G4 AP Mga likas na yaman ng pilipinas.pptx

NecelynMontolo 16 views 32 slides Sep 11, 2025
Slide 1
Slide 1 of 32
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32

About This Presentation

May mga mahalagang makukuha


Slide Content

MGA LIKAS NA YAMAN NG PILIPINAS

LIKAS NA YAMAN - ang tawag sa anumang kapaki - pakinabang na bagay na makikita sa kapaligiran na hindi ginawa o binago ng tao. Nasa likas na anyo ang mga ito. - ang pinagkukunang-yaman (resources) ng mga tao.

- Anumang bagay-may buhay man o wala-ay nagiging pinagkukunang-yaman kung ito ay pinakikinabangan. - Patuloy ang paghahanap ng tao sa maaari niyang pagkunan ng yaman dahil sa mga pangangailangan na kailangan niyang tugunan habang siya ay nabubuhay.

- May mga likas na yaman na maaaring agad na mapakikinabangan. Halimbawa: prutas, gulay o kaya ay mga isda. - Maaari mang kainin ang mga ito agad o kaya naman ay dalhin sa pamilihan upang ibenta. - May mga likas na yaman na kailangan pang iproseso upang makabuo ng ibang produkto. - Halimbawa: troso mula sa puno na maaaring gawing muwebles, at mga yamang mineral na nakukuha at namimina mula sa lupa na ginagawang mga kasangkapan o kaya naman palamuti.

RENEWABLE - likas na yaman ay yaong nagagamit ngunit napararami kaya napapalitan din ang mga ito. May mga renewable na likas na yaman na sandaling panahon lamang matapos magamit ay agad napapalitan. Halimbawa: halaman, prutas, hayop tulad ng karne ng baka, baboy, at manok. URI NG LIKAS NA YAMAN

RENEWABLE

- Mayroon ding mga renewable na likas yaman na bumibilang ng taon bago mapalitan. Halimbawa: punongkahoy na ilang taon ang kailangan bago maging matandang puno na mapakinabangan ang troso. B -Bagaman napapalitan, maaaring maubos ang ganitong likas na yaman kung hindi matalinong mapangangasiwaan ang pagpaparami.

NON-RENEWABLE - ay mga yamang nauubos. Napapalitan din naman ang ilan sa mga ito ngunit milyong taon ang bibilangin bago ito natural na mapalitan kapag naubos. Halimbawa: fossil fuel na gamit sa paglikha ng enerhiya. -Nabubuo ang fossil fuel mula sa labi ng mga hayop at halaman milyong taon na ang nakalipas. Kung maubos ang mga fossil fuel, milyong taon ang bibilangin bago likas na makalikha nito.

NON-RENEWABLE

Ang mga RENEWABLE at NON-RENEWABLE na LIKAS NA YAMAN ay mahahati pa sa mga uri.

Yamang Lupa - ang tawag sa anumang likas na yamang nanggagaling sa mga anyong lupa. May iba't ibang anyong-lupa sa iba't ibang lugar sa Pilipinas na pinagmumulan ng mga yamang lupa. Ilan dito ang bundok, bulkan, burol, kapatagan, lambak, at talampas. H al. palay, gulay, asukal, prutas, kape, atbp. RENEWABLE NA LIKAS NA YAMAN

Yamang Lupa RENEWABLE NA LIKAS NA YAMAN

Yamang TUBIG -Sagana ang Pilipinas sa mga yamang tubig tulad ng mga isda. Matatagpuan sa Pilipinas ang may 3 212 uri ng isda kung saan 731 rito ay itinuturing na may halagang komersiyo, 468 uri ng mga korales, mga kabibe, mga perlas, at iba pang produktong dagat ang matatagpuan sa bansa. H al. isda, perlas, kabibe RENEWABLE NA LIKAS NA YAMAN

Yamang TUBIG RENEWABLE NA LIKAS NA YAMAN

Yamang GUBAT - dito nagmumula ang malalaking troso na ginagamit sa konstruksiyon. Ang mga kagubatan ang nagsisilbing tirahan ng mga hayop at halaman na karamihan ay sa Pilipinas lamang matatagpuan. RENEWABLE NA LIKAS NA YAMAN

Dipterocarp - Sa ganitong kagubatan makikita ang malalaking punongkahoy na pinagmumulan ng mga trosong tanguile, apitong, yakal, lauan, at mayapis. Ginagamit ang mga trosong ito upang makagawa ng tabla, muwebles, at iba pa. Pino o pine - Ang ganitong kagubatan ay karaniwang matatagpuan sa Benguet. Dito nakukuha ang mahahalagang sangkap sa paggawa ng turpentine. Sa pino rin makukuha ang resin na ginagamit sa paggawa ng barnis. YAMANG GUBAT

YAMANG GUBAT

Molave - Karaniwang matatagpuan sa matataas na lugar ang kagubatan na ito. Kahit sa tagtuyot, ito ay basa. Nakukuhanan ito ng mga tablang narra, ipil, tindalo, banuyo, dao, at molave. Bakawan o mangrove - Malapit ang ganitong kagubatan sa matutubig na lugar at mainam ito na panirahan ng mga isda. Ang mga kahoy na nakukuha rito ay ginagamit bilang panggatong at uling. Malumot o mossy - Matatagpuan ang ganitong kagubatan sa matataas na lugar, bulubundukin, at dalisdis. Makikita rito ang mga halamang pakô, mosses, at orchids na nagbibigay-proteksiyon sa lupa sa pagdausdos. YAMANG GUBAT

