FILIPINO Grade Five Quarter One Week Seven.pptx

ANITAMANISCAN3 9 views 79 slides Oct 18, 2025
Slide 1
Slide 1 of 79
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32
Slide 33
33
Slide 34
34
Slide 35
35
Slide 36
36
Slide 37
37
Slide 38
38
Slide 39
39
Slide 40
40
Slide 41
41
Slide 42
42
Slide 43
43
Slide 44
44
Slide 45
45
Slide 46
46
Slide 47
47
Slide 48
48
Slide 49
49
Slide 50
50
Slide 51
51
Slide 52
52
Slide 53
53
Slide 54
54
Slide 55
55
Slide 56
56
Slide 57
57
Slide 58
58
Slide 59
59
Slide 60
60
Slide 61
61
Slide 62
62
Slide 63
63
Slide 64
64
Slide 65
65
Slide 66
66
Slide 67
67
Slide 68
68
Slide 69
69
Slide 70
70
Slide 71
71
Slide 72
72
Slide 73
73
Slide 74
74
Slide 75
75
Slide 76
76
Slide 77
77
Slide 78
78
Slide 79
79

About This Presentation

Filipino Grade 5 lesson


Slide Content

MATATAG NA BATA, LAGING HANDA

MAHALAGANG KAISIPAN “Mag- impok habang bata pa nang may madukot kapag nangailangan na. ” 2

UNANG ARAW JAY CRIS S. MIGUEL

PAGHANDAAN NATIN 4

Isang karaniwang araw lamang sa buhay ni Isko ang umagang iyon . Hindi niya alintana ang kapahamakang naghihintay sa kaniya nang maganap ang sunog sa kanilang barangay. 5

Maagang umalis ng bahay ang ina ni Isko ng umagang iyon patungo sa trabaho . Ang kaniyang ama naman ay hindi pa nakakauwi galing sa trabaho bilang isang guwardiya . Naghahanda naman siya sa pagpasok sa paaralan . Bilin ng ina ni Isko na hintayin nito ang tiyahin na darating upang alagaan ang kaniyang nakababatang kapatid . 6

ALING AYET: Isko , anak , hintayin mo ang Tiya Oreng mo bago ka umalis ng bahay ha? ISKO: Opo , ihahanda ko lang po ang aking mga gamit . 7

ALING AYET: Tumawag na ang Tiya mo , malapit na raw siya . Mauuna na ako at baka mahuli ako sa aking trabaho . ISKO: Opo inay , ingat po kayo. 8

Maya- maya pa ay dumating na ang Tiya Oreng ni Isko . Nagpaalam na si Isko sa kaniya na siya’y papasok na sa paaralan . 9

ISKO: Mano po . Tiya , aalis na po ako . Kailangan ko na pong magmadali . Baka po mahuli na ako sa pagpasok sa paaralan . TIYA ORENG: Sige , Isko , mag- iingat ka . 10

Hindi pa nakalalayo si Isko nang may marinig itong isang malakas na pagsabog . Napatigil ang lahat , biglang may malalakas na sigaw . “ Sunog ! Sunog !” At kasunod ang mabilis na pagkalat ng apoy malapit sa lugar ng bahay nina Isko . 11

Agad na tumakbo si Isko patungo sa kanilang tahanan , baon ang tapang at tibay ng loob , at pagnanais na mailigtas ang nakababatang kapatid at kaniyang Tiya . Sumugod at pumasok si Isko sa kanilang tahanang noon ay unti-unti nang nilalamon ng apoy at maitim na usok . 12

Sa awa at gabay ng mahabaging Panginoon , nailigtas ni Isko ang Tiya at kapatid . Nagtamo lamang sila ng maliliit na paso sa kanilang katawan . 13

Sapagkat si Isko , sa murang edad ay isang batang matatag ang loob , hindi siya kinakitaan ng pagkalungkot at panghihina sa kabila ng trahedyang naganap . Sa abot ng kaniyang makakaya , tumulong siya upang makabangon mula sa trahedya ang kaniyang pamilya . 14

PAG-UNAWA SA BINASA 15

Sino ang bida sa iyong binasang teksto ? Anong ugali mayroon ang bidang bata ? 16

3. Ano ang naganap ng umagang iyon ? 4. Sino- sino ang iniligtas ng bata ? 17

5. Paano nakaahon sina Isko at kaniyang pamilya sa naturang trahedya ? 18

6. Paano ka magiging “ Isko ” sa iyong tahanan ? Paaralan ? Pamayanan ? 19

7. Kung ikaw ay isa sa mga nakaranas ng trahedyang binanggit sa kuwento , paano mo ipararating sa kinauukulan ang iyong mga hinaing o pangangailangan ? 20

