PAG-AANALISA NG TALUMPATI NG MGA NAGING PANGULO NG PILIPINAS BATAY SA GINAMIT NA PANGHALIP
MGA MANANALIKSIK BRENALYN BURGO BALGIMINO AMY ROSE ANN B. BANDERADA
PAGLALAHAD NG SULIRANIN Kabisaan ng paggamit ng paghalip sa talumpati Mga kapansin pansin sa panghalip na ginamit sa talumpati Uri ng panghalip ginamit ng Pangulo Mga pamamaraang ginawa ng Pangulo sa paglalahad ng kaniyang talumpati Mga rekomendasyon na maaaring ibigay ng mga mananaliksik
RESULTA NG PAGLALAHAD
RESULTA NG PAGLALAHAD
RESULTA NG PAGLALAHAD
RESULTA NG PAGLALAHAD
Pagkuha ng Datos at Pag- aanalisa Ang mga mananaliksik ay maghahanda ng mga gabay na tanong na siyang pagbabatayan ng isasagawang pagkuha ng mga kailangang datos para sa pag-aaral . Ang magpapatibay ng mga inihandang tanong ay ang mga panel. Matapos pagtibayin ang mga gabay na tanong ay hihingi ang mga mananaliksik ng pahintulot sa dekana ng Kolehiyo ng Edukasyon sa Pagtuturo upang masimulan na ang gagawing pagaanalisa sa ilang piling talumpati ng mga naging Pangulo batay sa gamit ng panghalip . Matapos makuha ang mga kailangang datos ay titipunin ang mga pahayag at lalagyan ng kategorya batay sa mga uri ng panghalip na kinabibilangan ng mga ito . Matapos magawan ng kaukulang interpretasyon gamit ang tekstuwal na pamaraan ng pagsusuri ay iuulat ng mga mananaliksik ang naging resulta ng kaniyang pag-aaral .
RESULTA NG PAGLALAHAD Kabisaan ng paraan nang paggamit ng panghalip sa ginawang talumpati ng Pangulo . N akita ang kabisaan ng paggamit ng panghalip bilang isang paraan upang magbigay ng impormasyon , maglahad ng suliranin , at magbigay ng solusyon . N akita ang kabisaan ng paggamit ng panghalip bilang paraan upang mapukaw ang atensyon ng tagapakinig at mambabasa . Sa paggamit ng panghalip nagiging personal at malapit ang ugnayan ng tagapagsalita sa kanyang mga tagapakinig . Ipinapakita nito ang pagkakaisa at pakikiisa ng lahat tungo sa iisang layunin o adhikain .
RESULTA NG PAGLALAHAD P inakamadalas gamiting uri ng panghalip ng mga Pangulo sa kanilang talumpati , at sa paanong paraan ng paglalahad nila ito ginamit A ng pinakamadalas gamiting uri ng panghalip ay ang panghalip panao tulad ng natin , ako , atin , ko , akin at kanila . ginamit ito bilang panghalili sa pangngalan ng tao mga taong tinutukoy sa pahayag. Ginamit ang mga panghalip panao upang tukuyin ang nagsasalita , kinakausap at pinag-uusapan sa pahayag. Ang mga panghalip panao ay ginamit sa paglalahad ng mga impormasyon , pamumuna , at sa pagbibigay ng sariling opinyon . Ang mga panghalip panao ay ginamit sa paglalahad ng layunin at pagbibigay ng utos .
RESULTA NG PAGLALAHAD Ka linawan ng paglalahad ng impormasyon ng mga Pangulo gamit ang panghalip sa kanilang talumpati . N agkaroon ng malinaw na paglalahad ng impormasyon sapagkat gamit ang panghalip ay maayos at malinaw na natukoy ang mga nais patungkulan sa talumpati o sa bawat pahayag na iniulat ng pangulo N aging malinaw ang paggamit ng mga paghalip sa paglalahad ng mga impormasyon sapagkat karamihan dito ay ginamit sa nararapat na gamit nito bilang panghalili sa mga pangngalan Ngunit sa ibang pahayag sa talumpati ay may mga pagkakataon na hindi naging malinaw ang nais ilahad na impormasyon dahil sa punto at may mga bahagi rin na hindi buo ang impormasyon na inilalahad gamit ang panghalip kaya ito ay hindi naging malinaw. N aging malinaw ang paglalahad ng karamihan sa mga pahayag gamit ang mga panghalip , subalit may ilang pahayag din malinaw man na nailahad ang impormasyon ngunit ginamit ang panghalip sa ibang pamamaraan .