YAMANG GUBAT

Yamang ENERHIYA - ay likas na yamang ginagamit sa paglikha ng init, koryente, o anumang anyo ng enerhiya. Ang nalilikhang enerhiya ay ginagamit sa pagpapatakbo ng mga makina, pagawaan, at mga kagamitang elektroniko na mayroon sa mga pagawaan at tahanan. hal. geothermal, hydroelectric, solar, wind RENEWABLE NA LIKAS NA YAMAN

RENEWABLE NA LIKAS NA YAMAN

- Upang maproseso ang mga yamang enerhiya, may mga power plant na itinayo sa iba’t ibang panig ng bansa. - Ang enerhiya mula sa hangin o wind energy ay naaani sa pamamagitan ng mga windmill. Makikita ang malalaking windmill sa Bagui at Caparispisan sa Ilocos Norte. Makikita rin ito sa iba pang mga lugar sa bansa tulad ng makikita sa Oriental Mindoro, Guimaras, Aklan, at Pililla, Rizal.

- Ang enerhiyang geothermal naman ay nalilikha sa pamamagitan ng singaw (steam) ng lupa. May matatagpuang geothermal power plant sa Malitbog, Leyte, sa Sto. Tomas Batangas, at a Tiwi, Albay. - Nagmumula sa naman sa lakas ng daloy o bagsak ng tunog mula sa enerhiyang hydoelectric. Isa sa pinagmumulan ng enerhiyang hydroelectric ay ang Talon ng Maria Cristina sa Mindanao. - Ang tawag sa enerhiyang nililikha mula sa init ng araw ay enerhiyang solar (solar energy) noong 2017 nagbukas sa Sto. Tomas, Batangas.

YAMANG MINERAL - ay nakukuha sa ilalim ng lupa sa pamamagitan ng pagmimina. Ang mga ito ay nakadeposito sa ilalim ng lupa at nabubuo sa pamamagitan ng natural na proseso ng kalikasan. NON- RENEWABLE NA LIKAS NA YAMAN

Metal - mga mineral na metal ay makintab. Maaari itong maihulma sa pamamagitan ng init. Halimbawa: ginto, pilak, bakal, tanso, chromite, nikel, aluminyo, tingga, at platinum. YAMANG MINERAL Di- Metal - mga mineral na di-metal ay matitigas at tila malalaking tipak ng bato. Ang mga ito ay mahahalagang gamit din sa industriya at pagawaan. Halimbawa: asbestos, marmol, buhangin at silika, luwad, at asoge (mercury).

YAMANG MINERAL

YAMANG ENERHIYA - Ang mataas na konsumo ng enerhiya bunga ng pangangailangan nito sa mga aktibidad ng mga tao ay nakapagpapataas sa demand sa yaman na ito. Halos lahat ng gawain ng tao ay nangangailangan ng enerhiya kung kaya kailangang magpatuloy na may mapagkukunan nito. Bagaman may mga yamang enerhiya na likas na madaling mapalitan, may mga yamang enerhiya na ginagamit ang tao sa kasalukuyan na madaling nauubos subalit napakatagal bago mapalitan. NON- RENEWABLE NA LIKAS NA YAMAN

Ang yamang mineral na panggatong (fuel) ay pangunahing pinagkukunan ng mga enerhiya sa pabrika, mga sasakyan, at makina. YAMANG ENERHIYA Ang fossil fuel ay isa sa mga yamang enerhiya ng mundo na matagal bago malikh Sa Pilipinas, makikita ang planta ng fossil fuel o natural gas sa Iligan. Ito ay nabubuo mula sa labi ng mga hayop at halaman na nabuhay milyong taon na ang nakalipas. Kapag naubos ang mga fossil fuel, milyong taon din ang aabutin bago magkaroon muli nito.

Ang petrolyo ay nagmumula naman sa mga batong sedimentari (sedimentary rocks) sa lupa at tubig. Ang mga ito ay nagtataglay ng hydrocarbon at pinoproses upang makapagbigay ng elektrisidad. Ito rin ang karaniwang ginagamit sa pagpapatakbo sa mga makinarya at mga sasakyan. YAMANG ENERHIYA Ang gas at karbon (coal) ay mga uri ng panggatong. Ang gas ay ginagamit sa pagluluto at iba pang prosesong kailangan ng init. Ang karbon naman ay kadalasang ginagamit sa paglikha ng koryente. Mula rin ang karbon sa mga nabulok na mga organismo, halaman, at hayop milyong taon na ang nakalipas.

YAMANG ENERHIYA

Ang Pilipinas ay sagana sa mga likas na yaman na pinagkukunan ng mga pangangailangan ng mga tao. Anumang uri ng likas na yaman-renewable man o non-renewable-ang mga ito ay mauubos kung hindi matalinong mapangangasiwaan Isang hamon sa pamahalaan at sa mismong mamamayan ng bansa ang pagprotekta at pagpapanatili sa mga ito upang mapakinabangang mabuti.

"Sagutin Natin"
Tags