Filipino 4 Quarter 2 Week 4 -sept-15-19.pptx

sarahventura2 0 views 45 slides Sep 28, 2025
Slide 1
Slide 1 of 45
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32
Slide 33
33
Slide 34
34
Slide 35
35
Slide 36
36
Slide 37
37
Slide 38
38
Slide 39
39
Slide 40
40
Slide 41
41
Slide 42
42
Slide 43
43
Slide 44
44
Slide 45
45

About This Presentation

FILIPINO GRADE 4 LESSON


Slide Content

FILIPINO 4 Kuwarter 2 Aralin 4 Mga Kasanayan 1. Nasusuri ang layon ng teksto : - magsalaysay ( tulang pambata ) 2. Naiuugnay ang kaisipan ng akda sa sariling karanasan . 3. Nagagamit ang mga bahagi ng pananalita sa pagpapahayag . - Panghalip Pamatlig 4. Nagagamit ang angkop na wika sa pagpapahayag na isinasaalang-alang ang edad , kasarian , paksa , at kultura tuwing may binyagan at kasalan .

Pangunahing Paksa: Pag-unawa sa Layon ng Tulang Nagsasalaysay (Pambata) Kuwarter 2 Aralin 4

Kaugnay na Paksa: Ang Wastong Paggamit ng Panghalip Pamatlig Kuwarter 2 Aralin 4

UNANG ARAW Kuwarter 2 Aralin 4

1. Maikling Balik-Aral Alaala ng Nakaraan: Maghanap ng kapareha at pag-usapan ang mga matitingkad na konsepto sa nagdaang aralin tungkol sa talambuhay. Tingnan ang mga gabay na tanong sa pisara bilang gabay sa pagbabalik-aral. Isulat sa isang pahinang papel ang sagot ng iyong kamag-aral at isusulat rin naman ng iyong kamag-aral ang mga sagot mo. Bigyan ng angkop na reaksiyon sa pamamagitan ng mga emoticons ang sagot ng iyong kaklase, matapos ito’y ibalik ito sa kaniya.

Mga Mungkahing Tanong: Batay sa naging gawain sa pagtatanong ng mahahalagang impormasyon ng iyong kaklase, ano ang ibig sabihin ng talambuhay? Maaari ba nating uriin ang talambuhay? Kung oo, ano ang dalawang uri nito? Maaari bang ibigay ang pagkaka-iba nito.

Gawain Bilang 1: Alaala ng Nakaraan Layunin: Nababalikan ang mga mahahalagang konsepto sa nakaraang aralin. Panuto: Maghanap ng kapareha at pag-usapan ang mga matitingkad na konsepto sa nagdaang aralin tungkol sa talambuhay. Tingnan ang mga gabay na tanong sa pisara bilang gabay sa pagbabalik-aral. Isulat sa isang pahinang papel ang sagot ng iyong kamag-aral at isusulat rin naman ng iyong kamag-aral ang mga sagot mo. Bigyan ng angkop na reaksiyon sa pamamagitan ng mga emoticons ang sagot ng iyong kaklase, matapos ito’y ibalik ito sa kaniya. Kailangang Materyal: Lapis, papel at hinalaw na mga emoticons mula sa https://www.freepik.com/free-photos- vectors/smiley-emoji

Mga Mungkahing Tanong: Batay sa naging gawain sa pagtatanong ng mahahalagang impormasyon ng iyong kaklase, ano ang ibig sabihin ng talambuhay? Maaari ba nating uriin ang talambuhay? Kung oo, ano ang dalawang uri nito? Maaari bang ibigay ang pagkaka-iba nito.

1. Panghikayat na Gawain Pinggan ng Karanasan: Magsulat ng mga salitang maaaring maiugnay sa mga larawan sa nasabing okasyon batay sa inyong personal na karanasan sa pagdalo o pagsasagawa nito sa inyong pamilya. Isulat ang sagot sa isang pinggang Pinoy na may apat na hati.

