ESP10_Q1L1ANG MATAAS NA GAMIT AT TUNGUHIN NG ISIP AT KILOS-LOOB.pptx
jovelyntan0305
7 views
71 slides
Oct 19, 2025
Slide 1 of 71
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
About This Presentation
ANG MATAAS NA GAMIT AT TUNGUHIN NG ISIP AT KILOS-LOOB
Size: 23.52 MB
Language: none
Added: Oct 19, 2025
Slides: 71 pages
Slide Content
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10 by Jovelyn Tan
Gawain 1: Bukod Tangi Ako ! Pangalan Iba pang mahalagang impormasyon ( edad , lugar , mga magulang , hilig …) Ano ang taglay mo na nagpapabukod-tangi sa iyo ?
ANG MATAAS NA GAMIT AT TUNGUHIN NG ISIP AT KILOS-LOOB MODYUL 1
LAYUNIN Natutukoy ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob Napahahalagahan ang gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob Nakikilala ang kaniyang mga kahinaan sa pagpapasya at nakakagawa ng mga kongkretong hakbang upang malagpasan ang mga ito. Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang mga sumusunod na kasanayan:
Fi oyu nac read this, you ehva a stragne dinm too. Can you read this? Lony emso plepeo can. I countdl ’ libevee hatt I doucl actually derstandun hawt I was reading. The menophenal werpo fo eth uhmna dinm , ccorading to a searrche at Camebrig Unisevirty , it doesn’t ttamer in hawt orrde the tetlers ni a dowr rea the lyon portamint hingt si hatt teh fisrt nad salt letter eb ni the tirgh lapce. Teh erst nac eb a tatol ssem nad oyu nac sllit dear ti wittouh a lemprob . Hist si cabeuse het munha nimd seod ton ared eevyr rettel by sitelf , tub the rowd as a whole. Amizang huh? Heay , nad I walays tought pelsling saw portantim ! Fi ouy nac reda hist rashe ti .
“ Madaling maging tao , mahirap magpakatao ”
Isip – Ang isip ay ang kakayahan ng tao na mag- isip , umunawa , magsuri , at alamin ang katotohanan . Sa pamamagitan ng isip , nagkakaroon ang tao ng kakayahang kumuha ng buod ng mga karanasan , bumuo ng ideya , at bigyan ito ng kahulugan . Kilos- loob – Ang kilos- loob ay ang kakayahang pumili at magpasya batay sa mga nalaman at naunawaan ng isip . Ito ay may kaugnayan sa paggawa ng mabuti o masama ayon sa kaalaman at pagpapahalaga ng isang tao ISIP AT KILOS LOOB
Ang isip ang nagbibigay ng kaalaman at gabay sa kilos- loob upang ito ay makapili ng tamang desisyon . Ang kilos- loob naman ang nagpapakita ng aktwal na kilos ng tao batay sa kanyang naisip at napagdesisyunan . Halimbawa : Naiintindihan ng isang tao ( isip ) na mali ang pagsisinungaling , kaya pipiliin niya (kilos- loob ) na maging tapat .
Ihambing ang mga larawan sa tatlong kahon . Isulat sa kuwaderno ang sagot sa bawat tanong gamit ang tsart sa ibaba GAWAIN 3: ALIN ANG NAKAHIHIGIT? Katangian halaman hayop tao a. Pagkakatulad b. Pagkakaiba c. Alin ang nakahihigit sa lahat . Ipaliwanag .
Tunghayan ang dalawang larawan at sagutan ang mga tanong . PAGSUSURI NG LARAWAN
TANONG Ano ang mayroon sa bawat isa upang makita ang babala ? Ano ang kakayahan taglay ng bawat isa upang maunawaan ang sinasabi ng babala ? Ano ang kakayahan taglay ng bawat isa upang sundin ang sinasabi ng babala ? Ano ang inaasahang magiging tugon ng bawat isa sa babala ? Saan binatay ang pagtugon ng bawat isa sa babala ? Ipaliwanag .
