Paaralan
Isabela State University Cauayan -
Campus
Baitang/Antas 6
Pangalan ng
guro
Capulong, Shaina Kim N.
Lungan, Evajoice A.
Sinense, Krystal Joy M.
Tanguilan, Chrysthyl
Asignatura Filipino
Petsa/OrasMarch 25, 2025 2:30-4:00 Markahan 2
I. LAYUNIN
A. Pamantayan ng nilalaman Ang mga mag-aaral ay inaasahang magiging bihasa sa pagtukoy at paggamit ng aspekto at
pokus ng pandiwa sa kanilang pakikipag-usap sa iba't ibang sitwasyon. Matutukoy nila kung
anong aspekto at pokus ng pandiwa ang ginagamit batay sa konteksto ng pangungusap.
B. Pamantayan sa pagganap Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang magagamit ng mga mag-aaral ang kanilang kaalaman sa
aspekto at pokus ng pandiwa nang wasto sa kanilang araw-araw na pakikipag-usap at
pagpapahayag ng mga ideya, nararamdaman, at opinyon. Magiging handa silang makipag-usap
nang tama at epektibo sa iba't ibang sitwasyon.
C. Pinakamahalagang kakayahan sa
pag-aaral
Nagagamit nang wasto ang aspekto at pokus ng pandiwa (aktor,layon, ganapan, tagatanggap,
gamit, sanhi, direksiyon) sa pakikipag-usap sa ibat ibang sitwasyon
(F6L-IIf-j-5)
C. Layunin Pag tapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a.nakakakilala ng mga salitang kilos/pandiwa sa ibat-ibang sitwasyon;
b.nakatutukoy ng aspekto at pokus ng pandiwa; at
c.nakagagamit nang wastong aspekto at pokus ng pandiwa (actor, layon, ganapan,
tagatanggap, gamit, sanhi, direksiyon) sa pakikipag-usap sa ibat-ibang sitwasyon.
II. NILALAMAN Aspekto at Pokus ng Pandiwa
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian (References) Most Essential Learning Competencies (MELC) F6L-llf-j-5
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro
(Teacher’s Guide Page/s)
pahina 8-10. Grade 6 Filipino Ikalawang Markahan Modyul: Aspekto at Pokus ng Pandiwa
2.Mga Pahina sa Kagamitang Pang-
Magaaral (Larner’s Materials page/s)
pahina 11. Grade 6 Filipino Ikalawang Markahan Modyul: Aspekto at Pokus ng Pandiwa
3. Mga Pahina sa Textbook (Textbook
page/s)
pahina 12-13. Grade 6 Filipino Ikalawang Markahan Modyul: Aspekto at Pokus ng Pandiwa
4. Kagamitang Panturo (Learning
Resources)
PowerPoint Presentation, Worksheet, Pen and Paper
5. Subject Integration Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan: Pinag-aaralan ang aspekto ng
pandiwa upang malaman kung kailan nangyari ang isang aksyon. Sa pamamagitan ng
roleplay, maipapakita ng mga mag-aaral kung paano nagbabago ang mga aspekto sa
aktwal na sitwasyon.
Araling Panlipunan: Sinusuri ang aspekto ng pandiwa upang matukoy kung ang
aksyon ay tapos na, kasalukuyan, o mangyayari pa lamang. Ang pag-aanalisa sa mga
aspekto ng pandiwa ay makakatulong sa pag-unawa ng pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa kasaysayan.
B. Iba pang kagamitang Panturo
(Additional Materials from Learning
Resources)
Interactive activities
C. Value/s Pagpapalawak ng kaalaman: Tumutulong sa mas malalim na pagkaunawa ng
gramatika ng Filipino.
Pagpapabuti ng kasanayan: Nakakatulong sa pagsasalita at pagsusulat ng tama.
Pagpapalawak ng kasanayan sa pagbibigay-kahulugan: Nagbibigay ng tamang
konteksto sa pangungusap.
Pagpapahusay sa komunikasyon: Ginagawang mas malinaw at epektibo ang
pagpapahayag.
IV. PAMAMARAAN GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL