final Banghay Aralin sa Filipino-fs.docx

MaxieGweon 36 views 5 slides Feb 11, 2025
Slide 1
Slide 1 of 5
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5

About This Presentation

draft


Slide Content

Email: [email protected]
Excellence | Service | Leadership and Good Governance | Innovation | Social Responsibility | Integrity | Professionalism | Spirituality
Banghay Aralin sa Filipino 8
I.Layunin
a)Pamantayang pangnilalaman: Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-
unawa kung ano ang alamat at mga elemento nito;
b)Pamantayan sa Pagganap: Nakabubuo ng isang sariling likhang alamat; at
c)Mga Kasanayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang pagkakabuo ng alamat batay sa
mga elemento nito.
II.Paksang Aralin
a.Paksa: Panitikan (Alamat)
b.Stratehiya: video assisted learning, group work, class discussion
c.Sanggunian: K to 12 Filipino Gabay Pangkurikulum Baitang 8, internet source
d.Kagamitan: biswal eyd, laptop, projector, kartolina, larawan
III.Pamamaraan
A.Paghahanda
a.1. Panalangin
a.2. Pagbati
a.3. Pagtala ng lumiban
a.4. Balik-aral
a.5. Pagganyak: ( 5 minuto)
Buoin mo ako!
Mekaniks:
May inihandang piraso ng papel ang guro na may nakasulat na mga
pangungusap at numero sa likod nito.
Bubunot ang mga mag-aaral ng papel at magsasama-sama ang mga
mag-aaral nanakabunot ng parehong numero upang mabuo ang talata.
 Paunahan sa pagbuo ng talata sa pamamagitan ng pagdikit ng mga
pangungusap sa bond paper at pagdikit sa pisara.
UNANG ALAMAT:
Halaw sa Alamat ng Butiki
Nanangis ang binata at nagsisi sa kanyang narinig. Gusto niyang ibalik ang puso ng ina
ngunit wala na itong buhay. Dahil sa ginawa niyaay biglang pinarusahan at naging BUTIKI
na gumagapang sa mga kisameat haligi. Ito ang parusa sa anak na walang utang na loob sa
kaniyangpinanggalingan.
IKALAWANG ALAMAT:
Halaw sa Alamat ng Bulkang Mayon
Nagluksa ang Rajah at ang buong palasyo. Ipinag-utos niya na angdalawa'y ilagak na
magkasama sa isang hukay. Lumipas ang mga araw. Himala ng mga himala. Ang lupa sa
puntodng libing ay tumaas hanggang sa itoy maging bundok. Napakaganda at perpekto ang
hugis. Tinawag itong Bundok ng Mayon bilang alaala kay Daragang Magayon.
Website: www.southernleytestateu.edu.ph
San Juan Campus, San Jose, San Juan, Southern Leyte

Email: [email protected]
Excellence | Service | Leadership and Good Governance | Innovation | Social Responsibility | Integrity | Professionalism | Spirituality
B. Pagtataya
b.1. Aktibidad
ANO AKO?
Panuto: Tukuyin kung ano ang nasa larawan.

b.2. Analysis
1.Base sa ating mga ginawang aktibidad, ano ang napapansin niyo?
2.Ano sa tinggin niyo ang kahulugan ng alamat?
3.Ano ang mga bagay na gusto niyong matutunan tungkol sa alamat?
4.May ideya bakayo kung ano ang mga element ng alamat?
b.3. Abstraksyon
Tatalakayin sa bahaging ito ang kahulugan ng alamat at ang elemento nito.
Alamat
ang alamat ay isang uri ng kuwentong bayan at panitikan na nagsasalaysay ng mga
pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Ang alamat ay mga kwentong bayan
na isinasalin sa bawat henerasyon sa pamamagitan ng bibig. Ang mga alamat ay
kapupulutan ng mga aral. Ang mga kwentong ito ay nagsasalamin ng ating kultura.
Elemento ng Alamat
1.tauhan- ang mga gumaganap sa isang alamat, ang nagbibigay buhay sa temang
nais iparating ng alamat.
2.Tagpuan- nagpapakita ng lugar at panahon kung kailan at saan naganap ang
alamat
3.Banghay- ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa isang alamat na nahahati sa
tatlong bahagi
a.Simula- inilalarawan ang tauhan at tagpuan ng alamat
Website: www.southernleytestateu.edu.ph
San Juan Campus, San Jose, San Juan, Southern Leyte

