Ang tula ay isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay, hinango sa guniguni, pinararating sa ating damdamin at ipinahahayag sa pananalitang may angking aliw- iw.
Ito ay naiiba sa ibang sangay ng panitikan sapagkat ito ay nangangailangan ng masusing pagpili ng mga salita, bilang ng mga pantig at paggamit ng magkatugmang salita upang madama ang isang damdamin o kaisipang nais ipahayag ng isang manunulat
MGA ELEMENTO NG TULA
1. SUKAT ito ang bilang ng pantig sa bawat taludtod. Ang karaniwang bilang ng pantig ng taludtod ng tulang may sukat ay wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing- animin, at lalabingwaluhin.
Tanggapin mo, anak, itong munting guryon na yari sa patpat at papel de Hapon; magandang laruang pula, puti, asul, na may pangalan mong sa gitna naroon. Ang Guryon
Ang tulang may sukat na lalabindalawahin ay binabasa nang may sandaling pagtigil o sesura pagkatapos ng unang anim na pantig sa bawat taludtod. Ang hindi magmahal sa sariling wika, Mahigit sa hayop at malansang isda, marapat lamang na pagyamaning kusa na tulad sa inang tunay na nagpala
2. TUGMA ang pagkakatulad ng mga tunog ng huling pantig sa bawat taludtod ng tula.
2. TUGMA Sa tugmang ganap - magkakatulad ang sukat o bilang ng mga pantig sa bawat taludtod gayundin ang tunog ng mga huling pantig sa bawat taludtod. Kabalintunaan ang buahy sa mundo; Paruparo’y halos mamatay sa bango; Ngunit sa libingan, sa tuntungang bato, Namumulakalak pa ang kawawang damo. Sa tumang di-ganap o karaniwan –nagtatapos ang mga taludtod sa magkakahawig na tunog ngunit nagkakaiba ang tuldik ng mga huling pantig. Kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid Ito’y kapalaran at tunay na langit.
3. SAKNONG isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya (taludtod).
Huling Silahis ni: Avon Adarna 1 Inaabangan ko doon sa Kanluran, Ang huling silahis ng katag- arawan, Iginuguhit ko ang iyong pangalan, Sa pinong buhangin ng dalampasigan. 2 Aking dinarama sa hanging habagat, Mga alaala ng halik mo’t yakap, Sa bahaw na simoy ng pagkakasangkap, Ay nagdaang samyo ng iyong paglingap.
4. SIMBOLISMO ito ang paglalahad ng mga bagay, damdamin, at kaisipan sa pamamagitan ng mga sagisag.
4. SIMBOLISMO kahulugan ang bawat kulay: puti - tumutukoy sa kalinisan o kawagasan asul – kapayapaan pula - kumakatawan sa katapangan, minsan kaguluhan.
5. TALINGHAGA (TAYUTAY) tumutukoy sa paggamit sa tula ng matatalinghagang salita at mga tayutay. Ito ay sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang gawing mabisa, matalinghaga, makulay at kaakit- akit ang pagpapahayag.
5. TALINGHAGA (TAYUTAY) a. Pagtutulad (Simile)- Ito ay isang payak at lantad na paghahambing at karaniwang ginagamitan ng mga salita’t pariralang: katulad ng, tulad ng, parang, anaki’y, kawangis ng, gaya ng, kasing- ,sing- , ga- , atbp.
5. TALINGHAGA (TAYUTAY) a. Pagtutulad (Simile)- Ang tao ay kawangis ng Diyos. Ang buwaya ay kasinglakas ng leon.
5. TALINGHAGA (TAYUTAY) b.Pagwawangis (Metaphor)- Ito ay isang tuwirang paghahambing na di gumagamit ng mga salitang katulad ng at iba pa, ngunit nagpapahayag ng hambingan sa pamamagitan ng paglalapat ng pangalan, tawag, katangian, o gawain ng isang bagay na inihahambing.
5. TALINGHAGA (TAYUTAY) b.Pagwawangis (Metaphor)- Matigas na bakal ang kamao ng boksingero. Ang mga magsasaka ay kalabaw kung magtrabaho.
5. TALINGHAGA (TAYUTAY) c. Pagtatao (Personification) - Ito ay tinatawag ding pagbibigay katauhan at personipikasyon. Pahayag ito na ang mga katangian, gawi at talinong sadyang angkin lamang ng tao ay isinasalin sa mga karaniwang bagay. Nagagawa ang pagsasalin sa paggamit ng pandiwa o pangngalan.
5. TALINGHAGA (TAYUTAY) c. Pagtatao (Personification) Sumasayaw ang mga dahon sa pag- ihip ng hangin. Umaawit ang mga ibon sa may puno.
5. TALINGHAGA (TAYUTAY) d. Pagmamalabis (Eksaherasyon) (Hyperbole) - Ito ay isang pagpapahayag na lampas sa mahinahong larawan ng katotohanan sa hangaring magbigay- diin sa katotohanang pinagmamalabisan.
5. TALINGHAGA (TAYUTAY) d. Pagmamalabis (Eksaherasyon) (Hyperbole) Umulan ng pera sa pagtama ko sa lotto. Namuti ang mata ko sa kahihintay sayo!
5. TALINGHAGA (TAYUTAY) e. Panghihimig o Onomatopeya - Ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan.
5. TALINGHAGA (TAYUTAY) e. Panghihimig o Onomatopeya Malakas na beep beep ang aming narinig.
5. TALINGHAGA (TAYUTAY) f. Panawagan (Apostrophe) - Ginagawa rito ang pakikipag- usap sa karaniwang bagay na para bang nakikipag- usap sa isang buhay na tao o isang taong parang naroon at kaharap gayong wala naman.
5. TALINGHAGA (TAYUTAY) f. Panawagan (Apostrophe) – Diyos Ama, ituro nyo po sa amin ang tamang daan. Panibugho layuan mo ako, Pag- asa, tulungan mo ako
5. TALINGHAGA (TAYUTAY) g. Pag- uyam (Irony/Sarcasm) - Mga pananalitang nangungutya sa tao o bagay sa pamamagitan ng mga salitang kapag kukunin sa tiyakan ay tila kapuri- puring mga pananalita ngunit sa tunay na kahulugan ay may bahid na pang- uyam.
6. LARAWANG- DIWA (Imagery) - tumutukoy sa mga salitang kapag binabanggit sa tula ay nag- iiwan ng tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa.
6. LARAWANG- DIWA (Imagery) Halimbawa: Marahan- marahang lalakad Manaog ka, Irog, at kata’y Maglulunoy katang Payapang- payapa sa tabi ng dagat ( Ildefonso Santos, Sa Tabi ng Dagat)