan ang mga paraan ng pagpapakita ng katapatan; at
C. nakabubuo ng isang maikling kwento tungkol sa pagiging matapat na
kaibigan o isang mag-aaral.
Panuto: Suriin kung ang pangungusap ay tama o mali. Iguhit sa patlang ang
icon na kung tama at kung mali.
_________1. Ang katapatan ay itinuturing na kabutihang- asal.
________2. Nakalulugod sa Diyos ang paggawa ng mabuti sa kapuwa.
________3. Ang pagbabalik ng gamit na naiwan ng may-ari ay hindi na
kailangan isauli.
________4. Mahirap isabuhay ang katapatan dahil sa kahirapan.
________5. Ang pagiging tapat ay mahalaga sa lahat ng pagkakataon.
Panuto: Sa loob ng tahanan natutuhan natin ang mga kabutihan-asal
sapagkat naituro ito ng ating mga magulang. Isa sa napakahalaga na
naikintal sa ating puso’t isipan ay ang katapatan sa salita at gawa.
Nasusubok ang ating katapatan sa panahon ng kagipitan o krisis tulad ng
ating naranasan sa panahon ng pandemiya. Subukin ang iyong sarili sa
MGA INAASAHAN
PAUNANG PAGSUBOK
BALIK-ARAL
pamamagitan ng pagsagot ng Tama kung sang-ayon ka sa mga angkop na
kilos at Mali naman kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa patlang.
__________1. Kailangang ibalik ang sobrang ibinigay na ayuda sa mga pamilya
na nakatanggap mula sa pamahalaan.
__________2. Nawalan ng trabaho ang ama ni Josh kaya napilitan itong
magbenta ng facemask at alcohol sa mataas na halaga.
__________3. Nakapulot ng bag si Dante sa basurahan na may lamang pera
kaya agad itong inireport sa kapitan ng barangay.
__________4. Nagkuwento ang iyong kaibigan tungkol sa kaniyang lihim
ngunit hindi mo napigilang ipagsabi ito sa iyong mga kaklase.
__________5. Naiwan ang cellphone ng iyong guro sa loob ng klase at agad mo
itong ibinalik sa kaniya.
Batay sa isinagawa nating balik-aral maari ka bang magbigay ng isang salita
na maiuuganay sa paksa? Isulat sa loob ng kahon.
May kasabihan tayo na “Honesty is the Best Policy” o sa tagalog ang
katapatan ay ang pinakamahusay na patakaran . Ito ay unang nabanggit ng
dating pangulo ng Amerika na si Benjamin Franklin.
Sinasabi ng isang may akda na ang katapatan ay tinatawag ding katapatang-
loob. Ito ang tanging sandata upang mapanatiling may ningning ang ating
buhay. Pinahahalagahan nito ang dangal at paggalang sa katotohanan. Sa
katunayan tanyag ang mga Pilipino pagdating sa pagiging matapat. Ngayon
ay iyong kilalanin ang kuwento ng isang mag-aaral na nagpamalas ng
kaniyang katapatan.
Gawain 1
Panuto: Basahin ang isang kuwento ng katapatan na ipinamalas ng isang
mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Pinagbuhatan at sagutin ang mga
tanong na nakabatay sa kuwento.
ARALIN
Pamagat: “Ang Batang Honesto”
Siya si Ma. Lourdes Fatima C. Visagas, labinlimang taong
gulang at kasalukuyang nasa ika-10 baitang. Payak ang
kanilang pamumuhay, ang kaniyang ama ay driver ng isang
kompanya samantalang ang kaniyang ina ay isang house
wife. Simple lamang ang kanilang nakagisnang buhay
ngunit hindi ito naging hadlang upang tumulong at maging
matapat siya sa iba.
Recess na at naisipang bumili ni Fatima, ngunit habang naglalakad ay
nakakita siya ng wallet sa sahig. Binuksan niya ang wallet para alamin kung
kanino ito pero laking gulat niya nang makita na malaking halaga ang nasa
loob nito at walang palatandaan kung sino ang nagmamay-ari. Hindi pa man
nakakabili ng makakain ay hindi siya nagdalawang isip na pumunta sa
kaniyang guro upang isauli ang nakitang wallet. Ikinuwento niya sa guro ang
nangyari at agad silang pumunta sa principal's office para iturn-over ito.
