Akademikong Sulatin ayon sa Layunin, Gamit, Katangian at Anyo Aralin 2
Layunin ng Akademikong Pagsulat
Layunin ng Akademikong Pagsulat magkaroon ng wastong pangangalap ng impormasyon mula sa tiyak na sanggunian o pagmumulan ng datos makapagtalakay ng paksa sa kritikal na pamamaraan upang maipaliwanag sa mambabasa nang malinaw, organisado, obhetibo ang mga ideyang nais ipahatid at sa bahagi naman ng mambabasa ay malinang ang kritikal na pag-iisip
Layunin ng Akademikong Pagsulat makabuo at magpahayag ng malinaw na punto o pananaw na maaaring makahikayat sa mambabasa malinang ang kasanayan ng mag-aaral na makasulat ng iba’t ibang anyo ng akademikong sulatin
Layunin ng Akademikong Pagsulat pagpapabatid ng impormasyon sa pamamagitan ng pagsulat ng akademikong papel para sa tesis, papel siyentipiko at teknikal, lektyur, ulat, personal na propayl ng isang tao
Kalikasan ng Akademikong Pagsulat Pagpapaliwanag o depinisyon Pagtatala o Enumerasyon Pagsusunod-sunod Paghahambing at Pagkokontrast Sanhi at Bunga Suliranin at Solusyon
Kalikasan ng Akademikong Pagsulat Pag-uuri-uri o Kategorisasyon Pagpapahayag ng Saloobin, Opinyon at Suhestiyon Paghihinuha Pagbuo ng Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon
Pormal Ang mga ganitong uri ng sulatin ay pormal at hindi ginagamitan ng mga impormal o balbal na pananalita.
Obhetibo Ang layunin ng akademikong pagsulat ay pataasin ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa pagbasa at pagsulat sa iba’t ibang disiplina o larang.
May Paninindigan Ang akademikong pagsulat ay kailangang may paninindigan sapagkat ang nilalaman nito ay pag-aaral o mahalagang impormasyon na dapat idinudulog at dinepensahan, ipinaliliwanag at binibigyang katuwiran.
May Pananagutan Mahalagang matutuhan ang pagkilala sa mga sangguniang pinaghanguan ng mga impormasyon upang maiwasan ang plagiarism .
May Kalinawan Ang pagsulat ng mga impormasyon at ang pagpapahayag sa pagsulat ay direktibo at sistematiko .
Layunin sa Pagsasanay sa Akademikong Pagsulat
Layunin Makapagsagawa ng wastong pangangalap ng mga impormasyon at malikhaing pagsasagawa ng ulat.
Layunin Nagagamit ang mga kasanayan sa pagbasa sa pagsusuri ng iba't ibang uri ng teksto na magagamit sa mga gawain ng akademikong pagsulat.
Layunin Natatalakay ang paksa ng mga naisagawang pag-aaral ayon sa pananaw ng may-akda kasabay rin ang pag-unawa ng mag-aaral bilang mambabasa.
Layunin Nakapagsusuri at nakabubuo ng wastong konsepto mula sa tinalakay na paksa ng mga naisagawang pag-aaral.
Layunin Malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral para makasulat ng iba't ibang anyo ng akademikong sulatin.
Layunin Matukoy na ang Akademikong Pagsulat ay isang kurso na lumilinang sa pagiging inobatibo ng mag-aaral sa pagkakaroon ng mataas na pagkilala sa edukasyon.
Layunin Napahahalagahan at naiingatan ang mga nagawang sulatin sa pamamagitan ng paggawa ng portfolio
Anyo ng Pagsulat Paglalahad Pagsasalaysay Pangangatwiran Paglalarawan
Paglalahad Tinatawag din itong pagpapaliwanag na nakasentro sa pagbibigay-linaw sa mga nangyayari, sanhi at bunga, at magkakaugnay na mga ideya at pagbibigay ng mga halimbawa
Pagsasalaysay Nakapokus ito sa kronolohikal opagkakasunud-sunod na daloy ng pangyayaring aktwal na naganap.Isa pa ring pokus ang lohikal na pagsulat.
Pangangatwiran Ipinapahayag dito ang katwiran, opinyon o argumentong pumapanig o sumasalungat sa isang isyu na nakahain sa manunulat.
Paglalarawan Isinasaad sa panulat na ito ang obserbasyon, uri, kondisyon, palagay, damdamin ng isang manunulat hinggil sa isang bagay, tao, lugar at kapaligiran.