Pagkatapos ng talakayan na ito , ikaw ay inaasahang : Nakapagsusuri nang mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa sarili at pangyayari . Layunin sa Pagkatuto ;
P agpapasya Ang pagpapasya ay ang pagpipili ng aksyon, kilos na gagawin o tugon ayon sa kinakaharap na sitwasyon. Maaring tama o mali ang pasya ng isang tao. Ayon sa Wikipedia ang mga pagpapasya o pag-pili na isinasagawa sa mental na paraan ay nagbubunga ng isang galaw o aksiyon o kaya isang napiling opinyon.
P agpapasya Karaniwang hinahangad ng bawat nilalang ang tamang pasya. Kaya’t ang pagpapasya ay ginagamitan ng malalim at malawak na pag-iisip upang makabuo ng angkop at tamang pasya ang isang tao. Bawat isa sa atin ay araw-araw na bumubuo ng pasya. Mula sa mga karaniwan hanggang sa masalimuot na pagpapasya. Ang pagbuo ng pasya ay maaring tama o kaya naman ay nangangailangan ng pagtatama.
Mga Salik ng pagpapasya Impormasyon Sitwasyon Gabay / Payo o Panuntunan Pagkakataon
⦿ Ang mithiin (goal) ay ang pinakapayak ng iyong nais na makamit sa hinaharap. ⦿ Ang pagtatakda ng mithiin ay nagsisilbing gabay sa tamang pagpapasya.
⦿ Tukuyin kung alin sa mga sumusunod na hakbang ang iyong ginagawa bago magpasya. Isulat kung Palagi, Minsan o Hindi.
Humihingi ng payo sa mga magulang. Humihingi ng payo sa mga kaibigan. Humihingi ng payo sa mga guro. Nagbabasa ng mga paksang may kaugnayan sa suliranin.
Humahanap ng tahimik sa lugar upang makapag-isip. Nagdarasal para sa gabay ng Diyos. Binabalikan ang mga karanasan upang maging gabay ng aking desisyon.
Nagtatanong ng mga karanasan ng ibang tao na nakaranas ng katulad na sitwasyon. Gumagawa ng plano. Pinag-aaralan ang maaring maging resulta ng gagawin.
⦿ Ang uri ng impormasyon na natatanggap ng tao ay nakakaimpluwensya sa kanyang pagpapasya. ⦿ Maaring ang impormasyon ay nasusulat (pahayagan o aklat), napapanood (telebisyon, computer o pelikula) o napakikinggan (radyo o telepono).
⦿ Anumang impormasyon ang iyong nakakalap, mahalagang suriin muna ang tunay nitong intensyon at kahulugan bago gawin ang pasya.
Sitwasyon ⦿ Ang tao ay nagbibigay ng reaksyon sa bawat sitwasyon o pangyayari at kasunod nito ay ang paggawa ng pasya. ⦿ Ang iyong pasya ay nararapat na may mabuting layunin, intensyon at kalalabasan. Kalagayan o pangyayari na nakaapekto ng pasya
Gabay ⦿ Mga pagpahalaga, panuntunan, o patakaran
Pangyayari ⦿ Mga kaganapan
Pasya ⦿ Kilos na ginagamitan ng malawak na pag-iisip
Pagkakataon ⦿ Panahon kung kailan maaring isagawa ang kilos
⦿ Nararapat na magkaroon ng mahalagang tao na gagabay sa iyo sa paggawa ng pasya. ⦿ Ang payo ng mga magulang, kapatid, guro at mabuting kaibigan ay nakatutulong sa iyo upang linawin ang bawat sitwasyon o impormasyon. ⦿ Mga pangaral ng mga magulang o nakatatanda.
⦿ Ang mga oportunidad ay ang mga pagkakataong maaring gamitin upang maisakatuparan ang isang mahalagang pasya.
Ang paggawa ng pasya ay nakalaan p a rin s a iyong sari li . Maging matalino at maingat sa paggawa ng pasya.
SALAMAT SA PAKIKINIG!
Pagtatama ng Maling Pasya Modyul 5:
Mga Yugto ng Makataong Kilos May pagkakasunod-sunod (sequence) ang pagsasagawa ng makataong kilos. Para kay Sto . Tomas de Aquino, may 12 yugto ito . Nahahati sa dalawang kategorya ito : ang isip at kilos- loob . Kung ang isang tao ay nagsasagawa ng madaliang pagpapasiya , hindi siya nagiging mapanagutan ; bagkus nagiging pabaya siya sa anumang kalalabasan nito . Ngunit kung daraan siya sa mga yugtong ito , tiyak na magiging mabuti ang kalalabasan ng kaniyang isasagawang
Naririto ang mga yugto ng makataong kilos ni Sto . Tomas de Aquino. Ang isip at kilos- loob .
Paano gagamitin ang yugtong ito ? Naririto ang isang halimbawa . Sitwasyon : Nakakita si Alvin ng isang bagong modelo ng cellphone sa isang mallkung saan siya namamasyal . Lahat ng kaniyang mga kaibigan ay mayroon na nito .
Suriin natin ang paglalapat ng makataong kilos sa sitwasyong ito .
Suriin natin ang paglalapat ng makataong kilos sa sitwasyong ito .
Suriin natin ang paglalapat ng makataong kilos sa sitwasyong ito .
Suriin natin ang paglalapat ng makataong kilos sa sitwasyong ito .
Ang bawat kilos ng isang tao ay may dahilan , batayan , at pananagutan . Sa anumang isasagawang pasiya , kinakailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamang idudulot nito . Mga Yugto ng Makataong Kilos
Ang mabuting pagpapasya ay isang proseso kung saan malinaw na nakikilala o nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay-bagay. Mga Yugto ng Makataong Kilos
Mga Hakbang Moral na Pagpapasiya
Sa magulong mundo na iyong ginagalawan , makatutulong para sa iyo na kung ikaw aymagpapasiya , ikaw ay manahimik . Damhin mo ang presensiya ng Diyos upang ikaw ay makapag-isip mabuti at matimbang ang mga bagay-bagay. Makatutulong ito sa iyo upang lubusan mong malaman at mapagnilayan kung ano ang makabubuti para sa iyo , sa kapuwa at sa lipunan .
Sa magulong mundo na iyong ginagalawan , makatutulong para sa iyo na kung ikaw aymagpapasiya , ikaw ay manahimik . Damhin mo ang presensiya ng Diyos upang ikaw ay makapag-isip mabuti at matimbang ang mga bagay-bagay. Makatutulong ito sa iyo upang lubusan mong malaman at mapagnilayan kung ano ang makabubuti para sa iyo , sa kapuwa at sa lipunan .