FINAL SCRIPT
Kabanata 15:
Ang Mga Sakristan
Narrator: Samantala, sa ikalawang palapag ng kampanaryo ng simbahan ay makikita sina Crispin at
Basilio, magkapatid na sakristan ng simbahan. Sampung taong gulang si Basilio, habang pitong taong
gulang si Crispin.
Basilio: Crispin, hilahin mo nang mabuti ang tali. (tunog ng batingaw)
Crispin: Magpahinga naman tayo, Kaka. Kanina pa tayo nakatayo at nagpapatunog ng kampana. (tunog
ng batingaw)
Basilio: Hindi pa pwede. Papagalitan tayo ng Sakristan Mayor.
Crispin: Oo nga pala. Ilan daw ang susuweldohin mo ngayon buwan?
Basilio: Dalawang reales na lamang, Crispin.
Crispin: Bayaran mo na kaya yung sinabi nila na ninakaw ko na ginto sa simbahan? Sige na, para hindi na
sila manggulo at maka-uwi na ako.
Basilio: Naku, Crispin! Dalawang multa na ang inabot ko sa Sakristan Mayor. At ang sinasabi nilang
ninakaw mo ay dalawang onsa ng ginto. Tatlumpu’t dalawang reales iyon! Kumbaga’y tatlumpu’t
dalawang kamay. Hindi sasapat ang suweldo ko sa hinihingi nila.
Crispin: Natatakot na kasi ako, eh. Napakasama kasi ng Kura at lalo na ng Sakristan Mayor.
Napakasinungaling nilang lahat. umuwi ka na lang ngayon, Kaka. Sabihan mo si Inang na ayaw na nating
mag-sakristan. alam ko naming paniniwalaan ka ni Inang kaya ikaw na lang ang magsabi sa kanya. Sabihin
mo sa Inang na may sakit ako. Kaya hindi ako maka-uwi.
Basilio: Huwag kang magsalita ng ganyan, Crispin.
Narrator: At dumating ang itinuturing nilang berdugo ng simbahan: ang Sakristan Mayor. Sakristan
Mayor: Mga pasaway na bata! Kahit kalian kayo, wala na kayong magawang tama sa simbahan! Ikaw
Basilio! Magmumulta ka ng dalawang reales dahil sa hindi magandang tunog ng kampana! Hindi ka rin
uuwi ng alas-otso kundi alas-diyes na ng gabi!
Basilio: Ngunit huhulihin na ako ng gwardya…
Sakristan Mayor: Wala akong pakialam! Sasagot ka pa? (aambang sasampalin si Basilio) At ikaw Crispin!
Hindi ka uuwi hangga’t hindi mo inilalabas ang dalawang onsang gintong ninakaw mo! Kahit kailan mga
wala kayong galang! Pati simbahan pinagnanakawan ninyo!
Crispin: Hindi ko naman poi yon ninakaw eh. Wala po akong ninakaw na kahit ano.
Sakristan Mayor: At sumasagot ka pa? Ito ang sa iyo! (pinagsusuntok at kakaladkarin na si Crispin)
Crispin: Aray ko po, tama na po! (namimilipit na at naiiyak sa sakit)
Basilio: (umiiyak) Tama na po! Maawa na kayo!
Sakristan Mayor: Huwag mo akong pigilan! (sinampal at natumba si Basilio)
Crispin: (umiiyak) Kaka, huwag mo akong iwan! Huwag mo akong iwan!
Basilio: Crispin!
Narrator: Wala nang nagawa pa si Basilio para sa kapatid. Tanging mga hambalos, impit na sigaw, at
daing na lamang ang kanyang narinig. Pagkatapos noon ay nakabibinging katahimikan. Pagdating ng
ikasampu ng gabi ay nakapinid na ang buong simbahan. Kaya’t kinalag niya ang tali ng batingaw upang
makapadausdos siya mula sa bintana ng kampanaryo. May maririnig na dalawang putok ng baril sa
lansangan, ngunit walang sinuman ang pumansin.