BAKIT SINASABING HINDI NILIKHANG TAPOS ANG TAO? Sapagkat walang sinuman ang nakaaalam kung ano ang kahihinatnan niya mula sa kaniyang kapanganakan , o magiging sino siya sa kaniyang paglaki . Siya ay may pinaghahandaang kinabukahsan na siya mismo ang lililok para sa kaniyang sarili .
Ang tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos kaya’t siya ay tinawag na Kaniyang obra maestro. Ang pagkakalikha ayon sa wangis ng Diyos ay nangangahulugan na ang tao ay may mga katangiang tulad ng katangiang taglay Niya . Binigyan ng Diyos ang tao ng kakayahang mag- isip , pumili at gumusto .
Ang tao ay nilalang na may likas na kaalaman tungkol sa mabuti at sa masama . Ang kaniyang konsensiya ay indikasyon ng naturang orihinal na katayuang ito .
KALIKASAN NG TAO Ayon sa pilosopiya ni Sto . Tomas de Aquino, ang tao ay binubuo ng: ISPIRITWAL (KALULUWA) (RASYONAL MATERYAL (KATAWAN)
KAKAYAHANG TAGLAY NG TAO PANGKAALAMANG PAGKATULAD (Knowing Faculty) Dahil sa kaniyang PANLABAS AT PANLOOB NA PANDAMA at dahil sa ISIP kaya’t siya ay nakauunawa , naghuhusga , at nangangatwiran PAGKAGUSTONG PAKULTAD (Choosing Faculty) dahil sa EMOSYON at dahil sa KILOS-LOOB
PANLABAS AT PANLOOB NA PANDAMA ISPIRITWAL
PANGKAALAMANG PAKULTAD PANINGIN/ SEE Mata na ginagamit umang makita ang mga bagay sa ating paligid PANG-AMOY/ SMELL Ilong na ginagamit upang maka-amoy katulad ng amoy ng pabango o iba pang amoy sa ating paligid PANLASA/ TASTE Dila na ginagamit upang makalasa sa pagkain PANDINIG/ HEAR Tainga na ginagamit upang makadinig ng iba’t ibangklaseng tunog sa paligid PANDAMA/ TOUCH dahil dito nararamdaman ang temperature ng paligid PANLABAS NA PANDAMA
PANGKAALAMANG PAKULTAD KAMALAYAN Pagkakaroon ng malay sa pandama , nakapagbubuod , at nakapaguunawa MEMORYA Kakayahang kilalanin at alalahanin ang nakalipas na pangyayari o karanasan IMAHINASYON Kakayahang lumikha ng larawan sa isip at palawakin tio INSTINCT Kakayahang maramdamamn ang isang karanasan at tumugon nang hindi dumadaan sa katwiran PANLOOB NA PANDAMA
Ipinakita ito ni Esteban ang ispiritwal at material na kalikasan ng tao gamit ang trast ANG KABUUANG KALIKASAN NG TAO KALIKASAN NG TAO PANGKAALAMANG PAKULTAD PAGKAGUSTONG PAKULTAD MATERYAL (KATAWAN) Panlabas na Pandama Panloob na Pandama Emosyon ISPIRITWAL ( kaluluwa ) ( Rasyonal ) Isip Kilos- loob
Nalalaman ng tao ang reyalidad hindi lang sa isip kundi sa pandama , na nagbibigay ng direktang ugnayan at nagpapakilos sa kakayahang makaalam .
Pangkatang Gawain 4: SENSE- ational Desisyon
PA PANUTO Bumuo ng limang grupo , isa para sa bawat pandama Bawat grupo ay gagawa ng maikling sitwasyon (2–3 minuto ) kung saan ipinapakita kung paano ginagamit ang kanilang nakatalagang pandama sa paggawa ng makataong pasya . Ipaliwanag kung paano ginamit ang isip upang suriin ang sitwasyon at kilos- loob upang piliin ang tama o mabuting kilos.
