FIL-10-Pokus-ng-Pandiwa.pdf okokokokokkkk

raidencutey 9 views 19 slides Sep 05, 2025
Slide 1
Slide 1 of 19
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19

About This Presentation

Wew


Slide Content

FILIPINO 10
GURO: MELANIE C. TORRE

POKUS NG PANDIWA

Ang pokus ng pandiwa na
tumutukoy sa relasyon ng pandiwa
sa paksa o simuno ng pangungusap
at ito ay naipapakita sa
pamamagitan ng mga panlaping
ikinakabit sa pandiwa.

Ang pokus na tagaganap
ay isa sa pokus ng pandiwa
kung saan ang paksa o
simuno ang gumaganap ng
kilos.

Upang matukoy kung
ang isang pangungusap ay nasa
pokus tagaganap ito ay ginagamitan
ng mga panlaping -um,
ma-, mag-, nag-, mang-, maka-,
makapag-, mag-an, maki-, magsipag-
at an/han.

Ang pokus sa layon naman
ay isa rin sa pokus ng
pandiwa kung saan ang
layon o gol ang paksa sa
pangungusap.

Ito naman ang pokus ng pandiwa kung
saan ang layon ang paksa o binibigyan-
diin sa pangungusap.
Ito ay sumasagot sa tanong na ano at
ginagamitan ng mga panlaping i-,
-in/-hin, -an/han, ma-, paki-, ipa-, at iba
pa.

Pokus sa pinaglalaanan ang pandiwa
kung ang paksa o pinagtutuunan ng
pangungusap ay ang nakikinabang sa kilos
ng pandiwa samantalang nasa pokus sa
kagamitan ang pandiwa kung nakatuon
ang pangungusap sa bagay, kasangkapan, o
instrumentong ginamit upang magawa ang
kilos ng pandiwa.

Masasabing nasa pokus sa pinaglalaanan
ang pandiwa kung ang paksa o pinagtutuunan
ng pangungusap ay ang nakikinabang sa kilos
ng pandiwa. Sumasagot din ito sa mga
tanong na “Sino/Ano ang pinaglaanan ng
kilos?" o “Para sa ano/kanino ang
ginagawang pagkilos?”

Mga halimbawa:
Ipinagsampay niya ng damit ang kaniyang
nanay.
Ipinagtahi niya ng magarbong kasuotan ang
kaniyang kapatid.
Ipinagsandok ni nanay ng kanin si tatay.

Pokus sa Kagamitan
Nasa pokus sa kagamitan ang pandiwa kung
nakatuon ang pangungusap sa bagay,
kasangkapan, o instrumentong ginamit, upang
magawa ang kilos ng pandiwa. Sumasagot naman
ito sa tanong na “Ano ang bagay na ginamit sa
pagsasakatuparan ng kilos?”

Halimbawa:
Ang gunting ay ipinangputol niya ng tela.
Ipinangtabon niya sa tanim na binhi ang lupa.
Ipinangtabing niya sa sinag ng araw ang
kurtina.

POKUS SA DIREKSYUNAL
Itinuturing na nakapokus sa direksiyon ang
pandiwa kung ang direksiyon, tinutungo, o
tunguhin ng ipinahayag na kilos ang
pinagtutuunan ng salitang-kilos.

POKUS SA SANHI
Itinuturing na nakapokus sa sanhi ang
pandiwa kung ang paksa ang nagsasabi ng
dahilan ng kilos at nakatuon ito sa dahilan o
udyok ng ipinahayag na kilos sa loob ng
pangungusap.

POKUS SA SANHI
Gumagamit ng mga panlaping i-, ika-, ikina-,
ikapa-, at ikapag- bilang hudyat sa paggamit ng
pandiwang nakapokus sa sanhi.
Sumasagot ang pokus ng pandiwa sa tanong na
bakit.

HALIMBAWA
Ikinagalak ng matanda ang pagdalaw ng mga
anak at apo sa mismong araw ng kaarawan
nito.

THANK YOU