RESULTA NG PAGLALAHAD Naging kapanipaniwala ang paliwanag ng mga Pangulo sa mga ginawa niyang aksyon o pagpapasya gamit ang mga panghalip Napapaniwala ang mga mananaliksik sa paliwanag ng dating pangulong Rodrigo Roa Duterte kaugnay sa mga ginawa niyang aksyon o pagpapasya gamit ang mga panghalip , sapagkat ginamit niya ang mga ito upang magbanggit ng mga panukala o batas, magpakita ng mga patunay , at magsalaysay ng kaniyang mga nagawa . Sa mga naging talumpati ng dating pangulong Arroyo, napapaniwala ang mga mananaliksik sa paliwanag ng pangulo sa kaniyang mga pasiya o aksyon gamit ang mga panghalip , sapagkat nakatulong ito upang bigyang diin ang mga aksyon o pasya at maging ang mga dahilan o layunin ng mga ito . Sa mga naging talumpati ni dating pangulong Benigno Aquino III, napapaniwala ang mga mananaliksik sa paliwanag ng pangulo sa kaniyang mga ginawang aksyon o pasya gamit ang mga panghalip . Ginamit ang mga panghalip upang mas tukuyin o bigyang diin ang mga aksyon na ginawa batay sa nilalaman ng mga pahayag,
RESULTA NG PAGLALAHAD Naging tulong ng mga panghalip sa paglalahad ng mga Pangulo sa kabuuan ng kanilang ulat sa bayan. Ayon sa ginawang pag-aanalisa ay nalaman ng mga mananaliksik na nakatulong ang paggamit ng mga panghalip ng mga pangulo sa paglalahad ng kanilang ulat sa bayan. Ang mga panghalip ay ginamit upang mas malinaw na mailahad ang kanilang nais iparating na upang mas madali itong nauunawaan ng mga tagapakinig at mambabasa , sa pamamagitan ng paggamit ng mga uri ng panghalip ay mas madali at maayos ang paglalahad nito . Ginamit ang mga panghalip na panao upang humalili sa mga pangalan ng tao upang hindi na ulit-ulitin ang pagbanggit ng mga pangalan at sa pamamagitan nito ay madaling nauunawaan kung sino ang nais tukuyin ng pangulo sa kaniyang mga pahayag.
RESULTA NG PAGLALAHAD Ang panghalip panaklaw ay nakatulong sa paglalahad ng mga ulat sa bayan ng mga pangulo sapagkat sa pamamagitan nito ay malinaw nilang naipapahayag na ang mga pananaw o prinsipyo nila ay unibersal at hindi limitado sa iilang tao o sitwasyon . Ang panghalip pananong ay nakatulong din bilang epektibong paraan ng pangulo na makapagbigay ng malinaw at kongkreto na impormasyon sa kanyang ulat sa bayan. Sa pamamagitan ng pagtatanong nailalahad ng mga pangulo ang mga detalye ng kanyang mga plano at programa sa paraang madaling maunawaan ng mga mamamayan . Ang panghalip pamatlig ay nakatulong din sa paglalahad ng mga pangulo bilang mahalagang kasangkapan . Sa pamamagitan ng paggamit ng panghalip pamatlig tulad ng " ito ", "iyan", at " iyon ", ay naipapakita ng pangulo ang mga partikular na programa , proyekto , o isyu na kanyang tinutukoy .
