Filipino3(PagbibigayWAKAS)lesson plan.docx

CRISTOBALGERLYNB 253 views 5 slides Feb 02, 2025
Slide 1
Slide 1 of 5
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5

About This Presentation

Isa sa bahagi ng kuwento ay ang wakas. Ang wakas ay bahaging naglalahad ng solusyon o ang magiging kahihinatnan ng isang kuwento. Ito ay maaaring maligaya o masaya, malungkot o di-inaasahang wakas.
Sa pagbibigay ng wakas ay nag-iiwan ka sa mambabasa ng inspirasyon, gayundin maiimpluwensyahan sila sa...


Slide Content

Republika ng Pilipinas
KAGAWARANG NG EDUKASYON
REHIYON 1
Macarang Elementary School
Mangatarem, Pangasinan
Detalyadong Banghay Aralin sa Filipino Ikatlong Baitang
I. LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Nakapagbibigay ng wakas sa binasang kuwento
II. PAKSANG ARALIN
Paksa : Pandiwa
Kagamitan: PowerPoint Presentation
III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng mga bata
A. PANIMULANG GAWAIN
1.Pagbati
Magandang umaga mga bata!
2.Panalangin
Tayong lahat ay tumayo at tayo ay
manalangin.
3.Pagsasaayos ng silid-aralan
Bago kayo maupo ay pulutin muna ang
mga nakikitang kalat sa inyong mga
upuan.
4.Pagtatala ng mga liban
May lumiban ba ngayong araw?
5.Balik Aral
Ating balikan ang ating napag-aralan
noong nakaraang araw. Ito ay tungkol sa
pang-abay.
Ilang uri mayroon ang pang-abay?
Anu-ano ang mga ito?
Tama. Magaling mga bata.
B. PANLINANG NA GAWAIN
1.PAGGANYAK
Itatanong sa mga bata kung alam nila ang
ibig sabihin ng ‘’wakas’’ sa kuwento.
Ipakita ang ilang mga larawan at hikayatin
ang mga bata na magbahagi ng kanilang
mga nalalaman o masasabi tungkol sa
posibleng mangyari o wakas nito.
Panuto: Tignan ang mga larawan at
tukuyin ang posibleng mangyayari
Magandang umaga din po binibining
Gerlyn!
Wala po titser.
May tatlong uri ng pang-abay titser.
Pamaraan, Panlunan at Pamanahon po
titser.

Sitwasyon:
Habang tumatawid ng kalsada ang batang
babae, hindi niya napansin ang sasakyang
paparating.
Sitwasyon:
Ang bata ay nag-aaral para sa kanyang
nalalapit na pagsusulit.
Sitwasyon:
Ang lalaki ay nagce-cellphone habang
naglalakad, hindi niya napansin na may
butas ang kaniyang dinadaanan.
Sitwasyon:
Ang lalaki ay nagbabasa ng librohabang
naglalakad, hindi niya napansin ang
saging na nasa sahig.
Mahusay mga bata.
C. PAGLALAHAD
Ang ating bagong aralin ngayong araw ay
may kinalaman sa aktibidad na ating
ginawa. Ang pagbibigay ng maaaring
wakas sa binasang kuwento.
PAGTATALAKAY
Isa sa bahagi ng kuwento ay ang wakas.
Posibleng mangyari:
Maaaring masagasaan po ng sasakyan
ang batang babae.
Posibleng mangyari:
Posibleng makakuha ng mataas na marka
ang bata.
Posibleng mangyari:
Maaaring mahulog ang lalaki sa butas.
Posibleng mangyari:
Posibleng matapakan ng lalaki ang saging
at ito ay madudulas.

