FSPL Aralin 4 - Sining ng Paglalahad (Replektibong Sanaysay)

EldrianLouieManuyag 0 views 53 slides Sep 26, 2025
Slide 1
Slide 1 of 53
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32
Slide 33
33
Slide 34
34
Slide 35
35
Slide 36
36
Slide 37
37
Slide 38
38
Slide 39
39
Slide 40
40
Slide 41
41
Slide 42
42
Slide 43
43
Slide 44
44
Slide 45
45
Slide 46
46
Slide 47
47
Slide 48
48
Slide 49
49
Slide 50
50
Slide 51
51
Slide 52
52
Slide 53
53

About This Presentation

Filipino sa Piling Larang: Akademik - Sining ng Paglalahat (Replektibong Sanaysay)


Slide Content

SINING NG PAGLALAHAD Inihanda ni : ELDRIAN LOUIE MANUYAG, LPT Guro sa FSPL

Sining NG PAGLALAHAD Ayon sa UP Diksiyonaryong Pilipino ( Binagong Edisyon , 2010 ), ang paglalahad ay isang detalyado at komprehensibong pagpapaliwanag ng isang bagay, pook , o ideya .

Sining NG PAGLALAHAD Ayon naman kay JOSE ARROGANTE (2000) sa kanyang aklat na Filipino Pangkolehiyo : Kasiningan , Kakayahan , at Kasanayan sa Komunikasyon , “Sa Ingles, ang paglalahad ay tinatawag na expository writing .

DAPAT TAGLAYIN NG ISANG PAGLALAHAD 1. Sapat na kaalaman o impormasyon sa paksang tinatalakay . 2. Ganap na pagpapaliwanag sa buong kahulugan . 3. Malinaw at maayos na pagpapahayag .

DAPAT TAGLAYIN NG ISANG PAGLALAHAD 4. Paggamit ng larawan , balangkas , at iba pang pantulong upang mapadali ang pag-unawa sa ipinaliliwanag . 5. Walang pagkiling na pagpapaliwanag ng anumang bagay na nasasaklaw ng tao .

sanaysay Inihanda ni : ELDRIAN LOUIE MANUYAG, LPT Guro sa FSPL

sanaysay Ang salitang sanaysay ay hango sa salitang Pranses na essayer na ang ibig sabihin ay “ sumubok ” o “ tangkilikin .” Yumabong sa mga sulatin ni Michael de Montaigne . ( Essais )

sanaysay Sa Asya , nagsimula ito sa pangunguna ni Confucius na sumulat ng Analects at ni Lao-Tzu na sumulat naman ng Tao Te Ching.

sanaysay Noon namang ika-14 na dantaon , nakilala si Yushida Kenko ng Hapon na may katha ng Tsurezuregusa o Mga Sanaysay sa Katamaran .

sanaysay Ayon kay Francis Bacon , ang sanaysay ay isang kasangkapan upang isatinig ang maikling pagbubulay-bulay at komentaryo sa buhay .

sanaysay Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ang salitang sanaysay ay nangangahulugang nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay .

Uri ng sanaysay

1. Pormal na sanaysay Ito ay nagbibigay ng patalastas sa isang paraang maayos at mariin at bunga ng isang maingat na pagtitimbang-timbang ng mga pangyayari at mga kaisipan . Siyentipiko o impersonal

2. imPormal na sanaysay Ito ay tinatawag ding pamilyar o personal, at nagbibigay-diin sa isang estilong nagpapamalas ng katauhan ng may- akda .

ASPEKTO PORMAL NA SANAYSAY IMPORMAL NA SANAYSAY Kahulugan Nagbibigay ng patalastas sa maayos, mariin, at lohikal na paraan. Tinatawag ding pamilyar o personal; nagpapakita ng damdamin at katauhan ng may-akda. Layunin Magpabatid, magpaliwanag, manghikayat gamit ang lohikal at obhetibong pagtalakay. Maglahad ng karanasan , saloobin , o kuro-kuro sa mas malayang estilo . Tono Obhetibo, seryoso, at impersonal. Subhetibo, magaan, madalas ay may halong biro o damdamin. Estilo Maingat at maayos ang pagkakabuo ; pormal ang wika . Malaya ang estilo; mas personal ang pagbabahagi. Wika Pormal, karaniwan ay teknikal o akademiko. Di-pormal, karaniwang wikang ginagamit sa araw-araw. Paksa Mabigat, makabuluhan, karaniwang panlipunan o pang-agham. Magaan, personal, o araw-araw na karanasan.

