Filipino 7 Quarter 2 Week 1 - ALAMAT 101

Genelyn6 107 views 79 slides Sep 11, 2025
Slide 1
Slide 1 of 92
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32
Slide 33
33
Slide 34
34
Slide 35
35
Slide 36
36
Slide 37
37
Slide 38
38
Slide 39
39
Slide 40
40
Slide 41
41
Slide 42
42
Slide 43
43
Slide 44
44
Slide 45
45
Slide 46
46
Slide 47
47
Slide 48
48
Slide 49
49
Slide 50
50
Slide 51
51
Slide 52
52
Slide 53
53
Slide 54
54
Slide 55
55
Slide 56
56
Slide 57
57
Slide 58
58
Slide 59
59
Slide 60
60
Slide 61
61
Slide 62
62
Slide 63
63
Slide 64
64
Slide 65
65
Slide 66
66
Slide 67
67
Slide 68
68
Slide 69
69
Slide 70
70
Slide 71
71
Slide 72
72
Slide 73
73
Slide 74
74
Slide 75
75
Slide 76
76
Slide 77
77
Slide 78
78
Slide 79
79
Slide 80
80
Slide 81
81
Slide 82
82
Slide 83
83
Slide 84
84
Slide 85
85
Slide 86
86
Slide 87
87
Slide 88
88
Slide 89
89
Slide 90
90
Slide 91
91
Slide 92
92

About This Presentation

Patungkol sa Alamant noong unang panahon


Slide Content

FILIPINO 7 Ikalawang Markahan WEEK 1

Panitikan sa Panahon ng Katutubo-Tuluyan (Alamat) Kaligirang Pangkasaysayan ng mga Ninunong Austronesian Aralin 1

Maikling Balik-aral

LETRAHAN

Panuto: Sa pamamagitan ng crossword puzzle, punan ang kahon ng mga titik upang mabuo ang mga salitang kaugnay sa aralin.

Crossword Puzzle

1. Ito ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa iba't ibang anyo at estilo. Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay.

2. Ito’y isang masining na paraan ng pagpapahayag ng sariling opinyon at saloobin.

3. Ang mga pahayag na ito ay binubuo ng mga maiiksing pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.

4. Ito ang tawag sa mga uri ng palaisipan na nasa anyong patula. 5. Ito ay isang mahabang tulang pasalaysay ng pakikipag-sapalaran o mga ginawa ng isa o higit pang bayani o maalamat na mga nilalang.

BAHAGI-KAALAMAN

Panuto: Bumuo ng isang pangkat na may apat (4) na miyembro at talakayin ang sumusunod na tanong.

1. Ano-ano ang pangunahing layunin ng mga panitikan sa panahon ng katutubo? 2. Paano pinalaganap ng mga katutubo ang panitikan noon?

LETRAHAN

Panghikayat ng Gawain

KONEK-PAHAYAG

Pag-ugnayin ang mga simbolo para makabuo ng kaisipan.

BUO-PAHAYAG

Batay sa inyong pananaw, kumpletuhin ang mga pahayag. Ang alamat ay isang kuwento tungkol sa ___________________.

Habang ang pabula ay mga akdang_______ na siyang dahilan kung bakit ito kinagi-giliwan ng mga ____.Ang kuwentong posong naman ay ang kuwentong noong sinaunang panahon.

Ang mga akdang ito ay mga panitikan na lumaganap sa ______ bago dumating ang mga Kastila.

Paglinang sa Kahalagahan sa Pagkatuto sa Aralin

TULONG-DUNONG

Panuto: Sa isang malayang talakayan, pagtulungang masagutan ang sumusunod na tanong:

1. Ano-ano ang mga mahahalagang elemento sa akda? 2. Ano ang mga mahalagang pangyayari sa binasang akda?

3. Anong aral o mensaheng nais iparating ng mga akda sa mambabasa? 4. Batay sa binasang akda, anong pangyayari sa kuwento na iyong naranasan sa totoong buhay?

5 . Ano ang silbi ng mga akdang tuluyan sa Panahon ng Katutubo sa buhay ng ating mga ninuno?

Paghawan ng Bokabolaryo sa Nilalaman ng Aralin

UGNAY SALITA

Panuto: Magbigay ng mga salita na maaaring iugnay sa mga salita na nasa gitna ng bilog. Pagkatapos ay gamitin ang mga salitang ibinigay (maaaring dagdagan ngunit hindi puwedeng bawasan) upang bumuo ng depinisyon o kahulugan.

alamat isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig . Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook , at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan .

