Panuto: Basahin at unawain ang bawat teskto. Piliin ang letra ng tamang
sagot ayon sa hinihingi ng mga tanong.
1. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita sa sanhi at bunga ng mga
pangyayaring inilalarawan sa binasang teksto?
A. Mataas na ang tubig-baha dahil sa walang patid na pag-ulan sa
subdibisyong iyon.
B. Laking pasasalamat ni Aling Rosa sa Diyos sapagkat hindi
napahamak si Bimboy.
C. Sumilip siya sa bintana upang alamin kung ano na ang sitwasyon sa
labas.
D. Inay huwag kayong mag-alala at matakot, kayang-kaya 1op o ito!
2. Aling pahayag ang nagpapatunay ng maaaring kalabasan ng pangyayari sa
kuwento?
A. Umaalimpuyo na rin ang malakas na hangin dahil sa bagyong Ondoy.
B. Laking pasasalamat ni Aling Rosa sa Diyos sapagkat hindi napahamak
si Bimboy.
C. Halos umabot na hanggang beywang ang baha kaya marami na ang
nagsisilikas sa kani-kanilang tahanan.
D. Mabuti na lamang at nakakita siya ng isang kahoy na mahahawakan at
hindi siya naianod sa rumaragasang baha sa kalye.
3. Anong pangunahing kaisipan ang maiuugnay sa tekstong binasa?
A. Sa panahon ng sakuna, maraming ari-arian ang nangawawala.
B. Nakapangingilabot sa katawan ang mabilis na pagtaas ng tubig baha.
C. Kailangan ang matatag na pananampalataya sa oras ng kapahamakan.
D. Ang tubig baha ay nakapamiminsala sa kalusugan kaya dapat na umiwas
dito.
4. Nagulantang siya nang makita ang anak na si Bimboy na nahihirapan nang
kumakampay - kampay sa paglangoy sa tubig baha. Mabuti na lamang at nakakita siya
ng isang kahoy na mahahawakan at hindi siya naianod sa rumaragasang baha sa kalye.
Ano ang posibleng nangyayari kay Bimboy nang mga oras na ito?
A. May sinasagip na isang bata si Bimboy.
B. Nakikipagkarerahan sa paglangoy si Bimboy sa ibang bata.
C. Malapit nang malunod si Bimboy sa rumaragasang baha.
D. Hinahabol ni Bimboy ang mga tanod na nagbibigay ng ayuda.
Mataas na ang tubig-baha dahil sa walang patid na pag-ulan sa subdibisyong
iyon. Halos umabot na hanggang b eywang ang baha kaya marami na ang
nagsisilikas sa kani-kanilang tahanan. Umaalimpuyo na rin ang malakas na hangin
dahil sa bagyong Ondoy. Isa ang pamilyang Reyes sa mga nanatili sa kanilang
tahanan. Bigla ang pagtaas ng tubig sa may kalye nina Aling Rosa. Sumilip siya sa
bintana upang alamin kung ano na ang sitwasyon sa labas. Nagulantang siya nang
makita ang anak na si Bimboy na nahihirapan nang kumakampay - kampay sa
paglangoy sa tubig baha. Mabuti na lamang at nakakita siya ng isang kahoy na
mahahawakan at hindi siya naianod sa rumaragasang baha sa kalye.
“Bimboy! Anak kumapit kang mabuti. Mga kapitbahay, tulungan ninyo si
Bimboy, nalulunod na ang anak ko!”
“Inay huwag kayong mag-alala at matakot, kayang-kaya ko po ito!”
“Aling Rosa, nakuha ko na po si Bimboy! Ligtas na siya.”
“Maraming salamat Kardo! Iniligtas mo si Bimboy ko! Pagpalain ka ng
Panginoon.”
Laking pasasalamat ni Aling Rosa sa Diyos sapagkat hindi napahamak si
Bimboy. Gayon pa man, gumapang ang kilabot sa kaniyang katawan nang mapag -
isip-isip ang kahindik-hindik na maaaring maganap sa anak sakaling hindi ito
nailigtas ni Kardo.
5. Alin ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento?
A. 5-1-3-4-2 B. 1-4-3-2-5 C. 3-2-5-1-4 D. 4-1-5-3-2
6. Sa paanong paraan inilarawan ang tagpuan sa teksto?
A. sa pamamagitan ng sanhi at bunga
B. sa pamamagitan ng pagkakaiba at pagkakatulad
C. sa pamamagitan ng paglalahad ng katotohanan at opinyon
D. sa pamamagitan ng pangunahing diwa at sumusuportang detalye
7. Alin sa sumusunod ang hindi kaugnay ng nilikhang Republic Act 8485 ayon sa
tekstong binasa?
A. Ang pagmamalupit sa mga hayop ay isang krimen.
B. Maparurusahan ang sinomang magmamalupit sa mga hayop.
C. Kailangang magkaroon ng ngipin at pangil ang ating mga batas.
D. Ang pag-aalaga ng mga hayop ay para sa mga may kakayahang mag -alaga.
8. Batay sa teksto, ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng batas ukol sa mga hayop?
A. Magkakaroon ng puwang ang mga hayop sa buhay ng tao.
B. Uunlad ang bansa lalo na sa paghahayupan dahil lalaki ang kita nito.
C. Magkakaroon ng proteksyon at mga hayop sa kamay ng malulupit na tao.
D. Magbabayad ang mga nagmalupit sa hayop at dagdag kita ito sa pamahalaan.
1 Tumaas na ang tubig-baha sa kalyeng iyon sa subdibisyon kung saan
nakatira ang pamilya Reyes.
