Final-Paunang-Pagtataya-sa-Filipino-7.docx

ayeshajane1 52 views 3 slides Feb 23, 2025
Slide 1
Slide 1 of 3
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3

About This Presentation

EXAM


Slide Content

UNANG MARKAHANG PAGTATASA SA FILIPINO 7
SY: 2022-2023
Pangalan: _________________________________________ Iskor: ______________
Baitang at Seksyon:_________________________________ Petsa: ______________
I.Panitikan
A. Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag tungkol sa kugalian at kalagayang panlipunan ng mga tauhan.
Alamin kung ano ang mahihinuha sa bawat pahayag at isulat ang titik ng tamang sagot sa unahan ng bawat
bilang.
_____1. Pinagbilinan ni Lokes a Babay ang kaniyang mga guwardiya na huwag palalapitin sa kaniyang magarang
tahanan ang kaniyang asawa.
A. Mahirap pakisamahan at walang nakasusundong tao
B. Naging masama na rin ang ugali dala ng kaniyang kayamanan o salapi
C. Mapaghiganti at ikinatutuwa ang kapahamakan ng iba tulad ng kaniyang asawa
D. May itinatagong lakas ng kalooban at hindi kasinghina ng inaakala ng kaniyang asawa
_____2. Magmula ngayon, lilipat na ako ng tirahan at hindi na kita aabalahin subalit huwag na huwag mo na rin akong
aabalahin.
A. Ang lalaki ay siyang hari sa kanilang tahanan.
B. Ang babae ay maaaring umalis kahit walang matibay na dahilan.
C. Ang babae ay naghahanap ng kalinga at pagmamahal sa asawa.
D. Ang babae ay gaano man kabait, napupuno rin at natututong ipagtanggol ang sarili.
_____3. Iniluto ni Lokes a Mama ang matabang usa at ito’y kaniyang kinaing mag-isa nang hindi man lang inalok ang
kaniyang tahimik at hindi tumutol na maybahay.
A. Ang babae ay hindi hinayaang kumain ayon sa paniniwala.
B. Ang lalaki ay siyang tagapagluto at tagapamahala sa kusina.
C. Ang babae ay kailangan munang may mahuli ring hayop bago
D. Ang lalaki ay pinuno o lider ng sambahayan kaya’t mas nagawa niya ang nais kaysa babae.
_____4. Hindi lang ang lalaking si Lokes a Mama ang nangangaso maging ang asawa niyang si Lokes-a Babay ay
nangangaso rin.
A. pantay-pantay ang responsibilidad C. pansariling pagsusumikap
B. masagana ang buhay ng mag-asawa D. naghihirap ang mag-asawa
_____5. Ang mag-asawa sa binasa ay kapwa nabuhay sa pangangaso.
A. nasa gubat C. nasa tabing-dagat
B. nasa lungsod D. nasa kapatagang taniman ng palay
_____6. “Mayaman na ako! Mayaman na ako!”
A. naiiyak C. nagtataka
B. natutuwa D. nalulungkot
_____7. “Hindi ko na matiis ang pakikitungo mo sa akin.”
A. matiisin C. sumusuko
B. maluhain D. nahihirapan
_____8. “Alam kong niloloko mo lang ako, pero hindi kita papatulan,” ang tahimik niyang naibulong sa sarili.
A. magalitin C. mapagtimpi
B. masayahin D. matampuhin
______9. “Alam kong niloloko mo lang ako, pero hindi kita papatulan,” ang tahimik niyang naibulong sa sarili.
A. magalitin C. mapagtimpi
B. masayahin D. matampuhin
A. Paglinang ng Talasalitaan
Panuto: Piliin sa Hanay B ang kasingkahulugan at kasalungat ng mga salitang may salungguhit sa Hanay A batay
sa pagkakagamit sa pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang na nasa unahan ng bilang.
Hanay A Hanay B
______10. Dahil sa kanyang katapangan, walang mangahas na
makipagdigma sa Bumbaran. Ano ang kahulugan ng salitang may
salungguhit?
A.naunawaan
______11. Alin ang salitang magkasingkahulugan sa pahayag na
ito, siya pa rin ang naghahari at namamayani sa puso ng maraming
kadalagahan”
B.Ipaalam
______12. Nangibang-bayan si Bantugan dahil sa labis na
pagdaramdam sa kapatid.
C.ibigay
Page 1 of 3




Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS PROVINCE
TAYSAN NATIONAL HIGH SCHOOL
TAYSAN, SAN JOSE, BATANGAS

______13. Sila ay nagulumihanan sapagkat hindi nila kilala si
Bantugan. Ano kasalungat ng salitang may salungguhit?
D.naghahari at namamayani
______14. Tinawag ng magkapatid ang konseho upang isangguni
kung ano ang dapat nilang gawin.
E.namamayani at kadalagahan
______15. Nang malaman ni Bantugan ang ipinag-utos ng hari ay
labis siyang nagdamdam.
F.pumunta sa ibang lugar
______16. Kaagad lumipad sa langit si Haring Madali kasama ang
isang kasangguni upang bawiin ang kaluluwa ni Bantugan. Ano ang
kasalungat ng salitang may salungguhit?
G. nasaktan
H. sumubok
C.Panuto: Tukuyin kung ano ang katangian at damdamin ng tauhan batay sa tono.
______17. “Sige, tinatanggap ko ang hamon mo, kailan mo gustong magsimula tayo”?
A. mainipin C.masayahin
B. matapang D.matatakutin
______18. “Sa liit mong iyan, paano ka makakatulong sa akin”?
A.matapang C.magagalitin
B. madaldal D. mapanglait
______19. “Tutulungan kita kaibigan,” ang sabi ng daga kay leon.
A. masungit C. matulungin
B. masayahin D. maalalahanin
______20. “Huwag mong alalahanin iyon, may utang na loob din naman ako sa iyo,” sagot ni daga.
A. mabait C. magalang
B. matiisin D. mayaban
______21.“Nakakahiya, ngunit totoong ang ating panahon ay henerasyon na ng panggagaya, panghuhuwad, panloloko,
krimen, pagsasamantala...”
A. paghanga C.pagkadismaya
B.Pagkainggit D.pagkabagabag
______22.“Sa harap ng mga kasalukuyang pangyayari, hindi ko maubos-isipin kung paano ‘muling babangon ’ ang
Pilipinas”
A. mapagmalaki C. maawain sa sarili
B. mapagmahal D. nawawalan ng pag-asa

______23.“Hindi ko na kaya ang mga katiwaliang aking nakikita at nababasa, kung ako lamang ay isang manunulat ay
isisiwalat ko ito”
A. natatakot C. nalulungkot
B. nagbabanta D. nadidismaya

D.Panuto: Ang mga sumusunod na pangungusap ay magkakaugnay at tumutukoy sa iisang paksa. Basahin at
unawaing mabuti ang mga ito at isulat ayon sa wastong pagkakasunud-sunod ng kaisipan. Isulat ang letrang A,
B, C, D.E ,F
______24. Nabalitaan niya ang pananalakay ng mga halimaw sa panig ng Mindanao.
______25. Si indarapatra ay matapang na hari ng Mantapuli.
______26. Muling nabuhay si Sulayman sa tulong ng kapatid at ipinagpatuloy ang pakikipaglaban.
______27. Nabagsakan ng pakpak ng ibon si Sulayman na siya niyang ikinamatay.
______28. Inutusan niya si Sulayman na puksain ang mga halimaw na namiminsala ng tao.
______29. Si Sulayman ay hindi na bumalik sa sariling bayan at doon naghari sa mayamang lupa ng pulong
Mindanaw
E.Panuto: Maghinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari sa akdang “Natalo rin si Pilandok.” Isulat ang titik ng
tamang sagot.
______30. Kapag nalaman ng ibang hayop ang sanhi ng pagkamatay ng baboy-ramo dahil sa panlilinlang ni Pilandok,
ano kaya ang kanilang gagawin?
A. Kakaibiganin nila si Pilandok
B. Sasaktan o gaganti sila kay Pilandok.
C. Pupurihin nila si Pilandok sa kaniyang asawa..
D. Iiwas sila at hindi na makikipagkaibigan o lalapit kay Pilandok.
______31. Naisahan na naman ni Pilandok ang buwaya. Ano kaya ang mangyayari sa susunod na magkrus uli ang
landas ng dalawa?
A. Iiwas na lamang ang buwaya kay Pilandok.
B. Muli na namang maiisahan ni Pilandok ang buwaya.
C. Magiging magkaibigan na si Pilandok at ang buwaya.
D. Hindi na pakakawalan nang buhay ng buwaya si Pilandok.
______32. Ano kaya ang mangyayari kung hindi nagpalinlang ang buwaya kay Pilandok?
A. Nakain ng buwaya si Pilandok.
B. Silang dalawa ang magkakarera.
C. Naging magkaibigan ang buwaya at si Pilandok.
Page 2 of 3