HALIMBAWA: Paningin : Nakakita ka ng batang nahulog ang kanyang pera sa daan . Ano ang dapat gawin ? Pandinig : Narinig mong sinisiraan ng iba ang iyong kaibigan . Paano ka tutugon ? Pang- amoy : Nakaamoy ka ng usok habang nasa paaralan . Anong gagawin mo ? Panlasa : Inalok ka ng pagkain na alam mong bawal sa kaklase mong may allergy. Ano ang desisyon mo ? Pandama : Nahawakan mo ang wallet sa sahig ng hindi mo pag-aari . Ano ang gagawin mo ?
RUBRIKS SA PAGMAMARKA NILALAMAN NG SITWASYON 10 PTS PAGKAKAUGNAY SA GAMIT NG PANDAMA 10 PTS PAGPAPAKITA NG ISIP AT KILOS-LOOB 10 PTS PAGGANAP/PRESENTASYON 10 PTS KOOPERASYON 10 PTS
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10 by Jovelyn Tan
ISPIRITWAL (KALULUWA) MATERYAL (KATAWAN) ISIP KILOS-LOOB EMOSYON PANDAMA PANLABAS 5 SENSES PANLOOB MEMORYA KAMALAYAN INSTINCT IMAHINASYON TAO KALIKASAN NG TAO
PAGSUSURI NG SITWASYON
Sitwasyon 1 Masaya kang nakikipagkwentuhan sa iyong mga kaibigan nang biglang napunta ang usapan tungkol kay Jenny. Ayon sa isa mong kaibigan , nakikipagrelasyon daw ito sa lalaking may asawa . Kapitbahay mo si Jenny. s
Sitwasyon 2 Inanyayahan ka ng iyong kaklase sa kaarawan ng kaniyang pinsan . Sumama ka at nakipagkwentuhan sa iba pang bisita . Sa kalagitnaan ng kwentuhan naglabas sila ng alak at pinipilit ka ng iyong kaklase na tikman ito .
Sitwasyon 3 Hindi nagawa ng matalik mong kaibigan na si Peter ang inyong takdang aralin sa Math. Nais niyang kopyahin ang iyong gawain at inalok ka niya na ililibre ka niya ng pagkain kapag pinakopya mo siya .
Ayon kay Dr. Manuel Dy. Jr. ang tao ay may tatlong mahahalagang sangkap : ang ISIP, PUSO AT KAMAY O KATAWAN
ISIP ang isip ay kakayahang mag- isip , alamin ang diwa at buod ng isang bagay . Ito ay tinatawag na katalinuhan , katwiran , intelekwal na kamalayan , konsensiya at intelekwal na memorya batay sa ginamit nito sa bawat pagkakatao .
PUSO Ito ay maliit na bahagi ng katawan na bumabalot sa buong pagkatao ng tao . Nakararamdam ito ng lahat ng bagay na nangyayari sa ating buhay . Dito nanggagaling ang pasya at emosyon , dito hinuhubog ang personalidad ng tao . Lahat ng kasamaan at kabutihan ng tao ay dito nakatago
KAMAY O KATAWAN ito ay sumasagisag sa pandama , panghawak , paggalaw , paggawa at pagsasalita ( sa bibig o pagsulat ). Ito ang karaniwang ginagamit sa pagsasakatuparan ng isang kilos o gawa . Sa pamamagitan nito naipapakita ng tao ang nagaganap sa kanyang kalooban at ito ay instrument sa pakikipag-ugnayan sa ating kapwa .
( Pangkatang Gawain: 5) “SITWASYONG TOTOO, PUSO AT ISIP ANG GAMIT”
Sitwasyon 1 Magkakasama kayo ng ilan sa iyong mga kaklaseng kumakain sa kantina . Masaya kayong nagkukwentuhan nang biglang napunta ang usapan tungkol kay Liza, isa rin sa inyong kaklase . Wala siya sa grupo ninyo nang oras na iyon . Ayon sa isa ninyong kasama , nakikipagrelasyon ito sa isang lalaking may asawa . Kabitbahay ninyo si Liza. MGA TANONG: Ano ang gagawin mo sa sitwasyong ito ? Ano ang magiging epekto ng gagawin mo sa mga kaklase mong nagkukwentuhan tungkol kay Liza? Ano ang magiging epekto kay Liza at sa iyo ng gagawin mo ? Babaguhin mo ba ang nagin pasiya mo ? Bakit oo ? Bakit hindi ?