Pinggan ng Karanasan Larawan 1 Kinuha mula sa google images: https://clipart-library.com/clipart/married-cliparts_3.htm Larawan 2 Halaw mula sa google images: https://curacycafe.blogspot.com/2010/04/break-and-baptism.html

Gawain Bilang 2: Pinggan ng Karanasan Layunin: Panuto: Magsulat ng mga salitang maaaring maiugnay sa mga larawan sa nasabing okasyon batay sa inyong personal na karanasan sa pagdalo o pagsasagawa nito sa inyong pamilya. Isulat ang sagot sa isang pinggang Pinoy na may apat na hati. Nakapagsasalaysay ng personal na karanasan sa pagdalo o pagsasagawa ng mga okasyon sa pamilya; at Nasasagot ang pinggan ng karanasan bilang gabay sa pagsasalaysay. Mga Kailangang Materyales: Lapis at papel

Gawain Bilang 2: Pinggan ng Karanasan Pinggan ng Karanasan Larawan 1 Larawan 2

2. Paghawan ng Bokabolaryo sa Nilalaman ng Aralin Gaganapin sa susunod na linggo ang baysanan ng magkasintahang Daniel at Dina sa Lungsod ng Lipa sa Batangas. Piliin ang angkop na titik na kasingkahulugan mga salitang may salungguhit sa pangungusap. a. kasalan b. pangingibang –bansa c. pamamasyal 1.Patuloy na isinasagawa ang bayanihan sa lugar nina Estong sa probinsiya tuwing may mga okasyon . a.pagtatalo b.pagtutulungan c.pagtatawanan 2.Labis ang kagalakan ni Sofia sa nalalapit na pagdating kaniyang ama. a. kalungkutan b.kalituhan c. kasayahan

IKALAWA AT IKATLONG ARAW Kuwarter 2 Aralin 4

1. Pagproseso ng Pag-unawa Mga Gabay na Tanong Kaugnay na Paksa 1: Akdang Naratibo: Tulang Pambata

2. Paglinang ng Konsepto: Ang Baysanan sa panulat ni Michael C. Delos Santos Baysanan ang tawag, sa tradisyon ng kasalan sa Batangas Buhay na buhay ang bayanihan sa kasalan sa lalawigan. Mga tao’y abala sa paggagayak para sa ikakasal Mga ikakasal labis – labis ang kagalakan. Ang baysanan , may tatlong bahagi , Una’y bago ang kasalan , nagaganap ang bulungan , lipatan at panunulungan . Ang ikalawa’y ang aktuwal na kasalan , bahagi nito’y salusalo at sabugan , Panghuli’y dapit ng mag- asawa , kung tawagin sa lugar nila .

3. Pinatnubayang Pagsasanay Kahon- Tanong: Bumunot ng isang tanong mula sa kahon at ibahagi ang iyong sagot sa klase. Pag-unawa sa layon ng teksto a. Anong uri ng teksto ang binasa? b. Ano ang layunin ng teksto? c. Ano ang pangunahing paksa ng teksto? d. Saang lugar nagaganap ang binanggit sa isinalaysay sa teksto? e. Ano-anong mga katangian ng tao ang napatingkad sa teksto? f. Paano isinasagawa ang buong siklo ng tradisyong tinalakay sa tula o teksto?

3. Pinatnubayang Pagsasanay Kahon- Tanong: Bumunot ng isang tanong mula sa kahon at ibahagi ang iyong sagot sa klase. Pag-unawa sa layon ng teksto a. Anong uri ng teksto ang binasa? b. Ano ang layunin ng teksto? c. Ano ang pangunahing paksa ng teksto? d. Saang lugar nagaganap ang binanggit sa isinalaysay sa teksto? e. Ano-anong mga katangian ng tao ang napatingkad sa teksto? f. Paano isinasagawa ang buong siklo ng tradisyong tinalakay sa tula o teksto?