Elemento ng alamat

Tauhan

Tagpuan

Banghay

Tungga-lian

Uri ng tunggalian

Tao laban sa sarili Ito ay isang uri ng tunggalian na panloob dahil nangyayari ito sa loob ng tauhan . Kalaban ng pangunahing tauhan ang kaniyang sarili . Nakikita o napapansin ito kapag ang pangunahing tauhan ay nahihirapan sa pagdedesisyon , sa tama ba o mali .

Tao laban sa tao Ito ang pinakaunang halimbawa ng panlabas na tunggalian . Sa tunggaliang ito , ang kalaban ng pangunahing tauhan ay isa pang tauhan . Ito ang klasikong bida laban sa kontrabida na eksena .

Tao laban sa kalikasan Sa tunggalian naman na ito , ang pangunahing tauhan ay naapektuhan ng mga pwersa ng kalikasan . Halimbawa , ang biglaang pagputok ng bulkan na maaaring maglagay sa pangunahing tauhan sa panganib .

Alamat

Pagproseso ng Pag-unawa

patnubay na tanong: Basahin ang mga gabay na tanong bago basahin ang akda bilang gabay sa inyong pag-unawa.

1. Anong mga karanasan ang maaaring ibahagi sa binasa, pinakinggan, pinanood? 2. Ano kaya ang silbi ng alamat sa ating mga ninuno? 3. Paano nakatutulong ang iba’t ibang elemento ng alamat sa pag-unawa ng isang akda?

Pinatnubayang Pagsasanay

Gawin ang sumusunod na paraan upang unawain ang tauhan, tagpuan, banghay, at tunggalian ng isang kuwento mula sa Alamat.

PINATNUBAYANG PAGBASA

Sama-samang basahin ang alamat na “ Ang Pinagmulan ng Bohol- Alamat Mula sa Kabisayaan”. Gawing gabay ang mga munting gawain upang lubusan na maunawaan ang tauhan, tagpuan, banghay, at tunggalian ng akda.

A. Punan ang mga patlang na naayon sa Alamat na binasa. Si _________ ay isang __________ na lider at __________na ama. Handang siyang magsakripisyo para sa kaniyang anak.

B. Batay sa nabasa magbigay ng tatlong salita na puwedeng ilarawan sa lugar na Bohol. _________________ _________________ _________________

Pangyayari 1 Pangyayari 2 Pangyayari 3 Pangyayari 4 C. Isulat ang pagkasunod-sunod na pangyayari sa nabasang alamat gamit ang arrow ladder

D. Magbigay ng mga situwasyon mula sa alamat na nabasa na maglalarawan sa sumusunod na tunggalian sa kuwento.

Pagninilay-nilay

Panuto: Pag-usapan ang mga sumusunod na tanong: 1. Ilarawan ang mga tauhan sa kuwento at isa-isahin ang kani- kanilang mga katangian.

2. Alin sa mga tauhan ang iyong hinahangaan dahil sa kaniyang ipinakitang pag-uugali? 3. Sino namang tauhan sa alamat ang hindi mo ninanais na gustong tularan at bakit?

4. Ano-ano ang mga mahahalagang aral ang nais na iparating ng akda sa mga mambabasa? 5. Bakit mahalagang basahin ang mga sinaunang akdang pampanitikan?

Pabaong Pagkatuto

Gawing gabay ang konsepto sa pagtalakay at lubos na pagpapahalaga sa natutuhan sa aralin.

Balikang muli ang binasang alamat upang iugnay ang iba pang konsepto at kaisipan.

5K na Dapat Mabatid Ukol sa Alamat

Mainam na pakatandaan tungkol sa alamat ay ang mga kuwento kung saan mababakas ang ating kasaysayan , mailalahad ang naging katangi -tanging karanasan ng ating mga ninuno , maitatampok ang mga kultura’t paniniwalang taglay nating mga Pilipino na mapagkukuhanan din ng kuwenta o aral na maaaring maging gabay sa ating paglalakbay sa buhay .

Mahalagang magkaroon ng alam sa mga alamat na umusbong at patuloy pang yumayabong upang makilala ang pira-pirasong bahagi ng ating mayamang kultura’t kasaysayan .

BIGAY-KAALAMAN Austronesian Bilang Tagapaglikha ng Panitikan Sa sanaysay ni Dr. Salazar (2004) na “ Kasaysayan ng Kapilipinuhan ,” tinukoy na ang mga Austronesyano , na dumating sa Pilipinas noong panahon ng Neolitiko , ay may malaking papel sa pagbuo ng sinaunang Kabihasnang Pilipino.

Nagdala sila ng mga kagamitan , kaalaman , at kasanayan sa agrikultura , pagpapalayok , at pagpapanday , na nagdulot ng malalaking pag-unlad sa kalinangan .