Sitwasyon 2 May inirekomendang pelikula ang matalik mong kaibigang dapat mong panoorin dahil maganda ito ayon sa kanya . Mag- isa kang nanood nito sa inyong bahay ngunit sa kalagitnaan ng pelikula , may isiningit palang malaswang eksena ( pornograpiya ) MGA TANONG: Ano ang gagawin mo sa pagkakataong ito ? Ano ang magiging epekto ng gagawin sa iyo ng gagawin mo ? May magiging epekto rin ba sa ibang tao ang gaagwin mo ? Kanino ? Gagawin mo pa rin ba ang iyong piniling gawin ? Bakit ?
Sitwasyon 3 Sinisiraan ka ng inyong kaibigan sa crush mo. Natuklasan mong kaya niya ginagawa ito ay dahil crush pala niya ang crush mo. MGA TANONG: Ano ang mararamdaman mo sa pangyayaring ito ? Ano ang gagawin mo sa kaibigan mo ? May kaugnayan ba ito sa inyong nararamdaman o emosyon ? Ano ang magiging epekto nito sa kaibigan mo at sa iyo ? Papalitan mo ba ang inyong piniling gagawin ?
KAPANGYARIHAN NG ISIP AT KILOS-LOOB
Ang Taong Matalino ay Mabuti at ang Mabuting Tao ay Matalino
Kapangyarihan ng Isip Nilikha ang tao bilang isang rasyonal ( makatwiran ) na nilalang . Ang isip ng tao ay may kamalayan , may kakayahang umunawa , tumanggap ng impormasyon , sumuri , tumuklas at magbigay ng kahulugan . Ang isip ng tao ay di lamang tumatanggap ng impormasyon , ito rin ay sumusuri ..Ang pang- unawa ng tao ay nakakatulong sa kanyang paghatol at pagpapasya sa pamamagitan ng pagkukumpara at pagsuri sa mga impormasyong tinatanggap ng kanyang isip .
Kapangyarihan ng Isip May kakayahan ang taong pangatuwiranan ang kanyang pasya base sa mga impormasyong nakalap niya upang magamit sa pagtukoy ng tama at nararapat . May kakayahan ang taong tukuyin ang tama sa mali
Kapangyarihan ng Kilos- Loob Ang kilos- loob ay ang determinasyon ng tao upang gawin ang isang bagay . Ito rin ay kakahayang karugtong ng isip upang ipakita o gawin ang kanyang ninanais . Ang kilos- loob ay ang rasyonal o makatwirang pagkagusto sa mabuti at pag-iwas sa masama .
Kapangyarihan ng Kilos- Loob 1. Ang tao ay nagsusumikap hindi lamang dahil sa kanyang kalikasan (instinct) bagkus dahil sa kangyang kilos- loob . 2. Dahil sa kanyang kilos- loob kaya ng taong higitan ang kanyang kalikasan gaya ng pag didisiplina sa sarili .
Kapangyarihan ng Kilos- Loob 3. Ang isip ang sumusuri subalit ang kilos- loob ay ang malayang pumipili . 4. Kung ang isip ang nangangalap ng impormasyon ang kilos- loob ang nag- uudyok na piliin ang mabuti o masama ayon sa pag-unawa ng isip nito . ( Babor ; 1999) 5. Nasa kalikasan ng kilos- loob ang pagpili ng mabuti . ( Punsalan ; 2019)
KAKAYAHAN GAMIT AT TUNGUHIN ISIP May kakayahang magnilay o magmuni -muni Nakauunawa May kakayahang Mag- abstraksiyon Makabubuo ng kahulugan at kabuluhan ang bagay Pumili , magpasiya at isakatuparan ang pinili Naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama
KAKAYAHAN GAMIT AT TUNGUHIN KILOS-LOOB humanap ng impormasiyon umisip at magnilay sa mga layunin at kahulugan ng impormasiyon sumuri at alamin ang dahilan ng pangyayari alamin ang mabuti at masama, tama at mali, at ang katotohanan Malayang pumili ng gustong isipin o gawin Umasam maghanap. Mawili, humilig sa anumang nauunawaan ng isip Maging mapanagutan sa pagpili ng aksiyong makabubuti sa lahat
Maraming pagkakataon na ang isang tao ay nakakagawa ng mga bagay na hindi angkop sa kanyang pagkatao . Karaniwan , ito ay bunga ng matinding damdamin o emosyon . Malaki ang epekto ng iba’t ibang sirkumstansiya sa pakikitungo ng isang tao , kaya’t may mga nagsasabing , “ Nadala lang ako ng aking damdamin ” o “Hindi ako nag- isip nang husto .”