4. Paglalapat at Pag-uugnay Magbahagi ng iyong personal na karanasan sa naalalang dinaluhang okasyon (halimbawa – kasal, binyag, kaarawan, anibersaryo, at iba pa.) Gawin ito sa pamamagitan ng pagkumpleto sa bawat pahayag sa ibaba. Bago ito gawin, panoorin ang video na ito mula sa Youtube na nagsasalaysay sa isang okasyon sa Batangas Ang Aking Kuwento: Panonood ng video (https://www.youtube.com/watch?v=B_9CHMXpf28)

Ako ay dumalo sa isang okasyon na ang tawag ay __________________________________________________________________________________________________ Doon sa lalawigan ng __________________________________________________________________________________________________ Aking nakasama sina __________________________________________________________________________________________________ Maraming tao ang dumalo sa _________________________________________________________________________________________________ Pagdalo sa okasyon

Layunin: Natutukoy ang mga personal na karanasan batay sa naalalang dinaluhang okasyon. Gawain Bilang 3: Ang Aking Kuwento Mga Kailangang Materyales: Lapis at papel Panuto: Ang Aking Kuwento: Magbahagi ng iyong personal na karanasan sa naalalang dinaluhang okasyon (halimbawa – kasal, binyag, kaarawan, anibersaryo, at iba pa.) Gawin ito sa pamamagitan ng pagkumpleto sa bawat pahayag sa ibaba. Bago ito gawin, panoorin ang video na ito mula sa Youtube na nagsasalaysay sa isang okasyon sa Batangas.

Ako ay dumalo sa isang okasyon na ang tawag ay _________________________________________________ Doon sa lalawigan ng _________________________________________________ Aking nakasama sina _________________________________________________ Maraming tao ang dumalo sa _________________________________________________ Masaya ako dahil nakita ko ang iba’t ibang seremonya sa pagdaraos ng __________________________________________________________________________________________________ Gawain Bilang 3: Ang Aking Kuwento

1. Pagproseso ng Pag-unawa Kaugnay na Paksa : Ang Wastong Paggamit ng Panghalip Pamatlig Si Primo at ang Kaniyang Kapatid sa panulat ni Michael C. Delos Santos Kinuha mula sa google images: https://www.shutterstock.com/search/nipa-hut

Si Primo at ang Kaniyang Kapatid sa panulat ni Michael C. Delos Santos Ako si Primo at ito ang aming tahanan . Kasama ko rito ang aking mga mga magulang at nakababatang kapatid na si Theo. Abala ang aking mga magulang dahil araw ng Binyag ngayon ni Theo. Doon sa simbahang malapit sa aming bahay gagawin ang seremonya . Matapos iyon , didiretso kami doon sa napiling restaurant para sa salusalo . Ganito ang kadalasang pangyayari ng pagbibinyag sa aming relihiyon .

Kilala – Salita: Basahin at unawain ag teksto Tingnan ang mga salitang nakasalungguhit at kilalanin ito batay sa sa gamit sa teksto. Mga Mungkahing Tanong: a. Nakikilala ba ninyo ang mga salitang nakasalungguhit sa itaas? b. Ano ang pangunahing gamit nito sa teksto? c. Anong uri ng panalita ito nabibilang? d. Naaalala ba ninyo kung anong uri ng panghalip ang mga ito?

2. Paglinang ng Konsepto Usapang Lapit at Layo: Magpapakita ng larawan ang guro na gagamitin sa pagtukoy ng lapit at layo ng isang itinuturong tao, bagay, hayop, lunan, o kaya’y pangyayari. Gabay na Tanong Paano mo itinuturo ang isang bagay, tao, lugar at hayop? a. kung ito’y malapit sa iyo? b. kung malapit sa kausap mo? c. at kung kapwa malayo naman sa inyo ng kausap mo?

