Panalangin
Panginoon, maraming Salamat po sa
ibinigay ninyong panibagong
pagkakataon upang kami ay matuto.
Gawaran mo kami ng isang bukas na
isip upang maipasok naming ang
mga aralin na makatutulong sa amin
sa pagtatagumpay sa buhay na ito.
Amen.
Basahin ang mga
pahayag sa ibaba.
Anong pag-uugali
ang ipinapakita?
Isabuhay ang
kagandahang-
asal
Huwag kutyain
Huwag
pagtawanan
ang sinuman
Ugaliing
gumamit ng
mabubuti at
magagalang na
salita
Huwag
mang-
insulto ng
sinuman
YUNIT 2: Ang Pagmamahal na kaya kong ibigay
ARALIN 2
Pagiging
Magalang
Paggalag
Ang paggalang ay pagkilala
sa dignidad ng tao anuman
ang kanyang katayuan sa
buhay – sosyal,
ekonomikal, o politikal.
Kabilang sa iba’t-ibang anyo ng
P
AGGALANG ang:
Paggalang sa sarili
Paggalang sa ibang tao
Paggalang sa relihiyon
Paggalang sa kalikasan
Paggalang sa batas
Narito ang ilang halimbawa ng paggalang na maaaring
ipakita o ipadama ng isang batang tulad mo
Sa iyong magulang:
-Ipakita mo sa kanila ang iyong pagmamahal sa
pamamagitan ng pagyakap o paghalik;
-Kausapin mo sila ng may paggalang at huwag mo silang
sasagutin
ng pabalang;
-Huwag humingi ng maraming bagay sa kanila;
-Huwag sumama ang loob kung hindi man nila nabili ang
mga bagay
na gusto mo; at
- Tumulong sa mga gawaing bagay.
Sa iyong mga kaibigan at kamag-aral:
- Iwasan ang pakikipag-away sa kanila;
- Laging isaisip na magkakaiba ang bawat
isa;
- Makinig sa kanila kung sila ay nag sasalita;
- Igalang mo ang mga bagay na kanilang
pag-aari;
- Matuwa o pahalagahan ang kanilang
mga nakakamit na karangalan
- Maging Mabuti sa mga batang nagmula
sa iba’t-ibang pangkat-etniko.
- Makinig sa opinion ng iba;
- Pahalagahan ang talent, tagumpay, at
mabubuting nagawa ng bawat isa;
- Huwag pagtawanan ang iba lalong-lalo
na ang mga nagmula sa pangkat-etniko
- Huwag tawagin ang iba ng kung ano-
anong pangalan.
- Tanggapin ang sariling kalakasan at
kahinaan ng iba.
- Bigyang halaga ang payo ng
magulang.
- Makinig at huwag sumabad
kapag may ibang kausap sina
nanay at tatay o iba pang
miyembro ng pamliya.
- Iwasan ang pagdadabog kapag
inuutusan
Paggalang sa iba’t-ibang lahi
-Huwag maging masyadong mataas ang
tingin sa sarili.
-Maging palakaibigan, iwasan ang diskriminasyon.
-Huwag husgahan ang iba batay sa
kanilang panlabas na anyo.
-Kilalanin ang mga tao sa pamamagitan
-Ng pakikisalamuha sa kanila.
-Magpakita ng interes sa mga tao at maging sa
sa kanilang kultura at pinagmulan.
-Maging handa sa pagtulong sa kanila kung mayroon
silang kailangan.
- Tanggapin ang kanilang pagiging katangi-tangi
Sa kalikasan:
- Ingatan ang mga halaman sa pamamagitan
ng pangangalaga sa mga ito;
- Tumulong sa pagtatanim ng mga
halaman o puno;
- Panatilihin ang kalinisan ng silid-aralan
at nang buong paaralan; at
- Iwasan ang magkalat at itapon ang
basura sa tamang basurahan.
Laging Tandaan
1.Ang bawat isa, anuman ang pisikal na anyo at
katayuan sa buhay ay karapat-dapat makatanggap ng
respeto.
