Ang Panitikang Pilipino sa Panahon ng Espanyol at Hapones
ANYO NG PANITIKAN SA PILIPINAS SA TATLONG PANAHON Katutubong Panitikan Panahon ng mga Espanyol Panahon ng mga Hapones
Anyo ng Panitikan sa Panahon ng mga Katutubo EPIKO – isang uri ng panitikan na tumatalakay sa kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway ALAMAT – isang uri ng panitikan na nagpapaliwanag tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig .
Anyo ng Panitikan sa Panahon ng mga Katutubo AWITING BAYAN – naglalaman ng pangaral at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapaliwanag sa mga kabataan KUWENTONG BAYAN – isang maikling sanaysay na nagpalipat-lipat sa salinlahi sa pamamagitan ng mga bibig .
Mga Tanyag na Aklat sa Panahon ng Espanyol Doctrina Christiana – kauna-unahang aklat na nailimbag sa Pilipinas noong 1593. Nuestra Señora Del Rosario – ikalawang aklat na nailimbag sa Pilipinas noong 1602.
Arte Y Reglas de la Lengua Tagala – inilimbag ni Tomas Pinpin noong 1610. Pasyon – aklat na nauukol sa buhay at pagppapakasakit ni Kristo . Urbana at Felisa – isinulat ni Modesto Castro at nailathala noong 1855.
Panahon ng Hapones Ang mga paksa ng mga akdang pampanitikan nang panahong ito ay may kinalaman sa pag-ibig sa bayan , relasyon ng magulang sa anak , at kagandahan ng buhay sa lalawiagan TULA: HAIKU
MGA KARUNUNGANG BAYAN
Karunungang Bayan
Bugtong - ito ay pangungusap o tanong na pinahuhulaan sa pamamagitan ng paglalarawan . Ito ay binibigkas nang patula at may lima hanggang labindalawang pantig Halimbawa : Nagtago si Pedro, Nakalabas ang ulo Sagot : Pako b. Kung kalian ko pinatay , ‘ saka humaba ang buhay Sagot : kandila
SALAWIKAIN - ito ay isang patalinghagang pahayag na ginagamit upang mangaral at akayin ang kabataan sa mabuting asal . Ito ay patulang binibigkas na may sukat at tugma na nagsisilbing batas ng magandang kaugalian at pagkilos noong panahon ng mga ninuno . Halimbawa : a. Ang lumakad nang matulin , kung matinik ay malalim . b. Pag may sinuksok , may madudukot
SAWIKAIN - ito ay nasa patalinghaga o hindi tuwiran ang pagbibigay ng kahulugan . MGA HALIMBAWA: di- makabsag pinggan – mahinhin mahapdi ang bituka – gutom ilista sa tubig - kalimutan
PANUNUDYO - ito ay patulang binibigkas sa panunukso o pagpuna sa isang gawi o kilos ng tao MGA HALIMBAWA: a. Bata batuta Sumuot sa lungga Kinain ng daga b. Tiririt ng maya , tiririt ng ibon , Ibig mag- asawa Walang ipalamon
PALAISIPAN - ito ay nasa anyong tuluyan . ito ay gumigising sa isipan ng tao upang bumuo ng isang kalutasan sa isang suliranin .
Pang- uri - ito ay bahagi ng pananalita na naglalarawan sa pangngalan at panghalip .
TATLONG KAANTASAN NG PANG-URI
LANTAY - ito ay nagsasad ng sariling katangian ng pangngalan o panghalip na tinuturingan ; karaniwan lamang ang paglalarawan . Mga Halimbawa : a. Mahusay ang pagkakabuo ng kanilang gawain . b. Pinuntahan naming ang tanyag na Aliwagwag Falls sa Davao Oriental
PAHAMBING - ito ay nagsasaad ng pagtutulad ng dalawang tao o bagay . Dalawang Uri ng Pahambing A. Magkatulad - kung ang katangian na pinaghahambing ay pareho o magkapantay . Mga Halimbawa : a. Simbango ng sampaguita ang bagong labang damit ni Jenny. b. Magkasintayog ang mga gusali sa Davao.
B. Di- Magkatulad - kung ang mga katangian na pinaghahambing ay di magkapantay . Mga Halimbawa : a. Di- hamak na malawak ang aming lupain kaysa sa inyo . b. Higit na malamig sa Baguio kaysa sa Tagaytay .
PASUKDOL - ito ay nagsasaad ng katangian ng pangngalan o panghalip na nangingibabaw o namumukod-tangi . Mga Halimbawa : a. Pinakamagiliw sa buong klase ang matalik kong kaibigang si Aileen. b. Hindi ko kailanman makalilimutan ang pinakamabait kong guro na si Bb. Cruz.