Pagkuha ng Dating Kaalaman Sagutin nang tama ang bawat tanong . 1.Ano-ano ang mga salitang naglalarawan 2.Ano ang pang- uri ? 3.Ano ang pang- abay ?
4.Ano-anong pang- abay ang alam niyo na ? 5.Magbigay ng isang uri ng pang- abay at sabihin ang gamit nito .
Ibalita sa klase ang tungkol sa isang bagong silang na sanggol a niniwan sa CR ng isang gasolinahan sa Quezon City noong Pebrero 9, 2024 at ang inang umabandona sa kaniya ay pinaghahanap na ng mga pulis . Ang buong balita ay mababasa sa theAsianparent sa link na https://ph.theasianparent.com/sanggol-iniwan-sa-cr.
karapatang ipinagkait sa sanggol na dapat ay ibinigay ng kanyang ina . Sabihing babasahin nila ang isang tula tugkol sa karapatan ng mga bata.
Itanong : Bakit mahalagang malaman at maunawaan mo ang iyong mga karapatan bilang isang bata?
1. Pagproseso ng Pag- unawa ( Pagbasa sa Isang Tulang Pambata ) Pinagpalang Bata Isinulat ni Lilybeth C. Agno
I.Taong 2006 noong una kong makita ang liwanag Sa Lungsod ng Laoag ako’y ipinanganak Pilipino ang aking ipinagmamalaking nasyonalidad Lareina Jessica Agno ang sa aki’y itinawag
II. Ako ay nagkaisip at lumaking maligaya Laging nasa puso ng pamilyang mapag-aruga Sadyang inaalagaan ng aking anghel na ama At tunay na ginagabayan ng ilaw kong ina
III. Sa Barangay Visaya kami nakatira Isang lugar na talagang tahimik at payapa Ang hangin ay haplos at tunay na sariwa Ang tanawin ay paraiso , totoong maganda
IV. Doon sa amin, ako ay talagang nalilibang Kami ay naglalaro ng aking mga kaibigan Nagbibisekleta kami sa mga lansangan Naliligo sa ilog , kasama ang mga pinsan
V.O anong saya ang aking nadarama Sa piling ng pamilya at mahal na bansa Pinahahalagahan ang mga tulad kong bata Mga karapatan ko ay aking natatamasa
Ituro ang tula alinsunod sa Appreciation Method. 1.Bigkasin nang mahusay at madamdamin ang tula habang binabasa ito nang tahimik ng mga mag- aaral . 2.Ipabasa sa mga mag- aaral ang kabuuan ng tula .
3.Talakayin ang nilalaman ng tula . a.Ano ang layunin ng tula ? b.Sino ang nagsasalita ? Ano ang kanyang kuwento ? c.Anong saknong ang maaaring simula , katawan at wakas ng kanyang kuwento ? Basahin ang/ang mga saknong na
kinaroroonan ng simula , katawan at wakas ng tulang nagsasalaysay . d. Bakit masaya ang bata? e. Ano- anong karapatan ng bata ang tinutukoy sa mga saknong I-IV?
Iugnay ang akda sa tunay na buhay ( sariling karanasan o obserbasyon ng mga bata) a.Magkuwento tungkol sa isang batang hindi nagkakaroon ng pagkakataong makapaglaro dahil sa mga gawaing-bahay . Kunin ang reaksiyon ng mga mag- aaral .
b.Ipakuwento ang ginagawa ng mga bata upang makapaglibang . c.Ipasalaysay sa mga mag- aaral ang mga ginagawa ng kanilang mga magulang bilang pag-aalaga sa kanila .
d.Ipalarawan ang lugar na tinitirhan ng mga bata. Maaari silang papiliin ng nagugustuhan nilang tanawin doon.
Talakayin ang porma ng tula a.Ilang saknong mayroon ito ? b.Ilang taludtod ang makikita sa bawat saknong ? c.May tugmaan ba ang mga taludtod ? Magbigay ng halimbawa
d.Pag-usapan ang mga simbolong ginamit sa tula . Itanong sa mga mag- aaral kung paano ginamit sa tula ang mga salitang may kahulugang konotasyon katulad ng puso, anghel , ilaw , haplos , at paraiso .
e.Itanong : Bakit hindi angkop sa tula ang literal na kahulugan ng mga salita ?
Saan ka ipinanganak at lumaki ? Ano ang iyong mga masayang alaala sa inyong lugar ? Paano mo naipapakita ang pagmamalasakit sa iyong pamilya o komunidad ?
Ano ang ipinagmamalaki mo sa iyong sarili ?
