FILIPINO Power Point Presentation 2ND Q.pptx

KeiSoberano 8 views 24 slides Sep 12, 2025
Slide 1
Slide 1 of 24
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24

About This Presentation

Filipino 2 ppt


Slide Content

FIL WEEK 5 Pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari Mga salitang naglalarawan

1. Ano ang ginagawa ng manok sa unang larawan ? 2. Ano ang laman ng baul sa ikalawang larawan ?

Nang Maging Sultan si Pilandok Kilala si Pilandok sa pagiging matalino at wais . Kilala rin siya sa bilis niya sa pagtakbo . Lahat ng paligsahan sa takbuhan ay kaniyang napanalunan . Isang araw , nagkaroon ng kaguluhan sa kanilang lugar na kung tawagin ay barangay Maparaan . ng isa niyang kabaranggay .

“ Aba’y bakit naman?” Naguguluhang tanong ng isa. “ Kailangan nating makatakas sa ating napakalupit na sultan.” Tugon nito . “Ang lahat ng makita niya’y pinarurusahan kahit walang kasalanan. Hindi ka puwedeng magreklamo o magtanong man lang.” Naiiyak na pagpapatuloy nito. “Walang gustong kumalaban sa kaniya dahil tiyak na mabigat ang ipapataw niyang parusa sa sinumang magtangkang iwasto ang mga mali niyang gawa.” Napaisip si Pilandok sa narinig . Ayaw niya na may naaapi at inaapi .

“ Pilandok , tulungan mo kami! Marami na sa aming kamaganak ang ibinilanggo at ayaw palayain dahil lamang sa kagustuhan ng sultan. Tulungan mo kami, Pilandok ! Tulungan mo kami!” Ang umiiyak na sabi nito . Dahil sa habag, nangako si Pilandok na tutulungan niya ang mga ito. Hindi siya papayag na may inaapi at may nang-aapi . Lihim na kinausap ni Pilandok ang isa sa mga kaibigang may kamag-anak na alipin ng sultan. Ipinakalat niya ang balitang siya ay may alagang manok na nangingitlog ng ginto .

Mabilis na nakarating ang balita sa sultan. Dali-dali nitong ipinahanap si Pilandok upang makausap. Kailangang maging kaniya ang manok na nangingitlog ng ginto. Malaki ang maidaragdag niyon sa yaman niya. Siya dapat ang magmay-ari niyon dahil siya ang sultan! “ Ibigay mo sa akin ang alaga mong manok na nangingitlog ng ginto .” Matigas na utos nito nang makaharap si Pilandok . Ngumiti si Pilandok . “ Ibibigay ko ang alaga kong manok na nangingitlog ng ginto sa isang kondisyon .” “ Ano’ng kondisyon ?” tanong ng sultan.

Kapag nanalo kayo sa pabilisan sa pagtakbo , sa inyo ang alaga kong manok na nangingitlog ng ginto . At kung ako naman ang manalo, ako ang papalit sa inyong puwesto. Ako na ang magiging bagong sultan.” Seryosong sabi nito. Dahil sa pagiging gahaman, mabilis na sumagot ang sultan. “Sa takbuhan lamang ba? Hindi mob a nakikita ang tikas ng aking pangangatawan? Tiyak akong wala kang ibubuga sa akin. Titiyakin kong ako ang mananalo sa labang ito .” Nakangising sagot ng sultan. Inihanda ang paligsahan

Dala ni Pilandok ang alaga niyang manok na nangingitlog ng ginto sa kaniyang pagtakbo . At dahil wala pang tumalo kay Pilandok sa bilis sa pagtakbo , naiwan niyang humihingal at pagod na pagod ang sultan. Narating ni Pilandok ang takdang lugar ng pagtatapos ng paligsahan. Siya ang nagwagi! Natalo niya ang sultan! “Mabuhay si Pilandok!!” Sigaw ang mga tao sa pagwawagi ni Pilandok. “Mabuhay ang ating bagong sultan!” “Palayain ang mga bilanggo!” Ang kauna-unahang utos ni Pilandok bilang sultan. Lalong naghiyawan at nagpalakpakan ang mga tao sa kagalakan .

Umpisa pa lamang iyan ng pagbabago sa ating lugar ! Ipinangangako kong magiging mabuti akong Sultan. At kung sakaling nagmamalabis ako sa kapangyarihan o maghangad ng yaman, paalalahan ninyo ako dahil ang nais ko’ y kaayusan at isang pamayanang ang mga tao’y may pagkakasunduan. Muling nagpalakpakan ang mga tao at naghiyawan ng: “Mabuhay! Mabuhay ang ating bagong sultan!”