2 Iniligtas ni Kardo si Bimboy sa tiyak na pagkalunod.
3 Nalulunod na si Bimboy ngunit pinipilit pa rin nitong ikampay ang mga
kamay.
4 Nakita ni Aling Rosa si Bimboy na nahihirapan na sa pagkampay sa tubig
baha.
5 Nagpasalamat si Aling Rosa sa Diyos sa pagkakaligtas ng anak sa
pagkalunod.
1. Nilikha ang Republic Act 8485 o ang Animal Welfare Act of 1998 para
maprotektahan ang mga hayop. 2. Sa ilalim ng batas, ang pagmamalupit at
pagtorture sa mga hayop ay isang criminal act. 3. Makukulong ng anim na buwan
at pagmumultahin ng Php1,000 ang magmamalupit sa mga hayop. 4. Pero sa kabila
na may batas para sa hayop, patuloy pa rin ang paglabag at tila pagbabalewala ng
mga tao. 5. Patuloy ang pagmamalupit, pagpatay , at pagkain sa mga hayop
partikular ang mga aso. 6. Lagyan pa ng ngipin o kaya ay pangil ang batas. 7.
Dagdagan pa ang parusa at lakihan ang multa. 8. Hindi dapat hayaan ang mga
malulupit sa hayop. 9. Ang mga malulupit sa hayop ang dapat isinasabit sa
sampayan o sinasabit sa likod ng sasakyan.
Hango sa Animal Welfare Act, dagdagan ng pangil
Pilipino Star Ngayon, Abril 15, 2012
1 Nagalit at pinarusahan ni Bathala si Uwak na mawala na ang magandang
boses at maging palaboy na lamang mula ngayon.
2 Inutusan ni Bathala si Uwak na tingnan ang nagaganap sa kalupaan nang
lumikha siya ng baha dahil nagalit ito sa mga taong naging palalo.
3 Nilikha ni Bathala ang daigdig, isa na si Uwak na biniyayaan ng malambing at
matamis na tinig.
4 Natagpuan ng inutusang si Kalapati na nanginginain ng laman ng mga
nasawi si Uwak kaya isinumbong niya ito kay Bathala.
Halaw sa “Alamat ng Uwak” Ugnayan (Aklat sa Wika at Panitikan Lalunio, Rasco, etal
9. Anong kaalaman ang nais ipahiwatig ng binasang seleksiyon?
A. Ang kabaitan ng isang nilalang ay nakikita sa kaniyang ginagawa.
B. Hindi lahat ng kasalanan ay natutuklasan, maaari din itong maitago.
C. Anumang pagkakasala ay may katapat na kaparusahan mula sa langit.
D. Matutong humingi ng tawad sa anumang pagkakasala na ating nagagawa.
10. Anong paraan ang ginamit upang mailahad ang unang pangyayari sa alamat?
A. pagpapakilala ng suliranin
B. paglalarawan sa tauhan
C. paglalahad ng tagpuan
D. pagtaas ng emosyon
SUSI SA PAGWAWASTO AT PALIWANAG
1. A Lahat ng opsyon maliban sa tamang sagot ay nagpapakita ng
dahilan at bunga ng isang pangyayari. Ang ibang pahayag ay hindi
naman at simpleng pahayag lang.
2. B Ang tamang sagot ay nagpapahiwatig na may masama nang
nangyayari kay Bimboy at dahil sa susing salitang “mabui na
lamang….
3. C Angkop ang sagot dahil ito ang dapat taglayin ng tao sa panahon
ng sakuna, kalamidad,at pagsubok.
4. C Batay sa sunod-sunod na pangyayari, mahihiwatigan na may
nangyayari nang di maganda kay Bimboy.Nakatulong ang mga key
words na pahiwatig na binanggit sa sitwasyon/pahayag.
5. B Malalaman ang pagkakasunod -sunod ng pangyayari o
impormasyon ayon sa kung paano ito lumabas sa kuwento.
6. A Ang kuwento ay naglalarawan ng mga dahilan at bunga kapag
may malakas na bagyo at baha, kaya ito ay ukol sa sanhi at
bunga
7. D Lahat ng pagpipilian ay makikita sa mismong teksto. Ang
tamang sagot ay malayo sa tinatalakay sa teksto o di makikita
8. C Makikita rin ang sagot sa loob ng teksto
9. C Makikita rin ang sagot sa loob ng teksto
10.B Sa unang pangungusap ay ipinakilala na ang mga tauhan at
inilarawan ang katangian nito.
21
st Century Skill: Problem Solving
Sub-skill: Pagsusuri ng kalalabasan
-Pagtukoy sa sanhi at bunga
-Pagtukoy sa kaugnayan ng kaisipan sa teksto
-Paghihinuha ng kalalabasan
Content: Tekstong naratibo
Item Numbers: 1-3
21
st
Century Skill: Informationa Literacy
Sub-skill: Kakayahang pamahalaan ang impormasyon
-Pag-uuri ng impormasyon
-Pag-aayos ng estruktura ng uri ng impormasyon
-Pagsusunod-sunod ng mga impormasyon
Content:
Item Numbers: 5-6
21
st Century Skill: Critical Thinking
Sub-skill: Pagsusuri ng kahalagahan ng kaisipan ng teksto
-Pagkilala na may iba pang impormasyon
-Pagkilala sa katuturan at walang katuturang
impormasyon
-Pagtukoy sa may katuturang impormasyon
Content: Tekstong naratibo
Item Numbers: 7-10