Modyul sa Senior High School - Filipino
Piling Larang (Akademik)
Ikalawang Markahan: Unang Linggo
4
• Pamagat ng Pulong (Heading)- Ito ay naglalaman ng pangalan at logo ng
kompanya, samahan, organisasyon o kagawaran. Sa bahaging ito rin nakasulat
ang kung tungkol saan ang laman ng pulong.
• Paggaganapan ng Pulong (Meeting Location/ Date)- isinasaad dito kung kailan ito
magaganap at saan magaganap ang pulong.
• Talaan ng mga kasapi (Attendance of the members)- Makikita sa bahaging ito kung
sinosino ang mga dumalo at hindi dumalong kasapi ng samahan o ins titusyon. Ito
din ang nagbibigay hudyat kung dapat nang simulan ang pagtitipon kapag
nakamit ang kalahati o higit sa kalahating bilang ( quorum) ng mga kasapi.
Nakasulat rin sa bahaging ito ang pangalan ng panauhin at tagapagpadaloy o
tagapamuno ng gaganaping pulong.
• Oras ng Pulong (Meeting Time)- Itinatala sa bahaging ito ang oras na nakasulat sa
adyenda, ang aktwal na oras na ito ay nasimulan at kung sino ang naat asan na
magtala ng pag-uusapan. Sa ibabang bahagi nito makikita ang maikling
palatuntunan gaya ng panalangin, pambungad na pananalita bago simulan ang
pormal na usapin.
• Panukalang Adyenda (Agenda)- Talaan ng mga paksang lalamanin ng pulong.
• Pagbasa ng nilalaman at napagkasunduan ng nakaraang pulong (Review of the
previous meeting)- Inihahanda ito upang muling balikan ang napag-usapan at mga
nagpakasunduan (action taken) nagdaaang pulong, at ipabatid ang maaaring
kaugnayan nito sa kasalukuyang paksa.
• Talakayan ng bagong Adyenda (New Agenda)- Sa bahaging ito iisa-isahin ang
pagtalakay sa mga paksa. Matutukoy sa katitikan ang mga taong magsasalita
patungkol sa paksa na maaaring suhestiyon, rekomendasyon, at iba pa. Dito rin
itatala ang pagpapatibay ng mga nai-mungkahing usapin sa oras ng talakayan.
• Karagdagang Paksa ng Pulong (Other Agenda)- Mga paksang matatalakay sa
pagtitipon na wala sa minungkahing adyenda.
• Patalastas (Announcement)- Sa bahaging ito sasabihin ang ilang pabatid para sa
samahan o organisasyon at maaari rin magmungkahi sa bahaging ito adyenda
para sa susunod na pulong.
• Pagwawakas ng Pulong (Adjourment)- Inilalagay sa bahaging ito kung anong oras
natapos ang pulong.
• Pagpapatibay ng katitikan (Minutes Prepared by and Approved by)- Sa bahaging
ito lalagda ang naghanda ng katitikan. Matapos niya itong ihanda ay babasahin at
lalagdaan din ito ng taong nasa katungkulan na siyang magbibigay ng aprubal sa
nilalaman ng katitikan.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Katitikan ng Pulong
A. Bago Magsimula ang Pulong
1. Kung ikaw ay naatasan na magtala ng katitikan at hindi mo alam ang
detalye ng mga paksa o adyenda, maaari kang magsagawa ng paunang
pananaliksik ukol sa mga ito.
2. Bago dumalo sa pulong tiyakin na naihanda ang balangkas o pagsusulatan
ng katitikan (template) ng sa gayon ay maiwasan ang pagkalito sa oras ng
pulong. Kabilang din dito ang papel kung saan magtatala ng mga pangalan
at lagda ng mga dumalo na ipapaikot habang nagaganap ang pulong.
3. Ihanda ang mga kagamitan na kakailangan in sa pagtatala gaya ng higit sa
isang bilang ng bolpen, karagdagang papel na susulatan, o maaari namang
gadgets tulad ng audio recorder, cellphone, laptop, tablet at iba pa.
4. Tiyakin na dumating ng mas maaga sa oras nakalaan sa pulong upang
magkaroon ng pansariling paghahanda gaya ng pag-aayos ng sarili,
paghahanda sariling tubig na inumin, at kung ano pa na sa tingin mo ay
makakatulong sa iyo sa oras na iyon.
B. Habang Nagpupulong
1. Maging sensitibo at alerto sa pag-unawa ng mga impormasyon tulad ng
bahaging nagsasaad ng diskusyon, talakayan, at mga mosyon ng mga
kasapi sa pulong.
Downloaded by Clyde Crystal Jade Eramis (
[email protected])
lOMoARcPSD|44716378