TAMA o MALI . Isulat ang TAMA sa patlang kung ang pahayag ay wasto at isulat ang MALI kung ang pahayag ay di- wasto . ___________1. Ang Gawain sa pagsulat ay kapwa pisikal at mental. ___________2. Inaasahang masusunod ng isang manunulat ang maraming tuntunin , bilang isang makrong kasanayang pangwika , kaya naman ang pagsulat ay komprehensibo . ___________3. Ang Akademikong Pagsulat ay isinusulat ng kahit sino lamang . ___________4. Ang Eksplikasyon ay maituturing na isang halimbawa ng Akademikong Pagsulat sapagkat ito ay nagbibigay ng impormasyon .
___________5. Ang mahusay na manunulat ng akademikong teksto ay may mapanuring pag-iisip . ___________6. Hindi isinasaalang-alang sa Akademikong Sulatin ang paglalahad ng argumento ___________7. Sa pamamagitan ng pagsulat , maaaring masanay ang iyong kakayahang mag- organisa ng mga kaisipan at maisulat ito sa pamamagitan ng subhetibong paraan . ___________8. Mambabasa ang tagatanggap ng mga impormasyong isinulat ng isang manunulat . ___________9. Kapwa empirikal at paktuwal na Gawain ang pagsulat . ___________10. Higit na mataas ang antas ng Akademikong Sulatin sa iba pang mga akdang pampanitikan .
MGA LAYUNIN: Nabibigyang-kahulugan ang akademikong sulatin . Natutukoy ang mga Layunin at gamit , katangian at anyo ng akademikong sulatin Nasusuri ang Bionote ni Bienvenido Lumbera
AKADEMIKONG SULATIN - A y isang makabuluhang pagsasalaysay na sumasailalim sa kultura, karanasan, reaksyon at opinyon batay sa manunulat.
MGA AKADEMIKONG SULATIN
Basahin at unawain ang isang halimbawa ng bionote at sagutin ang mga sumusunod na tanong . Bionote ni Bienvenido Lumbera Isinulat ni Rommel Rodriguez Kilalang manunulat at iskolar ng kultura at panitikan , si Bienvenido Lumbera ay ipinanganak noong Abril 11, 1932 sa Lipa , Batangas . Nag- aral siya sa Unibersidad de Santo Tomas noong 1950 at sa Indiana University noong 1967. Naging propesor din siya sa Osaka University at University of Hawaii sa Manoa , gayun din sa iba’t ibang unibersidad sa bansa . Hindi matatawaran ang kontribusyon ni Bien sa larangan ng sining at panitikan . Nakapaglimbag na siya ng mga panandang-bato na antolohiya , nakapagsulat ng iba’t ibang dula tulad ng Tales of the Manuvu , Nasa Puso ang Amerika, at Hibik at Himagsik nina Victoria Laktaw .
Pinarangalan siya bilang Pambansang Alagad ng Sining at nagkamit na rin ng gawad mula sa Ramon Magsaysay Awards para sa Pamamahayag . Sa kabila ng buhay sa sining , hindi nakaligtaan ni Bien ang halaga at ugnayan ng pagiging iskolar , guro at artista sa lipunan at bayan . Kinilala ang kanyang ambag sa larangan ng pagtatayo ng mga organisasyong nagtataguyod ng pambansang demokrasya , bukod sa pagiging Professor Emeritus sa UP Diliman , siya rin ang Chairman Emeritus ng Concerend Artists of the Philippines at Congress of Teachers/Educators for Natinalism and Democracy. Siya rin ang naging tagapanguna sa pagkakatatag ng Alliance of Concerned Teachers, Philippines na nangangalaga ng mga guro sa Pilipinas . Maraming beses na rin nakasama si Bien sa mga pambansang pagkilos-protesta .
Patuloy siyang nakikibahagi sa pagsulong ng makatuwirang sahod at Karapatan ng mga manggagawa . Inilapat niya sa kanyang mga akda ang buhay at himagsik ng mga magsasaka . Naging lunan ng kanyang mga karanasan noong batas militar ang mga obrang tula at awitin . Sa lahat ng ito , isang dakilang patunay si Bien na ang sining ay marapat lamang magsilbi sa mga uring inaapi at pinagsasamantalahan , habang ito rin ay mabisang paraan upang himukin ang mamamayan na makiisa tungo sa paglaya ng bayan . Halaw mula sa UPLikhaan.com060420190121333212345
Sino si Bienvenido Lumbera ? (2 puntos ) Ano-ano ang kanyang mga akdang dula na nakapagbigay ng malaking ambag niya sa sining at panitikan ? (3 puntos ) Sa iyong palagay , sapat ba ang mga impormasyong nakahalad sa kanyang bionote upang maipakilala ang kanyang kahusayan bilang manunulat at iskolar ? Ipaliwanag . (2 puntos ) Bukod sa ginagamit ang bionote sa magtatanghal o sinomang panauhin sa isang kaganapan , saan pa ito madalas makita ? (1 puntos ) 5. Paano naiiba ang bionote sa talambuhay ? (2 puntos )