Email: [email protected]
Excellence | Service | Leadership and Good Governance | Innovation | Social Responsibility | Integrity | Professionalism | Spirituality
b.Katawan- inilalahad ang mga pangyayaring nagpapakitang pag-
iisip at kaugalian ng bawat tauhan at ang suliranin at paraan ng
paghaharap ng tauhan sa suliranin.
c.Wakas- ang kinahinatnan ng kwento o naging resolusyon.
Alamat ng Mina ng Ginto
Noong unang panahon, may isang lugar sa Baguio na kung tawagin ay Suyuk.
Naninirahan dito ang mga igorot at isa na dito si Kunto. Bata pa lamang si Kunto ay nakitaan
na ng kakaibang lakas at tapang. Kaya”t ito ay napiling tagapamuno ng Suyuk. Ang mga
naninirahan sa Suyuk ay namumuhay ng tahimik at taon-taon ay nagdaraos ng cañao bilang
pasasalamat sa mga anito. Kung magdaos sila ng cañao ay nagpapatay sila ng baboy at
iniaalay sa bathala.
Isang araw ay nagpunta si Kunto sa kagubatan upang mamana. Di pa sya
nakakalayo ay may nakita siyang isang uwak at nakatayo ito mismo sa patutunguhan nya.
Lumakad si Kunto papalapit sa ibon ngunit ito ay hindi gumagalaw. Nang malapit na si Kunto
ay bigla syang napatigil sapagkat ito ay tumango sa kanya ng tatlong beses. Bagamat
matapang ay nakaramdam din si Kunto ng takot. Hindi na tumuloy si Kunto sa pamamana at
isinangguni na lang nito sa mga nakakatanda ang nakita nyang uwak at ang ikinilos nito.
“Marahil ang ibong iyon ay ang ating bathala at ipinapaalala na dapat tayong magdiwang ng
cañao” saad ng matanda. “Kung ganoon ay magdiwang na tayo ng cañao” saad naman ng
isa.
Nang ang lahat ay nakahanda na ay humuli sila ng isang baboy na iaalay sa bathala.
Inilagay nila ito sa altar na ginawa nila sa taas ng kabundukan. Ngunit anong himala ng
biglang ang baboy ay nag anyong tao. Nagulat ang lahat ng magsalita ito.
“Wag kayong matakot, dahil kayo”y mabubuti ay gagantimpalaan ko kayo basta”t sundin nyo
lamang ang aking sasabihin. Kumuha kayo ng isang tasang kanin at ilagay sa aking tabi.
Pagkatapos ay takluban ninyo ako ng malaking palayok. Ipagpatuloy nyo ang cañao at
pagkalipas ng tatlong araw ay bumalik kayo dito” saad ng misteryosong matanda. Ginawa
naman ng mga taga nayon ang bilin ng matanda.
Saad pa ng matanda ay makakakita ang mga taga nayon ng isang puno na di pa nila
nakikita. Ang bunga, dahon at sanga daw nito ay maari nilang kuhanin ngunit wag lamang
gagalawin ang katawan.
Pagkalipas ng tatlong araw ay bumalik ang mga taga nayon. Totoo ang sinabi ng
matanda sapagkat naroon ang maliit na puno sa ilalim ng palayok na itinaklob ng mga taga
nayon. Pumitas si Kunto ng isang gintong dahon at maya maya lamang ay napalitan agad
ito ng panibagong dahon. Natuwa ang lahat at isa isa silang kumuha.
Sa loob ng napakaiksing panahon ay yumaman ang mga taga Suyuk. Ngunit hindi nawala
ang inggitan. Nang tumagal ay namalayan na lamang nila na ang puno ay napakataas na at
di na maabot ang mga dahon at bunga. “Kay taas na ng puno at di na natin maabot ang
dahon at bunga, mabuti pa ay putulin na natin ito” saad ng isa.
Tinaga ng tinaga ng mga taga nayon ang puno at ito naman ay nabuwal. Nayanig ang lupa
at nakarinig ang mga taga nayon ng isang tinig. “Kayo ay nabigyan ng gantimpala ng
Website: www.southernleytestateu.edu.ph
San Juan Campus, San Jose, San Juan, Southern Leyte