Ayon kay Fatima, sinabi sa kaniya ng kaniyang mga magulang na kahit
gaano pa sila kahirap ay huwag silang gagawa ng masama at kung kaya
nilang tumulong ay tutulong sila sa kanilang kapwa.
Mga Tanong:
1. Anong uri ng pamumuhay mayroon ang pamilya ni Fatima? Isalaysay.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
2. Ano ang iyong natutunan sa kuwento ng isang mag-aaral na katulad
mo rin?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
3. Magiging hadlang ba para sa iyo ang kahirapan upang hindi
maisabuhay ang katapatan? Bakit? Ipaliwanag.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong at piliin ang angkop na
sagot batay sa pagkakaunawa mo sa maikling kuwento.
1. Ang _________________ ay hindi hadlang upang gumawa ng kabutihan
Sa kapuwa. Sapagkat naikintal na sa puso’t isipan mo ang kabutihang-
asal na itinuro ng iyong mga magulang at guro sa iyo.
kasaganaan kahirapan buhay
2. Nakakaramdam ng ___________________ ang isang tao kapag nakagawa
ng katapatan sa kaniyang kapuwa dahil napapalaya nito ang kaniyang
sarili sa pagkabagabag ng kaniyang konsensiya.
kasiyahan kalungkutan katuwaan
3. Si Fatima ay itinuturing na isang batang _______________ ng Mataas na
Paaralan ng Pinagbuhatan dahil naging mabuting huwaran siya sa
katapatan ng kaniyang kapuwa mag-aaral.
Pasig Honesto Marikit
4. Pinakamahalagang bahagi ng ating pagkatao na hindi dapat mawala o
masira ay ang _________________ ng iyong kapuwa. Sapagkat kapag
nasira ito ay mahirap na muling maibalik sa iyo.
tiwali tuwa tiwala
5. Isa sa pangunahing kalaban ng katapatan ay ang _______________ dahil
nagagamit ito upang manloko o malinlang ng tao. At naging dahilan din
ito ng paghihirap ng mga tao.
pera ginto tanso
Pagsasanay 1
Panuto: Mahirap ba para sa iyo ang maging isang matapat ? Basahin ang
bawat pahayag at lagyan ng tsek (✓) kung ang pangungusap ay nagsasaad
ng katapatan at ekis (☓) kung hindi.
________1. Binalik ko sa may-ari ang wallet na nalaglag sa kalsada.
________2. Hindi ko isinauli ang sobrang sukli na binigay sa akin ng tindera.
_______3. Naging tapat ako sa pagsunod sa patakaran ng ating pamahalaan
tulad ng pagsusuot ng face mask tuwing lalabas ng bahay.
_______4. Naging huwaran ako sa pagsasabi ng totoo tuwing may namimigay
ng ayuda mula sa barangay.
MGA PAGSASANAY
_______5. Sinusunod ko ang paghuhugas ng kamay at social distancing
bilang pag-iingat sa sarili laban sa covid19.
Paano mo maipakikita ang katapatan sa iyong sarili, sa kapuwa at sa bayan?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Pagsasanay 2
Panuto: Paano mo haharapin kung ang iyong kakayahan sa pagiging matapat
ay masusubok sa mga nasabing sitwasyon, ano ang iyong gagawin? Isulat
ang iyong sagot sa patlang.
1. May nakaiwan ng cellphone sa loob ng klase.
____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Nalaglag ang wallet ng isang estudyante .
____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Nagsabi sa iyo ang iyong matalik na kaibigan ng kaniyang sekreto na
siya ay nagdadalantao.
_____________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
4. Nakapulot ka ng isang bag na may lamang pera na nagkakahalaga ng
isangdaang libo.