2.Sa pagpapakita ng respeto o paggalang, hindi mo
dapat piliin ang mga taong igagalang mo o tingnan
ang kanilang katayuan sa buhay bago ka magbigay
ng respeto o paggalang.
3.Kung nais mong makatanggap ng respeto mula sa
iba, kailangan mo munag matutuhang magbigay ng
respetosa iyong kapwa.
4.Kung ikaw ay magpapakita ng paggalang at respeto
sa lahat ng pagkakataon, magdudulot ito ng
kasiyahan sa lahat.
Basahin ang kuwento. Alamin kung ano ang ginawa
nina Emmanuel at Anthony kay Pan Bangay.
Lumapit ka
Ang magpinsang sina Anthony at Emmanuel ay
kapwa mag-aaral sa Ikalimang Baitang sa St. Emilie
Learning Center. Ilang araw ng nagsisimula ang klase
kaya magkakilala na silang lahat sa klase.
Isang araw magkasabay na umating ang
magpinsan. Nakita nila ang isang bagong kaklaseng Ita
na nahihiyang pumasok. Nasa tabi siya ng pintuan
habang pinagbubulungan naman ng dalawang
kaklaseng lalaki. Sinaway sila ni Anthony, at sinabing,
“Huwag naman Brian. Huwag ninyong pagtawanan ang
Bago nating kaklase.” “Ano naman sa iyo? Kilala mo ba siya?” tugong patanong ni Brian. “Talaga namang nakakatawa siya ah,” ang dugtong ni Lito. “Tingnan
mo ang kulot na buhok at sarat n ilong,” ang sabi naman ng isa pang kaklaseng lalaki. “Oo nga,” sabad ng isa pa. “Tingnan mo, hindi marunong magsuot ng
uniporme. Baka sa pinanggalingan niya ay mga dahoon lang isinusuot. “Ha, ha, ha”. Tawanan ng lahat. Tumungo na lang ang batang maitim na lalo pang
sumiksik sa gilid ng pintuanna naluluha.
“Tumigil na kayong lahat. Isipin ninyo na tayong lahat ay pare-parehong mga anak ng Diyos. Tayong lahat ay pare-parehong Pilipino na may parehong
Karapatan. Nagkataon lang na doon siya sa kabundukan ipinanganak at tayo ay dito sa kapatagan. Isipin ninyo, kung tayo ang nasa kalagayan na
pinagtatawanan, gusto ba ninyo iyon?”. Ang mahabang paliwanagni Anthony. Natigilan ang lahatng kaklaseng nagtatawanan. Napahiya sila sa kanilang ginawa.
“halika, pumasok ka sa ating silid-aralan,” yaya ni Anthony, sa batang lalaking maitim na kulot ang buhok. “Ako si Anthony, at siya
naman an pinsan kong si Emmanuel. Ano ang pangalan mo?”
Nahihiya man ay sumagot ang batang maitim. “Pan Bangay ang ipinan sa akin ng akin ng mga magulang kong taga-Zambales.”
Isa-isa namang naglapitan ang iba pang bata at nagpakilala sa bagong kaklase.
Dumating ang guro nilang si Gng. Adela S. Galagar. Natuwa siya sa kanyang mga mag-aaral na marunong nang tumanggap ng
bagong kaklase. Pinuri niya silang lahat, lalo na ang magpinsang Anthony at Emmanuel.
Unawaing mabuti ang mga tanong at sagutin batay sa
binasa.
1. Sino ang bagong kaklase nina Anthony?
2. Ano ang kanyang anyo?
3. Sino-sino ang unang nakipagkaibigan sa batang ita?
4. Ano ang ginagawa ng mga kaklase sa batang maitim?
5. Ano ang sinabi ni Anthony sa mga kaklase?
6. Bakit dapat igalng ang mga taong nabibilang sa pangkat
atniko?
7. Kung ikaw si Anthony o si Emmanuel, ipagtatanggol mo rin ba
ang batang ito? Bakit?
8. Paano natin maipakikita ang pag-unawa at pagtulong sa isang
kaklaseng hindi agad tinatanggap at kinakaibigan ng mga
kaklase?