Email: [email protected]
Excellence | Service | Leadership and Good Governance | Innovation | Social Responsibility | Integrity | Professionalism | Spirituality
kabutihan ngunit sa halip na mag ibigan ay inggit at pag-iimbot ang naghari sa inyong mga
puso” saad ng misteryosong tinig. At pagkatapos marinig ang tinig ay nilamon ng lupa ang
mga taga nayon. Mula nga noon, nagkaroon na ng minang ginto sa Baguio. Makakakuha ka
lamang nito sa paghukay ng lupa.
b.4. Aplikasyon (10 minuto)
PANUTO: Tukuyin ang mga elemento ng alamat batay sa napanood na bidyo.
Pamantayan sa Pagsusuri ng mga Elemento ng Alamat (Batay sa Napanood na Bidyo)
Pamantayan 4321
Tauhan
Tagpuan
Banghay
Kabuuang Puntos: 12 puntos
10-12 puntos: Napakahusay
7-9 puntos: Mahusay
4-6 puntos: Katamtama
3- puntos: Kailangan Pang Pagbutihin
- 4 Puntos: Malinaw at detalyado ang pagsusuri, na sinusuportahan ng mga tiyak na
halimbawa mula sa bidyo.
- 3 Puntos: Malinaw ang pagsusuri, ngunit maaaring kulang sa detalye o
pagpapaliwanag.
- 2 Puntos: Hindi gaanong malinaw ang pagsusuri, at maaaring kulang sa mga
halimbawa mula sa bidyo.
- 1 Puntos: Hindi malinaw ang pagsusuri, at hindi gaanong naipakita ang pag-unawa
sa mga elemento ng alamat.
IV.Ebalwasyon (5 minuto)
Panuto: Kumuha ng kalahating piraso ng papel at sagutan ang mga sumusunod na
katanungan. Isulat ang titik lamang sa tamang sagot
1.Ano ang pangunahing layunin ng mga alamat?
a.Magbigay ng aliw at libangan sa mga tao.
b.Magturo ng mga aral at moral na prinsipyo.
c.Magpaliwanag ng mga natural na pangyayari o mga misteryo
d.Lahat ng nabanggit
2.Ano ang pangunahing kayamanan na hinahanap ng mga tao sa alamat?
a.Ginto
b.Diamante
Website: www.southernleytestateu.edu.ph
San Juan Campus, San Jose, San Juan, Southern Leyte

Email: [email protected]
Excellence | Service | Leadership and Good Governance | Innovation | Social Responsibility | Integrity | Professionalism | Spirituality
c.Perlas
d.Lupa
3.Saan matatagpuan ang Mina ng Ginto sa alamat?
a.Sa ilalim ng dagat
b.Sa tuktok ng bundok
c.Sa gitna ng kagubatan
d.Sa isang lungsod
4.Sino ang nagbabala sa mga tao tungkol sa panganib ng pagiging makasarili sa Mina
ng Ginto?
a.Isang matandang puno
b.Isang matandang nilalang
c.Isang matandang babae
d.Isang matandang lalaki
5.Ano ang pangunahing aral ng Alamat ng Mina ng Ginto?
a.Ang kayamanan ay hindi nagdadala ng kaligayahan.
b.Ang pagiging masipag ay magdadala sa tagumpay.
c.Ang pagiging matapat ay mahalaga.
d.Ang pagiging makasarili ay nagdudulot ng kapahamakan.

V.Takdang aralin
Panuto: Sumulat ng sariling likhang Alamat. Gawing batayan ang rubriks na nasa ibaba.
Gumamit ng isang boung papel sa iyong pagsulat.
Mga pamantayan Puntos
Nakapukaw ng interes, may orihinalidad 20
Maayos ang pagkakasunod-sunod ng balangkas o banghay ng mga
pangyayari.
10
Ang simula ay kawili-wili at kaakit-akit basahin at ang wakas ay may
naikikintal o nag-iiwan ng marka sa isipan ng mambabasa
10
Nakapupukaw ng kamalayan at damdamin ng mambabasa. 10
Kabuang puntos 50
Inihanda ni:
REA MARIE B. OCLINARIA
BSED3A- FILIPINO
Website: www.southernleytestateu.edu.ph
San Juan Campus, San Jose, San Juan, Southern Leyte
Tags