June 27, 2025 QUARTER 1 - Quiz 1 sa Filipino 9 : Denotatibo , Konotatibo , Pangatnig at Maikling Kuwento (Indonesia) Filipino 9
Panuto Piliin ang titik ng tamang sagot sa bawat tanong .
1. Ano ang tawag sa literal na kahulugan ng isang salita na mula mismo sa diksyunaryo ? A. Konotatibo B. Denotatibo C. Simbolismo D. Pahayag
2. Sa pangungusap na : "Parang kidlat ang kanyang galit nang malaman ang totoo ." Ano ang ginamit na kahulugan ng salitang ' kidlat '? A. Denotatibo B. Konotatibo C. Demokratiko D. Pangatnig
3. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng konotatibong kahulugan ? A. Kumikidlat kapag may bagyo . B. Parang kidlat ang kanyang kilos. C. Asul ang langit ngayong umaga . D. Malalim ang ilog sa amin.
4. Ano ang tawag sa bahagi ng pananalita na nag- uugnay sa dalawang salita , parirala , o sugnay ? A. Pangngalan B. Pang- abay C. Pangatnig D. Pandiwa
5. Ano ang angkop na pangatnig para pag-ugnayin ang dalawang magkasalungat na kaisipan ? A. at B. ngunit C. dahil D. kung
6. Ano ang pangunahing layunin ng maikling kuwentong 'O...O...O...!' ni Idrus ? A. Magpatawa B. Magpakilig C. Magpahayag ng pagmamahal D. Maglarawan ng sitwasyong panlipunan
7. Saan naganap ang mga pangunahing pangyayari sa kuwentong 'O...O...O...!'? A. Sa palengke B. Sa himpilan ng pulis C. Sa istasyon ng tren D. Sa loob ng paaralan
8. Ano ang ipinapakita ng pamagat na 'O...O...O...!' sa kuwento ? A. Hiyawan ng tuwa ng mga pasahero B. Sigaw ng takot o pagkagulat sa mga nangyayari C. Tawanan ng mga bata D. Palakpakan ng mga bumibili
9. Ano ang naging kilos ng mga pulis sa kuwentong binasa ? A. Maayos na nagpatupad ng batas B. Nakiisa sa kaguluhan at nanamantala C. Tumulong sa mga pasahero D. Umalis sa lugar
10. Ano ang mensaheng ipinapahiwatig ng kuwentong 'O...O...O...!'? A. Kailangang matutong pumila ng maayos B. Ibinubunyag nito ang kalakaran ng katiwalian at kawalan ng kaayusan sa panahon ng digmaan C. Mahalaga ang pagkakaibigan D. Dapat palaging masaya
11-13 Tukuyin kung denotatibo o konotatibo ang mga pahayag . 11. Kumikidlat kapag may malakas na bagyo . 1 2. Parang kidlat ang kanyang galit nang malaman ang totoo . 13. Masakit ang ulo ni Mario dahil sa pagkabagabag sa kanyang problema .
14-16 Isulat ang mga pangatnig na naaayon sa bawat pangungusap . 14. Masipag si Lea, ______ mahiyain siya sa klase . 15. Nag- ipon siya ng pera , ______ nakabili siya ng bagong cellphone. 16. ______ gusto mong matuto , magbasa ka ng maraming aklat .
17-18 Magbigay ng Dalawang uri ng Pangatnig . 19-20 Isulat ang 2 gamit ng pangatnig batay sa iyong natutunan .