Ang wakas ay bahaging naglalahad ng
solusyon o ang magiging kahihinatnan ng
isang kuwento. Ito ay maaaring maligaya o
masaya, malungkot o di-inaasahang
wakas.
Sa pagbibigay ng wakas ay nag-iiwan ka
sa mambabasa ng inspirasyon, gayundin
maiimpluwensyahan sila sa iyong kuwento
at higit sa lahat ay ang aral na
maiintindihan nila ng lubos.
Ang Pamilyang Matulungin
Akda ni Teresa P. Barcelo
Likas sa mga Pilipino ang pagiging
matulungin. Habang papunta ang mag-
anak na Padolina sa probinsya, nakita nila
ang isang pamilyang nangangailangan ng
tulong. Umuusok ang sasakyan nila. Nasa
labas ng sasakyan ang mga kasamang
bata habang hinihintay na makumpuni ang
kanilang sasakyan. Makikita sa kanilang
mukha ang gutom at pagod.
Tinulungan ng pamilya Padolina ang
pamilyang nasiraan ng sasakyan. Inabutan
nila ng pagkain ang mga bata. Pagkatapos
magawa ang sasakyan ay sabay-sabay na
rin silang umalis sa lugar na iyon.
Sagutin ang mga tanong tungkol sa
nabasang kuwento.
1.Ano ang simula ng kuwento?
2.Ano ang sumunod na nangyari?
3.Ano ang naging wakas ng
kuwento?
4.Naging masaya ka ba sa naging
wakas ng kuwento?
Mahusay mga bata.
E. PAGLALAPAT
Piliin sa loob ng kahon ang titik ng wakas
sa sumusunod na talata.
A. Kumita si Karla mula sa kanyang mga
inaning patola.
B. Umunlad ang tindahan at nakatulong
siya sa asawa.
C. Nagwagi ang bakuran nina Aling
Marites.
D. Napahamak si Mang Toto sa
pagsabog ng dinamita.
E. Ayaw na niyang pumasok.
1.Nais kumita si Mang Toto ng malaki
Nagpunta ang mag-anak na Padolina sa
probinsya. At may nakita silang isang
pamilyang nangangailangan ng tulong.
Habang naghihintay na makumpuni ang
sasakyan ay nakita nilang mukhang gutom
at pagod ang mga bata kaya biniogyan
nila ito ng pagkain.
Nang magawa na ang sasakyan ay sabay-
sabay silang umalis sa lugar na iyon.
Opo
Napahamak si Mang Toto sa pagsabog ng

sa kanyang pangingisda. Kaya
naisipan niyang gumamit ng
dinamita.
2.Subsob sa trabaho si Aling Toyang.
Nagpapalipas pa siya ng gutom.
Kinabukasan ay nanghihina ang
katawan niya.
3.May proyekto ang barangay ukol sa
paligsahan sa kalionisan ng
bakuran. Lumahok sina Aling
Marites. Maraming humanga sa
kanilang bakuran.
4.Nag-iisip ng magandang buhay si
Ginang Prema na maaari niyang
gawin sa bahay upang makatulong
sa asawa. Ang kaniyang mga kapit-
bahay ay nagging suki niya sa
kaniyang maliit na negosyo.
5.Itinanim ni Karla ang mga binhi ng
patola na ibinigay ng kanyang kapit-
bahay. Namulaklak at nagkabunga
ito. Ipinagbili niya ang mga inaning
bunga sa kanilang kapit-bahay.
F. PAGLALAHAT
Ano ang ating tinalakay ngayong araw?
Tama. Ito naman ay isa sa bahagi ng
kuwento?
Mahusay mga bata.
G. PAGTATAYA
Hanapin at piliin ang angkop na wakas sa
pangungusap.
1.Maraming basura sa paligid ng
bahay nina Ana. _____
Ano ang angkop na wakas?
A.Natuwa ang kanyang nanay.
B.Mababa ang marking nakuha.
C.Winalisan niya ito.
2.Sa umaga, tumutulong muna sa
gawaing bahay si Bruno bago
pumasok sa paaralan._____
Ano ang angkop na wakas?
A.Nagalit ang kanyang nanay.
B.Natulog ang kanyang nanay
C.Natuwa ang kanyang nanay.
3.May sakit si Danica. Dinala siya sa
doctor. _____
Ano ang angkop na wakas?
A.Kumain siya ng tinapay.
B.Ginamot siya sa ospital.
C.Naglakad siya papunta sa paaralan.
4.May pagsusulit sina Lester.
Napuyat siya dahil sa paglalaro ng
computer games._____
Ano ang angkop na wakas?
A.Mababa ang markang nakuha.
B.Natuwa ang kanyang pamilya.
dinamita.
Ayaw na niyang pumasok.
Nagwagi ang bakuran nina Aling Marites.
Umunlad ang tindahan at nakatulong siya
sa asawa.
Kumita si Karla mula sa kanyang mga
inaning patola.
Tungkol sa pagbibigay ng sariling wakas
sa nabasang kuwento.
Wakas po titser.
C
C
B
A

C.Naglakad siya papunta sa paaralan.
5.Nasira ang sasakyan nina Mang
Kanor._____
Ano ang angkop na wakas?
A.Winalisan niya ito.
B.Binenta niya ito.
C.Itinulak niya ito papunta sa
pagawaan ng sasakyan.
C
IV. TAKDANG ARALIN
Sumulat ng isang maikling kuwento na may malinaw at masayang wakas.
Prepared by: Checked by:
GERLYN B. CRISTOBAL MRS. EDITHA C. DE LEMOS
Practice Teacher Critic Teacher
Approved by:
MRS. ROWENA O. ALMENDRALA, EdD
Principal I