Ano ang pangunahing layunin ng tekstong binasa ? Paano natin masasabi na ito ay isang tekstong naratibo ? Paano natin makikilala ang nagsasalaysay sa isang akda ?
Bakit mahalaga na naiuugnay natin ang binabasa sa ating sariling karanasan ?
Tukuyin kung tama ang pahayag . Isulat ang tamang titik ng sagot . 1.Ang tekstong binasa ay isang halimbawa ng sanaysay . A. Tama B. Mali 2.Ang nagsasalaysay sa akda ay isang batang babae . A. Tama B. Mali
3.Ang teksto ay may layuning magpayo . A. Tama B. Mali 4.Maaaring sabihin na masaya ang nagsasalaysay sa kanyang buhay . A. Tama B. Mali 5. Ang tulang binasa ay maaaring iugnay sa sariling karanasan . A. Tama B. Mali
FILIPINO 5 Tekstong Naratibo : Ang Batang May Pangarap ” ( maikling kuwentong naratibo ) QUARTER 1 WEEK 3 DAY 2
Pagkuha ng Dating Kaalaman Ano ang tekstong naratibo ? Anong layunin nito ? Ano ang simula , gitna , at wakas ng isang kuwento ?
Magpakita ng larawan ng isang batang nangangarap ( hal . bata na gustong maging guro o doktor ).
May pangarap ka ba ? Paano mo matutupad ito ?
Ngayong araw , tutukuyin natin ang mahahalagang bahagi ng isang kuwento at iuugnay ito sa ating sariling karanasan . Ang Batang May Pangarap ( Orihinal na akda para sa layunin ng pagtuturo )
Sa isang liblib na baryo sa lalawigan ng Isabela, may isang batang babae na ang pangalan ay Liza. Siya ay lumaki sa isang pamilyang salat sa yaman ngunit punô ng pagmamahalan . Bata pa lamang si Liza ay likas na siyang masipag , matanong , at masigasig sa pag-aaral .
Simula: Araw- araw , kahit na umaambon o tirik ang araw , ay naglalakad si Liza ng dalawang kilometro upang makarating sa paaralan . Bitbit niya ang kanyang lumang bag at mumurahing lapis, ngunit sa kanyang puso ay may dala siyang
isang malaking pangarap —ang maging isang guro . Sa tuwing nakikita niya ang kanyang mga guro na nagtuturo sa harap ng klase , nararamdaman niyang ito ang gusto niyang tahaking landas balang-araw .
Gitna : Dumaan sa maraming pagsubok si Liza. Minsan ay kinailangang tumigil siya sa pag-aaral upang tumulong sa pag-aani ng palay ng kanyang ama. Ngunit hindi siya sumuko . Sa tuwing gabi ay nag- aaral siya sa ilalim ng ilaw ng lampara. Tuwing
bakasyon ay nagbebenta siya ng gulay sa palengke para makatulong sa pamilya at makabili ng gamit sa paaralan . Dahil sa kanyang pagsisikap , palagi siyang nasa listahan ng mga nangungunang mag- aaral .
Wakas: Sa tulong ng isang scholarship mula sa lokal na pamahalaan , natapos ni Liza ang kursong Edukasyon . Ilang taon ang lumipas , si Liza na ngayon ay si Gng . Liza, ay isa nang guro sa paaralang kanyang pinagmulan . Nakatayo siya sa harap ng kanyang
klase , hawak ang chalk at nakasuot ng ID. Tinupad niya ang pangarap niyang magturo — hindi lamang upang matuto ang iba , kundi upang magsilbing inspirasyon sa bawat batang nangangarap .
Simula: ➤ Sino ang pangunahing tauhan ? ➤ Saan naganap ang kuwento ? ➤ Ano ang layunin o pangarap ng tauhan ?
Gitna : ➤ Anong mga suliranin o pagsubok ang hinarap ni Liza? ➤ Paano niya ito nalampasan ? ➤ Ano ang naging epekto ng kanyang pagsisikap ?
Wakas: ➤ Ano ang naging wakas ng kuwento ? ➤ Natupad ba ang pangarap ni Liza? ➤ Ano ang ipinapahiwatig ng wakas sa mga batang may pangarap ?
Ano ang pangyayari sa simula ng kuwento na nagpapakita ng pangarap ni Liza? Ano ang suliraning hinarap niya sa gitna ng kuwento ?
Paano niya nalampasan ang mga hamon ? Ano ang wakas ng kuwento at ano ang aral na makukuha rito ?
Ano ang mensahe ng kuwento para sa mga batang tulad mo ? Sa anong paraan mo maipapakita sa iyong pamilya at guro na nagsusumikap ka para sa iyong pangarap ?
Kung ikaw si Liza, gagawin mo rin ba ang kanyang mga sakripisyo ? Bakit?