8. Ano ang pinatunayan ni Isko sa kaniyang ginawa ? Ipaliwanag . 21

9. Ano ang dapat tandaan sa pagsasabi ng hinaing ? 22

10. Ano-anong mga aral ang maaari nating makuha at magamit sa ating buhay mula sa kuwento ? 23

PAG-USAPAN NATIN 24

Punan ng nawawalang salita o mga salita ang bawat patlang upang mabuo ang diwa ng bawat pangungusap . Isulat ang mga tamang sagot sa iyong kuwaderno . 25

26 sumugod nilalamon ng apoy awa at gabay mahabaging di- inaasahang trahedya

1. Maraming nasawi dahil sa _________________________. 27

2. Lahat ay umaasa ng kaligtasan sa ______________ Maykapal . 28

3. _________ ang taong bayan sa pinakamalapit na simbahan upang maligtas ang kanilang buhay . 29

4. Bawat isa ay naniniwala na malalampasan nila ang pagsubok sa _______ ng Poong Maykapal . 30

5. Kitang-kita ng lahat na ________ ang kanilang kabahayan at ang pagkawala ng kanilang kabuhayan . 31

DAGDAG KAALAMAN! Kilala niyo ba si Vicente “ Enteng ” Tagle ? 32

Batang Bayani ng Payatas ni Marilyn A. Parra 33

Lupang pangako , tambakan ng basura . Dito umusbong ang kabayanihan ng isang batang nagligtas ng buhay ng kanyang kapatid at kaibigan . 34

Sampung taon pa lamang siya noon– lumaki sa hirap at trabaho . Sa munting kaisipan , ay maagang natutunan ni Vicente “ Enteng ” Tagle ang pagmamahal at malasakit sa pamilya at kapwa-tao . 35

Hulyo 10, 2000 nang maganap ang trahedya sa Payatas , Quezon City kung saan 12,000 mahihirap na pamilya ang nagdusa sa biglang pagbagsak ng animo’y bundok ng basura doon . 36

Dahil wala ng iba pang matitirahan , tiniis nila , araw at gabi , ang baho , dumi , putik at kabulukan sa paligid . 37

Hindi nila akalain na isang araw , ang basurang tahimik na nakatambak ay mag- aanimo halimaw na gagambala sa kanilang pamumuhay . Sa isang iglap , gumuho kumitil ng 217 katao at daan-daang pamilya ang nawalan ng tahanan . 38

Kaagad inalala ni Enteng ang kaligtasan ng bunsong kapatid . Sa gitna ng pagkakagulo at natatabunang bahay , agad niyang pinuntahan ang kwarto ng noon ay isang taong gulang pa lamang na kapatid . 39

Ang tanging nasa isip niya ay kaligtasan ng kapatid sa gitna ng nabubuwal na kanilang bahay-silungan . Inakap niya ang sanggol sa gitna ng nakabibinging pagbagsak ng mga basura . 40

“ Nagdilim ang paligid at halos wala na akong makita ,” kuwento ni Enteng . Natakot siya at kinabahan subalit pinilit magpakatatag . 41

“ Nakita kong may pinagmumulan ng liwanag sa isang butas ng sira-sirang kahoy at kalawingang yero . Sinikap ko pong makalabas doon kahit na magkasugat-sugat ako ,” naluluhang paggunita ng bata . 42

Pagkalabas na pagkalabas ng noon ay tuluyan nang gumuhong bahay , narinig ni Enteng ang pag-iyak ng walong taong gulang na si Kikay – ang kalaro niyang kapit-bahay . 43

“ Tumakbo po ako sa pinanggagalingan ng iyak at pinilit kong tulungan si Kikay pero , hindi ko po siya makaya dahil nadaganan na siya ng mga basura .” 44

Dahil mabilis na mag- isip , humingi si Enteng ng tulong sa mga kalalakihang nakita niya . Dahil dito , nailigtas ang batang babae . 45

Dahil sa pagliligtas ng dalawang buhay , nagsilbing inspirasyon ang batang si Enteng sa nakararami . 46

Mahirap man siya ay maaga niyang nabatid ang pagmamalasakit sa kapwa at pagtulong – mga bagay na itinuro sa kanya ng kanyang mga magulang . 47

Pagkatapos ng trahedya , lumipat ang pamilyang Tagle sa Kasiglahan Village sa Montalban , Rizal. Dito ay pinilit nilang magsimulang muli . 48

Ang gustong iparating ni Enteng sa mga kapwa bata : “ Maging magalang tayo dapat sa ating mga magulang . Sikapin nating magpakabuti at maging matulungin sa lahat . Kahit mahirap man tayo , mangarap tayo ng isang magandang bukas .” 49

Isa si Enteng sa itinampok sa Reader’s Digest Everyday Heroes at kinilala siya bilang “The Little Rescuer.” Siya ang unang Pilipinong napasama sa Everyday Heroes. 50

Si Enteng ay isa lamang patunay sa katotohanang hindi hadlang ang kahirapan sa kabutihan . Iyan ang batang Pilipino– hinahangaan , may kagitingan , may paninindigan . 51