D. Naging magkasabwat ang buwaya at si Pilandok.
______33. Pagkatapos ng pagkatalo ni Pilandok sa suso at nangangakong magbabago na, ano kaya ang mangyayari?
A. Hindi na siya magpapakita kailanman sa ibang hayop.
B. Iiwas na si Pilandok na manlinlang o manloko ng ibang hayop.
C. Muling manlilinlang si Pilandok ng hayop kapag siya ay nagipit.
D. Hindi na ipakikita o ipaalam ni Pilandok sa iba kapag siya’y nanloko uli ng kapwa niya.
II. Wika at Gramatika
A.Panuto: Kilalanin at isulat sa patlang ang P kung ang pangungusap ay nagbibigay ng patunay. Lagyan naman
ng DP kung hindi ito nagpapatunay.
______ 34 . Pinatutunayan ng mga dokumentaryong ebidensya na ang Pilipinas ay bansang pinakalantad sa mga bagyo,
dahil sa kinalalagyan nito ay sa mahigit pitong libong islang lantad sa hangin at ulang dala ng mga bagyo.
______ 35. Katunayan, sa bawat taon ay may 8-9 na bagyo ang pumapasok sa ating PAR o Philippine Area of
Responsibility.
______36. Malungkot makita ang ilang nating kababayang nawawalan ng mga mahal sa buhay at ari-arian.
______37. Kaya naman, magkaisa at magtulungan tayong lahat para sa ikabubuti ng lahat ng mga Pilipino
B.Panuto: Salungguhitan ang sanhi sa bawat pangungusap at bilugan ang naging bunga nito.
38. Umuwi si Solampid dahil sa malubha ang sakit ng kanyang ama.
39. Umiyak ang dalaga dulot ng matinding paghihinagpis sa pagkamatay ng kanyang ama.
40. Galit na galit ang ina ni solampid sapagkat kinuha nito ang sulat.
41. Hindi nakita ng kanyang ina si Solampid kaya bumalik na lamang ito sa bahay.
C.Panuto: Isulat sa patlang ang angkop na pang-ugnay upang mabuo ang diwa ng bawat pangungusap. Hanapin
ang tamang sagot sa loob ng kahon.
kahit subalit kaya habangupang
______42. Naging sultan si Pilandok __________ sa maling pamamaraan.
______43. Hindi sumusunod si Subekat kay Abed __________ lagi siyang napapahamak.
______44. Nakipaglaban si Sulayman sa mga halimaw __________ buhay niya ang maging kapalit.
______45. Maging maingat sa lahat ng iniisip at ginagawa __________ hindi makapanakit ng damdamin ng iba.
III. Pagsulat
A.Panuto: Ilahad ang mga hakbang sa pananaliksik na isinagawa upang makabuo ng isang makatotohanang
proyektong panturismo. Bigyang pansin ang pamantayan sa pagmamarka.
Pamantayan sa Pagsulat
PAMANTAYAN NILALAMAN PUNTOS
Nilalaman Nakalahad sa paksa ang mga pamamaraan 3
Pagka-Organisado May kaayusan ang pagkaksunud-sunod ng mga pangungusap. 2
Kabuuan 5
Inihanda nina: Binigyang pansin ni: Pinagtibay ni:
BABY JANE M. ESTAMINA GRACE M. LUNA PhD MARIVIC M. DIMACULANGAN
CARINA M. MENDOZA Ulungguro II Punungguro IV
JULIET R. ARGUELLES
Mga Guro sa Filipino
Page 3 of 3

TAYSAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Taysan, San Jose, Batangas
043-7263110
[email protected]
Tags