Kabanata 16: Si Sisa
Narrator: Samantala, sa labas ng bayan ay makikita ang maliit na dampa nina Sisa, ang ina nina Basilio at
Crispin. Masaya siyang nagluluto ng tuyong tawilis, tapang baboy-ramo, at isang hita ng patong-bundok
na nahingi niya kay Pilosopo Tasyo. Nagsaing din siya ng maputing kanin at namitas ng kamatis sa
kanyang bakuran upang gawing sawsawan.
Sisa: Naku! Sigurado akong matutuwa ang mga anak ko sa inihanda kong ulam. Nakikita ko nang gutom
na gutom sina Crispin at Basilio mula sa simbahan. Siguradong magugustuhan ni Crispin ang tuyong
tawilis na pinakapaborito niya habang pinipigaan ng kamatis! At, buti na lang nakahingi ako kay Pilosopo
Tasyo ng tapang baboy-ramo at hita ng patong bundok. Siguradong maglalaway si Basilio kapag nakita
ito!
Narrator: Habang naghahanda si Sisa ay siya naming pagdating ng kanyang asawa, si Pedro.
Pedro: Nagugutom ako, Sisa. Aba, ang sarap ng hinain mo ah. Matikman nga.
Sisa: Pero, Pedro sa mga…..
Narrator: Bago pa matapos ni Sisa ang sinsasabi ay nakain na ng kanyang sugapang asawa ang ulam.
Pakiramdam niya ay siya ang kinakain nito. Wala na lang siyang magawa kundi ang pigilan ang luha.
Pedro: Aalis na ako. (kinuha ulit ang panabong na manok)
Sisa: Hindi mo man lang hihintayin ang pagdating ng mga anak mo? Alam ko ay susweldo si Basilio
ngayong araw.
Pedro: Ah, ganun ba? Ipagtabi mo ako ng isang reales. Sige na at baka mahuli ako sa sultada ng tinali ko.
Narrator: Wala nang nagawa pa si Sisa. Sobra ang kalungkutan niya kaya’t pinasaya na lamang niya ang
sarili sa pagkanta. Nagluto na lamang siya ng natirang tatlo pang tawilis at tiniis ang kanyang gutom,
dahil alam niyang hindi na kakasya pa ang ulam sa tatlong katao. Nagulat na lamang siya dahil sa
sumunod na nangyari. Dumating si Basilio na humahangos.
Basilio: Inang! Inang! buksan po ninyo ang pinto!
(Nanginig sa takot si Sisa nang marinig ang tinig ng kanyang anak na parang humahangos kaya mabilis
netong binuksan
ang pinto. At mas lalo pa siyang natakot noong makita niya ang anak na may sugat at tigmak ng dugo ang
mukha.)
Sisa: Hesusmaryosep! Anong nangyari sa iyo, Basilio? (Tinignan kung may kasama si Basilio) At nasaan
ang iyong kapatid?
Basilio: Huwag kayong mag-alala Inang. Naiwan si Crispin sa kumbento.
(Sinara ni sisa ang pinto at Inalalayan ang anak at pinaupo)
Sisa: Bakit ka duguan? Naku naman
(Kinuha ni Sisa ang mga gamot at ginamot ang sugat ng anak)
Basilio: Ngayon lamang ako pinauwi ng Sakristan, Mayor dahil hindi daw ho ako makauuwi kung hindi
alas-diyes ng gabi. Bawal nang maglakad ng alas-nuwebe kaya’t noong nakasalubong ko ang mga guardia
civil sa bayan ay nagtatakbo ako. Pinaputukan po nila ako at isang punglo ang dumaplis sa aking noo.
Sisa: Mga walang puso talaga ang mga guwardiya sibil. Halika anak at ikay mag hapunan.