May bahagi ba ng kuwento na katulad ng iyong karanasan? Alin ito? Paano mo pinangangalagaan at itinutuloy ang sarili mong pangarap?
Isulat ang titik ng tamang sagot . 1.Ano ang pangunahing pangarap ni Liza? A. Maging artista B. Maging guro C. Maging doktor D. Maging inhinyero
2. Bakit siya pansamantalang tumigil sa pag-aaral ? A. Nais niyang magbakasyon B. Naligaw siya papunta sa paaralan C. Tumulong siya sa pagsasaka ng pamilya D. Ayaw niya nang mag- aral
3. Ano ang ginawa ni Liza upang ipagpatuloy ang pag-aaral ? A. Tumakas sa bahay B. Nagtrabaho at nag- aral sa gabi C. Nagreklamo sa guro D. Wala siyang ginawa
4. Ano ang naging bunga ng pagsisikap ni Liza? A. Nawalan siya ng pag-asa B. Naging pulitiko siya C. Naging guro siya D. Lumipat siya sa ibang bansa
5. Ano ang aral ng kuwento ? A. Ang kayamanan ay mahalaga B. Mas masarap ang buhay ng may pera C. Ang pangarap ay natutupad sa sipag at tiyaga D. Mahirap tuparin ang pangarap
FILIPINO 5 Tayutay: (Metapora o Pagwawangis) QUARTER 1 WEEK 4 DAY 3
Pagkuha ng Dating Kaalaman Ipaalala ang kahulugan ng salita batay sa diksyunaryo ( denotasyon ). Ipakita ang isang larawan ng puso. Itanong : “Ano ang ibig sabihin ng salitang puso?”
➤ Posibleng sagot : Denotasyon : Bahagi ng katawan na nagpapadaloy ng dugo Konotasyon : Simbolo ng damdamin , pagmamahal , tapang
Ngayon, ating matutuklasan ang mas malalim na kahulugan ng mga salita batay sa konteksto at tayutay.”
Pagpapakilala ng Denotasyon at Konotasyon Denotasyon – literal na kahulugan ng salita Konotasyon – masining o malalim na kahulugan , maaaring positibo o negatibo
Panandang Konteksto Mga salitang nagbibigay-linaw sa kahulugan ng salita : ➤ tulad ng, gaya ng, katulad ng, sa kabilang banda , ngunit , dahil sa , atbp .
Tayutay – Pagwawangis ( Metapora ) Tuwirang paghahambing na hindi gumagamit ng " tulad ng", "parang", o " gaya ng". Halimbawa : Ang puso niya’y bato . Siya ay bituin sa dilim ng gabi.
Ano ang Tayutay ? Ang tayutay ay isang masining na paraan ng pagpapahayag na gumagamit ng mga malikhain , madamdamin , at matatalinghagang salita . Ito ay karaniwang ginagamit sa tula ,
sanaysay , kuwento , at iba pang anyo ng panitikan upang pukawin ang damdamin at imahinasyon ng mambabasa o tagapakinig .
Ano ang Pagwawangis / Metapora ? Ang pagwawangis o metapora ay isang uri ng tayutay na tuwirang paghahambing ng dalawang magkaibang bagay o kaisipan nang hindi gumagamit ng mga
salitang : “ tulad ng”, “parang”, “ gaya ng” at iba pang katulad na salita .
Halimbawa ng Pagwawangis / Metapora "Ang kanyang puso ay bato ." ➤ Ibig sabihin : Siya ay matigas ang damdamin o walang awa.
"Siya ang haligi ng tahanan ." ➤ Ibig sabihin : Siya ang sandigan ng pamilya ( karaniwang tumutukoy sa ama).
"Ang bata ay anghel sa kanyang ina ." ➤ Ibig sabihin : Mabait , masunurin , o minamahal na anak . "Ang utak mo’y kumukulo sa galit ." ➤ Ibig sabihin : Galít na galít ang tao .
"Ikaw ang araw ng aking buhay ." ➤ Ibig sabihin : Ikaw ang nagbibigay liwanag , saya , o pag-asa .
Konotasyon Ko, Hulaan Mo!“ Pangkatang Laro (4–6 miyembro ) Paraan ng Gawain: Ang bawat pangkat ay maghahanda ng tig-3 salita ( hal ., ahas , rosas , kidlat ) at bibigyan ito ng konotatibong kahulugan .
Ipapabasa ang konotasyong kahulugan nang hindi sinasabi ang orihinal na salita . Ang ibang pangkat ay huhulaan kung anong salitang tinutukoy batay sa konotasyon at panandang konteksto .