Magkasama sina Lito at Rick sa kantina ng paaralan, bago lamang ang bag ni Lito. Gamit ang panghalip pamatlig maaaring ituro ni Lito ang bag kung ito’y malapit sa kaniya, malapit kay Rick o kapuwa malayo sa kanilang dalawa. Tingnan ang tatlo Tunghayan ang dalawang larawan na magbibigay linaw dito. Kinuha mula sa google images: https://www.pngitem.com/middle/ibJJhwb_transparent-backpack-clipart-png- backpack-clipart-png-download/ Halimbawa: Pag-unawa sa Sitwasyon Bilang 1: 1. Ito ang aking bag. 2. Iyan ang aking bag. 3. Iyon ang aking bag

Magkasamang namasayal sa kanilang bayan sina Lea at ang kaniyang pinsang si May na isang balik-bayan. Nakasakay sila sa bisikleta at napadaan sila sa tapat ng paaralan nina Lea. Ano kaya ang angkop na pangungusap na maaaring sabihin ni Lea kung ituturo niya ang kaniyang paaralang pinapasukan sa kaniyang pinsan, kung malapit siya sa paaralan, kung malapit naman si May sa paaralan, o kung kapwa malayo sa kanilang dalawa. Subukang ihanay sa kahon sa ibaba ang iyong tugon. Kinuha mula sa: google images: https://www.redbubble.com/fr/i/magnet/BnW-Paaralan-par- Oletarts/33566345.TBCTK Pag-unawa sa Sitwasyon Bilang 2: 1. Dito ang aming paaralan 2. Diyan ang aming paaralan. 3. Doon ang aming paaralan

3. Pinatnubayang Pagsasanay Ilagay sa angkop na hanay sa loob ng talahanayan ang pangungusap batay sa gamit nito ayon sa lapit ng nagsasalita, lapit ng kausap at layo o lapit kapuwa sa nagsasalita at kausap. Gawing gabay ang mga may salungguhit na panghalip upang matukoy ang lapit at layo ng nagsasalita at nag-uusap. Doon ang aming bahay. Dito kami kumakain araw-araw. Bibili ako ng katulad niyan. Ganito ang gusto kong sapatos Ganoon ang bolang gusto ko.

3. Pinatnubayang Pagsasanay

Gawain Bilang 4: Pinatnubayang Pagsasanay Layunin: Natutukoy ang pangungusap batay sa gamit nito ayon sa lapit ng nagsasalita, lapit ng kausap at layo o lapit kapuwa sa nagsasalita at kausap Kailangang Materyal: lapis Panuto: Pinatnubayang Pagsasanay : Ilagay sa angkop na hanay sa loob ng talahanayan ang pangungusap batay sa gamit nito ayon sa lapit ng nagsasalita, lapit ng kausap at layo o lapit kapuwa sa nagsasalita at kausap. Gawing gabay ang mga may salungguhit na panghalip upang matukoy ang lapit at layo ng nagsasalita at nag-uusap.

Gawain Bilang 4: Pinatnubayang Pagsasanay a. Doon ang aming bahay. b. Dito kami kumakain araw-araw. c. Bibili ako ng katulad niyan. d. Ganito ang gusto kong sapatos e. Ganoon ang bolang gusto ko.

IKAAPAT NA ARAW Kuwarter 2 Aralin 4

4. Paglalapat at Pag-uugnay Magsulat ng isang personal na salaysay hinggil sa karanasan sa pagdalo ng isang okasyon. Tiyakin lamang na ang layon ng isusulat na gawain ay pagsasalaysay ng pangyayari sa iyong buhay. Isulat ang personal na salaysay sa loob ng mga kahon ng diayalogo.

1. Pabaong Pagkatuto Dugtungan: Punan ng angkop na pahayag ang mga salungguhit sa pahayag upang mabuo ang kaisipang hinihingi ng pangungusap. a. Ang Baysanan ay isang katutubong tradisyon doon sa ________. b. Ang Baysanan ay may katumbas na kahulugan na ____________. c. Ang panghalip pamatlig aay maaaring makilala batay sa _________________, at _____________________.