Ang kilos ng tao ay dapat na isinasakatuparan tungo sa katotohanan . Upang ito ay maisagawa nang wasto , mahalagang maunawaan ang paraan at dahilan ng pagkilos batay sa isip . KILOS NG TAO
Ang tao ay may kakayahang pumili ng kanyang mga kilos ayon sa kanyang layunin , na sa huli ay dapat na magdulot ng kabutihan . KILOS NG TAO
Ang isip (intellect) ang nagpoproseso ng kaalaman at talino upang makapag-unawa . Matapos nito , isang pasya ang nabubuo na siyang nag- uutos sa katawan upang maisakatuparan ang desisyon — ito ang kilos- loob (will). ISIP (INTELELCT)
Bawat tao ay may tungkuling sanayin , paunlarin , at gawing ganap ang kanyang isip at kilos- loob . Mahalaga itong pangalagaan upang hindi mailihis sa maling direksyon ang tunay na layunin ng mga ito .
Ang tunay na kahulugan ng buhay ay makikita sa ugnayan natin sa iba at sa pagtutulungan para sa kabutihang panlahat . Tinatawag tayo ng Diyos na maglingkod at ipadama ang pagmamahal sa kapwa . Naranasan mo na bang maglingkod ? Ano ang iyong nadama ? KAHULUGAN NG BUHAY
Sa pamamagitan ng isip at kilos- loob , nagagawa ng tao na linangin ang kanyang pagkatao . Nagkakaroon ng kabuluhan ang buhay kung ito’y inilalaan sa katotohanan , pagmamahal , at paglilingkod . Patungo ka ba sa landas na ito ?
Ang pasyang mahalaga sa aking buhay ay ang: _____________________________________________________ Ang mga paraan upang maisakatuparan ang mga ito ay ang mga sumusunod _____________________________________________________ Mula sa mga naging gawain , isipin ang isang pasyang kailangan mong gawin sa iyong buhay . Gamit ang iyong isip at kilos- loob , isulat kung paano mo ito maisasakatuparan tungo sa pagiging moral na nilalang . PAG-ISIPAN
TUNGUHIN NG ISIP AT KILOS-LOOB
TUNGUHIN INTELLECT WILL (KILOS-LOOB) Tungkulin (function) Mag- isip (To think) Isakilos (to act) Hangarin / Layunin (Purpose) Malaman (To Know) Pumili (to choose) Kaganapan ng tao Ang katotohanan (truth) Kabutihan (goodness) Highest human fulfullment Karunungan (Wisdom) upang umunawa Kabutihan bilang birtud (virtue) Pag- ibig (love) Ayon sa aklat , “Education ng Values” ni Esteban, ang isip ng tao ay may ispiritwal na kakayahan , ang “intellect at will” . Makikita ang pagkakaiba ng intellect at will ayon sa tunguhin nito .
Ang tao ay nagtataglay ng karunungan na wala ang ibang nilalang sa mundo . Ang kaniyang karunungan ay bunga ng nahubog na isip at kilos- loob na batay sa katotohanan sapagkat ang katotohanan ay inaalam sa tulong ng pag-iisip at akmang kilos- loob .