Larawan Ko, Tayutay Mo Visual & Creative Activity Panuto : Ipakita ang mga larawan ng mga bagay ( hal . kandila , bituin , bundok , uwak , bulaklak , leon , ilaw ).
Ipasulat sa mga mag- aaral ang isang metaporikong tayutay batay sa larawang ipinakita . Isulat ito sa papel at idikit sa pisara para sa gallery walk.
May pagkakataon ba sa iyong buhay na ginamit mo ang mga salitang may konotasyon upang ipahayag ang iyong damdamin ? ➤ Ano ang mga salitang iyon at ano ang nais mong ipahiwatig ?
Paano mo ginagamit ang panandang konteksto upang mas malinaw kang maunawaan ng ibang tao , lalo na sa pagtatalakayan o pakikipagkaibigan ?
May kaibigan o kapamilya ka bang maihahambing mo sa isang bagay sa pamamagitan ng pagwawangis / metapora ?
Ano ang pagkakaiba ng denotasyon at konotasyon ? Paano nakakatulong ang panandang konteksto sa pag-unawa ng isang pahayag ?
Ano ang katangian ng tayutay na pagwawangis / metapora ? Sa anong paraan makakatulong ang paggamit ng mga tayutay at masining na wika sa ating pagsasalita o pagsulat ?
Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang . 1.Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng konotasyon ? A. Ang aso ay isang hayop na alaga . B. Ang aso ay simbolo ng katapatan . C. Ang aso ay may apat na paa . D. Ang aso ay tumatahol .
2.Ang panandang konteksto ay ginagamit upang __________. A. maghambing ng pangyayari B. makalikha ng tayutay C. magbigay ng literal na kahulugan D. maipakita ang ugnayan at kahulugan sa pangungusap
3.Alin sa mga sumusunod ang may tayutay na pagwawangis ? A. Si Aling Rosa ay parang bulaklak sa kanyang ganda . B. Si Aling Rosa ay bulaklak sa hardin ng buhay ko. C. Si Aling Rosa ay gumanda dahil sa bagong damit . D. Si Aling Rosa ay maganda .
4. Alin sa mga panandang konteksto ang nagpapakita ng paghahambing ? A. sa kabilang banda B. tulad ng C. samantala D. kung kaya
5. Alin sa sumusunod ang denotatibong kahulugan ng salitang " ahas "? A. Kaaway B. Matatakutin C. Uri ng hayop na gumagapang D. Traydor
FILIPINO 5 Pang-abay na Panggaano QUARTER 1 WEEK 4 DAY 4
Ano ang pagkakaiba ng denotasyon at konotasyon ? Paano nakakatulong ang panandang konteksto sa pag-unawa ng isang pahayag ? Ano ang katangian ng tayutay na pagwawangis / metapora ?
Magpakita ng mga larawan ng iba’t ibang kilos ( hal . tumatakbo , kumakain , nag- aaral ). Tanungin : Gaano kabilis tumakbo ang bata? Gaano karami ang kinain ?
Ngayon, pag-aaralan natin ang pang-abay na nagsasabi kung gaano – ang tinatawag nating pang-abay na panggaano."
Pang- abay na panggaano ay bahagi ng pananalita na naglalarawan kung gaano karami , kalaki , kaliit , kabigat , atbp . Karaniwang sumasagot sa tanong na " gaano ".
Halimbawa : Lubhang mahirap ang pagsusulit . Kaunti lamang ang pagkain nila . Sobrang bait ng guro namin . Napakalakas ng ulan kahapon
Pangkatang Paglalaro: “Gaano Karami?” Ang bawat grupo ay bibigyan ng larawan (hal. taong may dalang sako, batang umiiyak, lalaking kumakain). Gagamit sila ng pang-abay na panggaano upang ilarawan ito.
Bilugan ang pang-abay na panggaano sa bawat pangungusap. 1.Lubhang mainit ang panahon ngayon. 2.Kumain siya ng kaunti lamang sa almusal.
3.Sobrang saya ng mga bata sa palaruan. 4.Napakabilis ng takbo ng sasakyan. 5.Napakalaki ng papel ng guro sa ating buhay.
Sa anong sitwasyon mo magagamit ang mga salitang gaya ng "sobrang", "napaka", o "lubhang"?
Ano ang pang- abay na panggaano ? Anong tanong ang sinasagot nito ? Magbigay ng halimbawa .
IKahon ang pang- abay na panggaano sa bawat pangungusap . 1.Napakataas ng bundok na inakyat namin . 2.Kumain siya ng kaunti lamang . 3.Lubhang mahirap ang araling ito .
4.Sobrang dami ng tao sa palengke . 5.Napakabilis tumakbo ng atleta .