1. Pagsusulit Tukuyin mula sa pangungusap na pinalooban ng mga panghalip pamatlig ang layo – lapit ng nagsasalita at kausap nito. Isulat ang tamang titik sa sagutang papel. 1. Doon ako pupunta sa pamilihang bayan mamayang hapon. a. malapit sa nagsasalita b. malapit sa kausap c. kapuwa malayo sa nagsasalita at kausap 2. Iyan ang aking sombrerong gagamitin papuntang bukid. a. malapit sa nagsasalita b. malapit sa kausap c. kapuwa malayo sa nagsasalita at kausap

3. Ito ang bagong biling bisikleta ni Tony a. malapit sa nagsasalita b. malapit sa kausap c. kapuwa malayo sa nagsasalita at kausap 4. Diyan nakalagay ang susi ng sasakyan ni Kuya Ruben. a. malapit sa nagsasalita b. malapit sa kausap c. kapuwa malayo sa nagsasalita at kausap 5. Dito tayo bibili ng tinapay na babaunin sa pagpunta sa ilog. a. malapit sa nagsasalita b. malapit sa kausap c. kapuwa malayo sa nagsasalita at kausap

2. Gawaing Pantahanan/Takdang-Aralin Ang Aking My Day: Magdala ng larawan na inilagay sa My Day ng Facebook o kaya’y isang paboritong larawan na tinitingnan palagi. Magsulat ng dalawa hanggang apat na pangungusap tungkol sa larawan.

Gawain Bilang 5: Pagsusulit Layunin: a. Natutukoy ang pangungusap batay sa gamit nito ayon sa lapit ng nagsasalita, lapit ng kausap at layo o lapit kapuwa sa nagsasalita at kausap Kailangang Materyal: lapis Panuto: Tukuyin mula sa pangungusap na pinalooban ng mga panghalip pamatlig ang layo –lapit ng nagsasalita at kausap nito. Isulat ang tamang titik sa sagutang papel.

Gawain Bilang 5: Pagsusulit 1. Doon ako pupunta sa pamilihang bayan mamayang hapon. a. malapit sa nagsasalita b. malapit sa kausap c. kapuwa malayo sa nagsasalita at kausap 2. Iyan ang aking sombrerong gagamitin papuntang bukid. a. malapit sa nagsasalita b. malapit sa kausap c. kapuwa malayo sa nagsasalita at kausap 3. Ito ang bagong biling bisikleta ni Tony a. malapit sa nagsasalita b. malapit sa kausap c. kapuwa malayo sa nagsasalita at kausap

Gawain Bilang 5: Pagsusulit 4. Diyan nakalagay ang susi ng sasakyan ni Kuya Ruben. a. malapit sa nagsasalita b. malapit sa kausap c. kapuwa malayo sa nagsasalita at kausap 5. Dito tayo bibili ng tinapay na babaunin sa pagpunta sa ilog. a. malapit sa nagsasalita b. malapit sa kausap c. kapuwa malayo sa nagsasalita at kausap

PORMAL AT DI-PORMAL NA PARAAN NG PAKIKIPAG USAP

Ikalimang Araw PORMAL AT DI-PORMAL /IMORMAL NA PARAAN NG PAKIKIPAG-USAP Sa Pormal na pag-uusap , karaniwang ginagamit ang po at opo bilang tanda ng paggalang , at ang tono ng pananalita ay mas maayos at pormal . Impormal na Paraan ng Pakikipag-usap sa Kaedad o Bata:   Sa Impormal o Di- pormal na pag-uusap , mas malapit at natural ang tono ng salita . Hindi masyadong nagagamit ang mga pormal na salita tulad ng "po" o " opo " dahil kaedad o bata ang kausap .

Role Play: Bawat grupo ay bibigyan ng sitwasyon ( binyagan , kasalan , pakikipag-usap sa guro , pakikipaglaro sa kaibigan ). Gagawa sila ng maikling usapan na may pormal at di- pormal na wika , siguraduhin na may ginamit na panghalip pamatlig .