FIL5_SP: XSURi ffffffffffffffffffffffffff

efpfenix32 11 views 3 slides Mar 12, 2025
Slide 1
Slide 1 of 3
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3

About This Presentation

G


Slide Content

pahina 1 ng 3


SP: XSURI SA BALITA IKATLONG TERMINO
FILIPINO 5 T.P. 2024-2025

PANGALAN: _____________________________________________________ CN: ______________
BAITANG AT PANGKAT: _______________________________ PETSA: ____________________

Basahin at unawain ang balita. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong gamit ang S-U-R-I.

BALIK-TANAW TUNGKOL SA UNANG EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION
Rhowen Del Rosario | Balita MB | Pebrero 25, 2023

Ngayon, ipinagdiriwang ng bansa ang ika-37 na anibersaryo ng EDSA People Power
Revolution, ang serye protesta noong 1986 na nagpabagsak sa mahabang panunungkulan
ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr.

Ayon sa ulat, sinasabing libo-libo ang naitalang namatay sa ilalim ng rehimen kabilang na
ang mga mamamahayag na walang takot na bumatikos at pumuna sa kaniyang
pamamahala.

Kung kaya't narito ang ilang detalyeng kailangan mong malaman tungkol sa EDSA
Revolution:

Malaki ang naging papel ng media sa demokrasya
Bandang alas-9 ng gabi noong Pebrero 22, hinimok ni Cardinal Sin ang mga Pilipino na
pumunta sa seksyon ng EDSA sa pagitan ng Camp Crame at Aguinaldo bilang suporta sa
mga pinuno ng rebelde.

Marami ang nagtungo sa mga lansangan at nakilahok sa demonstrasyon.

Ang EDSA revolution ay tumagal ng apat na araw
Libo-libong tao ang pumunta at ipinakita ang suporta sa kahabaan ng EDSA sa Metro
Manila.

Pebrero 22 ang simula ng pag-aalsa. Daan-daang libo, kabilang ang mga pari at madre,
ang nag-vigil pabalik sa EDSA noong gabing iyon.

Sa sumunod na dalawang araw, dumami ang mga taong nagpakita sa EDSA. Mily on-
milyong tao ang naglalakad at nanalangin nang sama-sama sa kahabaan ng EDSA.

pahina 2 ng 3

At noong Pebrero 25, idineklara si Cory Aquino bilang Pangulo ng Pilipinas at nang gabing
din iyon ay tumakas si Marcos paalis ng bansa.

Kinilala bilang isang “bloodless revolution”
Ang pinag-isang kilusan ng mga Pilipino ang nagwakas sa mahabang pamamahala ni
Marcos at nagpaalis ng kaniyang pamilya sa Palasyo.

Dahil dito, naging simbolo at impluwensya rin ang EDSA People Power para sa ibang bansa.
Nagsimula ito ng mga pag-aalsa laban sa mga diktadura sa Asya. Ang "bloodless
revolution" ng Pilipinas ay nagbigay-inspirasyon sa mga pag-aalsa sa ibang mga bansa sa
buong mundo.

Mula sa https://balita.mb.com.ph/2023/02/25/balik-tanaw-tungkol-sa-unang-edsa-people-power-revolution/

Sinasabi
(mini-
summary)
Ano ang paksa ng
balita?

Sino/sino-sino ang mga
taong tinukoy sa balita?

Saan nangyari ang
balita?

Kailan nangyari ang
balita?









Ugnay
(text-to-
text at
text-to-
self)


Anong karanasan mo
ang may kaugnayan sa
balita? May nabasa o
napanood ka ba na may
kaugnayan sa balita?

Gumamit ng mga clue
words tulad ng
“nakauugnay ako—”,
“kung ako si—”,
“Bilang—”

pahina 3 ng 3

Realidad
(text-to-
world)
Paano nakakaapekto
ang balitang ito sa ating
buhay? sa ating bansa?
sa buong mundo?











Ideya
(call to
action)
Anong aral ang nakuha
mo mula sa balita? Ano
ang mga maaaring
gawin upang maiwasan/
masolusyonan ang
problema sa balita?
Tags