Ang kanilang pagdating ay nagbigay daan sa paglitaw ng mga metal tulad ng ginto at bakal at sa pagbuo ng mga pakikipag-ugnayan sa mga karatig-lugar tulad ng Tsina at Timog-Silangang Asya.

Ang kanilang pamumuhay , kabilang ang paggamit ng mga pinakinis na kasang-kapang batong at mga bangka mula sa tridacna gigas, ay nakatulong sa pagbuo ng mga sinaunang panitikan .

Paano nga ba naapektuhan ng pamumuhay ng mga Austronesian ang uri ng mga sinaunang panitikang tuluyan ?

Ang mga Austronesian ay kilala bilang mahusay sa paglalayag . Ang pangingisda , na pangunahing hanap- buhay ng mga ninuno gamit ang bangka o tinatawag na wangka ng mga Austronesian, ay madalas na paksa sa mga kwentong bayan, kasama ang agrikultura , tulad ng pagtatanim ng palay, na nag- ugat mula sa kanilang mga kasanayan . masasabing ito ay hango sa mga Austronesyano lalong lalo na ang paggamit ng mga kagamitang pangsaka .

Pagninilay sa Pagkatuto

Gabay na Tanong sa Pagninilay Panuto:Dugtungan ang mga pahayag.

Nalaman kong ___________________. Naranasan kong ___________________.

Naramdaman kong ____________________. At gusto kong gawin ang ____________________.

1.Anong paraan ng pagkukuwento ang pangunahing ginagawa ng ating mga ninuo para ipahayag ang naiisip , nadaraman , at iba pa. pasulat pasalindila pagte -text palarawan

2. Paano madalas isunusulat ang mga kuwentong -bayan? patula Tuluyan palimbag pabaliktad

3. Nakikita o napapansin ito kapag ang pangunahing tauhan ay nahihirapan sa pagdedesisyon , sa tama ba o mali . A. Tao laban sa sarili B. Tao laban sa tao C. Tao laban sa kalikasan D. Tao laban sa lipunan

4. Anong panitikan ang nagbibigay ng kuwento ng pinagmulan ng isang bagay? A. dula B. alamat C. maikling kuwento D. karunungang bayan

5. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa elemento ng alamat ? A. tauhan B. banghay C. saknong D. tunggalian

6. Alin sa sumusunod ang hindi katangian ng isang alamat ? A.pagkakaroon ng isang tauhan B. pagkakaroon ng isang suliranin C. pagkakaroon ng iba’t ibang kabanata D.pagtalakay sa pinagmulan ng isang banghay

7. Isang bahaging ipinapakilala sa bahaging ito ng kuwento ang tagpuan at ang tauhan . A. banghay B. kasukdulan C. simula D. kakalasan

8. Ano ang tawag sa problemang kinakaharap ng pangunahing tauhan ? A. banghay B. tauhan C. tunggalian D. tagpuan

9. Ang mga Austronesyano ay pinaniniwalaang dumating sa panahon ng __________. A. Mesolitiko B. Metal C. Neolitiko D. Paleolitiko

10. Ang ______ ay isa sa patunay na isa ang mga Austronesyano ang nakaimpluwensiya sa panitikang katutubo . A. Pangangaso B. Pangingisda C. Paggawa ng mga kagamitan yari sa metal D. Lahat ng nabanggit

Nagkasakit ang anak ng Datu at nagdulot ito ng bagabag sa Datu. Hindi mapakali kung kaya’t ipinatawag niya agad-agad sa tanod ang manggagamot .

2. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari , bumuka ang lupa at nahulog ang anak ng Datu. Humingi ito ng tulong ngunit huli na ang lahat. Nalaglag ang anak ng Datu sa isang daluyan ng tubig at nagpagulong-gulong dito pababa .

3. Nagkaroon ng pagtatalo ang mabuting anak at ang masamang anak at dahil dito naglakbay ang masamang anak sa kanluran at dito siya namatay .

4. Nagpatuloy ang mabuting anak sa pagpapaganda sa Bohol at inayos ang lahat ng ginawa ng masamang anak .

5. Ipinag-utos ng manggagamot na dalhin ang anak ng Datu sa malaking puno ng Balite at ipinahukay ang mga lupang nakapaligid sa ugat nito . Agad na sinunod ito ng mga kalalakihan tanda ng kanilang pagmamahal sa kanilang Datu.

5. Ipinag-utos ng manggagamot na dalhin ang anak ng Datu sa malaking puno ng Balite at ipinahukay ang mga lupang nakapaligid sa ugat nito . Agad na sinunod ito ng mga kalalakihan tanda ng kanilang pagmamahal sa kanilang Datu.

5K na Dapat Mabatid Ukol sa Alamat
Tags