(Pagkatapos gamutin ni Sisa ang sugat ng anak ay pinakain na niya ang anak ng iniluto niyang tawilis.)
(hapagkainan)
Sisa: Pasensya ka na anak at tawilis lamang ang natira sa inyo. Naghanda ako ng masarap na ulam ngunit
kinain itong lahat ng inyong ama.
Basilio: Hindi ka po ba niya sinaktan?
Sisa: Huwag kang mag-alala. Hindi naman niya ako ginawan ng masama.
(Nagsimula ng kumain si Basilio)
Sisa: Bakit daw hindi makauuwi si Crispin?
Basilio: Pinarusahan po siya ng Sakristan Mayor dahil nagnakaw daw po siya ng dalawang onsa ng ginto.
Hindi naman siya nagnakaw talaga, ngunit hindi daw siya pauuwiin hanggang hindi niya daw iyon
ibinabalik.
Sisa: Mahabaging panginoon, kawawa naman ang aking bunso. Hindi naman ganoong tao ang anak ko.
(Tapos ng kumain si Basilio)
Sisa: Hayaan mo anak at kakausapin ko ang kura bukas. Matulog ka na at huwag mo nang isipin pa iyon.
(Kuwarto/nakahiga sa papag)
(Natulog na ang mag-ina sa kanilang papag. Saglit pa lamang nakaiidlip ay nanaginip si Basilio tungkol sa
kapatid.)
Basilio: (nakakunot ang noo at pailing-iling habang natutulog kasama ang nanay)
(Panaginip)
Padre Salvi: (may hawak na yantok) Walang galang na bata! Magnanakaw!
Crispin: (umiiyak at natatakot) Kura, maawa na po kayo sa akin. (magtatago sa likod ng Sakristan Mayor)
Sakristan Mayor: (ilalantad ang bata sa kura) Huwag kang magtago, hangal! Kasalanan mo iyan!
(Galit na galit ang Kura kaya’t pinaghahampas ang bata ng yantok.)
Padre Salvi: (pinapalo ang bata) Lapastangan ka, ha. Tingnan natin kung hindi mo pa ibalik ang ninakaw
mo!
Crispin: Hindi po ako ang nagnakaw! Maawa na po kayo! Ang Sakristan Mayor po ang nangnakaw!
Sakristan Mayor: (sasama na rin sa pagpalo) Huwag kang magbintang!
Crispin: Inay! Kuya! Tulungan niyo ako! Maawa na kayo sa akin! Inay! (hindi na makatiis at kinagat ang
kamay ng Kura)
Padre Salvi: (nabitawan ang yantok) Aray! Walang hiya kang bata ka!
Sakristan Mayor: (pinulot ang yantok at pinalo sa ulo ang bata)
Crispin: (nabuwal at napahiga)
Padre Salvi & Sakristan Mayor: (sinipa-sipa ang bata ngunit hindi na ito gumagalaw)
(Pagtatapos ng panaginip)
Basilio: (magigising at sisigaw) Crispin! (maiiyak ng sobra na ikinagising ni Sisa)
Sisa: Diyos ko, anak. Anong nangyari sa iyo? May problema ba?
Basilio: (umiiyak pa rin) Inay, ayoko na pong magsakristan. Sunduin niyo na po si Crispin bukas sa
kumbento at kunin ang Aking huling sahod. Ipakikiusap ko po kay Don Ibarra na tanggapin akong
tagapastol ng hayop nila. Paaralin niyo na po si Crispin kay Pilosopo Tasyo. Mabait si Don Crisostomo.
Baka bigyan pa po niya ako ng gatas na gustong-gusto ni Crispin o Kaya ay isang batang kalabaw. Pag
malaki na ako ay magsasaka ako at mag-aararo. Di ba mainam iyon, Inang? Pumayag Na kayo, huwag nyo
na po kami gawing sakristan.
Sisa: Oo,anak. Sige na, tumahan ka na. (yayakapin ang anak)