_____________________________________________________________________
___________________________________________________________
5. Nagbigay ng isang pagsusulit ang iyong guro ngunit hindi ka nagreview.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
Bakit kailangan na iyong maisabuhay ang katapatan?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Pagsasanay 3
Panuto: Paano mo pinahahalagahan ang katapatan? Subukin ang iyong sarili
kung paano mo naipakikita ang kahalagahan nito s a pamamagitan ng
pagsagot ng Oo o Hindi. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.
Mga Pahayag Sagot
1.Maayos akong nakikipag-usap sa aking mga magulang at
kapatid na may paggalang lalo’t alam ko na ako ay may
kasalanan.
2. Nagpapaalam muna ako sa kuya ko o kaklase bago hiramin o
kunin ang cellphone niya.
3.Sinusunod ko ang payo ng aking mga magulang tulad ng
huwag magsalita ng masama at pagsisinungaling.
4.Matapat lamang ako sa mga taong gusto ko at ginagalang ko.
5.Binabalik ko sa may-ari ang gamit o pera na hindi akin.
Bakit kailangan akong maging matapat sa aking mga magulang?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
“Scramble Sentence Game”
Panuto: Ayusin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat sa patlang.
1. Isaisip kong lagi isapuso guro at mga ang na itinuro aral aking mga ng
at magulang.
_____________________________________________________________________
2. Iingatan aking ang ng ko integridad pagkatao kaysa ng yaman
maghangad na hindi akin sa.
____________________________________________________________________
3. Paggawa mabuti ang naniniwal a ako na ng sa kapuwa
ginagantimpalaan ay Diyos ng.
_____________________________________________________________________
PAGLALAHAT
4. Bubuuin sarili ko sa ang aking tapat mabuting at pagiging
mamamayan. _______________________________________________________
_____________________________________________________________________
5. katapatan ko bilang pinakamahusay isasabuhay ang patakaran na.
_____________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
Panuto: May mga kakilala ka ba kaibigan o kakalase na nagpakita ng
katapatan? Paano nila ito ipinamalas? Gumawa ng maikling kuwento tungkol
sa kanilang pagiging matapat. Isulat ito sa loob ng kahon na may kalakip na
larawan.
Pamagat:
Pangalan:
Edad:
Tirahan:
Kuwento ng pagiging matapat:
Ano ang natutuhan mo sa kuwento:
PAGPAPAHALAGA
Larawan ng kaibigan:
Panuto: Suriin ang pangungusap sa pamamagitan ng paglalagay ng smiley
sa bawat aytem.
_______1. Kaya kong isabuhay ang pagiging matapat sa salita at gawa.
_______2. Ang kabataan na nagpakita ng katapatan ay dapat tularan.
_______3. Hindi mabuti sa pakiramdam ang paggawa ng kabutihan sa
kapuwa.
______ 4. Natutuhan ang pagiging tapat sa mga kaibigan at barkada.
______ 5. Laging isaisip at isapuso ang mga aral ng magulang at guro.
PANAPOS NA PAGSUSULIT
SUSI SA PAGWAWASTO
Aralin
1. Kahirapan
2. Kasiyahan
3. Honesto
4. Tiwala
5. pera
S A N G G U N I A N
• Bognot, Regina.et.al. Edukasyon Sa Pagpapakatao Baitang 8, Modyul
Para Sa Mag-Aaral. Pasig: Kagawaran ng Edukasyon, 2014
• Katapatan: Gaano ba Ito Kahalaga? (2013, October 13). Retrieved
June 26, 2020, from
https://lhelee14.wordpress.com/2013/10/13/katapatan -gaano-ba-
ito-kahalaga/
• Gacusan, P. (2018, May 25). Katapatan. Retrieved June 22, 2020,
from https://www.slideshare.net/lhengacusan/katapatan
• Tunying, M. N. (2017, April 30). ISABUHAY ANG KATOTOHANAN .
Retrieved June 22, 2020, from
https://www.facebook.com/AralniTunying/posts/isabuhay -ang-
katotohan-ang-paninindigan-at-pagsasabuhay-ng-katotohanan-ay-
isang-/204166150097375/