1. Ano ang pangunahing layunin ng talata? A. Magpakita ng larawan B. Maglahad ng magkakaugnay na ideya C. Gumawa ng maikling kwento D. Magbigay ng tanong at sagot
2. Ano ang kaibahan ng talata sa sanaysay? A. Mas mahaba ang talata kaysa sa sanaysay B. Mas maraming ideya ang talata kaysa sanaysay C. Ang talata ay bahagi ng sanaysay D. Ang sanaysay ay bahagi ng talata
3. Ano ang pangunahing layunin ng talata ? A. Magpakita ng larawan B. Maglahad ng magkakaugnay na ideya C. Gumawa ng maikling kwentoD. Magbigay ng tanong at sagot
4. Alin sa mga sumusunod ang karaniwang bahagi ng talata? A. Simula, katawan, wakas B. Panimula, tauhan, tagpuan C. Gitna, dulo, pamagat D. Tanong at sagot
5. Ano ang tawag sa pinagsama-samang magkakaugnay na pangungusap na naglalahad ng isang ideya? A. kwento B. Talata C. Balita D. Editoryal
6. Ano ang tawag sa anyo ng panitikan na naglalahad ng kaisipan, damdamin, o saloobin ng may-akda? A. balita B. Sanaysay C. Nobela D. isyu
7. Ang sanaysay na pormal ay karaniwang tumatalakay sa— A. Pang-araw-araw na karanasan B. Mabibigat at seryosong paksa C. Nakakatawang karanasan D. Mga awit at tula
8. Ano ang tawag sa unang bahagi ng isang sanaysay na nagsisilbing panimula at paksang tatalakayin? A. Wakas B. Gitna C. Simula D. Talata
9. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa bahagi ng sanaysay? A. Simula B. Katawan C. Wakas D. Kabanata
10. Ano ang bahagi ng talata na nagsasara at nagbubuod sa lahat ng ideya? A. Panimulang pangungusap B. Pantulong na pangungusap C. Pangwakas na pangungusap D. Lihim na pangungusap
Lantay, Pahambing, Pasukdol 11. Mas magaan ang pakiramdam ni nanay Esing sa probinsiya .
Lantay, Pahambing, Pasukdol 12. Napakasarap ng amoy mula sa kusina ni Pepita.
Lantay, Pahambing, Pasukdol 13. Si Ana ay maganda sa kanyang kasuotan.
Lantay, Pahambing, Pasukdol 14. Ang bundok Apo ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas.
Lantay, Pahambing, Pasukdol 15. Si John ay mas mabilis tumakbo kaysa kay Mark.
Payak, Maylapi, Inuulit, Tambalan 16. Ang bahay ni Lito ay nasa tabi ng ilog.
Payak, Maylapi, Inuulit, Tambalan 17. Si Aling Rosa ay isang magsasaka sa kanilang baryo.
Payak, Maylapi, Inuulit, Tambalan 18. Ang araw-araw na pag-aaral ay nakatutulong sa tagumpay.
Payak, Maylapi, Inuulit, Tambalan 19. Ang bahay-kubo ay simbolo ng pamumuhay sa kanayunan.
Payak, Maylapi, Inuulit, Tambalan 20. Ang punongkahoy ay nagbibigay ng lilim sa daan.