KUMPLETUHIN PANUTO: kumpletuhin ang mahalagang konsepto tungkol sa isip at kilos- loob . Piliin ang mga sagot sa kahon at isulat ito sa sagutang papel . SUBUKIN
TUNGUHIN INTELLECT WILL (KILOS-LOOB) 1. _________________ Mag- isp (To think) 2. _________________ Hangarin / Layunin (Purpose) 3. _________________ Pumili (to choose) 4. _________________ Ang katotohanan (truth) 5. _________________ Highest human fulfullment 6. _________________ Kabutihan bilang birtud (virtue) Pag- ibig (love) KARUNUNGAN (wisdom) UPANG UMUNAWA TUNGKULIN (function) KABUTIHAN (goodness) ISAKILOS (to act) KAGANAPAN NG TAO MALAMAN (to know)
Ang Aking Kahinaan ! PANUTO: Magsulat ng apat mong kahinaan tungkol sa pagpapasiya . Sa tapat nito , magbahagi ng paraan upang malampasan mo ang kahinaang ito at upang mas mapabuti mo ang iyong pagpapasiya . Ang Aking Kahinaan Mga Paraan upang Mas Mapabuti ang Aking Pagpapasya A. B. C. D. A. B. C. D.
PAGLALAHAT PANUTO: Bilang isang mag- aaral ano ang magagawa mo sa iyong pamilya , paaralan , pamayanan upang maisabuhay mo ang gamit at tunguhin ng isip at kilos- loob ?
ISIP AT KILOS-LOOB MALING KILOS TAMANG KILOS A. PAARALAN HAL: Pagtatapon ng basura kung saan-saan B. PAMILYA C. PAMAYANAN A. PARALAN HAL: Itapon sa tamang basurahan ang nabubulok at hindi nabubulok B. PAMILYA C. PAMAYANAN
PAGTATAYA (QUIZ)
Gawain 7: Pangatwiranan Mo! PANUTO: Suriin ang sitwasyon . Isulat ang iyong mga katuwiran sa naging pasiya mo kaugnay ng iyong pag-aaral at ang gagawing solusyon kaugnay nito sa speech box. Gawin ito sa iyong sagutang papel .
Maganda ang performance mo sa paaralan . Lagi kang kasama sa mga may honors. Subali’t mula nang nakilala mo at naging barkada mo si John na may hindi magandang bisyo tulad ng paninigarilyo at pag-inom ng alak , naimpluwensyahan ka niya . Napabayaan mo ang iyong pag-aaral at nanganganib din ang iyong mga grado . Kinausap ka ng iyong ama , hiningi niya sa iyo na sabihin ang iyong katuwiran sa iyong naging pasiya at ang plano mong solusyon kaugnay nito .
ANO ANG IYONG KATWIRAN ANO ANG IYONG MAGIGING SOLUSYON
Ipinakita ito ni Esteban gamit ang tsart sa ibaba : ANG KABUUANG KALIKASAN NG TAO KALIKASAN NG TAO PANGKAALAMANG PAKULTAD PAGKAGUSTONG PAKULTAD MATERYAL (KATAWAN) Panlabas na Pandama Panloob na Pandama Emosyon ISPIRITWAL ( kaluluwa ) ( Rasyonal ) Isip Kilos- loob
Mula sa impormasyong hatid ng mga panlabas na pandama nakakayahang ito , napupukaw , at kumikilos ang pagkagustong pakultad sapagkat sa bawat pagkilos ng kaalaman , nabunga ito ng pagkapukaw ng EMOSYON.
May tatlong kakayahan na nagkakapareho sa hayop at sa tao ayon kay Robert Edward Brenan: Bagamat magkatulad ang tao at hayop sa kakayahan ito ngunit magkaiba ang paraan nila ng paggamit nito . Ang mga hayop ay ginagamit ang mga kakayahang nabanggit at kumikilos para pangalagaan o protektahan ang sarili . Ang pandama na pumupukaw sa KAALAMAN, PAGKAGUSTO (appetite) na pinagmumulan ng PAKIRAMDAM at EMOSYON at PAGKILOS O PAGGALAW (locomotion)