GAWAIN SAGUTIN ANG MGA SUMUSUNOD NA KATANUNGAN. ISULAT ANG IYONG MGA SAGOT SA IYONG KUWADERNO. 52

1. Sino ang batang bida sa kuwento? 2. Ano ang naganap sa lugar ng tirahan ng batang nasa kuwento? 53

3. Ano-anong mga katangian ang ipinakita ng bata sa kuwento? 4. Ano ang nagawa ng bata sa kuwento para hirangin siya bilang batang bayani ng Payatas? 54

5. Sino-sino ang nailigtas ng bata mula sa trahedyang naganap? 6. Ano ang napatunayan ng bata sa kuwento sa kanyang ipinakitang gawain? 55

7. Anong pagkilala ang kaniyang natanggap sa kaniyang nagawang kabutihan at pagmamalasakit sa kapwa? 56

8. Kung ikaw ang batang nasa kuwento, ano ang iyong gagawin? Pangatwiranan. 57

IKALAWANG ARAW JAY CRIS S. MIGUEL

PANGHALIP PANANONG 59

MAHALAGANG KATANUNGAN Kailan ginagamit ang Panghalip Pananong ? 60

Ang panghalip pananong ay ginagamit sa pagtatanong tungkol sa tao , hayop , bagay , lugar , gawain , katangian , pangyayari , at iba pa. Ginagamitan ito ng tandang pananong (?) sa hulihan ng pangungusap . 61

62 Mga Panghalip Pananong Tanong tungkol sa : Sino tao Kanino tao Ano hayop , bagay , katangian , pangyayari Kailan panahon Saan lugar o pook

63 Bakit dahilan ng pangyayari Paano paraan ng paggawa Ilan bilang o dami ng nais malaman Alin pagpipilian Gaano sukat o bigat Magkano halaga

Mga Halimbawa : Sino ang maaaring tumulong sa mga nasalanta ng bagyo ? Kailan isasagawa ang pagpupulong sa paaralan ? Magkano ang bili mo sa aklat na iyan ? 64

Mga Halimbawa : Alin sa mga prutas na ito – mangga , atis , abokado , ang pinakagusto mo ? Paano ba ang paggawa ng origami? 65

Kailan naman ginagamit ang mga panghalip pananong na “ sino-sino ”, “ saan-saan ”, “ kani-kanino ”, “ ano-ano ”? 66

GAWAIN TUKUYIN ANG PANGHALIP PANANONG SA BAWAT PANGUNGUSAP. 67 Kaninong anak si Isko ? Saan kaya ang tirahan nila ?

GAWAIN TUKUYIN ANG PANGHALIP PANANONG SA BAWAT PANGUNGUSAP. 68 3. Paano iniligtas ni Isko ang kaniyang kapatid at tiya ?

GAWAIN TUKUYIN ANG PANGHALIP PANANONG SA BAWAT PANGUNGUSAP. 69 4. Bakit nagkaroon ng sunog ? 5. Ilan ang nailigtas ni Isko ?

Piliin ang angkop na panghalip pananong sa sumusunod na pangungusap . Isulat ang tamang sagot sa iyong kuwaderno . 70

1. (Sino, Saan , Ano ) ang paborito mong pagkain ? 2. (Sino, Saan , Ano ) kayo nagsimba ng iyong pamilya ? 71

3. (Sino, Saan , Ano ) ang kaibigan ng iyong kapatid na kaibigan mo rin ? 4. ( Alin , Kailan , Ilan ) ang pangkat na magtatanghal bukas ? 72

5. ( Alin , Kailan , Ilan ) sa mga ito ang napili mong isuot ? 6. ( Ilan , Gaano , Magkano ) ang baon mo sa isang araw ? 73

7. ( Saan-saan , Sino- sino , Ano-ano ) ang mga kasama mong pumunta sa Baguio noong nakaraang Linggo ? 74

8. ( Saan-saan , Sino- sino , Ano-ano ) ang mga paborito mong palabas sa telebisyon ? 75

9. ( Ilan , Gaano , Magkano ) ang eksaktong bilang ng mga panauhing dumalo sa pagdiriwang ? 76

10. ( Ilan , Gaano , Magkano ) kahaba ang nahuling sawa sa ilog ? 77

TAKDANG-ARALIN Panuto : Punan ng wastong panghalip pananong ang patlang . 1. ___________ ang librong kailangan nating bilhin ? 2. ___________ ang nagsulat ng tulang ito ? 3. ___________ ang mga nagwalis sa ating kalsada ? 4. ___________ ang kotse ninyo ? 5. ___________ ang mga sinabi ni Nanay sa iyo? 78

Credits Presentation template mula sa SlidesCarnival Marilyn A. Parra sa kanyang akdang Batang Bayani ng Payatas www.r exinteractive.com para sa karagdagang activity sheets 79
Tags