RESULTA NG PAGLALAHAD Kabuuan g k ahalagahan ng panghalip bilang sangkap na ginamit sa talumpati ng mga naging pangulo ng Pilipinas . Sa talumpati ng mga naging Pangulo ng Pilipinas , naging mahalagang sangkap ang ginamit na mga panghalip sapagkat sa tulong ng mga ito ay mas naging malinaw ang paglalahad ng mga pangulo at naging mabisa ang pagbabahagi at paghahatid ng mga kaisipan at kinakailangang impormasyon kaugnay sa kabuuang estado ng bansa . Naging mahalagang sangkap ang mga panghalip upang hindi na magpaulit-ulit ang pagbanggit ng mga pangngalan sa kanilang mga pahayag na maaaring magdulot ng kaguluhan sa nais iparating nito . N aging mahalagang sangkap ang mga panghalip sapagkat nagamit ito ng mga pangulo sa kanilang pagsasalaysay , paglalahad ng impormasyon at papapaliwanag . Ginamit ang panghalip upang magpakilala , magpasalamat o magparangal sa mga tao , magbigay o magpatupad ng kautusan bilang pangulo , magbigay puna , magtanong , manghikayat , magbigay ng solusyon , mangako , magbigay opinyon , mambatikos , magsermon at magbahagi ng adhikain para sa mamamayang Pilipino at sa bansa .
KONKLUSYON Napatunayang matapos ang ginawang tekstuwal analisis ng mga mananaliksik sa talumpati ng mga naging pangulo ng Pilipinas ay gumamit ng halos lahat ng uri ng panghalip sa pagsasagawa ng talumpati . Sa kabisaan naman ng paggamit ng panghalip ng mga pangulo napatunayang karamihan ng pahayag na ginamitan ng panghalip ay naging mabisa . Samantalang may ilan naman na hindi naging mabisa ang paraan ng paggamit ng panghalip . Kaugnay naman sa pinakamadalas gamiting uri ng panghalip , napatunayan na ang panghalip na panao ang pinakamadalas na ginamit sa talumpati ng mga pangulo . Nakita rin na ginamit ang mga panghalip panao sa iba’t ibang pamamaraan gaya ng pagsasalaysay , pagbibigay impormasyon at pagpapaliwanag .
KONKLUSYON Kaugnay naman sa paglalahad ng impormasyon gamit ang panghalip ay nakitang karamihan ng impormasyon sa talumpati ay malinaw na nailahad gamit ang panghalip . Subalit may ilang pahayag sa talumpating sinuri ay nakita na hindi naging malinaw ang paglalahad ng mga impormasyon gamit ang panghalip . Sa naging pagsusuri ng mga talumpati ay napapaniwala ang mga mananaliksik sa paliwanag ng mga pangulo sa ginawa nilang aksyon gamit ang mga panghalip sapagkat napatunayang ginamit ang panghalip sa pagbibigay-impormasyon gaya na lamang ng aksyong ginawa ng mga pangulo .
KONKLUSYON Napatunayang nakatulong ang panghalip sa paglalahad ng mga pangulo sa kabuuan ng kanilang ulat sa bayan. Nakita na ginamit ito sa mabisang paglalahad ng mga mahahalagang kaisipan at impormasyon . Kaugnay naman sa kahalagahan ng panghalip sa mga talumpati ng mga naging pangulo ng Pilipinas ay napatunayang mahalaga ito sa pagbibigay-linaw sa talumpati at kabisaan sa paghahatid nito sa mga tagapakinig o mambabasa .
REKOMNDASYON Rekomendasyon B igyang pansin at pagsikapang alamin at aralin ang kahulugan ng panghalip , lalong higit ang layunin at wastong paggamit nito . Nararapat na patuloy itong mapahalagahan bilang isa sa mahalagang bahagi ng pananalita na lubos na nakatutulong sa higit na pagbibigay linaw at pagsasaayos ng mga kaisipan at estruktura ng isang pangungusap o pahayag. At upang gaya ng ginagawa ng mga pangulo ay patuloy na magamit ng maayos at mabisa ang panghalip sa mga gawain gaya ng talumpati .