1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento ? 2. Saan siya mahusay ? 3. Saan naganap ang kuwento ? 4. Ano ang suliranin sa kuwento ? 5. Ilang ulit nabanggit ang sumusunod na salita sa kuwento : a. nangingitlog - _____ b. naghiyawan - ______ c. nagpalakpakan - ____ d. yaman - ________

Pagkuha ng Hinuha

Pagbibigay ng tunog ng manok kung ang pahayag ay may kinalaman sa manok . 1. nangingitlog 2. mahaba ang tuka 3. may pakpak 4. lumalangoy 5. nagbibigay ng gatas

1 . Malaki ang pabuya na makukuha ng mananalo sa paligsahan . 2. Ang bawat suliranin ay may solusyon . 3. Nagdamdam ang nanay sa hindi pagsunod ng anak . 4. Ang mga suspek sa krimen ay inaresto ng mga pulis . 5. Siya ay nabigla sa nangyari sa kaniyang kaibigan .

Ang isang salita ayMaaaring Magkaroon ng higit sa isang kahulugan . Ang pagbibigay ng hinuha ay pagbibigay ng maaaring mangyari sa nabasa o napakinggang teksto .

Madali kang nakapagbigay ng sariling hula o hinuha kapag nauunawaan mo ang isnag sitwasyon o kuwento na iyong nabasa o narinig . Sa pagpapahayag ng hinuha ginagamit ang mga panandang baka , siguro , marahil at tila .

Basahin at unawain ang susunod na sitwasyon . Hulaan ang susunod na maaaring mangyari . Tag- ulan na naman. Ito ang hinihintay ng mga magsasaka . Dahil makapagtatanim na sila . Nakahanda na ang kanilang mga punla , at maitatanim na nila ang mga ito kung patuloy ang pag-ulan . Ano kaya ang itatanim nila at hinihintay nila ang tag- ulan ? Siguro ay _________________

Ibigay ang hinuha sa bawat sitwasyon . 1. Umiinom si Hannah ng bigla siyang matapunan nito . Nabasa tuloy ang kanyang damit . Baka ______________________ 2. Nag- aral ng leksyon si Luis kagabi . Kinabukasan nagkaroon sila ng pagsusulit . Marahil __________________ 3 Umakyat sa hagdanan si Lito ng walang paalam at siya ang nagtatakbo pataas-pababa.May biglang narinig na kumalabog ang kanyang titser . Siguro

Q1 WEEK 8

Ang paksa ay ang pangunahing ideya o tema ng isang teksto. Ito ang sentro ng talakayan na naglalarawan kung ano ang tatalakayin sa buong nilalaman.   Halimbawa, sa isang kwento, maaaring ito ay tungkol sa pagkakaibigan, pamilya, o mga hamon sa buhay.   Ang pangunahing kaisipan ay ang diwa o mensahe na nais iparating ng may-akda. Ito ang kaisipan na nagbibigay-linaw sa paksa at nagsisilbing batayan ng buong talata.   Sa isang halimbawa, kung ang paksa ay "pagsunod sa mga magulang," ang pangunahing kaisipan ay maaaring "mahalaga ang paggalang at pagsunod sa mga magulang para sa magandang relasyon." Ang sumusuportang detalye ay tinatawag ding pantulong na kaisipan. Tumutukoy ito sa mga mahahalagang kaisipan na may kaugnayan sa pangunahing paksa. Sa tulong ng mga sumusuportang kaisipan ay mas nagkakaroon ng linaw at unawa ang mambabasa sa diwang nais iparating ng talata.  

Si Bantay ay ang alaga naming aso. Matalino siya sapagkat nakasusunod siya sa mga sinasabi ko tulad ng pag-upo, pagtayo, paggapang, pag-ikot at marami pang iba. Mahal na mahal namin siya. Paksa: Si Bantay Pangunahing Kaisipan: Si Bantay ay matalinong aso. Sumusuportang detalye: pagiging matalino ni Bantay, pagsunod ni Bantay, pagmamahal kay Bantay

  Ang gubat ay tahanan ng maraming uri ng hayop. Dito makikita ang mga ibon na masayang umaawit sa mga sanga ng puno. May mga unggoy na naglalaro at umaakyat sa mga puno. Ang mga tigre naman ay nagtatago sa mga damo habang naghahanap ng pagkain. Mahalaga ang gubat dahil nagbibigay ito ng tahanan at pagkain sa mga hayop.   1. Ano ang paksa ng tekstong impormatibo? A.mga hayop sa guba B. mga halaman sa gubat C. mga tao sa gubat D.mga ibon sa gubat  

2. Alin sa mga sumusunod ang sumusuportang detalye ? a. Ang gubat ay mayaman sa mga mineral. b. Ang mga unggoy ay naglalaro at umaakyat sa mga puno c. Ang mga tao ay nagtatanim ng mga puno sa gubat d. Ang gubat ay may iba't ibang klima .   Ano ang pangunahing kaisipan ng tekstong impormatibo? A.Ang gubat ay isang masayang lugar para sa mga tao. B.Ang gubat ay nagbibigay ng tahanan at pagkain sa mga hayop. C.Ang gubat ay may maraming uri ng halaman at bulaklak. Ang gubat ay dapat protektahan mula sa mga tao
Tags