Gabay na tanong Bakit ka ba gumagamit ng salamin ? Para sa iyo , ano ang kabuluhan ng pagtingin ng iyong sarili sa salamin ?

Gabay na tanong Bakit mahalagang marunong tayong tumingin o mag- eksamin ng ating sarili ?

Gabay na tanong Anong akademikong sulatin ang humahasa sa ating kasanayan at kakayahang mag- eksamin ng mga pangyayari sa ating buhay at mabigyan ito ng kabuluhan ?

Replektibong sanaysay Inihanda ni : ELDRIAN LOUIE MANUYAG, LPT Guro sa FSPL

Replektibong sanaysay Isang uri ng sulatin kung saan ang manunulat ay nagbabahagi ng kanyang mga karanasan .

Replektibong sanaysay Ito ay pumapaksa sa mga pangkaraniwang isyu , pangyayari , o karanasan na hindi na nangangailangan pa ng mahabang pag-aaral .

Replektibong sanaysay Ibinabahagi dito ng manunulat kung ano-ano ang naging epekto o pagbabago sa kanyang sarili bunsod ng kanyang mga nagging karanasan sa buhay .

Katangian ng Replektibong sanaysay Anyo ng sulating pasalaysay na hindi lamang nakatuon sa husay ng paggamit ng estilo sa pagsulat bagkus ay sa pagsusuri ng salaysay na inilatag ng manunulat para sa mambabasa .

Katangian ng Replektibong sanaysay Isa itong paraan ng pagbuo ng bagong kaalaman patungkol sa pagkatao , lipunan , at mga isyu o paksa sa pagitan .

Katangian ng Replektibong sanaysay May kalayaan ang manunulat sa pagtalakay sa mga punto na karaniwang mula sa kanyang sariling karanasan o mga pangyayaring kanyang nasaksihan ( Baello, Garcia, Valmonte 1997 ).

layunin ng Replektibong sanaysay Ito ay naglalayong bigyang-katwiran , ipaliwanag , o suriin ang partikular na salaysay at palutangin ang halaga nito o ang maidudulot nito , depende sa layon ng manunulat , sa buhay ng isang tao at sa lipunan ( Arrogante, Golla, Honor- Ballena 2010 ).

Mga bahagi Inihanda ni : ELDRIAN LOUIE MANUYAG, LPT Guro sa FSPL

Mga bahagi ng replektibong sanaysay PANIMULA KATAWAN KONGKLUSYON

PANIMULA/ INTRODUKSIYON Naglalaman ng pagpapakilala o pagpapaliwanag ng paksa o gawain .

PANIMULA/ INTRODUKSIYON Ang manunulat ay maaaring magbahagi ng kanyang mga karanasan sa bahaging ito . Maaaring ipahayag nang tuwiran o di tuwiran ang pangunahing paksa .

PANIMULA/ INTRODUKSIYON Kailangang sa bahaging ito ay makuha ng manunulat ang atensiyon ng mambabasa .

Abril, 2005 nang makapagtapos ako ng kolehiyo , BSE, nagpakadalubhasa sa Filipino. May titser na sina Aling Auring at Mang Primo. Tandang- tanda ko pa ang butas ng karayom na aking pinasok sa pag-aaral . Labis man, sinuong ko ang bagyong signal kuwatro . Kung hihilahin pabalik ang nakaraan , ako'y karaniwang mag- aaral lamang noon na nagsikap makapasa sa entance exam sa RTU. Hindi kasi ako nakapasa sa EARIST. Isa rin ako sa kasamaang-palad na hindi umabot sa quota course ng PUP. Banta ko sa unibersidad na iyon , babalik ako ngunit wala akong duduruging anuman (may himig yata iyon ng pagka GMA telebabad ).

KATAWAN llalahad na ng manunulat sa bahaging ito ang naging epekto o bunga ng kanyang mga naging karanasan .

KATAWAN Ibabahagi ng manunulat kung ano-ano ang mga pagbabagong nangyari sa kanyang sarili .

KATAWAN Sa bahaging ito ay binibigyang halaga ang maigting na damdamin sa pangyayari .

KATAWAN Ito ay naglalaman ng malaking bahagi ng salaysay , obserbasyon , realisasyon , at natutuhan .

KATAWAN Ipinaliliwanag din dito kung anong mga bagay ang nais ng manunulat na baguhin sa karanasan , kapaligiran , o sistema .

Nakapasa ako . Namuhay ako nang apat na taon sa RTU. Nakipaghabulan ako sa mga propesor para sa ulat at grado . Naghabol din ako sa pasahan ng mga proyekto . Marami akong hinabol . Hinabol ko ang pagbubukas at pagsasara ng cashier at registrar. Maikli pa naman ang pila noon. Humabol ako sa mga kasamang kadete sa ROTC tuwing mahuhuli sa formation. Hinabol ko ang aking mga kamag-aral . Lahat sila ay aking hinabol at ako'y nakipaghabulan . Pati guwardiya ay hinabol na rin ako . Nalimutan ko kasi noon ang aking ID.

Sa dami nga niyon , hindi ako napagod sa paghabol upang marating ang finish line. Hindi sa pagmamalaki ay nakapagkamit ako ng karangalan - ang diploma ko. Binalikan ko rin ang PUP para sa aking programang master at doktorado . Doon ay nagpakapantas at nakipaghabulan sa isa pang laban . Isang hapon iyon nang ikuwento ko sa aking mga mag- aaral na nagpapakadalubhasa rin sa Filipino ang aking paghahabol . “Sir, kaya pala lagi kang pawisan sa harap ng klase ,” biro pa ng mga mambobolang Filipino major.

kongklusyon Gagawa ang manunulat sa bahaging ito ng paglalahat ng kanyang mga naibahaging karanasan .

kongklusyon Maaari ring magbahagi ang manunulat ng mga bagay na nais pa niyang baguhin sa kanyang sarili sa hinaharap .

kongklusyon Kinakailangang mag-iwan ng isang kakintalan sa mambabasa .

kongklusyon Dito na mailalabas ng manunulat ang punto at kahalagahan ng isinalaysay niyang pangyayari o isyu at mga pananaw niya rito .

“ Parati tayong may hinahabol . Iyon ay dahil sa may gusto tayong makamit . Ang mahalaga matapos ng paghahabol na iyon , alam mo kung kailan at saan ka babalik . Ako ay inyong guro pero babalik at babalik ako sa pagiging mag- aaral ko. May mga pagkakataong ako ang inyong mag- aaral . Natututo ako sa mga pinagdadaanan ninyo . Nakikita ko ang aking sarili ,” dagdag-hirit sa kanila . “Ok, klase , inabot na natin ang finish line. Magkikita tayo bukas .”

pagpapalalim

pagpapalalim 1. Ano ang mahalagang kasanayan ang nililinang sa pagsulat ng Replektibong Sanaysay ?

pagpapalalim 2. Bakit kailangang gumamit ng deskriptibong wika sa pagsulat ng Replektibong Sanaysay ?

pagpapalalim 3. Ano- anong mga bahagi ng Replektibong Sanaysay ang ating tinalakay ? Ano- ano ang nilalaman ng bawat bahagi ?

pagpapalalim 4. Sa anong aspeto ng buhay mo mapahahalagahan ang pagsulat ng Replektibong Sanaysay ? Ipaliwanag .

Gawain: pagsulat ng replektibong sanaysay PANUTO : Sumulat ng isang replektibong sanaysay (1,000 salita ) tungkol sa : Karanasan sa unang pag-ibig o pagkabigo Karanasan sa pandemya Una mong araw sa senior high school Karanasan sa tuloy-tuloy na pagbaha at bagyo Karanasan bilang isang anak

PAMANTAYAN DESKRIPSIYON PUNTOS Nilalaman Malalim, makabuluhan , at may malinaw na ugnayan sa paksa . Nagpapakita ng masusing pagninilay at may saysay ang mga pahayag . ___ /15 Koneksyon sa Sarili Malinaw ang ugnayan sa sariling karanasan . Nagpapakita ng tapat at malalim na personal na pagninilay at introspeksiyon . ___ /15 Estruktura Maayos at lohikal ang pagkakaayos ng simula, gitna, at wakas. Organisado ang daloy ng mga ideya. ___ /10 Wika at Estilo Wasto , angkop , at malikhain ang paggamit ng wika . Naipapahayag nang malinaw ang mga ideya at saloobin . ___ /10 KABUOANG PUNTOS ___ / 50

Maraming salamat! Inihanda ni : ELDRIAN LOUIE MANUYAG Guro sa FILIPINO