Filipino 3 Wastong Paggamit ng Bantas. Proper Use of Punctuation.pdf

maxmeansgreat 0 views 7 slides Sep 28, 2025
Slide 1
Slide 1 of 7
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7

About This Presentation

Filipino 3 Wastong Paggamit ng Bantas. Proper Use of Punctuation
Ang mga bantas ay nagbibigay-buhay sa ating mga salita! Mahalaga ang paggamit ng tamang bantas sa tamang pagkakataon para maunawaan ang tunay na kahulugan ng ating mga pangungusap.


Slide Content

Wastong
Paggamit ng
Bantas.

Mga Bantas na Dapat mong
Malaman: 1. Tuldok (.)
Ginagamit ang tuldok sa dulo ng isang
pangungusap.
- Halimbawa: Ang araw ay sumisikat sa silangan.

2. Tandang Pananong (?)
Ginagamit ang tandang pananong kapag ang
pangungusap ay patanong.
- Halimbawa: Ano ang paborito mong kulay?

3. Tandang Padamdam (!)
Ginagamit ang tandang padamdam sa isang
pangungusap na nagpapahayag ng malakas
na damdamin tulad ng tuwa, gulat, takot, at
iba pa.
- Halimbawa: Wow! Ang ganda ng bahay mo!
4. Kuwit (,)
Ginagamit ang kuwit para paghiwalayin ang
mga salita o parirala sa isang pangungusap.
- Halimbawa: Ang aking paboritong pagkain
ay pizza, spaghetti, at ice cream.

5. Panipi (" ")
Gamitin upang ipakita ang mga salita na
sinabi ng isang tao.

Halimbawa: "Wow! Ang ganda ng bahaghari,"
sigaw ni Ana. Nakita niya ang mga kulay pula,
dilaw, at berde.

Tandaan:
Ang mga bantas ay nagbibigay-buhay sa
ating mga salita! Mahalaga ang paggamit
ng tamang bantas sa tamang pagkakataon
para maunawaan ang tunay na kahulugan
ng ating mga pangungusap.

Gawain 1:
Si Maya ay isang masayang bata. Gustong-gusto
niyang maglaro sa parke, lalo na sa swing at slide.
Tanong niya sa kanyang mama, "Mama, pwede pa
po ba akong maglaro?" Sumagot ang kanyang
mama, "Oo sige anak, mag-iingat ka lamang."
Sumigaw si Maya sa sobrang tuwa "Yehey!."Basahin ang maikling kwento sa ibaba. Kilalanin at
isulat ang lahat ng uri ng bantas na ginamit. Tukuyin
ang bawat isa kung anong uri ito ng bantas.

Gawain 2:
Halimbawa:
Isang araw, naglalakad si Juan papunta sa paaralan. Nakita
niya ang kanyang mga kaibigan, sina Maria at Pedro, na
naglalaro ng taguan sa ilalim ng malaking puno ng mangga.
"Juan! Halika! Sumali ka sa amin!" sigaw ni Maria. Ngunit,
naalala ni Juan na may dala siyang importanteng libro para
sa klase kaya't sumagot siya, "Hindi na, salamat! Mahuhuli na
ako sa klase." Nagpatuloy si Juan sa paglalakad, pero narinig
niya ang malakas na tawanan ng kanyang mga kaibigan.
Naisip niya, "Sana ay sumama na lang ako!"Panuto: Sumulat ng isang maikling kwento na
mayroong hindi bababa sa limang pangungusap.
Siguraduhing gamitin mo ang mga sumusunod na
bantas sa iyong kwento: