LINGGO 7 UANANG ARAW - Nauunawaan ang pinakinggan o binasang tekstong impormatibo ( balita , ulat-panahon / pangyayaring pangkalikasan , grap at mapa na ginagamit sa bansa ) KWARTER 2
Panimulang Gawain
Panuto : Piliin ang tamang pang- ukol na gagamitin sa bawat tambalang pangungusap . 1. Naglalakad siya _______ umaawit . ( sa , habang , kaya) 2. Kumain na siya _______ natulog . (at, saka , bago )
3 . Mag- aaral ako _______ makakuha ng mataas na marka . (para, upang , dahil ) 4. Umuulan _______ malamig ang panahon . (kaya, dahil , kung) 5. Pupunta kami sa parke _______ maglaro . (para, upang , dahil )
6 . Naglinis siya ng bahay _______ pagod na pagod na siya . ( kahit , bagaman , dahil ) 7. Mag- eehersisyo ako _______ maging malusog . (para, upang , dahil )
Pagganyak
ILARAWAN. Panuto . Suriin ang mga larawan . Ilarawan ito sa pamamagitan ng buong pangungusap . Itanong : 1. Ano-anong pangyayaring pangkalikasan ang ipinakita ng larawan ? 2. Alin sa mga ito ang iyong nasaksihan o naranasan ? Ibahagi sa klase . 3. Sa iyong palagay , paano maiiwasan ang ganitong pangyayari ?
Paglalahad ng Layunin
Dapat Tama! Panuto : Iguhit ang kung ang kilos ay wasto , at kung hindi . ___ Nagtapon siya ng basura sa tamang basurahan , at nagwalis sa bakuran . ___ Pumutol siya ng puno sa kagubatan , ngunit wala siyang pahintulot na gawin ito .
___ Nagsunog siya ng plastik sa bakuran , kaya nagkaroon ng masamang amoy sa paligid . ___ Nagtipid siya ng tubig habang naliligo , at isinara niya agad ang gripo pagkatapos . ___ Nagrecycle si Ana ng mga boteng plastic, at lumikha ng paso mula rito .
Mga Susing -Salita
MakaHulugan ! Panuto : Basahin ang mga susing salita na hinalaw sa teksto . Isulat sa patlang ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit . Tuluyan nang sumabog kahapon ang Bulkang Kanlaon sa Negros Island. ( pumutok , sumiklab )
2 . Pinayuhan na rin ng ahensiya ang mga lokal na pamahalaan na ilikas ang kanilang mga residente . ( ialis , manatili ) 3. Itinaas na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ( Phivolcs ) sa Alert Level 3 mula sa Alert Level 2 ang babala sa paligid ng bulkan dahil sa posibilidad ng mga pagsabog pa sa susunod na mga oras o araw . ( puna , paalala )
Talakayan
Sabihin : Basahin nang dugtungan ang teksto . Bulkang Kanlaon sumabog !
Tuluyan nang sumabog kahapon ang Bulkang Kanlaon sa Negros Island matapos ang ilang buwan na pag-aalboroto at pagpapakita ng mga senyales ng pagsambulat anumang oras .
Dahil dito , itinaas na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ( Phivolcs ) sa Alert Level 3 mula sa Alert Level 2 ang babala sa paligid ng bulkan dahil sa posibilidad ng mga pagsabog pa sa susunod na mga oras o araw .
Ayon kay Phivolcs Director Teresito Bacolcol , alas-3:03 nang hapon nang sumabog ang bulkan at bumuga ng 3,000 metro taas ng usok na may kasamang abo at pagyanig ng anim na beses . Naglabas din ito aniya ng 4,638 tonelada ng asupre o sulfur dioxide noong Linggo . Bunsod nito , pinalawak na sa anim na kilometro mula sa apat na kilometro ang pinaiiral na permanent danger zone sa lugar .
Pinayuhan na rin ng ahensiya ang mga lokal na pamahalaan na ilikas ang kanilang mga residente na sa loob ng 6-kilometer radius ng bulkan . Samantala , nagpatupad na ng puwersahang paglilikas ang pamahalaang lokal ng Canlaon City sa mga residente nila na nakatira malapit sa paanan ng bulkan .
Ayon kay Mayor Butchok Cardenas, sakop ng inilabas niyang forced evacuation ang mga nakatira sa Barangay Pula, Masulog , Malaiba at Lumapao . Pinaalalahanan din ng Department of Health (DOH) ang mga residente rito na magsuot ng face mask para sa kanilang kalusugan . (Dolly Cabreza )
Itanong : 1. Sino ang naglalahad sa teksto ? 2. Kailan sumabog ang Bulkang Kanlaon ? 3. Ano ang alert level na itinaas ng Phivolcs para sa Bulkang Kanlaon ? 4. Gaano kataas ang inabot ng usok at abo na ibinuga ng bulkan ?
5. Anong mga barangay sa Canlaon City ang isinailalim sa puwersahang paglilikas ? 6. Ano ang paalala ng Department of Health (DOH) sa mga residente ?
Pagpapaunlad ng Kaalaman at Kasanayan sa Mahahalagang Ideya
Pagpapalalim ng Kaalaman at Kasanayan Tandaan ! Ang tambalang pangungusap ay binubuo ng dalawang payak na pangungusap o sugnay na nakapag-iisa na pinag uugnay ng pangatnig tulad ng at, pati , saka , o, ni , maging , habang , pero , ngunit , subalit , datapwat at iba pa.
Pagpapalalim ng Kaalaman at Kasanayan Tandaan ! Ang tambalang pangungusap ay dalawang pangungusap na may kani kaniyang simuno at panaguri na pinagsama sa iisang pangungusap .
Halimbawa : Nagluto si Nanay ng adobo, at naghain naman si Ate ng kanin . Payak na Pangungusap 1 ( sugnay na nakapag-iisa ): Nagluto si Nanay ng adobo . Payak na Pangungusap 2 ( sugnay na nakapag-iisa ): Naghain naman si Ate ng kanin . Pangatnig : at
Paglinang
Pagpapalalim ng Kaalaman at Kasanayan Pangkatang Gawain Hatiin ang klase sa tatlong grupo . Bawat pangkat ay pipili ng kahon na naglalaman ng larawan na sumasalamin sa pangyayaring pangkalikasan ( lindol , baha , sunog sa kagubatan ). Sa loob ng 5 minuto , magsaliksik ng mga impormasyon
Pagpapalalim ng Kaalaman at Kasanayan ukol dito at bumuo ng isang maikling tekstong impormatibo na ginamitan ng tambalang pangungusap . Ilahad ito sa klase sa malikhaing paraan at may katatasan .
Pagpapalalim ng Kaalaman at Kasanayan Pamantayan : Nilalaman at Kaangkupan- 10 puntos • Angkop ang nilalaman sa itinakdang paksa . Malinaw at detalyadong nailahad ang presentasyon . Lahat ng impormasyon ay tumpak at akma sa layunin ng gawain . Orihinalidad at Pagkamalikhain - 10 puntos • Orihinal at natatangi . Gumamit ng malikhaing pamamaraan upang maitanghal ang gawain . Organisasyon - 10 puntos • Maayos ang daloy ng presentasyon . Ang bawat miyembro ay may kontribusyon .
Paglalahat
Alam ko Na! Panuto . Punan ang talahanayan . Nalaman ko na … ________________________________ Magagamit ko ito sa …_____________________________
Pagtataya
Panuto : Bumuo ng maikling talata gamit ang tambalang pangungusap na naglalarawan sa iyong karanasan na may kaugnayan sa pangyayaring pangkapaligiran . Isulat ito sa isang malinis na papel .
Pamantayan sa Pagmamarka :
Karagdagang Gawain
Magsaliksik ng tekstong impormatibo ukol sa pangyayaring pangkapaligiran . Salungguhitan ang mga tambalang pangungusap at kulayan ang mga salitang high frequency na matatagpuan dito . Idikit ito sa iyong kuwaderno .